Mag-log in"Prepare your team, Agent Akihara. We're about to enter the club!"
NANG marinig iyon ni Ren ay palihim niyang sinulyapan ang iba pang kasamahan at patagong tumango sa mga ito, na ang ibig sabihin ay maghanda. Nasa loob sila ng club mga kasamahan ng gabing iyon at nagpapanggap bilang customers. Pasimple niyang kinapa ang Calibre 45 na nakatago sa leather jacket niyang suot habang malikot ang mga mata na sinusuyod ang paligid. May ilang bantay rin ang club na nagkalat sa loob na pawang armado, kaya naman inihanda niya ang sarili sa mga posibleng mangyari. Ilang saglit pa, ay nabulabog ang mga tao sa loob ng club nang pumasok ang NBI, kasama ang ilang pulis at nag-anunsyo ng raid. Si Ren at ang mga kasamahan naman niya ay maagap rin na nagsipagtayuan at tinututukan ang mga naroon. "Raid 'to! Walang kikilos ng masama sa inyo at sumama kayo ng matiwasay!" malakas na sigaw ng NBI agent na kasama nila sa operasyong iyon. "Itaas niyo ang inyong mga kamay at ilagay sa likod ng ulo!" mariin pa nitong sigaw. Sa labis na pagkabigla ay hindi nakahuma ang mga customers at empleyado ng Midnight Eden. Nahihintakutang tumalima ang mga ito at kaagad na itinaas ang kanilang mga kamay. Ngunit ang mga bantay ay agad nagpaputok dahilan upang magkagulo sa loob ng club. Nagkaroon ng palitan ng putok sa pagitan ng mga alagad ng batas at mga bantay. Mabilis namang nailabas roon ang mga hinuling customer na sa kabutihang palad ay hindi na nanlaban. Marahil ay sa takot na masangkot ang iniingatang pangalan sa ganoong uri ng kaguluhan. Halos mayayamang negosyante ang parokyano ng club. Ang ilan pa nga ay pawang mga dayuhan lang. Maging ang mga kababaihan na ibinubugaw ay maingat din na nai-rescue at ligtas na nailabas roon. Shit! Si Mr. Wong! mariing mura ni Ren habang nakikipagpalitan ng putok sa mga kalaban. Marahil ay naalarma na ito at naghahanap na ng paraan kung paano makatatakas. Maging ang nagsisilbing floor manager ay hindi rin niya makita roon. Binalingan ni Ren ang isa niyang kasamahan. "Agent Reyes, hahanapin ko si Mr. Wong. Backup-an mo 'ko!" utos niya rito saka siya lumabas sa pinagkukublihang pader at tinalunton ang daan patungo sa ikatlong palapag. Habang ang tauhan naman niya ay nakasunod sa likuran niya. Malikot ang mga mata ni Ren habang nakatutok ang baril sa pasilyo. Bawat sulok na madaanan ay hinahalughog niya. Ilang sandali pa nga ay namataan niya si Mr. Wong kasama ang floor manager at ilang mga tauhan na tumatakas at dumaan sa fire exit. Mabilis siyang humabol sa mga ito at naabutan niyang pababa na ang mga ito sa bakal na hagdan. "Hindi ka makakatakas, Mr. Wong! Magbabayad ka sa batas!" malakas na sigaw niya sa mga ito dahilan upang lingunin siya ng mga tauhan nito at puntiryahin. Ngunit mabuti na lamang at mabilis siyang nakailag. Nakipagpalitan siya ng putok sa mga apat na bodyguard nito at dahil sa bihasa siya sa ganoong larangan, madali niyang napatumba ang mga ito. Bakas ang takot sa mukha ni Mr. Wong nang maabutan niya ito. Maging ang babaeng manager na kasama nito ay bakas rin ang matinding takot. Tinutukan niya ng baril si Mr. Wong habang pababa siya ng hagdan. Samantalang ang tauhan naman niya ay nakaalalay sa kanyang likuran. "Mr. Wong, sumuko ka na at pagbayaran ang mga kasalanan mo!" mariing utos ni Ren sa matandang Intsik na noon ay tila naestatwa dahil sa takot. "Napakaraming buhay ng kababaihan ang sinira mo! Ikaw at ng mga kasamahan mo sa negosyo. Hindi na kayo naawa! Ang gusto lang naman ng mga babaeng 'yon ay makapagtrabaho pero ginamit mo sila sa mga kademonyohan mo! Dapat kang mabulok sa kulungan!" galit na sigaw niya habang nakatutok ang baril dito. "H-have mercy on me! 'Wag mo ako huli! I'll pay you, just don't arrest me! I don't want to go to in jail!" pagmamakaawa pa nito sa kaniya. Sa narinig ay lalong nagpuyos ang kalooban niya sa galit. "Patatawarin lang kita, Mr. Wong kung maibabalik mo sa dati ang mga buhay na sinira mo! Kaya mo ba, ha?!" Subalit hindi na sumagot ang matandang Intsik at sa halip, mabilis itong bumunot ng baril at kaagad siyang pinaputukan. Pero maswerte niyang nailagan iyon, at mabilis siyang gumanti ng putok. Inasinta niya ito sa binti dahilan upang mapaluhod ito at mabitawan ang hawak na baril. Hindi na ito nakapanlaban pa. Maging ang babaeng kasama nito ay tila natulala dahil sa matinding takot. Kaagad niyang inaresto ang mga ito at isinakay sa mobile car ng pulis kasama ng mga nahuli. "Good job to you and to your team, Agent Akihara! Dahil sa iyo, isa na namang illegal club ang naipasara natin. Bukod pa roon, ay nasagip natin ang mga kababaihang ibinubugaw ng hayop na Intsik na iyon!" saad ng Hepe ng kapulisan na katuwang nila sa raid na iyon. "Please, also tell to Mr. Vargas that Orion Strategic Services is very reliable because of having a great team." Nakipagdaop-palad pa hepe kay Ren pagkasabi niyon. He gladly accepted the chief's handshake. "Thank you, Chief. We're just doing our job," tugon naman niya sa hepe. "Anyway, mauna na ako sa iyo hijo, at kailangan nang masampahan ng kaso ang mga ito at nang maikulong na," wika nito na ang tinutukoy ay ang mga dinakip. "Okay, Chief. Take care!" sagot n'ya rito saka sumaludo.Napatango-tango si Ren pagkatapos pasadahan ng tingin ang bagong gawa niyang identity na gagamitin niya sa bagong misyon. Gumawa rin siya ng pekeng account sa ilang social media sites upang suportahan ang fake identity niya. Sa bago niyang identity, siya si Raymond Valdez, twenty-three years old, at isang freelance model at singer. Siyempre pa, kalakip ng pangalang iyon ang mga identification card at driver's license upang maging kapani-paniwala. Nag-unat muna ng mga braso si Ren dahil pakiramdam niya ay nangalay siya sa matagal na pagtitipa sa laptop. Isinandal rin niya ang likod sa kinauupuang office chair. Matapos niyon ay binalingan niya ang wall clock na nasa harapan lamang niya. 4:30 PM. Napangiti siya nang makita ang oras. Thirty minutes na lang kasi at matatapos na ang trabaho niya. Hindi kasi niya malaman kung bakit pakiramdam niya ay napagod siya nang husto nang araw na iyon na kung tutuusin ay wala naman siyang ginawa maghapon kundi umupo lang at humarap sa laptop
"TELL ME your reason, kups, kung bakit mo kinupkop si Kiara Mendoza?"Kunot-noong pinukol ng tingin ni Ren Akihara ang kaibigan."Kanino mo ba kasi nalaman 'yan?" inis pa niyang tanong.Ngumisi nang nakakaloko si Damon Reyes sa kaniya saka inikot-ikot ang swivel chair na kinauupuan nito."Ayon sa report, labing-anim na babae ang nagtatrabaho sa The Hidden Paradise, pero labinlima lang ang na-rescue. Ang babaeng nagngangalang Kiara Mendoza ay nawawala. Na ayon pa sa report, isang Japanese businessman daw ang naka-bid sa babae... which is ikaw."Mukhang wala na 'kong ligtas, ah?Bumuntong-hininga si Ren saka sumandal sa kinauupuan. Pinagkrus pa niya ang mga braso sa dibdib habang matamang nakatingin sa kaibigan."Tinulungan ko siya noong gabing 'yon dahil siya ang bina-bid ng mga hayop na naroon. I saw the fear in her eyes, bro, at hindi ko kayang manood lang habang may inosenteng nangangailangan ng tulong ko.""I got your point, bro, pero alam mo ang batas. Hindi mo dapat siya kinupkop
"Mayroon akong stage 4 cancer, Kiarah. Huli na nang ma-diagnose dahil hindi nagpakita ng anumang sintomas ang sakit ko. At may... may anim na buwan na lamang ako para... para mabuhay."Natigilan si Kiarah sa mga narinig.Ilang sandali rin siyang nakatingin lamang kay Alvin at hindi nagsasalita.Hindi kasi niya maiproseso sa isip ang sinabi ng matalik niyang kaibigan."H-Hindi! Hindi ako naniniwala sa'yo, Alvin! Huwag mo akong biruin!" maya-maya ay galit niyang sigaw rito habang panay ang pag-iling.Isa-isa na ring naglaglagan ang mga luha niya habang nakatunghay sa malungkot na mukha ng kaibigan.Ramdam rin ni Kiarah ang pagkirot ng dibdib na tila ba tinutusok ng libo-libong karayom—walang kasinsakit."Kung sana'y panaginip lang ang lahat, Kiarah. Matagal ko nang ninais na magising sa bangungot na ito..."NANG araw na malaman ni Kiarah ang tungkol sa kalagayan ng kaibigan, buong magdamag siyang umiiyak na labis namang ipinagtaka ng kanyang Nanay.Subalit sinabi na lamang niya na masay
"TALAGA, mahal ko? Papayag kang bumalik ako sa Maynila upang magtrabaho?" nasisiyahang tanong ni Kiarah sa asawa.Masuyong ngumiti ang kanyang mister saka hinaplos siya sa buhok."'Yan ang nais mo, hindi ba? Alam kong hindi ka papayag sa nais kong dito na lamang manatili at ako na ang bubuhay sa pamilya mo. May sarili kang paninindigan simula noong mga musmos pa tayo."Hindi mapigilang mapayakap ni Kiarah sa asawa saka sumandig sa balikat nito na lagi niyang ginagawa simula pa noon."Maraming salamat, mahal ko. Talagang napakabuti mo," nakangiting saad niya rito.Subalit maya-maya rin ay nabura ang mga ngiti niyang iyon nang maalala ang kalagayan ng asawa."May problema ba, mahal ko?" nag-aalalang tanong pa ni Alvin sa kaniya saka pilit pa siyang iniharap upang magpanagpo ang kanilang mga mata.Sinalubong ni Kiarah ang masuyong tingin ni Alvin subalit agad din siyang nagbaba ng tingin nang makaramdam ng konsensya dahil sa desisyon niyang lumuwas muli sa Maynila."Pero paano ka, mahal
MAHIGIT isang linggo na nang pinayagan ni Ren Akihara na umuwi sa probinsiya si Kiarah. Pero ang ipinagtataka niya, hindi pa rin ito bumabalik. Ni tawag at text ay wala siyang natatanggap mula sa babae. Babalik pa kaya siya? Kung hindi na, sana man lang magsabi siya, isip-isip ni Ren habang nakatingin sa numero ni Kiarah na naka-save sa kanyang cellphone. Nagdadalawang-isip kasi siya kung tatawagan niya ito o hindi. Sa katunayan, hindi malaman ni Ren kung bakit may kung anong bahagi ng pagkatao niya ang hindi mapalagay dahil hindi niya kasama ang babae. Pero sa palagay niya, dahil iyon sa halos isang buwan nilang magkasama ay nasanay na siya sa presensya nito. Sigurado rin siyang hindi iyon dahil sa perang naitulong niya rito. Maliit lang naman kasi ang halaga noon. Sa katunayan, totoo ang sinabi ni Melody na ayaw niyang may kasama sa condo unit. Ayaw kasi niya ng may istorbo kapag may importante siyang ginagawa, o kaya naman ay may sagabal kapag nag-uuwi siya ng m
"MALIGAYANG bati sa inyo, Alvin at Kiarah. Noon pa ma'y talagang gustong-gusto na kita, Alvin para sa aking anak. Alam ko kasing mabuti kang tao. Nawa'y magsama kayo nang maligaya at puno ng pagmamahalan sa isa't isa." "Maraming salamat po, Nay Rebecca," nakangiting saad ni Alvin sa biyenan saka niya binalingan ang asawa. "Iingatan ko po ang inyong anak," dagdag pa niya saka masuyong ngumiti rito. Gumanti rin naman sa kaniya ng ngiti si Kiarah—isang napakagandang ngiti—saka kumawit sa kaniyang braso nang may paglalambing. "O, tayo na't naghihintay na ang mga bisita sa pagdating ninyong mag-asawa. Masayang-masaya sila dahil kayo raw ang nagkatuluyan," anang Nanay Rebecca saka hinatak sa kamay ang anak. "Nay, mauna na po kayo. May pag-uusapan lang po kami ni Alvin. Pakisabi na lang po sa mga bisita na susunod na kami," saad ni Kiarah sa ina. Tumango naman ito saka lumabas sa kanilang silid. Naroon sila sa kanilang bahay dahil doon nila napagdesisyunan ni Alvin na isagawa ang pagti
NAPANGISI si Ren Akihara nang marinig ang halinghing ni Chloe, kaya naman mas lalo niyang ginalingan ang pagsisip sa pagkababae nito. Nakahawak pa siya sa magkabilang hita ng babae habang walang tigil sa pagpapaulan ng laway sa korona ng dalaga. "Damn! You're makin' me crazy, baby... Ugh! Damn it
"Kondisyon? Ano naman iyon?" "Pakasalan mo ako." Hindi siya makapaniwala sa narinig. Muntikan pa nga siyang mahulog sa kinauupang ugat ng puno dahil sa matinding pagkabigla. Nanlalaki ang mga matang pinagmasdan ni Kiarah ang kaibigan at saka kumurap-kurap pa na tila nanaginip. "A-Anong k-kasal
"ANAK?! Kiarah!" malakas na bulalas ng kanyang Nanay Rebecca nang ibaba si Kiarah sa harapan ng kanilang bahay. Kasalukuyang nagbibilad ang ina niya ng mga pinatuyong isda sa isang malaking bilao. "Nanay!" Mabilis na tumakbo si Kiarah patungo sa ina saka ito niyakap. Naramdaman din niya ang pa
"Musuko, yokatta! Kaette kite kurete! Hontō ni aitakatta wa. (Anak, mabuti naman at nakauwi ka na! Na-miss talaga kita.)" bulalas ng kanyang Mommy nang makita siya. Napangiti naman si Ren nang marinig iyon. Sinalubong niya ang yakap ng ina at saka yumapos rin nang mahigpit. "Mama, boku mo hontō n







