Mag-log inALAS-OTSO nang umaga nang makauwi si Ren galing OSS. Pag-doorbell niya sa pinto ng sariling condo ay bumungad sa kanya si Kiarah na pawis na pawis. Bahagya ring humapit ang manipis na t-shirt nito sa katawan, dahilan para muling bumakat ang nipples nito.
Damn, Kiarah! Please lang, he said in his mind while looking at the innocent girl in front of him. Nabuhay na naman kasi ang pagkalalaki niya sa nakatutuksong tanawin na iyon. Lihim rin siyang napailing nang maalalang wala nga pala itong undies at tanging ang t-shirt at boxer shorts lamang niya ang suot nito. Samantalang si Kiarah naman ay walang kaalam-alam sa nangyayari. "Ay, Sir! Mabuti at nakauwi na kayo," nakangiting bati ni Kiarah nang pagbuksan ang amo. Hindi naman sumagot ang lalaki kaya't sinundan na lamang niya ito ng tingin nang maupo ito sa sofa saka sumandal at pumikit. Bakas rin sa mukha ng kanyang amo ang matinding pagod at puyat habang pinagmamasdan ni Kiarah. Kawawa naman si Sir, mukhang pagod na pagod. Kumusta kaya ang trabaho n'ya? "Sir, kumain na ba kayo? Nagluto ako ng almusal para sa inyo," alok pa ni Kiarah sa binatang amo pagkuwan. Dumilat naman ito pagkarinig niyon kung kaya't nahuli siya ng lalaking nakatingin. Napapahiya namang nagbaba na lang ng tingin si Kiarah dahil doon. Ikaw talaga, Kiarah! Kabastusan iyang ginagawa mo! lihim pa niyang saway sa sarili. "I'm okay. Nag-breakfast na ako," wika nito pagkatapos ay hinubad ang sapatos at jacket na suot. "How are you? Ano'ng pinagkaabalahan mo habang wala ako?" "Naglinis ako ng bahay, Sir, at saka naglaba ng mga damit. Napansin ko kasing marami kayong labahin." Iyon kasi ang usapan nila ng lalaki—ang mamasukan siya rito bilang kasambahay. Nasiyahan rin siya nang husto nang malamang mataas ang kanyang magiging suweldo, idagdag pang doon na siya pinatitira ng lalaki dahil mayroon namang bakanteng silid doon. Bukod pa roon, ipinangako pa ng kanyang mabait na amo na tutulungan nito ang Nanay at mga kapatid niya sa probinsya. Kung kaya't para kay Kiarah, talagang hulog ng langit ang lalaki dahil sa kabutihang-loob nito. "Okay, good. I'm glad na madali kang matuto sa mga itinuro ko sa'yo," anang Ren na ang tinutukoy ay ang pagtuturo nito kay Kiarah kung paano gumamit ng mga de-kuryenteng kasangkapan. "Anyway, nakalimutan pala kitang bilhan ng personal things mo. I was too busy with work. Kung puwede, ikaw na lang ang bumili. Kaya mo ba?" Sandaling nag-isip si Kiarah. Nagdadalawang-isip kasi siya sa ideyang iyon. Wala pa siyang isang buwan sa Metro City at hindi pa niya gaanong kabisado ang lugar, maging ang transportasyon. Isa pa, natatakot rin siyang baka makita siya ng isa sa mga tauhan ni Mr. Wong. Ayaw na niya pang bumalik sa masalimuot na club na iyon. "Okay, sasamahan na lang kita. Pero bukas na lang siguro o mamaya. I need to sleep. I'm so tired," suhestyon naman ni Ren. Napansin kasi niya ang pag-aalinlangan sa mukha ng babae. Marahil ay natatakot itong mag-isa dahil sa hindi magandang experience nito sa siyudad. "And don't worry, Kiarah. Nakakulong na ang Mr. Wong na 'yon. Nasagip na rin ang mga kasamahan mo kaya wala ka nang dapat pang ipag-alala." Sa narinig ay hindi mapigilang mapatalon ni Kiarah sa tuwa. Talaga namang tinupad ng lalaki ang pangako nito sa kaniya. "Maraming salamat, Sir Ren. Ang totoo nga'y hindi ko rin mapigilang mag-alala para sa kanila. Mabuti na lamang at nariyan kayo," nagagalak niyang tugon matapos maalala ang mga dating kasamahan sa club. "Ginagawa ko lang ang trabaho ko, Kiarah, na sa palagay ko ay tama." Tumayo na ang lalaki pagkasabi niyon. "I need to sleep. Don't disturb me, okay? 'Wag mo na rin akong gisingin para kumain. Kakain ako kapag nagutom," paalala pa nito. "Okay, Sir." Ilang minuto ring abala si Kiarah nang makarinig ng pag-doorbell. "May bisita kaya si Sir Ren? Pero wala naman siyang ibinilin sa'kin," takang tanong niya sa sarili. Mabilis niyang tinungo ang pinto dahil muling tumunog ang doorbell, na sa pagkakataong iyon ay sunod-sunod na. Pinindot muna niya ang aparato na nag-uugnay sa labas ng pinto saka tiningnan sa screen kung sino ang panauhin. At nang makitang isa itong babae ay nabuhay ang kuryosidad niya. Sino kaya siya? Nobya kaya siya ni Sir? "Sino po kayo, Ma'am?" magalang na tanong ni Kiarah sa monitor. "What the hell?! Who are you?!" galit na sagot nito na ikinagulat niya. Ang sungit naman! "E, Ma'am, kayo po ang—" "Ako na, Kiarah. She's my visitor." Naputol ang sana'y sasabihin ni Kiarah nang maulinigan sa kanyang likuran ang tinig ni Ren. Hindi na siya nakapagsalita nang ito na mismo ang magbukas sa pinto. "Who are you, bitch? What are you doing here?" mataray na tanong ng isang magandang babae kay Kiarah nang tuluyang makapasok. "'Di mo ba 'ko kilala, huh?" "Hey! Stop it, Selena. She's my maid," inis na sita naman ni Ren sa babae. Alam kasi n'yang inaatake na naman ito ng selos. "Maid? Duh? I thought ayaw mong may kasama sa bahay? Are you kidding me?" maarte pang sagot nito habang nakapamaywang pa sa harap ni Kiarah. Hindi naman kumibo si Kiarah at nanahimik na lamang. Ngunit sa loob-loob niya, gusto niyang hilahin ang mahabang buhok nito dahil sa gaspang ng pag-uugali. Tse! Maganda nga pero kabaliktaran naman ang ugali! Pinigil ni Ren ang tuluyang mainis kay Selena. May usapan kasi silang magpupunta ito sa condo niya ng araw na iyon. Kung 'di pa nga nag-text ito na on the way na, ay hindi n'ya iyon maaalala. Ayaw rin n'yang mag-walk out ito. Ganoon kasi ang ugali ng babae kapag may hindi gusto. He needs Selena, especially her body. Lalo ngayong nararamdaman na naman niya ang matinding pananabik sa sex. Selena is one of his flings, na hindi rin naman lingid sa kaalaman nito. Wala rin silang relasyon, pero kung minsan, daig pa nito ang girlfriend kung magselos. "Love, I thought you wanted to spend time with me?" malambing na tanong ni Ren sa babae at saka hinapit ito sa baywang nang mahigpit. Alam kasi niyang kapag ganoon siya ay agad lumalambot ang babae. Hindi na rin niya alintana kung nakikita man ni Kiarah iyon. "Come on, let's go to my room. My bed is waiting for you, love," bulong pa niya sa tenga ng babae na ikinangiti nito. Gumanti rin ito ng yapos saka hinalikan siya nang matagal sa labi. Si Kiarah naman ay nakaramdam ng hiya habang pinanonood ang mga ito. Gustuhin man niyang tumalikod at iwan ang mga ito ay hindi niya magawa. Ayaw kasi niyang magmukhang bastos. At isa pa, nalulungkot rin si Kiarah nang malamang ganoon ang pag-uugali ng nobya ng kanyang mabait na amo. Aaminin niyang bagay ang mga ito kung panlabas na anyo ang pag-uusapan. Maganda kasi ang babae. Matangkad, may magandang katawan at mukhang mayaman. Subalit ayaw lamang niya ang ugali nito, na kung tingnan siya ng babae kanina ay para bang isa lamang siyang basura. Talagang walang nagagawa ang pera upang gamutin ang masamang pag-uugali ng tao, isip-isip ni Kiarah habang palihim na pinagmamasdan ang dalawa. "Let's go, love. I'm craving for you," bulong pa ng babae, na hindi naman nakaligtas sa pandinig ni Kiarah. Magkayap pang tumalikod ang mga ito, ngunit bago pa tuluyang makalayo ang dalawa ay muli pa itong lumingon kay Kiarah saka siya pinukol ng masamang tingin. Hindi na lamang ito pinansin pa ni Kiarah at ipinagpatuloy na lamang ang naantalang gawaing bahay.Napatango-tango si Ren pagkatapos pasadahan ng tingin ang bagong gawa niyang identity na gagamitin niya sa bagong misyon. Gumawa rin siya ng pekeng account sa ilang social media sites upang suportahan ang fake identity niya. Sa bago niyang identity, siya si Raymond Valdez, twenty-three years old, at isang freelance model at singer. Siyempre pa, kalakip ng pangalang iyon ang mga identification card at driver's license upang maging kapani-paniwala. Nag-unat muna ng mga braso si Ren dahil pakiramdam niya ay nangalay siya sa matagal na pagtitipa sa laptop. Isinandal rin niya ang likod sa kinauupuang office chair. Matapos niyon ay binalingan niya ang wall clock na nasa harapan lamang niya. 4:30 PM. Napangiti siya nang makita ang oras. Thirty minutes na lang kasi at matatapos na ang trabaho niya. Hindi kasi niya malaman kung bakit pakiramdam niya ay napagod siya nang husto nang araw na iyon na kung tutuusin ay wala naman siyang ginawa maghapon kundi umupo lang at humarap sa laptop
"TELL ME your reason, kups, kung bakit mo kinupkop si Kiara Mendoza?"Kunot-noong pinukol ng tingin ni Ren Akihara ang kaibigan."Kanino mo ba kasi nalaman 'yan?" inis pa niyang tanong.Ngumisi nang nakakaloko si Damon Reyes sa kaniya saka inikot-ikot ang swivel chair na kinauupuan nito."Ayon sa report, labing-anim na babae ang nagtatrabaho sa The Hidden Paradise, pero labinlima lang ang na-rescue. Ang babaeng nagngangalang Kiara Mendoza ay nawawala. Na ayon pa sa report, isang Japanese businessman daw ang naka-bid sa babae... which is ikaw."Mukhang wala na 'kong ligtas, ah?Bumuntong-hininga si Ren saka sumandal sa kinauupuan. Pinagkrus pa niya ang mga braso sa dibdib habang matamang nakatingin sa kaibigan."Tinulungan ko siya noong gabing 'yon dahil siya ang bina-bid ng mga hayop na naroon. I saw the fear in her eyes, bro, at hindi ko kayang manood lang habang may inosenteng nangangailangan ng tulong ko.""I got your point, bro, pero alam mo ang batas. Hindi mo dapat siya kinupkop
"Mayroon akong stage 4 cancer, Kiarah. Huli na nang ma-diagnose dahil hindi nagpakita ng anumang sintomas ang sakit ko. At may... may anim na buwan na lamang ako para... para mabuhay."Natigilan si Kiarah sa mga narinig.Ilang sandali rin siyang nakatingin lamang kay Alvin at hindi nagsasalita.Hindi kasi niya maiproseso sa isip ang sinabi ng matalik niyang kaibigan."H-Hindi! Hindi ako naniniwala sa'yo, Alvin! Huwag mo akong biruin!" maya-maya ay galit niyang sigaw rito habang panay ang pag-iling.Isa-isa na ring naglaglagan ang mga luha niya habang nakatunghay sa malungkot na mukha ng kaibigan.Ramdam rin ni Kiarah ang pagkirot ng dibdib na tila ba tinutusok ng libo-libong karayom—walang kasinsakit."Kung sana'y panaginip lang ang lahat, Kiarah. Matagal ko nang ninais na magising sa bangungot na ito..."NANG araw na malaman ni Kiarah ang tungkol sa kalagayan ng kaibigan, buong magdamag siyang umiiyak na labis namang ipinagtaka ng kanyang Nanay.Subalit sinabi na lamang niya na masay
"TALAGA, mahal ko? Papayag kang bumalik ako sa Maynila upang magtrabaho?" nasisiyahang tanong ni Kiarah sa asawa.Masuyong ngumiti ang kanyang mister saka hinaplos siya sa buhok."'Yan ang nais mo, hindi ba? Alam kong hindi ka papayag sa nais kong dito na lamang manatili at ako na ang bubuhay sa pamilya mo. May sarili kang paninindigan simula noong mga musmos pa tayo."Hindi mapigilang mapayakap ni Kiarah sa asawa saka sumandig sa balikat nito na lagi niyang ginagawa simula pa noon."Maraming salamat, mahal ko. Talagang napakabuti mo," nakangiting saad niya rito.Subalit maya-maya rin ay nabura ang mga ngiti niyang iyon nang maalala ang kalagayan ng asawa."May problema ba, mahal ko?" nag-aalalang tanong pa ni Alvin sa kaniya saka pilit pa siyang iniharap upang magpanagpo ang kanilang mga mata.Sinalubong ni Kiarah ang masuyong tingin ni Alvin subalit agad din siyang nagbaba ng tingin nang makaramdam ng konsensya dahil sa desisyon niyang lumuwas muli sa Maynila."Pero paano ka, mahal
MAHIGIT isang linggo na nang pinayagan ni Ren Akihara na umuwi sa probinsiya si Kiarah. Pero ang ipinagtataka niya, hindi pa rin ito bumabalik. Ni tawag at text ay wala siyang natatanggap mula sa babae. Babalik pa kaya siya? Kung hindi na, sana man lang magsabi siya, isip-isip ni Ren habang nakatingin sa numero ni Kiarah na naka-save sa kanyang cellphone. Nagdadalawang-isip kasi siya kung tatawagan niya ito o hindi. Sa katunayan, hindi malaman ni Ren kung bakit may kung anong bahagi ng pagkatao niya ang hindi mapalagay dahil hindi niya kasama ang babae. Pero sa palagay niya, dahil iyon sa halos isang buwan nilang magkasama ay nasanay na siya sa presensya nito. Sigurado rin siyang hindi iyon dahil sa perang naitulong niya rito. Maliit lang naman kasi ang halaga noon. Sa katunayan, totoo ang sinabi ni Melody na ayaw niyang may kasama sa condo unit. Ayaw kasi niya ng may istorbo kapag may importante siyang ginagawa, o kaya naman ay may sagabal kapag nag-uuwi siya ng m
"MALIGAYANG bati sa inyo, Alvin at Kiarah. Noon pa ma'y talagang gustong-gusto na kita, Alvin para sa aking anak. Alam ko kasing mabuti kang tao. Nawa'y magsama kayo nang maligaya at puno ng pagmamahalan sa isa't isa." "Maraming salamat po, Nay Rebecca," nakangiting saad ni Alvin sa biyenan saka niya binalingan ang asawa. "Iingatan ko po ang inyong anak," dagdag pa niya saka masuyong ngumiti rito. Gumanti rin naman sa kaniya ng ngiti si Kiarah—isang napakagandang ngiti—saka kumawit sa kaniyang braso nang may paglalambing. "O, tayo na't naghihintay na ang mga bisita sa pagdating ninyong mag-asawa. Masayang-masaya sila dahil kayo raw ang nagkatuluyan," anang Nanay Rebecca saka hinatak sa kamay ang anak. "Nay, mauna na po kayo. May pag-uusapan lang po kami ni Alvin. Pakisabi na lang po sa mga bisita na susunod na kami," saad ni Kiarah sa ina. Tumango naman ito saka lumabas sa kanilang silid. Naroon sila sa kanilang bahay dahil doon nila napagdesisyunan ni Alvin na isagawa ang pagti
"M-MAMITA, hindi ko po kaya ang magsuot ng ganito," wika ni Kiarah Mendoza sa matandang babae na kanilang floor manager.Pilit niyang hinahatak ang laylayan ng hapit na kulay pulang bistida na maikli ang tabas. Hindi rin siya komportable sa mababang uka sa bandang dibdib nito. Halos lumitaw na kasi
Tuluyan naman siyang binato ng kaibigan ng ballpen na sinapol siya sa ulo. "Aray naman? Mahal 'yang ballpen ko. Parker 'yan!" reklamo pa niyang kakamot-kamot sa ulong tinamaan, bagaman nakangisi. "Puro ka kasi kalokohan," anitong umiling-iling pa. "Hindi bale nang walang sex life, ayaw kong ma
NAPANGISI si Ren Akihara nang marinig ang halinghing ni Chloe, kaya naman mas lalo niyang ginalingan ang pagsisip sa pagkababae nito. Nakahawak pa siya sa magkabilang hita ng babae habang walang tigil sa pagpapaulan ng laway sa korona ng dalaga. "Damn! You're makin' me crazy, baby... Ugh! Damn it
"Kondisyon? Ano naman iyon?" "Pakasalan mo ako." Hindi siya makapaniwala sa narinig. Muntikan pa nga siyang mahulog sa kinauupang ugat ng puno dahil sa matinding pagkabigla. Nanlalaki ang mga matang pinagmasdan ni Kiarah ang kaibigan at saka kumurap-kurap pa na tila nanaginip. "A-Anong k-kasal







![Hiding The Dangerous Bodyguard's Son [A.G.S #3]](https://yfbwww.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)