Share

CHAPTER 5

Author: GennWrites
last update Petsa ng paglalathala: 2026-06-16 20:55:57

NAHINTO si Ren sa paglalagay ng plato at kubyertos nang bumungad sa kaniya si Kiarah. Nagpupunas pa ito ng basang buhok habang bakas sa mukha ang pagkailang. Suot na nito ang oversized t-shirt niya kaya nagmistulang duster iyon para sa babae. Slim kasi ang katawan ng dalaga ngunit matangkad naman ito.

Sa tingin niya ay nasa 5'6 hanggang 5'7 ang taas nito. Umabot sa kalahati ng hita nito ang t-shirt kaya naman lumantad ang hita nitong makinis at maganda ang hubog, kahit morena lamang ito.

Noon lang rin niya napansin na bakat ang malulusog na dibdib at nipples ni Kiarah sa manipis na t-shirt na suot nito.

'Shit! Wala nga pala siyang bra!' mariing usal niya sa isipan saka lihim na napalunok.

Agad rin niyang naramdaman ang pagkabuhay ng natutulog niyang alaga sa loob ng kanyang brief.nKaya bago pa siya mawalan ng wisyo ay kinontrol na niya ang nararamdaman at lihim na sinaway ang sarili.

'Easy ka lang, Polaris. Alam kong diet ka ngayong araw pero please, 'wag ngayon, okay? Calm down, matulog ka ulit,' aniya na ang tinutukoy ay ang pagkalalaki niya.

Binalingan niya ang dalaga at pilit inalis ang init na nararamdaman sa katawan. "Maupo ka na. Let's eat. Gusto ko na ring matulog kahit sandali. May pasok pa kasi ako mamaya," pormal niyang anyaya kay Kiarah.

Nauna nang naupo ai Ren at nagsandok ng kanin sa sariling plato. Pero sa sulok ng mga makasalanan niyang mga mata ay nakita niyang atubiling dumulog ang babae sa hapag, kaya naman inihinto niya ang sana'y pagsubo at hinarap ang dalaga.

Iniwas niya ang mga mata na mapatingin sa dibdib nito at itinuon lamang ang mga iyon sa maamong mukha nito. "Hey! Manonood ka lang ba d'yan? Ang sabi ko, maupo ka na at kumain. Gusto ko na rin kasing magpahinga, okay?"

Napayuko naman ang dalaga at tila batang mabilis na naupo sa silyang katapat niya. Inilapag nito ang tuwalyang hawak sa kandungan at nagsimulang dumampot ng kutsara. Nagsandok ito ng kanin at kaunting ulam saka nagsimulang kumain nang walang kibo.

"Anyway, saan ka nakatira at ilang taon ka na? Ang balak ko kasi ay ihatid ka sa inyo after mong magbigay ng statement," kaswal na tanong ni Ren kay Kiarah.

Nag-angat ng tingin si Kiarah at nahihiyang tumingin sa lalaki. "Twenty-one years old na po ako, Sir, at sa Leyte po ako nakatira."

Tumango-tango si Ren sa narinig. 'She's already twenty-one but she looks innocent. I wonder kung may naging boyfriend na siya...'

Ganoon talaga siguro kapag laking probinsya ang mga babae. Karamihan ay old-fashioned at parang walang kamuwang-muwang sa mundo. Hindi gaya ng mga kababaihang lumaki sa Maynila. Pawang mga liberated at sa murang edad ay hindi na birhen.

At siyempre, alam na alam niya iyon. Ganoon naman kasi ang mga babaeng nakaka-sex niya. Well, he doesn't care if they're no longer virgins. What is important is that they are able to provide his sexual needs.

"Twenty-one ka na pala, so stop saying 'po'. Twenty-six pa lang naman ako kaya you can call me whatever you want. You can call me Ren, Ren Gwapo, o Sir Ren. Kahit ano d'yan basta 'wag mo nang lagyan ng 'po'. Sa gwapo kong 'to pinapatanda mo ako eh."

"Naiintindihan ko, S-Sir Ren," nahihiyang sagot ng dalaga.

Ipinagpatuloy nila ang pagkain nang tahimik na tila may kaniya-kaniyang iniisip. Katulad na lamang ni Kiarah. Abala ang isipan niya kung paano siya uuwi sa kanila na bigo at walang dalang kahit isang pera. Nangako pa naman siya sa kanyang Nanay na magpapadala siya ng pera at mag-iipon para matubos ang lupang sakahan nila. Pero heto siya, uuwing kahihiyan ang dala sa ina at mga kapatid.

Samantalang si Ren naman ay abala ang isip sa lihim na pagsasaway sa nagwawala niyang alaga dahil sa kaakit-akit na tanawin na kanina pa tumutukso sa kaniya. Kaya muli, naghanap siya ng paraan para i-distract ang sarili. Kailangan niya iyon dahil mahirap pigilan ang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon.

"Before I forget, may pasok ako bukas. Meaning, ikaw lang mag-isa rito. Kung mamalasin, baka sa susunod na araw na ako makakauwi. Kailangan ko kasing asikasuhin ang club na pinanggalingan mo. Alam kong marami pang kagaya mo ang naroon at sapilitang pinagtatrabaho. I need to rescue them," mahabang paliwanag niya na mukhang naintindihan naman nito kaagad.

"Matanong ko lang, paano ka napasok sa club na 'yon? Tinakot ka bang sumama? Alam ba ng mga magulang mo na ganoon ang trabahong papasukin mo?"

Sa mga sinabi ng lalaki ay muling nakaramdam ng matinding lungkot si Kiarah. Ang pamilya kasi ang kaniyang inspirasyon kung bakit siya sumama sa mga iyon upang lumuwas ng Maynila. Subalit magsisi man siya ay huli na. Dahil ito na siya ngayon, nabigo man na mabigyan ng maalwang buhay ang pamilya, ay ligtas naman siya sa tiyak na kapahamakan.

Uminom muna ng tubig si Kiarah bago nagsalita. "May grupo kasi ng mga taga-Maynila ang nagpunta sa bayan at ang sabi'y naghahanap daw sila ng mga babaeng serbidora. At dahil nga kulang ang perang kinikita ko para matulungan si Nanay sa pang-araw-araw na gastusin, nagpasya akong sumama. Ulila na kasi ako sa ama at apat kaming magkakapatid. Dahil ako ang panganay, inobliga ko ang sarili na magtrabaho at tulungan ang mga kapatid ko. Bukod pa roon, nakasanla rin ang lupang sakahan namin dahil nagkasakit ang bunso kong kapatid ng pulmonya," mahaba at tuloy-tuloy na salaysay ni Kiarah sa lalaki.

Muli niyang dinampot ang basong may lamang tubig saka uminom. Ramdam kasi niya ang panunuyo ng lalamunan dahil sa mahabang pagsasalita. Nang maginhawahan ay nagpasya siyang muling ituloy ang pagsasalita, ngunit nakaramdam siya ng pagkailang nang mapansing matamang nakatitig sa kaniya ang lalaki habang magkakrus ang mga braso sa dibdib. Seryoso ang anyo nito at bahagya pang nakakunot-noo.

'Galit ba si Sir Ren? Bakit kaya? Nagdududa ba siya sa mga sinabi ko? Naku po! Huwag naman sana...'

"S-Sir Ren, bakit po kayo ganyan makatingin? May problema ba?" lakas-loob na tanong ni Kiarah rito.

Umiling naman ito sa kaniya. "Nothing. Ituloy mo ang kuwento mo."

Tumikhim pa muna si Kiarah bago nagpatuloy. "Pagdating ko rito sa Maynila, nalaman kong pagbebenta pala ng katawan ang totoo kong trabaho. Nagtangka akong tumakas pero nahuli nila ako at ibinartolina nang tatlong araw. Ikinulong nila ako at hindi pinakain, kahit man lang tubig ay wala. Ang akala ko, doon na ako malalagutan ngunit kinaya ko. Pagkalabas ko sa kulungan ay nilagnat ako nang halos dalawang linggo. Kaya naman sabi ni Mr. Wong ay kailangan pang maging malusog daw ako at maganda bago ipakita sa mga parokyano. At iyong kanina ang unang paglabas ko..."

Matamang pinagmamasdan ni Ren ang babae mula nang magsimula itong magkuwento hanggang sa matapos. At hindi niya maiwasang maantig at makaramdam ng awa para rito. Ramdam niya na totoo ang lahat ng sinabi nito. Dahil habang nagsasalita ito ay diretso niya itong pinakatitigan sa mga mata.

Pawang kainosentehan lamang ang nababasa niya roon. Isang bagay na hindi makikita sa isang taong nagsisinungaling. Kung kaya naman, muli siyang nakabuo ng pasya.

"I have a proposal, Kiarah. Live and work for me. Bukod doon, tutulungan ko ang pamilya mo," diretsa niyang tugon kay Kiarah na ikinagulat nang husto nito.

"Sir?"

"Pagkatapos mong maging testigo sa club na iyon, bibigyan kita ng trabaho kung gusto mong kumita," pagpapaliwanag pa ni Ren. "Pag-isipan mo."

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Temptation Under One Roof   CHAPTER 27

    Napatango-tango si Ren pagkatapos pasadahan ng tingin ang bagong gawa niyang identity na gagamitin niya sa bagong misyon. Gumawa rin siya ng pekeng account sa ilang social media sites upang suportahan ang fake identity niya. Sa bago niyang identity, siya si Raymond Valdez, twenty-three years old, at isang freelance model at singer. Siyempre pa, kalakip ng pangalang iyon ang mga identification card at driver's license upang maging kapani-paniwala. Nag-unat muna ng mga braso si Ren dahil pakiramdam niya ay nangalay siya sa matagal na pagtitipa sa laptop. Isinandal rin niya ang likod sa kinauupuang office chair. Matapos niyon ay binalingan niya ang wall clock na nasa harapan lamang niya. 4:30 PM. Napangiti siya nang makita ang oras. Thirty minutes na lang kasi at matatapos na ang trabaho niya. Hindi kasi niya malaman kung bakit pakiramdam niya ay napagod siya nang husto nang araw na iyon na kung tutuusin ay wala naman siyang ginawa maghapon kundi umupo lang at humarap sa laptop

  • Temptation Under One Roof   CHAPTER 26

    "TELL ME your reason, kups, kung bakit mo kinupkop si Kiara Mendoza?"Kunot-noong pinukol ng tingin ni Ren Akihara ang kaibigan."Kanino mo ba kasi nalaman 'yan?" inis pa niyang tanong.Ngumisi nang nakakaloko si Damon Reyes sa kaniya saka inikot-ikot ang swivel chair na kinauupuan nito."Ayon sa report, labing-anim na babae ang nagtatrabaho sa The Hidden Paradise, pero labinlima lang ang na-rescue. Ang babaeng nagngangalang Kiara Mendoza ay nawawala. Na ayon pa sa report, isang Japanese businessman daw ang naka-bid sa babae... which is ikaw."Mukhang wala na 'kong ligtas, ah?Bumuntong-hininga si Ren saka sumandal sa kinauupuan. Pinagkrus pa niya ang mga braso sa dibdib habang matamang nakatingin sa kaibigan."Tinulungan ko siya noong gabing 'yon dahil siya ang bina-bid ng mga hayop na naroon. I saw the fear in her eyes, bro, at hindi ko kayang manood lang habang may inosenteng nangangailangan ng tulong ko.""I got your point, bro, pero alam mo ang batas. Hindi mo dapat siya kinupkop

  • Temptation Under One Roof   CHAPTER 25

    "Mayroon akong stage 4 cancer, Kiarah. Huli na nang ma-diagnose dahil hindi nagpakita ng anumang sintomas ang sakit ko. At may... may anim na buwan na lamang ako para... para mabuhay."Natigilan si Kiarah sa mga narinig.Ilang sandali rin siyang nakatingin lamang kay Alvin at hindi nagsasalita.Hindi kasi niya maiproseso sa isip ang sinabi ng matalik niyang kaibigan."H-Hindi! Hindi ako naniniwala sa'yo, Alvin! Huwag mo akong biruin!" maya-maya ay galit niyang sigaw rito habang panay ang pag-iling.Isa-isa na ring naglaglagan ang mga luha niya habang nakatunghay sa malungkot na mukha ng kaibigan.Ramdam rin ni Kiarah ang pagkirot ng dibdib na tila ba tinutusok ng libo-libong karayom—walang kasinsakit."Kung sana'y panaginip lang ang lahat, Kiarah. Matagal ko nang ninais na magising sa bangungot na ito..."NANG araw na malaman ni Kiarah ang tungkol sa kalagayan ng kaibigan, buong magdamag siyang umiiyak na labis namang ipinagtaka ng kanyang Nanay.Subalit sinabi na lamang niya na masay

  • Temptation Under One Roof   CHAPTER 24

    "TALAGA, mahal ko? Papayag kang bumalik ako sa Maynila upang magtrabaho?" nasisiyahang tanong ni Kiarah sa asawa.Masuyong ngumiti ang kanyang mister saka hinaplos siya sa buhok."'Yan ang nais mo, hindi ba? Alam kong hindi ka papayag sa nais kong dito na lamang manatili at ako na ang bubuhay sa pamilya mo. May sarili kang paninindigan simula noong mga musmos pa tayo."Hindi mapigilang mapayakap ni Kiarah sa asawa saka sumandig sa balikat nito na lagi niyang ginagawa simula pa noon."Maraming salamat, mahal ko. Talagang napakabuti mo," nakangiting saad niya rito.Subalit maya-maya rin ay nabura ang mga ngiti niyang iyon nang maalala ang kalagayan ng asawa."May problema ba, mahal ko?" nag-aalalang tanong pa ni Alvin sa kaniya saka pilit pa siyang iniharap upang magpanagpo ang kanilang mga mata.Sinalubong ni Kiarah ang masuyong tingin ni Alvin subalit agad din siyang nagbaba ng tingin nang makaramdam ng konsensya dahil sa desisyon niyang lumuwas muli sa Maynila."Pero paano ka, mahal

  • Temptation Under One Roof   CHAPTER 23

    MAHIGIT isang linggo na nang pinayagan ni Ren Akihara na umuwi sa probinsiya si Kiarah. Pero ang ipinagtataka niya, hindi pa rin ito bumabalik. Ni tawag at text ay wala siyang natatanggap mula sa babae. Babalik pa kaya siya? Kung hindi na, sana man lang magsabi siya, isip-isip ni Ren habang nakatingin sa numero ni Kiarah na naka-save sa kanyang cellphone. Nagdadalawang-isip kasi siya kung tatawagan niya ito o hindi. Sa katunayan, hindi malaman ni Ren kung bakit may kung anong bahagi ng pagkatao niya ang hindi mapalagay dahil hindi niya kasama ang babae. Pero sa palagay niya, dahil iyon sa halos isang buwan nilang magkasama ay nasanay na siya sa presensya nito. Sigurado rin siyang hindi iyon dahil sa perang naitulong niya rito. Maliit lang naman kasi ang halaga noon. Sa katunayan, totoo ang sinabi ni Melody na ayaw niyang may kasama sa condo unit. Ayaw kasi niya ng may istorbo kapag may importante siyang ginagawa, o kaya naman ay may sagabal kapag nag-uuwi siya ng m

  • Temptation Under One Roof   CHAPTER 22

    "MALIGAYANG bati sa inyo, Alvin at Kiarah. Noon pa ma'y talagang gustong-gusto na kita, Alvin para sa aking anak. Alam ko kasing mabuti kang tao. Nawa'y magsama kayo nang maligaya at puno ng pagmamahalan sa isa't isa." "Maraming salamat po, Nay Rebecca," nakangiting saad ni Alvin sa biyenan saka niya binalingan ang asawa. "Iingatan ko po ang inyong anak," dagdag pa niya saka masuyong ngumiti rito. Gumanti rin naman sa kaniya ng ngiti si Kiarah—isang napakagandang ngiti—saka kumawit sa kaniyang braso nang may paglalambing. "O, tayo na't naghihintay na ang mga bisita sa pagdating ninyong mag-asawa. Masayang-masaya sila dahil kayo raw ang nagkatuluyan," anang Nanay Rebecca saka hinatak sa kamay ang anak. "Nay, mauna na po kayo. May pag-uusapan lang po kami ni Alvin. Pakisabi na lang po sa mga bisita na susunod na kami," saad ni Kiarah sa ina. Tumango naman ito saka lumabas sa kanilang silid. Naroon sila sa kanilang bahay dahil doon nila napagdesisyunan ni Alvin na isagawa ang pagti

  • Temptation Under One Roof   CHAPTER 21

    "Kondisyon? Ano naman iyon?" "Pakasalan mo ako." Hindi siya makapaniwala sa narinig. Muntikan pa nga siyang mahulog sa kinauupang ugat ng puno dahil sa matinding pagkabigla. Nanlalaki ang mga matang pinagmasdan ni Kiarah ang kaibigan at saka kumurap-kurap pa na tila nanaginip. "A-Anong k-kasal

  • Temptation Under One Roof   CHAPTER 18

    "ANAK?! Kiarah!" malakas na bulalas ng kanyang Nanay Rebecca nang ibaba si Kiarah sa harapan ng kanilang bahay. Kasalukuyang nagbibilad ang ina niya ng mga pinatuyong isda sa isang malaking bilao. "Nanay!" Mabilis na tumakbo si Kiarah patungo sa ina saka ito niyakap. Naramdaman din niya ang pa

  • Temptation Under One Roof   CHAPTER 16

    "Musuko, yokatta! Kaette kite kurete! Hontō ni aitakatta wa. (Anak, mabuti naman at nakauwi ka na! Na-miss talaga kita.)" bulalas ng kanyang Mommy nang makita siya. Napangiti naman si Ren nang marinig iyon. Sinalubong niya ang yakap ng ina at saka yumapos rin nang mahigpit. "Mama, boku mo hontō n

  • Temptation Under One Roof   CHAPTER 14

    HABANG nagpiprito ng hamon si Kiarah ay naramdaman niyang tila may nakatingin sa kaniya mula sa likuran kaya naman tiningnan niya kung sino iyon. At gayon na lamang ang gulat niya nang makita si Ren na prenteng nakatayo sa pinto ng kusina habang pinupunasan ng tuwalya ang basa pa nitong buhok. Pr

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status