Tempting My Billionaire Kuya

Tempting My Billionaire Kuya

last updateLast Updated : 2026-05-09
By:  EiarahOngoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
7Chapters
289views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Nang mawala ang mga magulang ni Eliana, parang nawala na rin ang buong mundo niya. Pinagtabuyan at tinalikuran siya ng mga taong tinawag niyang pamilya, kaya wala siyang ibang nalapitan kundi si Gabriel Alvarez—ang makapangyarihang billionaire CEO na matagal na niyang lihim na minamahal. Pero para kay Gabriel, isa lang siyang responsibilidad. Isang pangakong iniwan ng kanyang ina. Isang babaeng kahit kailan ay hindi niya dapat angkinin. Ngunit sa ilalim ng iisang bubong, unti-unting nababasag ang malamig na distansiyang pilit niyang binuo sa pagitan nilang dalawa. At habang mas lumalalim ang kanilang pagsasama, mas lalo namang nagiging determinado si Eliana na patunayang hindi lang siya mananatiling isang responsibilidad sa buhay nito. Pero nang tuluyan nang mawalan ng kontrol si Gabriel at mahulog sa bawal nilang relasyon, bumalik ang dating fiancée nito na handang gawin ang lahat para sirain si Eliana. Kasabay niyon ang pagdating ng isang mapanganib na lalaking gustong angkinin si Eliana para lang pabagsakin si Gabriel. Sa mundong puno ng tukso, kapangyarihan, at pagtataksil... hanggang kailan kayang protektahan ni Gabriel ang babaeng hindi niya dapat mahalin?

View More

Chapter 1

Kabanata 1

ELIANA

"Time of death... 9:17 PM."

Parang tumigil ang mundo ko nang marinig ko ang sinabi ng doktor habang malungkot na nakatingin kina Mama at Papa.

"We did everything we could, pero pareho pong maraming dugo ang nawala sa kanila. We're so sorry for your loss." Sabay tapik nito sa balikat ko bilang pakikiramay.

Unti-unti kong nilapitan sina Mama at Papa habang tinatanggalan na sila pareho ng life support at oxygen mask ng mga nurse.

Kahapon lang ay nagpa-plano pa kami para sa birthday ko at wedding anniversary nila for next month, tapos ngayon, burol at libing na pala nila ang aasikasuhin ko.

"Ma... Pa..." nanghihinang tawag ko sa kanila habang hawak ko pareho ang mga kamay nila.

"Bakit n'yo ako iniwan agad? Paano na ako ngayon? Hindi ko 'to kaya." Napaluhod na lang ako habang nag-uunahang lumabas ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan.

Wala na akong pakialam kung ano bang itsura ko o kung gaano na kalakas ang iyak ko dito sa gitna ng emergency room ng hospital. Hindi ko inakala na sa isang iglap lang dahil sa isang aksidente ay magiging ulila ako.

Last month lang, nag-celebrate pa kami dahil naka-graduate na ako sa college. Ang sabi ko pa sa kanila na ako naman ang manlilibre sa kanila, ako naman ang magbibigay ng pera pag nakahanap na ako ng trabaho. Pero hindi ko na pala magagawa 'yon dahil wala na sila.

Hindi ko na namalayan pa ang mga nangyari, basta't ang alam ko ay si Uncle na ang nag-asikaso ng papers para mailabas sila sa hospital at sa burol.

"Condolences, Hija," may pag-alala at awang sabi sa'kin ng isa sa mga kaibigan nila. "Mabubuting mga tao ang mga magulang mo, kaya't kung nasaan man sila ngayon ay sigurado akong okay sila." Dagdag pa nito bago tuluyang umalis.

I smiled bitterly habang naiiyak na naman na nakatingin sa dalawang malaking picture frame sa ibabaw ng kabaong ng mga magulang ko.

Pang-apat na araw ng nakaburol ang mga magulang ko and this will be their last night. Bukas ay ililibing na sila. Tuluyan ko na silang hindi na makikita.

"Ano nang plano mo pagkatapos ng libing bukas?" tanong sa'kin ni Uncle Max, ang panganay na kapatid ni Mama.

"H-hindi ko pa po alam," sagot ko rito.

"Aba'y dapat lang maghanap ka na ng trabaho. Paano ka mabubuhay ngayong ulila ka na?" sabat naman ng asawa nito.

"Maghahanap po agad ako ng trabaho," sagot ko na lang dito, dahil baka kung saan pa mapunta ang usapan.

"Good! Nang mabayaran mo ang Uncle Max mo sa lahat ng ginastos niya dito para sa mga magulang mo," hirit pa nito bago kami talikuran.

"Huwag mo nang intindihin ang Auntie mo at iyong mga ginastos. Dito man lang ay makabawi ako sa Mama mo."

Ramdam ko ang sakit at lungkot sa boses ni Uncle. Kahit na hindi sila laging magkasundo ni Mama, magkapatid pa rin sila at alam kong mahal na mahal din niya si Mama.

"Eliana, may naghahanap sa'yo." Bigla namang lumitaw sa kung saan ang pinsan kong si Sheila, kasama ang isang lalaking hindi ko naman kilala.

“Good afternoon, Miss Eliana Cruz. I’m Jaime Ramirez, account officer of MASA Finance and Solutions.”

Bahagya siyang tumigil at sumilip sa likod ko bago muling bumalik ang tingin sa'kin.

“I know this is bad timing, but I’m here regarding your parents’ overdue loan.”

Sabay abot niya ng isang folder na may lamang mga dokumentong hindi ko naman maintindihan.

“Our company notified them six months ago, but the account remained unsettled. Due to missed payments and accumulated interest, the total balance is now five point eight million pesos.”

Parang biglang nanikip ang dibdib ko sa mga narinig.

Paanong nagkaroon ng ganung kalaking utang sina Mama at Papa?

Saan ako kukuha ng ganung halaga para mabayaran 'yon?

“And since both of them have passed…” sandali siyang huminto at diretsong tumingin sa mga mata ko, “…we have no choice but to proceed with asset repossession.”

Bahagya niyang itinuro ang paligid.

“The property listed as collateral… is this house.”

Ilang minuto nang nakalipas mula nang umalis si Mr. Ramirez pero nakatulala pa rin ako sa mga dokumentong hawak ko.

"Bakit napakalaki ng utang ng mga magulang mo?" galit na tanong sa'kin ni Tita Lenny.

"Akala ko ba sa'tin na mapupunta ang bahay na'to dahil wala na sila?! Hindi naman pala ganun ang mangyayari!" bulyaw nito kay Uncle Max na dahilan ng lalong pagsikip ng dibdib ko.

All this time, ang akala ko ay kahit papaano may pakialam sila sa'min, sa'kin. Pero gusto lang pala nilang makuha ang bahay namin.

"Uncle?" may hinanakit na tawag ko sa taong akala ko'y kakampi ko pero hindi naman pala.

"Marami na kaming problema, Eliana. Huwag ka nang dumagdag pa. Pagkatapos ng libing, mag-isip ka na kung saan ka pwedeng tumira. Pero hindi pwede sa bahay namin." Galit pa rin na sabi sa'kin ni Tita.

Ni hindi pa man ako humihingi ng tulong, tinanggihan na agad ako ng mga taong dapat sana'y gagabay sa'kin.

Natapos nang tahimik ang libing ng mga magulang ko at pagdating ko sa bahay ay nakaimpake na ang lahat ng mga gamit ko.

"Tita, baka pwede pong..."

"Hindi ka pwede sa'min." Putol nito sa dapat sanang sasabihin ko.

Ngayon, wala akong ibang dala kundi ang isang maleta at ang dalawang picture frame nila Mama at Papa sa labas ng bahay namin. Natawagan ko na yata lahat ng mga kaibigan at kamag-anak namin pero ni isa, walang gustong tumanggap sa'kin.

Hanggang sa isang tao na lang ang pwede kong lapitan.

"K-kuya," pigil na iyak kong tawag dito.

"Where are you?"

Ilang sandali lang ay may humintong mamahaling sasakyan sa harap ko at bumaba siya.

Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. May bakas ng galit at pag-aalala sa mga mata niya.

"Kuya Gab—"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang tuluyan siyang lumapit at niyakap ako.

Doon na ako napaiyak nang tuluyan.

"You should've told me sooner."

Hinawakan niya ang kamay ko.

"You're coming with me."

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


No Comments
7 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status