Share

Chapter 3

Author: L. Boss
last update publish date: 2026-04-16 20:54:12

Chapter 3

Subconsciously ay napatingin si Raica kay Tiffany na nasa gilid nila. Alam ng bata na ayaw ng Daddy niya sa nagsisinungaling, pero naalala niya ang sinabi ni Tiffany kanina.

'Kapag sinabi mong sinadya niya, isasama ka ni Daddy sa susunod niyang business trip!'

Yumuko ang bata at isinubsob ang mukha sa leeg ni Santi. 

"Yes po, Daddy... it hurts..." ungol ni Raica.

Si Raica ang buhay ni Santi, gumuho ang kanyang pagiging seryoso nang marinig ang muling pag-iyak ng anak. 

"It'll be fine after applying the medicine. Be careful next time, okay?"

Naramdaman ni Raica na naniwala ang kanyang ama. 

Mula sa balikat ni Santi, nakita niyang palihim na nag-thumbs up si Tiffany sa kanya. Pero sa isip ni Raica, naalala niya ang malalaking paltos sa braso ni Astrid. Napag-isipan niyang gagamutin na lang niya ito pag-uwi.

Isang malakas na lagabog ang umalingawngaw sa opisina nang ibaba ni Santi ang ointment sa glass table. Tumayo siya habang karga pa rin si Raica.

"I didn't expect her to stoop this low," bulong ni Santi, bakas ang galit sa kanyang boses. "Kung gusto niyang saktan ako, ako ang harapin niya. Huwag ang anak ko."

Napayuko si Tiffany para itago ang isang tagumpay na ngiti. 

"Anong balak niyo, Sir?" mahinhin na tanong ni Tiffany.

"Prepare the car," utos ni Santi habang matalim na nakatingin sa kawalan. "Uuwi tayo sa mansyon. Gusto kong marinig mula mismo sa kanya kung bakit kailangan niyang idamay ang bata sa away naming dalawa."

Gabi na nang makauwi ang mag-ama matapos kumain sa labas. Pagkapasok sa mansyon, agad na tumakbo si Raica sa bedroom nina Santi sa second floor. Naalala niyang iniwan ni Astrid ang ointment sa ibabaw ng dressing table.

Dahil maliit, hindi niya makita ang ibabaw ng lamesa. Pilit niyang iniunat ang kanyang braso at kinapkap ang mga gamit doon.

"Found it!" masayang sigaw ni Raica nang mahawakan ang bote ng gamot. Ngunit sa lakas ng kanyang paghila, may iba pa siyang nahila pababa.

Tumingin siya sa carpet pero wala siyang nakita. Hindi na niya ito pinansin at masayang tumalon-talon palabas ng kwarto. Ang singsing na iniwan niya ay gumulong sa ilalim ng kama.

Hinanap ni Raica si Astrid sa buong bahay pero wala ito. 

"Yaya, nasaan si Tita Astrid?" tanong niya sa katulong.

"Nakaalis na po si Madam bitbit ang kanyang maleta matapos ninyong umalis kaninang tanghali," sagot ni Consuelo habang abala sa paglilinis. "Hindi po niya binanggit kung saan siya pupunta."

"Umalis siya?" gulat na tanong ni Raica.

Nandito sila ng Daddy niya pero wala si Tita Astrid? Ngayon lang ito nangyari. 

“Is she really angry?!” 

Inisip niya na baka naglalayas lang si Astrid para sunduin ito ng kanyang ama.

Dahil sa inis, ibinalibag ni Raica ang ointment sa sofa. 

"Ayoko na siyang gamutin! Stingy!" sigaw ng bata.

Nang pumasok si Santi sa bedroom matapos ang trabaho sa study room, napansin niyang wala si Astrid. Napansin din niyang wala na ang credit card na iniwan niya kagabi.

Siguradong natakot ito na papagalitan dahil sa nangyari kay Raica, isip ni Santi. 

Hindi na siya nag-abalang magtanong pa para sa kanya ay maliit na bagay lang ito. Alam niyang sa loob ng dalawang araw, babalik din si Astrid at hihingi ng paumanhin gaya ng palagi nitong ginagawa.

Bumalik si Astrid sa kanyang river-view penthouse na binili niya bago pa man siya ikasal. Nakipag-ugnayan siya sa property management kaya naman bago pa siya dumating ay malinis na ang bawat sulok nito at kumpleto na rin ang mga gamit na kakailanganin niya sa araw-araw.

Matapos ayusin ang kanyang mga dinalang maleta, nilibot ni Astrid ang paningin sa buong silid nang may tipid na ngiti. The room was filled with her favorite decorations, and her trophies and certificates were all placed on the display cabinet in the living room.

Tila bumalik ang lahat sa panahon bago ang kasal. 

Nakatulog siya nang mahimbing nang gabing iyon, at pagdilat ng kanyang mga mata ay tirik na ang araw.  

Matagal na siyang hindi nakakatulog nang ganoon kapayapaan. Hindi niya na kailangang asikasuhin si Raica bago pumapasok sa school o ang pagpaplantsa ng mga mamahaling polo ni Santi. 

Masayang tinapos ni Astrid ang kanyang almusal bago naupo sa kanyang desk upang pag-aralan ang mga impormasyon para sa gaganaping auction.

Hindi niya maikakaila ang excitement na nararamdaman. Kahit ang mga teknikal na detalye at mahihirap na parameters ng mga auction items ay tila musika sa kanyang pandinig. Sa pagbabasa ng mga pamilyar na salitang iyon, tila nakikita niyang muli ang kanyang sarili sa gitna ng entablado, kumikinang sa ilalim ng mga spotlight.

"Handa na ako," determinadong sabi niya habang isinasara ang folder. Sabik na siya para sa gabi ng auction.

Samantala, tila pasan ni Santi ang daigdig nitong nakaraang dalawang araw. Maaga pa lang ay masama na ang kanyang timpla dahil hindi niya mahanap ang cufflinks na babagay sa kanyang kurbata, at ang kanyang suit ay gusot-gusot pa.

"Bakit hindi niyo ito inasikaso?" bulyaw ni Santi sa mga katulong habang tinitingnan ang sarili sa salamin.

Yumuko ang isa sa mga katulong at pautal-utal na sumagot, "S-sir, si Ma'am Astrid po ang karaniwang nag-aayos ng mga gamit niyo. Wala po kaming alam sa pagkakaayos ng mga iyon."

Naisipan niyang tawagan si Astrid, ngunit agad din niyang iwinaksi ang ideya. 

Hindi na kailangan. Babalik din naman siya pagkalipas ng ilang araw. Hahanap-hanapin niya rin ang buhay na ibinigay ko sa kanya.

Ngunit hindi lang ang gusot na damit ang problema niya. Ang pagmamaktol ni Raica ay nagbibigay rin sa kanya ng matinding sakit ng ulo. Dahil si Astrid ang palaging nag-aalaga rito, at hindi nakikinig ang bata sa mga katulong. Maging sa hapag-kainan ay wala itong tigil sa pagrereklamo.

"Ayaw ko niyan! Hindi masarap ang luto niyo! Gusto ko 'yung luto ni Tita Astrid!" sigaw ni Raica sabay tulak sa kanyang plato.

Dahil sa kawalan ng pagpipilian, si Santi na mismo ang nag-asikaso sa bata at dinala na lamang ito sa kanyang opisina.

"Mr. Romanov, ang charity auction ay alas-sais ng gabi gaganapin. Kailangan na nating umalis sa loob ng ilang minuto," paalala ni Tiffany matapos pumasok sa loob.

Nang marinig ang salitang auction, agad na nag-angat ng tingin si Raica mula sa kanyang nilalarong Lego. 

"Daddy, sasama ako! Gusto ko ring pumunta!"

Binuhat ni Santi ang anak at pinunasan ang mantsa sa bibig nito gamit ang wet wipe. 

"Sige, isasama ka ni Daddy pero hwag ka lang maglilikot doon, ha?" aniya bago sila lumabas ng silid.

Maagang dumating si Astrid sa venue upang maghanda. Ang auction na ito ay pinangunahan ng Red Cross at suportado ng mga kilalang Pilipino dito sa bansa at maging sa ibang bansa. Ang kikitain ay mapupunta sa mga pandaigdigang organisasyon na tumutulong sa mga kababaihan at bata.

Dahil sa dami ng mga gamit na isusubasta, kailangan ng dalawang auctioneers. Sa ilalim ng dual auctioneer system, ang unang bahagi ay pangungunahan ng isang senior auctioneer upang makuha ang atensyon ng tao, bago papasok si Astrid. Ang kanilang ace auctioneer sa pinaka-importanteng bahagi ng gabi.

Nasa preparation room si Astrid at seryosong nire-review ang mga dokumento nang lumapit ang organizer kasama ang isa sa mga pangunahing sponsor.

"Mr. Gallego, ito po si Ms. Astrid, ang top auctioneer na hiniling niyo para sa gabing ito," pakilala ng organizer.

Agad na tumayo si Astrid at mabilis na nag-adjust ng kanyang tindig. 

"Masyado naman po ninyo akong pinupuri," nakangiting wika niya.

Hinarap niya ang lalaking tinawag na Mr. Gallego at inilahad ang kanyang kamay nang may dignidad. 

"Magandang gabi, Mr. Gallego. My name is Astrid Nieves Alcasid. Maraming salamat sa tiwala niyo. Sisiguraduhin kong hindi kayo mabibigo sa serbisyo ko."

Sadyang hindi niya ginamit ang apelyido ni Santi. Sa puntong ito, gusto niyang makilala siya sa sarili niyang pangalan. 

Sa loob-loob niya, nagtataka rin siya kung bakit siya ang partikular na hiniling ng lalaking ito gayong matagal na siyang nawala sa eksena.

Dahan-dahang inabot ng lalaki ang kamay ni Astrid. Bahagyang dumapo ang dulo ng mga daliri nito sa kanyang balat, isang haplos na tila may pahiwatig.

"Astrid, matagal na rin tayong hindi nagkita," malambing na sabi ng lalaki. Ang boses nito ay kalmado at malinaw, gaya ng agos ng tubig sa isang batis.

Napatitig si Astrid sa lalaki. Pamilyar ang mga mata nito at ang hubog ng mukha, ngunit pilit niyang hinahalukay ang kanyang alaala ay tila wala siyang matandaan na nakasalamuha niya ito kamakailan.

Hindi hinayaan ng lalaki na mapahiya si Astrid sa kanyang pananahimik. Isang muling ngiti ang sumilay sa gwapo nitong mukha. 

"Nice to see you again, Astrid. It’s me, Ryker Gallego."

"Ryker?!" gulat na sambit ni Astrid, ang kanyang mga mata ay nanlaki habang unti-unting nagbubukas ang mga saradong pinto ng kanyang nakaraan.

Gulat na napatingin si Astrid sa lalaking nasa kanyang harapan. 

Mahirap para sa kanya na iugnay ang lalaking ito na suot ang isang mamahaling bespoke suit at bawat galaw ay bakas ang karangyaan. Kilala niya si Ryker bilang bully noong high school.

Naramdaman ng mga organizer na magkakilala ang dalawa kaya naman matapos ang ilang pormal na pagbati ay binigyan muna nila ng espasyo ang dalawa upang makapag-usap.

"May coffee shop sa ibaba. It’s still early, let's go sit there for a while,” paanyaya ni Ryker habang nakangiti nang tipid.

Sumama si Astrid kay Ryker sa isang coffee shop malapit sa venue. Hindi siya makatanggi dahil ito ang main sponsor ng auction at kailangan nilang pag-usapan ang presyo ng mga isusubastang gamit.

"Ang tagal na rin, pero parang hindi ka nagbago," bati ni Ryker habang nakatitig sa kanya.

Ramdam ni Astrid ang respeto sa boses ng lalaki. Hindi ito tulad ng mga katagang naririnig niya sa asawa na madalas ay may halong utos o panunumbat.

"Ikaw ang nagbago, Ryker. Muntik na kitang hindi makilala!" natatawang sagot ni Astrid.

Masaya silang nagkuwentuhan tungkol sa buhay nila noong high school. Habang nag-uusap, parang nakalimutan ni Astrid ang bigat ng kanyang pinagdaraanan. 

Samantala, papasok naman sa venue si Santi habang karga ang anak. Nagrereklamo ang bata dahil nagugutom na raw ito at gusto ng pagkain.

"Sir Santi, may coffee shop doon sa tabi. Ibibili ko lang si Raica ng cake," wika ni Tiffany sabay turo sa direksyon nina Astrid.

Tumango lang si Santi at inabot ang card niya kay Tiffany. 

"Heto ang card. Magpapakita lang ako sa loob, tapos ihahatid ko na rin si Raica pauwi para makapagpahinga. Kuhanan mo na lang ako ng litrato ng dalawang jewelry pieces para sa bidding mamaya," utos ni Santi bago ibinaba ang anak.

Masaya naman si Raica dahil nakalabas siya. Lumingon-lingon ang bata habang hawak ni Santi, hanggang sa bigla siyang tumuro sa bintana ng coffee shop at sumigaw.

"Dad, it's Tita Astrid!" malakas na sabi ni Raica habang nanlalaki ang mga mata sa gulat.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Auctioneer’s Billion-Dollar Revenge   Chapter 345

    Chapter 345Lumapit si Ryker kay Astrid, suot ang kanyang klasikal na black three-piece suit na nagpatingkad sa kanyang matikas na tindig. Inilahad niya ang kanyang kanang braso, nag-aanyaya."Nalate lang nang kaunti dahil sa lakas ng ulan sa labas," sagot ni Astrid habang natural na ikinakapit ang kanyang kamay sa braso ng lalaki.Nagpalitan ng makahulugang tingin ang mga donya. Nagsimula na namang gumana ang kanilang mga imahinasyon."Kasama ba ni Ryker si Astrid?" tanong ng isa, habang ang mga mata ay unt-unting bumabaling sa kabilang bahagi ng malaking bulwagan kung saan nakatayo si Santi.Doon, sa gitna ng karamihan, ay nakatayo si Santi. Mula nang pumasok si Astrid sa pintuan, hindi na nakuha ni Santi na alisin ang kanyang paningin sa dating asawa. Noong sila pa, hindi niya kailanman napapansin ang mga suot nito, ngunit ngayon, sa isang sulyap lang ay nakilala niya agad ito kahit napapaligiran ng maraming tao."Ang ganda niya sa cheongsam na 'yan," bulong ng isang Tsinong pamily

  • The Auctioneer’s Billion-Dollar Revenge   Chapter 344

    Chapter 344Nakahinga nang maluwag si Astrid nang malamang hindi ang kalusugan nito ang dahilan ng pag-iyak. Umitot siya sa harap ng ina, dahan-dahang umikot para ipakita ang buong suot, at naglambing tulad ng ginagawa niya noong bata pa siya."Mommy, ako ba ang pinakamagandang maliit na prinsesa sa buong mundo?" tanong ni Astrid, may ningning sa mga mata."Oo, anak. Ikaw ang palaging magiging paboritong maliit na prinsesa ni Mommy, at ang pinakamagandang prinsesa sa buong mundo," sagot ni Ingrid, eksaktong tulad ng mga salitang sinasabi niya noon pa man.Nang makuha ang pamilyar na sagot, hinalikan ni Astrid ang pisngi ng ina. "At ikaw naman ang pinakamagandang reynang ina sa buong mundo."Nagtawanan silang dalawa, puno ng init ang sandali sa loob ng sala habang sa labas ay nagsisimula nang pumatak ang mahinang ulan, na nagpapalamig sa gabi ng Maynila."Sige na, lumarga ka na, aking magandang prinsesa. Siguraduhin mong babalik ka nang maaga at mag-iingat ka roon," utos ni Ingrid haba

  • The Auctioneer’s Billion-Dollar Revenge   Chapter 343

    Chapter 343"Ano sa tingin mo ang plano ko para sa bakuran mo, anak?" tanong ni Ingrid habang nakangiti, hawak ang isang papel na punong-puno ng mga guhit.Kinuha ni Astrid ang sketch mula sa kamay ng kanyang ina. Siksik na siksik iyon sa mga detalye. Sa isang tingin pa lang niya sa larawan, tila nakikita na niya kung paano bubuhayin ng mga bulaklak ang tuyong lupa sa hinaharap. Lalago ang mga halaman, at mapupuno ng kulay ang paligid.Niyakap ni Astrid ang ina mula sa likuran, isinandal ang baba sa balikat nito. "Mom, bakit ba napakagaling mo? Isang araw pa lang tayo rito pero nagawa mo nang ganito kaganda ang maliit na bakuran ko. Pwede ka nang makipagsabayan sa mga professional gardener sa Maynila."Natawa nang mahina si Ingrid sa papuri ng anak. Tinapik niya ang kamay ni Astrid na nakapulupot sa kanya, nagkunwaring nagtatampo. "Inaasar mo na naman ang Nanay mo, Astrid.""Hindi kaya! Totoo ang lahat ng sinasabi ko, galing 'yan sa kaibuturan ng puso ko, Mom," malambing na giit ni As

  • The Auctioneer’s Billion-Dollar Revenge   Chapter 342

    Chapter 342Gising na si Ingrid nang dumating siya. Matapos nilang mag-agahan, dinala ni Astrid ang kanyang ina sa ospital para sa isang check-up at upang humingi na rin sa doktor ng isang malinaw na rehabilitation plan."Dok, ano po ang tantya ninyo? Kakayanin po ba niya ang tuloy-tuloy na physical therapy simula sa susunod na buwan?" tanong ni Astrid habang seryosong nakikinig sa doktor sa loob ng klinika."Malakas ang physical foundation ng iyong ina, Astrid," tugon ng doktor habang tinitingnan ang mga laboratory results. "Basta't masunod nang maigi ang schedule at huwag siyang biglang bibiglain sa mga mabibigat na ehersisyo, malaki ang tsansa na bumalik ang lakas ng kanyang mga binti."Isama niya rin ang ina ni Sun sa biyahe upang masanay ito sa ruta at sa mga pamamaraan sa ospital, para mas maging madali para dito na samahan ang kanyang ina sa mga susunod na araw ng rehabilitasyon."Shari, pakiusap, bantayan mo siyang maigi kapag nagsimula na ang therapy," bilin ni Astrid kay Sha

  • The Auctioneer’s Billion-Dollar Revenge   Chapter 341

    Chapter 341Alam ni Astrid sa tono pa lang ng kanyang ina na iba na naman ang iniisip nito. Ngumiti siya nang bahagya para papayapain ang gulo sa mga mata ng matanda."Mom, walang anuman sa pagitan namin ni Ryker. Nagkataon lang na wala siyang pasok ngayon kaya sinamahan niya akong sunduin ka. Huwag mo na kung ano-anong iniisip dyan," malumanay na paliwanag ni Astrid habang inaayos ang buhok ng ina."Sigurado ka ba, anak?" seryosong tanong ni Ingrid, habang masusing pinagmamasdan ang mukha ng dalaga. "Kilala kita, Astrid. At kilala ko rin ang mga lalaking may ganyang klase ng pag-aalaga. Hindi basta-basta mag-aaksaya ng oras ang isang tao kung walang mas malalim na dahilan.""Mom, please. Kaibigan ko lang talaga siya, at malaki ang utang na loob ko sa tulong niya sa atin," natatawang paggigiit ni Astrid, bagaman may kaunting pamumula sa kanyang mga pisngi.Nang makita ang katapatan at kawalang-malay sa mga mata ng anak, naniwala na rin si Ingrid. Alam niyang hindi magsisinungaling sa

  • The Auctioneer’s Billion-Dollar Revenge   Chapter 340

    Chapter 340Malapit lang sa ilog ang restawran. Matapos ang kanilang hapunan, nagyaya si Ryker na maglakad-lakad muna sila sa tabing-ilog. Dahil maaga pa naman, pumayag na rin si Astrid.Kulang sa isang buwan na lang ay Spring Festival na. May mga nakasabit na ring pulang parol at mga neon lights sa kahabaan ng ilog, na nagbibigay ng masayang diwa ng Bagong Taon sa buong lungsod. Habang naglalakad, marami silang napag-usapan tungkol sa mga pamumuhunan, at taimtim namang nakikinig si Astrid.May hawak siyang malaking halaga ng cash ngayon, at matapos ang diborsyo ay nadagdagan pa ito mula sa perang ibinigay ni Santi. Bukod sa auction house, plano niya ring mag-invest sa iba pang mga projektu. Palaging matalas ang mata ni Ryker sa negosyo kaya alam niyang marami siyang matututunan dito.Walang masyadong hangin o alon sa ilog ngayong gabi. Kahit malamig ang panahon dahil sa katatapos lang na pagbuhos ng ulan, hindi naman ito ganoon kalamig sa katawan."Wait here, I'll just grab us some d

  • The Auctioneer’s Billion-Dollar Revenge   Chapter 244

    Chapter 244Bahagyang binawi ni Astrid ang kaniyang kamay at nagpatuloy sa pagsasalita gamit ang malamig na boses."I contacted Zackary the first time you refused to divorce me. I've been waiting for this day for so long, Santi," saad ni Astrid, diretsong nakatitig sa mga mata ng asawa. "You have r

  • The Auctioneer’s Billion-Dollar Revenge   Chapter 243

    Chapter 243Gumalaw nang pababa ang Adam's apple ni Santi, tila nalalasahan ang pait ng dugo sa likod ng kaniyang dila.Tiningnan niya ang babaeng nasa harap niya, ang mukha nito, ang kaniyang mga matang puno ng pighati. Humigpit ang pagkakasuntok ng kaniyang mga kamay sa kaniyang gilid hanggang sa

  • The Auctioneer’s Billion-Dollar Revenge   Chapter 237

    Chapter 237Pumasok si Santi sa loob ng malaking conference room ng Romanov Headquarters. Agad na sumalubong sa kaniya ang isang makapal na bundle ng mga dokumento na marahas na inihagis sa kaniyang direksyon.Kung hindi lang mabilis na umiwas si Santi nang kaunti, siguradong tatama ang mga papel n

  • The Auctioneer’s Billion-Dollar Revenge   Chapter 236

    Chapter 236Pagkatapos sabihin iyon ay agad na binalingan ni Santi si Tiffany para bantayan ang babae, at mabilis na naglakad patungo sa pinto nang hindi man lang lumilingon sa likod."Do you think Astrid will forgive you just because you treated me like this?!" huling sigaw ni Caroline sa papalaba

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status