공유

Chapter 376

작가: Raine
last update 게시일: 2026-06-20 18:36:11

"Nabalitaan ko na pinaghandaan daw talaga ang cruise party na gaganapin this year. Pinili raw nila ang lugar at anim na palapag ang cruise ship na nirentahan para doon. Sa gitna tayo ng karagatan mag-o-overnight at babalik kinabukasan."

Halata ang excitement ni Chloe habang nasa loob sila ng sasakyan ni Zayden. Madami siyang inaabangan sa araw na iyon kaya pansamantalang nalimutan ang inis na naramdaman kanina.

Napasulyap si Zayden sa kanya. Hindi niya inaasahang ma-e-excite sa ganoong activity
이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
잠긴 챕터
댓글 (3)
goodnovel comment avatar
Minda Refuerzo
antagal ng update!
goodnovel comment avatar
Rose Marie Daggao
more update
goodnovel comment avatar
Rhea Joyce
More update po
댓글 더 보기

최신 챕터

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 387

    From: Unknown Hey there, CL! Wanna race tonight? Kunot ang noo na binalikan ni Czarina ang convo nila ng lalaking iyon. Sa pagkakaalala niya ay nai-block niya ito, o hindi ba? Iyon na naman ang taong text ng text sa kanya at pinipilit na siya si CL. Pero dahil gusto niya ring magpapawis ngayong gabi at gustong lumabas ay interesado niyang tinignan iyon. Habang nagta-type ng ire-reply sa hindi kilalang tao na iyon ay nag-text itong muli. Nag-send ito ng isang kilalang race track na hindi kalayuan sa lugar nila. From: Unknown Pagdating mo ay sabihin mo lang ang code name ko: Van. See you there. Czarina put on her racing uniform and went out. "Saan ka pupunta?" tanong ng dad niya nang maabutan siya sa may garage nila upang kumuha ng sasakyan. Mahirap na kasi mag-abang ng taxi sa mga oras na iyon. "Dad," medyo kabado niyang sabi. Kahina-hinala pa naman ang suot niya. "Mag-e-excercise lang po." "We have a gym here," nagtatakang sabi ni Mr. Laude. "Ah, gusto ko rin sana magpahang

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 386

    "Ano'ng ibig mong sabihin, Karlos?" Nagkibit ng balikat si Ivan at itinaas pa ang dalawang kamay. Puno ng sarkasmo ang bawat kinikilos nito. "Hindi ako magsasalita maliban nalang kung tatanggapin mo ang offer kong deal," sagot nito. "Pero sinasabi ko sa'yo, magugulat ka kapag nalaman mo." Humakbang si Ivan na tila aalis na sa lugar na iyon ngunit huminto ito at nilingon si Zayden. "Hiwalay naman na kayo ni Miss Laude, hindi ba?" Hindi maunawaan ni Zayden kung ano ba ang lihim na agenda ni Ivan. He knows this man very well. He's stubborn, very. Kaya ano naman ang pakay nito kay Czarina? Does he like her? Kaya ba ito nagkakaganito? O baka naman gusto niyang saktan si Czarina o kaya ay may kailangan siya sa mga Laude? Umigting ang panga ni Zayden sa galit dahil sa mga naiisip na posibleng dahilan. Humakbang siya palapit, taas noo, at tiim bagang niyang tinitigan ng masama si Ivan. "Don't dare to touch her." Natawa si Ivan sa tinuran ni Zayden. "Touch her? Woah! Tingin

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 385

    "Release my goods, then I'll release yours," sabi ni Ivan Karlos. May ngisi ng tagumpay sa mga labi niya dahil pakiramdam niya ay nanalo siya. "Madali lang naman akong kausap." Ilang segundo siyang tinitigan ni Zayden. Hanggang sa unti-unti itong nagpakawala ng maikling ngiti. He really dared to fight him, huh? Sa loob ng ilang taon ay ilang beses ding sinubukan ni Ivan na sirain ang mga Hart. Pero ano ang magagawa nito? He's too weak for them. "Don't push your luck here, Karlos," mayabang na wika ni Zayden na parang isang bata lamang ang kanyang kaharap na walang laban. "You know what I can do. Alam mo rin na hindi lang kita pinapatulan dahil sa relasyong mayroon ang pamilya mo at pamilya ko noon. Pero may hangganan lang ang pasensya ko." Sa halip na matakot ay mas lalong nanaig ang nararamdamang galit ni Ivan kay Zayden. Nagpadagdag pa sa nararamdaman nito ang pagbanggit ni Zayden sa isang sensitibong topic. He hate Zayden's tone. He hate his guts. He hates everything ab

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 384

    Tahimik na ang kabahayan nang bumaba si Czarina mula sa kanyang kwarto. Tila robot na naglalakad lang ito upang kumuha ng gatas. She tried to sleep but she just can't.Ang mga mata niya'y kusang nagtungo sa may mesa sa kanilang sala. Wala na roon ang dokumentong iniwan niya kanina. Sa mga oras na iyon ay natitiyak niyang alam na ng buong pamilya na opisyal na silang hiwalay ni Zayden.She's no longer a Czarina Laude- Hart.Now, she's back to being Czarina Laude. Just that.Lumabas siya ng bahay at naupo sa may upuan na nasa terasa kung saan madalas tumambay ang kanyang lolo.Malamig ang simoy ng hangin pero sa halip na matuwa at kumalma ay parang nagpapadagdag pa iyon sa hindi magandang nararamdaman niya. It felt like she has to let go of a dream she held on for years.Kinuha niya ang cellphone niya at dahil wala siyang magawa ay nagbukas siya ng social media. Nagulat siya nang makita ang kabi-kabilang artikulo tungkol sa kanya at kay Zayden.May mga nagkalat na larawan ng paglabas at

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 383

    "As you wish," mahinang sambit ni Zayden pero hindi iyon nakatakas sa pandinig ni Czarina. As you wish? Hindi ba't ito naman ang may gusto nito? He even offered to do this back then. Alam naman nila pareho na sa kanilang dalawa ay si Zayden ang ayaw matali, at ito ang gustong makawala. Nilingon ni Czarina si Zayden, may bakas ng pait ang mga mata nito. "Ikaw ang may gusto nito, Mr. Hart." Humigpit ang hawak ni Zayden sa divorce certificate na nasa kamay niya. He should be happy and relax right now. Hindi ba't ito naman ang gusto niya mula pa noong simula? Bakit ngayon ay biglang ganito? Parang siya ang nalugi? Parang siya ang natalo? Parang siya ang nasasaktan? Hindi maintindihan ni Czarina kung bakit tila dalawa sila ni Zayden na emosyonal sa mga oras na iyon. Sa ilang linggo at buwan na magkahiwalay sila, ginawa niya lahat para maging handa siya sa araw na ito. She wants to face this calmly. Pero mukhang malabo iyon ngayon. Gayonpaman ay sinubukan niyang ngumiti sa l

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 382

    "Lolo!" Niyakap at bineso ni Czarina ang kanyang lolo na nakaabang sa may terasa ng bahay nila. Umiinom ito ng tsaa at tila nagmumuni-muni. "Nakita ko kung sino ang naghatid sa'yo," sabi ng matanda. Hindi man lumabas ay alam niya ang sasakyang madalas gamitin ni Zayden. "Nagkasalubong lang kami sa pinuntahan ko, 'lo. Hindi kami magkasama. Saktong pauwi na ako kanina kaya..." paliwanag ni Czarina. "Ano po pala ang ginagawa niyo rito? Medyo malamig na dito sa labas, ah?" "Hinihintay ko ang lola mo, hindi pa umuuwi. Hindi rin sumasagot ng tawag," anito na halatang nag-aalala. Tumango-tango si Czarina at umupo sa tabi ng kanyang lolo. Tinignan niya ang oras sa kanyang relo at medyo late na nga sa usual na oras ng uwi ng kanyang lola. Sakto namang pagbaba niya ng kamay ay may dumating na sasakyan at laman no'n ang lola niya. Mabilis na tumayo ang lolo niya at sinalubong ang kanyang asawa. Bagaman nagbabangayan ay kitang-kita niya kung paano gumaan ang pakiramdam ng lolo niya n

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 121

    Naiinip na si Zayden at kanina pa siya pasilip-silip sa pintuan pero walang dumadating na Czarina. Ano ba ang ginagawa nito sa CR at sobrang tagal niya?Tatayo na sana siya upang alamin kung ano na ang nangyayari rito nang tumunog ang cellphone niya at naka-receive ng chat.Message iyon mula kay Cz

    last update최신 업데이트 : 2026-03-24
  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 128

    "Padaanin niyo muna kami," sabi ni Zayden sa medyo nakakatakot na boses kaya napaatras ang ilan at nagkaroon ng kaunting espasyo para makaalis na sila doon. Agad ding tumulong ang mga guards ng hospital hanggang sa tuluyan na silang makapasok sa hospital. Nagmamadali at halos takbuhin ni Czarin

    last update최신 업데이트 : 2026-03-24
  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 120

    Pagkaalis ni Czarina ay napahampas si Zayden sa mesa, hindi niya mapigilan ang galit na nararamdaman niya sa mga oras na iyon. Kunot ang noo at masama ang tingin sa kung saan. Ni hindi niya alam kung saan siya nagagalit, dahil ba sa yaman na paghahatian nila, sa divorce, sa reaksyon ni Czarina, o

    last update최신 업데이트 : 2026-03-24
  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 133

    Bago siya tuluyang makatalikod ay namataan niyang muli ang sasakyan ni Zayden na naroon pa rin sa pwesto nito kanina at hindi pa rin umaalis. Tinignang mabuti iyon ni Czarina at doon niya lang napansin na hindi tulad kanina ay may lalaki na roon ngayon na nakasandal.Malamig ang tingin ni Zayden sa

    last update최신 업데이트 : 2026-03-24
더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status