Share

FIFTEEN

Author: Raine
last update publish date: 2025-03-02 20:53:53

"GALING KA SA BAHAY NI ZAYDEN?"

Pagod at hinang-hina si Czarina nang makarating sa bahay ng parents niya. Nang makita ang ina sa sala, nakapambahay ito at nanonood ng TV, ay wala sa sariling ibinaba niya ang bag sa sofa at ibinagsak ang sarili sa ina.

She hugged her a bit tight. Agad nag-alala ang ginang dahil sa nakuhang reaksyon sa anak. At pagkatapos ng ilang segundo ay narinig na niya ang mahihinang paghikbi ni Czarina.

Masakit para kay Mrs. Laude ang lahat, ang nakikitang nasasaktan si Cz
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (4)
goodnovel comment avatar
Diana May Lavisores
boring!!!sobrang martir ng girl wag nyo nang basahin...kahit inaapi ok parin...gaga!
goodnovel comment avatar
Marivic Rodesma
Next please bkit kc my unlock p.
goodnovel comment avatar
Evangeline Bico
Anu ba Yan ..Hindi ilabas ang Galit para matapos na Ang pagpapanggap
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 397

    Tumingin lang si Zayden kay Chloe at hindi sinagot ang tanong ng babae. Ilang beses na nangyari ito pero sa tuwing sinasabi iyon ni Chloe ay hirap pa rin siyang sagutin iyon.Napakagat ng labi si Chloe. Sa reaksyon palang sa mukha ni Zayden ay alam niya na na hanggang ngayon ay hindi niya pa rin nakukuha ang puso ng lalaki."What? Pagkatapos ng lahat ng ginawa ko ay wala pa rin sa'yo? Zi, mahal mo ba talaga ako o si Czarina talaga ang gusto mo?" galit na sabi ni Chloe. "Have you forgotten about what happened and what I did that night?"Bumuntong-hininga si Zayden. Sa totoo lang ay naririndi na siya na marinig iyon, at nagi-guilty rin siya na napapaisip siya sa bagay na iyon."Chloe, hiwalay na kami ni Czarina. You already saw the divorce certificate. We'll get married, okay?"Namuo ang luha sa mga mata ni Chloe at niyakap si Zayden. Kailangan na talagang mawala ni Czarina sa buhay nila.*****Pagkaalis ni Chloe ay umikot ang mga mata ni Zayden sa tahimik na bahay. Kaya ayaw niyang umu

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 396

    Sabay na napatingin sa itaas sina Czarina at Chloe nang marinig ang boses ni Zayden.Pababa na ang lalaki sa hagdan at nakatanaw sa dalawang babae na nakaupo sa sala ng bahay niya ngayon. Parehong nakatanaw sa kanya ang mga ito, ang isa ay kalmado at tila wala na halos emosyon sa mukha, samantalang ang isa ay parang punong-puno ng inggit.Wala sa sariling nagtagal ang mga mata ni Zayden kay Czarina. Mula noong umalis ito sa bahay nila at lalo na noong tuluyan ng natuldukan ang relasyon nila, ay palamig nang palamig ang trato sa kanya ng babae.Nang umapak ang paa ni Zayden sa ikaunang palapag ng bahay ay mabilis na tumayo si Chloe at sinalubong ang lalaki."Zi!" sinukbit nito ang kamay sa braso ng lalaki. "Tapos ka na sa meeting mo?""Nandito ka pa rin?" medyo nagtataka at gulat na tanong ni Zayden.May kinuha lang naman at dinaanan si Chloe sa bahay niya kaya ito narito at nagsabi na aalis din agad kaya naman nagtataka si Zayden kung bakit naroon pa rin ito."Ah, hinintay muna kita m

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 395

    "Czarina?"Nagulat si Czarina nang ang bumungad sa kanya sa bahay nila noon ni Zayden, na bahay nalang ng lalaki ngayon, ay walang iba kundi si Chloe.Alam ni Zayden na darating siya ngayon kaya bakit nandito si Chloe? He knows they're not in good terms. Ano kaya naman ang nasa isip ng lalaki?Bahagyang dumilim ang mukha ni Czarina at halata na hindi ito natuwa nang makita ang babae."Nandito ako para kausapin si Zayden," aniya."Oh," gulat na sabi ni Chloe at pagkatapos ay ngumiti sa kanya. "May meeting lang si Zayden sa taas. Pasok ka muna."Niluwagan ni Chloe ang pagbubukas ng pinto na parang siya na talaga ang may-ari ng bahay.Pagpasok sa loob ay iminuwestra ni Chloe ang upuan na para bang hindi ilang taon na tumira roon si Czarina. Kumuha rin ito ng tubig upang ibigay sa kanya.Tahimik na pinagmasdan ni Czarina ang bawat kilos ni Chloe. She looks too homey. Parang ilang taon na itong nakatira sa bahay na iyon at kabisado na niya ang lahat.Palihim din namang pinag-aralan ni Chlo

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 394

    Bitin ang tulog ni Czarina dahil mag-uumaga na siya nakauwi. Una niyang hinanap ang kanyang cellphone pero lowbatt iyon at hindi na ma-open kaya chinarge niya muna at habang hinihintay iyon ay kakain muna siya. Mag-a-alas nwebe na pala ng umaga.Patapos na mag-breakfast ang mga magulang nang makababa siya, medyo nagulat pa nga siya nang maabutan pa ang mga ito roon."Good morning, mom, dad, lolo, lola," aniya bago umupo sa kanyang upuan."How's your sleep? Hindi na kita naabutan kagabi na nakauwi, ah?" sabi ng dad niya."Medyo late na nga, dad. May minor incident din kasi so I took care of it before going home.""Mamaya na ang cruise party, 'wag kang mawawala doon ha. Nakahanda na ang mga gamit mo at isusuot. And that's a great place to socialize," sabi naman ng mommy niya.Ngumiti siya rito at hindi na sumagot. May plano siya sa kanyang isipan pero hindi niya alam kung paano iyon iaanunsyo sa pamilya.But she has to."Uh... may sasabihin po pala ako..." Nakuha niya agad ang atensyon

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 393

    Kita ang gulat sa mukha ni Czarina nang banggitin ni Kyle Ford ang pangalan niya. Pamilyar ang babae rito dahil sa industriya nila ay malaking aspeto ang dapat kilala niyo ang isa't isa.Wala siyang maalala na naging pag-uusap nila ng lalaki noon at hindi rin pamilyar ang mukha nito sa kanya pero sa pangalang gamit nito ay alam iyon ni Czarina. Lumaki sa ibang bansa ang lalaki kaya hindi rin talaga ito nakakasalamuha ng babae."So, I assume we're friends now," mahina pero nakangiting wika ni Kyle.Pinanliitan ng mata ni Czarina si Kyle. "Why would you even assume that, Mr. Ford?""Because Zayden and I are good friends?" patanong na sagot nito. "And if I'm not mistaken, you're Zayden's wife.""Oh," mabilis na reaksyon ni Czarina. "Seems like you're really mistaken, Mr. Ford. Akala ko ba magkaibigan kayo? Bakit hindi ka updated sa buhay niya?"Bumalatay ang pagkalito sa mukha ni Kyle. Lumipat ang tingin nito kay Ichan na hindi pamilyar kung sino ba ang mga Ford. Ang mga mata ni Kyle ay

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 392

    Mabilis na iniwan na rin ni Zayden si Ivan sa park at nagmaneho na pauwi. Litong-lito siya sa mga nangyayari at hindi rin siya natutuwa sa mga pasaring ni Ivan na hindi naman nililinaw kung ano.Kitang-kita sa bilis ng pagda-drive niya ang galit. Nang medyo makalayo na ay huminto muna ito sandali upang huminga at pakalmahin ang sarili.Paulit-ulit na naglalaro sa isipan niya ang mga litanya ni Ivan. Aminado siya na nitong mga nakaraan ay nagiging emosyonal siya, bagay na hindi naman niya personalidad.Naglabas ito ng sigarilyo pero bago pa man niya iyon masindihan ay lumitaw ang maamong mukha ni Czarina sa kanyang isipan. That angelic face that glares at him when he smoke. Ayaw na ayaw nito ang amoy ng sigarilyo.Huminga ito nang malalim, binuksan ang bintana ng sasakyan, at itinuloy pa rin ang pagsindi sa sigarilyo. Kailangan niyang pakalmahin ang sarili at ang isipan niya sa mga oras na iyon. He needs to clear things up with himself. Including his feelings for a certain woman.Hindi

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 309

    Kasalukuyan ang balita nang tumunog ang cellphone ni Czarina. Nakita niya na si Klarisse ang caller kaya sinagot niya iyon agad dahil baka emergency. Bihira itong tumawag sa kanya lalo ngayon na busy ito sa gumagandang karera. ("Oh my gosh, Czarina! Alam mo na ba ang balita? Nag-propose raw itong

    last updateLast Updated : 2026-04-05
  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 293

    Hinagis ni Czarina ang mga larawan kay Zayden. May ilang piraso pa na tumama sa pisngi ng lalaki at nagdala ng maikling sugat doon.Umigting ang panga ni Zayden at ang mga kilay niya ngayon ay malapit ng magdikit."May tatlong bagay lang akong sasabihin at lilinawin sa inyo," ani Czarina. "Una, hin

    last updateLast Updated : 2026-04-04
  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 289

    A few days off... O sa madaling salita ay suspended siya. Kapag pumayag siya, hindi ba't pag-amin na rin iyon na siya nga ang may kasalanan? Ibinaba ni President Yu ang letter sa may mesa. "Hindi ba talaga ikaw ang nagsulat nito, Czarina?" Kinagat ni Czarina ang ibabang labi. Ilang beses niya n

    last updateLast Updated : 2026-04-04
  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 282

    "Umuulan sa labas." Sumilip sa labas si Klarisse nang marinig ang sinabi ni Czarina at tama nga ito. "Mahina lang naman, baka titigil lang din iyan mamaya," sagot nita sa kaibigan. Hindi sumagot si Czarina pero hindi na rin niya ibinalik ang tingin kila Zayden. Nakatutok na ang mga mata niya

    last updateLast Updated : 2026-04-03
More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status