Share

CHAPTER 4

Author: Ellise
last update publish date: 2026-05-31 22:35:03

ELIRA POV

Narinig ko ang mahinang kalabog ng pinto nang tuluyan nang lumabas si Soren. Ang dambuhalang boardroom, na kanina lang ay mukhang malawak, ay biglang sumikip. Ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso ko, halos mapigtas ang strap ng suot kong sapatos sa tindi ng panginginig ng mga binti ko. Pilit kong ibinaon ang aking mga kuko sa palad ko para lang manatiling tuwid ang tayo ko.

Humarap ako sa kaniya, sinusubukang dalhin ang mukha ng isang propesyonal na auditor na walang tinatagong kahit anong atraso. Ngunit si Azriel, nanatili lang sa tapat ng mahabang mesa. Hindi ko mabasa ang ekspresyon niya. Walang galit, walang sigaw, pero ang paraan ng pagtingin niya sa akin—mula sa gupit ng buhok ko hanggang sa hawak kong ballpen—ay sapat na para manghina ako.

"So, it's really you," pagsisimula niya. Mababa ang boses niya, mas baritono kumpara limang taon na ang nakakaraan, at may kakaibang lamig na hindi ko pa naririnig noon.

"Good morning, Mr. Monteverde," sagot ko. Proud ako sa sarili ko dahil hindi nagingalig ang boses ko. "I am Elira Marquez, the independent auditor for the logistics project."

Natawa siya nang bahagya, isang maikling tunog na walang bahid ng saya. Humakbang siya nang dahan-dahan pautos sa pwesto ko. "Mr. Monteverde? Talaga, Elira? Pagkatapos mong maglaho na parang bula limang taon na ang nakakaraan, babalik ka rito sa kumpanya ko at kakausapin mo ako na parang hindi mo ako kilala?"

"Nandito ako para magtrabaho," diretso kong sagot, pilit na iniiwas ang tingin sa kaniyang mga labi. "Kung may isyu po kayo sa background ko o sa pagkaka-hire sa akin ng board, maaari ko namang iwan ang project na 'to."

"No, you're not going anywhere," mabilis niyang putol. Huminto siya sa mismong tapat ko. Amoy na amoy ko ang pamilyar niyang pabango—isang halo ng mamahaling leather at citrus na cologne—na agad nagdala sa akin sa mga gabi kung saan akala ko ay ligtas ako sa mga bisig niya. "Masyadong madali 'yon. Ganiyan ka naman, 'di ba? Kapag nahihirapan ka, aalis ka. Magtatago ka."

Kumunot ang noo ko. Nasaktan ako sa tono niya. Siya ang nagtaboy sa akin. Siya ang pumirma sa papel para ipalaglag ang anak namin. Bakit siya ang mukhang galit ngayon? "Hindi mo alam ang pinagsasabi mo, Azriel."

"Iyon na nga, eh. Wala akong alam," seryosong sabi niya, mas lalong lumapit kaya napaurong ako hanggang sa sumadsad ang likod ko sa gilid ng mesa. Itinukod niya ang dalawang kamay niya sa magkabilang gilid ko, kinukulong ako sa kaniyang pwesto. "Isang gabi, okay tayo. Sabi mo mahal mo ako. Tapos kinaumagahan, blangko na ang apartment mo. Pinalitan mo ang number mo. Kahit si Kuya Gideon, nag-resign sa trabaho at hindi ko na mahagilap. Bakit, Elira? Dahil ba nakuha mo na ang gusto mo sa akin?"

Napakurap ako. "Ano?"

"Sino ang lalaking kasama mo?" tanong niya, lumalalim ang guhit sa kaniyang noo. May kung anong pait sa kaniyang mga mata na pilit niyang itinago sa likod ng kaniyang malamig na titig. "Sino ang pinagpalitan mo sa akin kaya mo ako nagawang iwan nang ganoon na lang?"

Napatitig ako sa kaniya, tuluyang naguluhan. Bakit niya itinatanong kung may ibang lalaki ako? Hindi ba niya alam na nasa ospital ako noon? Hindi ba niya alam na si Zander ang naghatid sa akin ng mensahe niya? O baka naman umaarte lang siya ngayon dahil nandidito ako sa teritoryo niya?

"Wala akong ibang lalaki," mahina kong sabi, ramdam ang bigat ng emosyon na pilit sumusungaw. "At alam mo kung bakit ako umalis. Huwag na tayong mag-lokohan dito, Azriel. May asawa ka na, 'di ba? O engaged ka na kay Nadia? Bakit kailangan mo pa akong tanungin tungkol sa nakaraan natin?"

Bahagyang lumuwag ang pagkakatukod ng mga kamay niya sa mesa. Mukha siyang nagulat, pero agad ding bumalik ang kaniyang mapang-akit at seryosong mukha. "Anong kinalaman ni Nadia rito? My family wanted that arrangement, yes. Pero bago ka pa nawala, alam mong ginagawa ko ang lahat para tanggihan 'yon. I was building my own name para hindi nila ako madiktahan. Pero bago ko pa maayos ang lahat, iniwan mo na ako."

Umiling ako, ayaw kong maniwala. Natatakot ako na baka isang salita pa niya ay tuluyan nang gumuho ang pader na itinayo ko sa loob ng limang taon. "Hindi na mahalaga 'yon ngayon. Tapos na tayo. Nandito ako para sa kumpanya ni Kuya Gideon. Gusto ko lang linisin ang pangalan niya mula sa maling paratang ng logistics division niyo, at pagkatapos niyon, hindi mo na ako makikita muli."

Tinitigan niya ako nang matagal, tila binabasa ang bawat galaw ng mga mata ko. Mayamaya ay dahan-dahan siyang lumayo, ipinasok ang mga kamay sa bulsa ng kaniyang slacks, at tumalikod.

"The board approved you because you're the best at what you do," sabi niya habang nakatingin sa labas ng malaking salamin ng boardroom kung saan tanaw ang buong lungsod. "But I am the CEO, Elira. At hindi ko hahayaang may gumagalaw sa mga files ng kumpanya ko na may hindi natatapos na atraso sa akin."

"Ano'ng ibig mong sabihin?" tanong ko habang inaayos ang pagkakasabit ng bag ko.

Humarap siya sa akin, may kakaibang ngiti sa kaniyang mga labi na nagpabilis muli ng tibok ng puso ko. Isang ngiti na nagsasabing hawak niya ang alas sa larong ito. "Masyadong malawak ang opisina na ito para sa auditing na gagawin mo. At dahil confidential ang kaso ng kapatid mo, mas mabuting doon mo gawin ang trabaho kung saan mababantayan kita nang maayos."

"Saan?" kabado kong tanong.

"Sa bahay ko," seryosong sagot ni Azriel sabay dampot ng kaniyang fountain pen sa mesa. "Simula bukas, doon ka na magre-report. I'll have Soren prepare the papers."

Lumakad siya deritso sa pinto, ngunit bago niya tuluyang pihitin ang hawak nito, huminto siya at lumingon muli sa akin nang may mapanuring tingin. "Huwag mong subukang tumakas ulit, Elira. Dahil sa oras na gawin mo 'yon, titiyakin kong hindi lang kumpanya ng kapatid mo ang babagsak."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire's Forgotten Heir   CHAPTER 174

    ELIRA POVMiyerkules ng umaga. Masakit pa ang likod ko paggising dahil hatinggabi na ako natapos sa pag-aayos ng localization framework para sa Singapore agency. Pero kakaibang ginhawa ang sumalubong sa akin pagdilat ng mga mata ko. Lumingon ako sa gilid ng kama at nakitang gising na rin si Zion, tahimik na naglalaro ng kaniyang pulang eroplano habang nakahiga."Good morning, aking Captain," bati ko sabay hila sa kaniya para yakapin nang mahigpit."Good morning, Mommy! Sabi ni Manang Melba, may bagong milk daw po sa baba!" masayang sagot niya habang humihikab pa.Napangiti ako habang inaayos ang gulu-gulong buhok ng anak ko. "Sige na, mag-wash ng face tapos baba na tayo, ha?"Habang pababa kami sa hagdan, naramdaman ko ang pamilyar na amoy ng brewed coffee na galing sa kusina. Pero bago pa man ako makarating doon, naalala ko na naman ang mga huling salita ni Azriel kagabi sa beranda.*You are never an inconvenience to me, Elira. Sana pumasok 'yan sa isip mo.*Masyadong malalim ang bos

  • The Billionaire's Forgotten Heir   CHAPTER 173

    ELIRA POVPagkapasok na pagkapasok namin sa gate ng mansyon sa Forbes Park, ramdam ko agad ang pagbabago sa buong paligid. Hindi na ganoon kabigat ang hangin. Kahit ang mga guards at si Jojo na seryosong nagbabantay sa labas, may kaunti nang rilaks sa kanilang mga galaw. Mission accomplished na kami sa korte, at hawak na ni Ramos ang opisyal na kopya ng Permanent Protection Order. Legally, Zander is completely crossed out of Elira and Zion’s lives."Tito Azriel! Pwede po ba nating i-set up 'yung bagong train tracks sa carpet sa sala?" tanong ni Zion habang tinutulungan ko siyang bumaba mula sa backseat ng SUV."Sure, Captain. Pero tulungan muna natin ang Mommy mo na ipasok 'yung mga pinamili nina Jojo para sa lasagna mamaya," sagot ko habang pinapasan sa isang balikat ko 'yung dalawang malaking paper bag ng groceries na binili ng team bago kami umuwi.Sumunod si Elira sa amin, dala ang kaniyang maliit na handbag at ang kaniyang cream cardigan na nakasampay na ngayon sa kaniyang braso.

  • The Billionaire's Forgotten Heir   CHAPTER 172

    ELIRA POVTumahimik ang buong courtroom nang pumasok ang judge. Isang matandang babae na may salamin, seryoso ang mukha, at hawak ang isang makapal na piraso ng opisyal na dokumento. Ramdam ko ang lamig ng kamay ni Elira sa loob ng palad ko. Mas lalo ko itong hinigpitan para ipaalala sa kaniya na anuman ang mangyari, hinding-hindi ko siya bibitiwan sa silid na ito."We are here today for the final ruling on the petition for a Permanent Protection Order filed by the petitioner, Elira Marquez, against the respondent, Zander Monteverde," panimula ng judge, ang boses niya ay umaalingawngaw sa apat na sulok ng silid.Tiningnan ko ang tatlong abogadong ipinadala ni Zander sa kabilang panig. Nakaupo sila nang matuwid, pero halatang balisa. Alam kong alam nila kung anong epekto ng mga huling mosyon na ginawa nila nitong mga nakaraang araw. Ang tangka nilang pagpigil sa kaso at ang ginawa nilang surveillance sa BGC ay naging patunay lang na wala silang respeto sa proseso ng batas.Sana lang ay

  • The Billionaire's Forgotten Heir   CHAPTER 171

    AZRIEL POVMaaga pa lang ay nakatayo na ako sa tapat ng full-length mirror sa aking dressing room, isinusuot ang aking navy blue na Tom Ford suit jacket. Habang inaayos ko ang aking necktie, napatingin ako sa aking repleksyon. Bakas sa aking mga mata ang kakulangan sa tulog, pero hindi ko maramdaman ang pagod. Masyadong maraming tumatakbo sa isip ko. Ngayong Martes ang nakatakdang paglalabas ng korte sa Permanent Protection Order para kay Elira at Zion. Ito ang araw na matagal kong pinaghandaan, ang araw na legal na puputol sa kakayahan ng kapatid kong si Zander na lapitan sila.Sumulyap ako sa aking desk kung saan nakapatong ang aking telepono. Ilang araw na ang nakalipas mula nung makuha ni Zander ang numero ni Elira sa pamamagitan ng pagbili sa assistant ni Atty. Ramos na si David. Noong gabing iyon, nung makita kong nanginginig si Elira habang hawak ang kaniyang phone, may kung anong galit ang sumiklab sa dibdib ko. Agad kong ipinatanggal si David at siniguradong hinding-hindi na

  • The Billionaire's Forgotten Heir   CHAPTER 170

    ELIRA POVBuong hapunan kaming walang imikan ni Azriel. Si Zion lang talaga ang nagpapasigla sa lamesa dahil sa kwento niya tungkol sa bagong train tracks na niregalo sa kaniya. Pagkatapos kumain, nagpaalam agad si Azriel na babalik sa study room niya dahil may aasikasuhin pa raw siyang international structural reports para sa kumpanya.Umakay na ako kay Zion paitaas para ihanda siya sa pagtulog. Habang tinutulungan ko siyang magpalit ng pajama na may tatak na mga astronaut, hindi ko mapigilang mapatingin sa kawalan.*Sino bang nagsabi sa'yo na responsibilidad lang ang tingin ko sa'yo rito, Elira?*Ayan na naman. Paulit-ulit na bumabalik sa utak ko 'yung mga sinabi ni Azriel bago kami bumaba para maghapunan. Ano ba dapat ang isipin ko roon? Kung hindi responsibilidad ang tingin niya sa akin, ano? Hindi naman pwedeng... hindi, Elira. Huwag mong bigyan ng kahulugan ang mga salita ng isang Monteverde. Baka nadadala lang siya sa sitwasyon. Baka dahil gabi-gabi kaming magkakasama rito at n

  • The Billionaire's Forgotten Heir   CHAPTER 169

    ELIRA POVMatapos ang deal namin ni Azriel sa kusina, parang may nagbago sa hangin sa loob ng mansyon. Hindi na ganoon kabigat ang pakiramdam ko kapag nagkakasalubong kami sa hallway o kapag sabay kaming kumakain kasama si Zion. Pero hindi ibig sabihin niyon ay kalmado na ang buong sistema ko. Lunes ng umaga, habang nakaupo ako sa tapat ng laptop ko para sa aking regular na shifting sa Singapore agency, mas lalo akong naging occupied."Elira, the client loved the initial content audit you submitted last weekend," mensahe ni Chloe sa Slack, kasunod ang isang thumbs-up emoji. "They want you to handle the localization project for their Philippine branch launch next month. Are you open for additional hours?""Yes, Chloe. I can take it," mabilis na reply ko habang mabilis na nag-ta-type sa keyboard.Ito na 'yon. Mas maraming hours, mas malaking sahod. Sa bawat task na natatapos ko, nararamdaman ko na unt-unting napupunan 'yung kulang sa plano kong pag-alis. Pero habang tinitingnan ko ang l

  • The Billionaire's Forgotten Heir   CHAPTER 81

    AZRIEL POVIbinaba ko nang bahagya ang backrest ng aking upuan habang nakatitig sa digital clock ng dashboard. 9:52 AM. Walong minuto na lang bago ang pormal na dismissal ng kindergarten class ni Zion. Sa tabi ko, si Elira ay tahimik na nag-aayos ng kaniyang buhok, pilit na itinatago ang pangingini

  • The Billionaire's Forgotten Heir   CHAPTER 80

    ELIRA POVPabalik sa loob ng elevator, ramdam ko pa rin ang bahagyang panginginig ng mga tuhod ko. Pindot ni Mr. Santos ang button pababa sa basement parking, at sa bawat palapag na binababa namin, unt-unting bumabalik 'yung katahimikan na may kasamang kakaibang bigat. Nung bumukas ang pinto ng ele

  • The Billionaire's Forgotten Heir   CHAPTER 79

    ELIRA POVBumukas ang pinto ng backseat at sinalubong kami ng medyo may kalamigang hangin ng underground parking. Mabilis na umikot si Azriel para tulungan akong kalasin ang seatbelt ni Zion. Ramdam ko ang marahang pagdaiti ng kaniyang braso sa akin nung abutin niya ang backpack ng bata mula sa ila

  • The Billionaire's Forgotten Heir   CHAPTER 77

    ELIRA POVAlas-singko ng madaling araw. Mas maaga pa sa tunog ng alarm ko, dilat na ang mga mata ko. Ang lamig ng sahig nung lumapag ang mga paa ko galing sa kama, parang sumasabay sa lamig na nararamdaman ko sa sikmura ko. Pumasok ako sa banyo para maghilamos, at nung tignan ko ang sarili ko sa sa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status