Share

Chapter 3

Author: Mr. Heat
last update publish date: 2026-05-25 10:30:11

Alexandra POV

Nagising ako sa malakas na yugyog sa balikat ko.

Napadilat agad ako at bumungad sa akin ang malamig na mukha ni Rhenan. Nanigas ako nang makita ko ang galit sa mga mata niya.

Kagabi ay parang naging maayos naman siya kahit papaano… pero ngayong umaga, para na naman siyang ibang tao.

“Ayoko sa lahat ‘yung mas nauuna pang magising ang alipin ko kaysa sa akin,” malamig niyang sabi. “Hindi ka na reyna, Alexandra. Isa ka nang alipin ko. Naiintindihan mo?”

Agad akong nataranta at mabilis na bumangon.

“O-Opo… sorry po…”

Mas lalo siyang nagsalubong ang kilay.

“May kulang.”

Natigilan ako.

“A-Ano po?”

Yumuko siya nang bahagya para magtama ang mga mata namin.

“Master,” madiin niyang sabi. “Simula ngayon, Master na ang itatawag mo sa akin. Naiintindihan?”

Parang may kung anong kumirot sa dibdib ko pero pinilit kong lunukin ang pride ko.

“Opo… Master.”

Ilang segundo niya akong tinitigan bago tuluyang tumalikod.

“Ipaghanda mo ako ng almusal.”

“Yes, Master,” mahina kong sagot bago dali-daling bumaba ng kama.

Habang naglalakad ako palabas ng kwarto, mahigpit kong kinuyom ang kamay ko.

Masakit.

Sobrang sakit ng lahat.

Pero wala akong choice.

Kailangan kong tiisin ang lahat ng ito para sa pamilya ko.

At kahit paulit-ulit akong sinasaktan ng mga salita niya…

Hindi ko pa rin mapigilan ang sarili kong mahalin siya.

Habang tahimik na nag-aalmusal si Rhenan, nakatayo lamang ako sa tabi niya gaya ng iniutos niya. Nakayuko ako habang pinipilit tiisin ang mabigat na tingin ng mga katulong na nakahilera sa dining area.

Pakiramdam ko isa akong display.

Isang alipin.

Pagkatapos kumain ni Rhenan, dahan-dahan niyang inilapag ang napkin sa mesa at malamig akong tinignan.

“Yung tira ko,” sabi niya habang pinupunasan ang gilid ng labi niya, “iyon ang kakainin mo.”

Nanigas ako.

Dahan-dahan akong napatingin sa plato niya.

Tira-tirang pagkain.

At sa pagkakataong iyon, parang may kung anong pumutok sa loob ko.

Hindi ako pulubi.

Hindi ako aso.

Napahigpit ang kamao ko bago ako tuluyang napatingin sa kanya.

“Gagawin ko lahat ng sinabi mo,” pigil galit kong sabi. “Pero hindi ako patay-gutom para kainin ang tira mo.”

Tahimik ang buong dining area.

“Hindi ako aso na papasahan mo lang ng buto.”

Biglang tumalim ang tingin niya.

“Abay… kailan ka pa sumasagot sa Master mo?” malamig ngunit galit niyang tanong.

“Dahil hindi makatarungan!” depensa ko habang umiinit ang mata ko. “Pwede mo akong utusan pero huwag mo namang yurakan nang ganito!”

Ilang segundo kaming nagtitigan.

Hanggang sa bigla siyang ngumisi.

Pero mas nakakatakot ang ngiting iyon kaysa sa galit niya.

“Ah… ganoon pala.”

Mabilis siyang tumayo.

Bago pa ako makaatras, mahigpit na niyang nahawakan ang pulsuhan ko.

“R-Rhenan—”

“Anong tawag mo sa akin?” madiin niyang putol.

Napapikit ako.

“Master…”

“Good.”

At walang pakialam na hinila niya ako palabas ng dining area habang gulat na nakatingin ang mga katulong sa amin.

“Master… nasasaktan ako…” pigil kong sabi habang pilit sumasabay sa malalaki niyang hakbang.

Pero hindi siya huminto.

Diretso niya akong hinila papunta sa kwarto niya.

At habang papalapit kami roon…

Mas lalo akong kinabahan sa kung anong klaseng parusa na naman ang balak niyang gawin sa akin.

Nagulat ako nang bigla niya akong hilahin palapit at halikan.

Mariin.

Punong-puno ng galit at matagal na tinagong emosyon.

Nanigas ako habang ramdam ko ang mabibigat niyang paghinga. Unti-unti ring gumapang ang mga kamay niya sa bewang ko hanggang balikat ko.

“Master…” nanginginig kong sambit habang pilit siyang tinutulak.

Pero mas lalo lang tumalim ang tingin niya.

“Hindi ba ito ang gusto mo noon?” malamig niyang tanong. “Bakit ngayon… nagpapakipot ka?”

Isa-isa niyang hinawakan ang damit ko na para bang gusto niya akong parusahan gamit ang sarili niyang galit.

Napaluha ako habang pilit siyang pinipigilan.

“Huwag…” umiiyak kong sabi. “Maawa ka…”

Sandali siyang natigilan nang marinig niya ang hikbi ko.

“Patawad…” nanginginig kong dagdag. “Patawad sa ginawa ko noon… at hanggang ngayon.”

Tahimik na bumagsak ang mga luha ko habang nakatingin sa kanya.

Sa unang pagkakataon, nakita kong bahagyang nag-iba ang ekspresyon niya.

Galit pa rin.

Pero may sakit na nakatago roon.

“Alam mo ba kung ilang taon kong gustong marinig ‘yan?” mahina ngunit mabigat niyang sabi.

Napapikit ako habang patuloy ang pag-iyak.

“Sinira kita…” bulong ko. “At alam kong wala akong karapatang humingi ng tawad…”

Tahimik ang buong kwarto.

Hanggang sa dahan-dahan niya akong binitawan.

Napahawak ako agad sa damit kong halos magulo na habang nanginginig.

Tumalikod siya at mariing sinuklay paatras ang buhok niya.

“Lumabas ka,” malamig niyang sabi.

Nagulat ako.

“Master…”

“Bago pa magbago isip ko.” Nanginginig ang boses niya sa pinipigilang emosyon. “Lumabas ka na.”

At doon ko narealize…

Sa kabila ng galit niya sa akin, may parte pa rin sa kanya na lumalaban.

Parte ng lalaking minsan kong minahal.

At lalaking ako mismo ang sumira.

Tahimik akong lumabas ng kwarto habang nanginginig pa rin ang buong katawan ko. Pagkasara ng pinto, saka ako napasandal sa dingding.

Tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko.

Hindi ko alam kung bakit mas masakit ngayon.

Dahil ba sa galit niya?

O dahil alam kong ako mismo ang sumira sa buhay niya?

Napayakap ako sa sarili ko habang pilit inaayos ang magulong damit ko.

“Miss Alexandra…”

Napatingin ako sa isa sa mga katulong na nag-aalalang nakatingin sa akin.

“M-May kailangan po si Sir sa study room…”

Tahimik akong tumango bago pinunasan ang luha ko.

Pagdating ko sa study room, nadatnan kong seryosong nakaupo si Rhenan habang may kausap sa telepono. Matalim ang aura niya at agad na tumahimik ang paligid nang pumasok ako.

Ibinaba niya ang tawag at malamig akong tinignan.

“Lumapit ka.”

Dahan-dahan akong sumunod.

May inilapag siyang folder sa harap ko.

“Basahin mo.”

Nanginginig kong binuksan iyon at agad nanlaki ang mga mata ko.

Mga dokumento iyon ng lupa namin.

“Master…” mahina kong sabi.

“Pipirmahan ko na sana para maibalik sa inyo,” malamig niyang sabi habang nakasandal sa upuan. “Pero mukhang nakakalimot ka kung sino ka rito.”

Napakagat ako sa labi.

“Sorry…”

Tumayo siya at lumapit sa akin.

“Hindi sapat ang sorry mo, Alexandra.”

Huminto siya sa harap ko saka marahas na hinawakan ang baba ko para mapatingin ako sa kanya.

“Alam mo kung anong kinuha mo sa akin?” malamig niyang tanong.

Tahimik lang akong napaluha.

“Hindi lang kalayaan ko.” Tumawa siya nang mapait. “Sinira mo lahat ng pangarap ko.”

Parang may humigpit sa dibdib ko.

“May buhay na akong binubuo noon,” madiin niyang sabi. “May taong mahal ako. May pangarap akong makaahon kasama ang pamilya ko.”

Napapikit ako habang tuloy ang pagpatak ng luha ko.

“At dahil sa kasinungalingan mo…” nanginginig niyang dagdag, “nawala lahat.”

Tahimik ang buong kwarto.

“Hindi kita minahal noon, Alexandra,” malamig niyang sabi. “Pero nirespeto kita.”

Unti-unti siyang ngumisi ngunit puno iyon ng sakit.

“Hanggang sa ginawa mo akong halimaw.”

At habang nakatingin ako sa malamig niyang mga mata, doon ko lalong narealize,

Hindi paghihiganti lang ang dala ni Rhenan.

Kundi ang galit ng isang lalaking ninakawan ko ng buhay at pangarap.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire's Personal Slave   Chapter 84

    Alexandra POV Abala ako sa pagtatapos ng ilang reports sa opisina nang biglang tumunog ang cellphone ko. May natanggap akong mensahe mula sa isang hindi kilalang numero. Napakunot-noo ako at agad iyong binuksan. "Mag-ingat ka sa asawa mo. Hindi mo pa siya lubos na nakikilala. Kaya siya yumaman dahil sumapi siya sa samahan ng mga masasama—ang Seven Pillars. Imbestigahan mo rin kung bakit biglang bumagsak ang negosyo ng papa mo." Nanlamig ang buo kong katawan. Paulit-ulit kong binasa ang mensahe. Parang ayaw itong matanggap ng isip ko. Seven Pillars? Ano iyon? At bakit nadamay ang pagbagsak ng negosyo ni Daddy? Napahigpit ang hawak ko sa cellphone. Maraming tanong ang biglang pumasok sa isip ko. Gaano ko nga ba talaga kakilala ang asawa ko? May mga bagay pa bang hindi niya sinasabi sa akin? Ngunit agad kong iniling ang ulo ko. "Hindi..." Mahina kong bulong sa sarili. "Hindi maaaring totoo 'to." Kilala ko si Rhenan. Nakita ko kung paano siya nagbag

  • The Billionaire's Personal Slave   Chapter 83

    Rhenan's POV Dumating ang araw ng Family Career Day. Maaga pa lang ay nakabihis na si Rhenfield. Suot niya ang malinis niyang uniporme at ang maliit niyang backpack. Excited na excited siya. "Daddy!" Sigaw niya. "Bilisan mo!" Napatawa ako. "Ikaw talaga ang boss sa bahay." Nakangiti siyang tumango. "Opo." Habang nasa sasakyan ay hindi siya mapakali. Paulit-ulit niyang sinasabi ang mga ihaharap niyang kaklase sa akin. "Daddy." "Hmm?" "Kapag tinanong ka nila kung ano ang work mo..." "Ano ang sasabihin ko?" Ngumiti ako. "Sabihin mo lang ang totoo." "Ako ang namamahala sa kumpanya." Tumango siya. "Pero sasabihin ko rin..." Napatingin ako sa kanya. "...na ikaw ang best Daddy sa buong mundo." Napatawa ako. "Tama na, Champ." "Mahihiya ako." Pagdating namin sa school ay sinalubong kami ng adviser. "Good morning, Mr. Villareal." "Good morning, Ma'am." Masaya niyang pinaupo ang mga magulang sa harapan. Habang naghihintay ay napansin

  • The Billionaire's Personal Slave   Chapter 82

    Alexandra's POV Makalipas ang dalawang araw ay pinayagan na ring makauwi si Rhenfield. Hindi ko maipaliwanag ang saya at ginhawang naramdaman ko. Pagkalabas pa lang namin ng ospital ay mahigpit ko agad siyang niyakap. "Mommy." Natawa siya. "Hindi na po ako makahinga." Agad akong napabitaw. "Sorry, baby." Napangiti siya. "Okay lang." Lumapit naman si Rhenan at marahang binuhat ang anak namin. "Hindi ka muna maglalakad." Seryoso niyang sabi. "Daddy, kaya ko na." Umiling siya. "Hindi." "Hangga't hindi sinasabing malakas ka na ng doktor, spoiled ka muna sa Daddy mo." Napatawa si Rhenfield. "Yey!" Pagdating namin sa bahay ay nadatnan namin sina Mommy at Daddy na naghihintay sa labas. Pagkababa pa lang ni Rhenfield ay agad nila itong niyakap. "Kamusta ang apo namin?" Tanong ni Mommy habang pinupunasan ang luha. Ngumiti si Rhenfield. "Okay na po ako." "Tingnan niyo." Iniunat pa niya ang kanyang mga braso. "Strong na ulit." Napatawa ka

  • The Billionaire's Personal Slave   Chapter 81

    Alexandra's POV Kinabukasan, maaga kaming nagising ni Rhenan. Hindi kami halos nakatulog. Magdamag kaming nakabantay kay Rhenfield. Paminsan-minsan ay nagigising siya, ngunit mabilis din muling nakakatulog dahil sa gamot. Bandang alas-nuwebe ng umaga ay dumating ang doktor kasama ang ilang resulta ng laboratory tests. Agad kaming tumayo ni Rhenan. "Dok..." Nanginginig kong sabi. "Kumusta po ang anak namin?" Tinanggal ng doktor ang salamin niya at tumingin sa amin. "May maganda at may kailangan pa tayong bantayan." Napahigpit ang hawak ko sa kamay ni Rhenan. "Maganda po na hindi kami nakakita ng senyales ng leukemia." Napabuntong-hininga ako. Parang nabunutan ng napakalaking tinik ang dibdib ko. Naramdaman kong marahan akong niyakap ni Rhenan. "Thank You, Lord..." Mahina kong bulong. "Pero..." Dugtong ng doktor. "Hindi pa rin natin puwedeng ipagsawalang-bahala ang kondisyon niya." Tahimik kaming nakinig. "Severe ang anemia ni Rhenfield."

  • The Billionaire's Personal Slave   Chapter 80

    Alexandra's POV Dahan-dahan akong naglakad papasok sa bahay. Napakaganda ng bawat sulok nito. May malawak na sala. Isang maaliwalas na kusina. At malalaking bintanang tanaw ang kabundukan. Pakiramdam ko ay napakapayapa ng lugar. "Mommy!" Masayang sigaw ni Rhenfield. "Halika po!" Hinila niya ako papunta sa ikalawang palapag. Isa-isang binuksan ni Rhenan ang mga pinto. "Ito ang magiging kwarto natin." Sabi niya habang itinuturo ang master bedroom. Napangiti ako. Sunod niyang binuksan ang katabing pinto. "At ito naman ang kwarto ni Champ." Nanlaki ang mga mata ni Rhenfield. "Daddy!" May sarili itong study table, bookshelf, at isang malaking kama na hugis race car. "Ang ganda!" Masaya itong tumalon sa kama. "Thank you, Daddy!" Ngumiti si Rhenan. "Basta pagbutihin mo ang pag-aaral mo." "Opo!" Masiglang sagot ng anak namin. Habang abala si Rhenfield sa paglalaro, marahan kong hinawakan ang kamay ni Rhenan. "Bakit mo ginawa ang lahat ng

  • The Billionaire's Personal Slave   Chapter 79

    Alexandra's POV Nagising ako kinaumagahan dahil sa sinag ng araw na tumatama sa kurtina ng hotel room. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Tahimik ang paligid. Naramdaman ko ang mainit na yakap ni Rhenan sa aking baywang. Mahimbing pa rin siyang natutulog, at sa unang pagkakataon, pinagmasdan ko siya nang walang takot, walang alinlangan. Marahan kong hinaplos ang kanyang pisngi. Napangiti ako. "Good morning, asawa ko," mahina kong bulong. Parang narinig niya iyon dahil unti-unti siyang nagmulat ng mga mata. "Good morning." Ngumiti siya bago marahang humalik sa aking noo. "Nakatulog ka ba nang maayos?" Tumango ako. "Oo." "Sana ikaw rin." Tumango rin siya. "Mas mahimbing kaysa sa lahat ng gabing lumipas." Napatawa ako. "Talaga?" "Dahil wala na akong kinatatakutang paggising na wala ka na naman." Natigilan ako. Alam kong bumalik sa isip niya ang mga panahong iniwan ko siya. Mahigpit kong hinawakan ang kanyang kamay. "Hindi na mangya

  • The Billionaire's Personal Slave   Chapter 15

    Alexandra POV Tama nga ang hinala ko. Kinabukasan, paggising ko ay wala ni isang tao sa mansion. Tahimik. Nakakabinging katahimikan. Walang katulong. Walang guwardiya. Walang hardinero. Kahit ang mga maid ay wala rin. “Nasaan na silang lahat?” naguguluhan kong tanong habang paikot-

  • The Billionaire's Personal Slave   Chapter 14

    Alexandra POV Parang biglang nanlamig ang buong katawan ko matapos sabihin ng katulong na gusto akong makita ni Maui. Tahimik akong tumayo kahit mabigat ang pakiramdam ko. Pagdating ko sa garden ng mansion, agad kong nakita si Maui na nakaupo habang umiinom ng tsaa. Simple lang ang suot niya

  • The Billionaire's Personal Slave   Chapter 9

    Alexandra POV Pagkatapos ng gabing puno ng init at pananahimik, agad na tumalikod si Rhenan sa akin. Parang diring-diri. Parang wala lang ang nangyari sa pagitan naming dalawa. Tahimik akong napapikit habang unti-unting namuo ang luha sa mga mata ko. Ramdam ko pa ang bigat ng paghinga niya

  • The Billionaire's Personal Slave   Chapter 5

    Alexandra POV Dahan-dahan akong bumangon mula sa magulong kama, ninanamnam ang natitirang sakit at hapdi sa aking kaibuturan—isang pisikal na patunay na sa loob ng ilang sandali, naging akin si Rhenan. Hinugot ko ang kumot at ibinalot sa aking hubad na katawan, habang ang amoy ng aming pinagsaluha

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status