Share

Chapter 2

Author: Mr. Heat
last update publish date: 2026-05-25 10:29:05

Alexandra POV

Matagal kong tinitigan ang damit na iniabot sa akin.

Maid uniform.

Wala naman problema sa akin kung magsuot ako ng pang-maid na damit. Ang hindi ko matanggap ay ang itsura nito. Sobrang iksi ng palda at manipis ang tela. Halos kita na ang cleavage ko. Para akong isang babaeng pinapasayaw sa bar, hindi isang simpleng katulong.

Mas lalo akong nanlumo nang makita ko ang collar na parang isinusuot sa aso.

Biglang tumulo ang mga luha ko.

Ganito na ba talaga kababa ang tingin niya sa akin?

Pero mariin kong pinunasan ang mukha ko habang pinipigilan ang hikbi.

Hindi ako puwedeng sumuko.

Gagawin ko ang lahat para sa parents ko.

Kung alam lang ni Rhenan… matagal na akong nagbago.

Simula nang mawala siya sa buhay ko, parang unti-unti ring nawala ang lahat sa amin. Ang dating marangyang buhay namin ay napalitan ng problema, utang, at kahihiyan.

Minsan naiisip ko…

Baka ito na ang karma namin.

Dahil nagpakulong kami ng inosenteng tao.

Dahil sinira ko ang buhay ng lalaking walang ginawa kundi magsumikap.

Napapikit ako habang mahigpit na hawak ang uniform.

Si Rhenan na dating inaapi ko…

Ngayon siya na ang pinakamakapangyarihang tao sa San Diego.

At ako?

Isa na lang akong babaeng handang lunukin ang sariling pride para mabuhay ang pamilya niya.

Dahan-dahan kong sinuot ang maid uniform habang nanginginig ang mga kamay ko. Pakiramdam ko bawat hibla ng telang dumadampi sa balat ko ay unti-unting sumisira sa natitira kong dignidad.

Pagkatapos kong isuot ang collar, napapikit ako sandali.

Kaya mo ‘to, Alexandra.

Para kina Mama at Papa.

Huminga ako nang malalim bago lumabas ng kwarto. Ngunit paglabas na paglabas ko, agad kong naramdaman ang maiinit na tingin ng mga tauhan ni Rhenan.

Nahihiya akong napayuko.

“Sir is waiting for you,” sabi ng isang babae.

Tahimik akong sumunod hanggang makarating sa dining area ng mansion. Pagpasok ko roon, agad kong nakita si Rhenan na nakaupo habang umiinom ng wine.

Tumigil siya sa pag-inom nang makita ako.

Mabagal na naglakbay ang tingin niya mula ulo hanggang paa ko.

Para akong gustong lamunin ng lupa sa sobrang kahihiyan.

“Turn around,” malamig niyang utos.

Nanginig ako pero sumunod.

Narinig ko ang mahinang pagtawa niya.

“Bagay sa’yo.”

Mariin kong kinagat ang labi ko para pigilan ang luha.

“Rhenan…” mahina kong sabi.

Biglang tumigas ang mukha niya.

“I told you,” malamig niyang putol. “Don’t call me that.”

Tumayo siya at dahan-dahang lumapit sa akin. Napaatras ako pero agad niyang hinawakan ang baba ko.

“Nasaan na ang yabang mo ngayon, Alexandra Lewis?”

Hindi ako nakasagot.

Dahil tama siya.

Wala na akong pride.

Wala na akong kapangyarihan.

At ang pinakamasakit…

Habang tinititigan ko ang malamig niyang mga mata, ramdam kong mahal ko pa rin siya.

Pero siya?

Parang galit na lang ang natira para sa akin.

Tahimik akong nakatayo habang mahigpit ang hawak ko sa tray ng pagkain. Kanina pa ako hindi mapakali dahil ramdam ko ang titig ni Rhenan sa akin.

Parang sinusukat niya kung hanggang saan ko kayang lunukin ang pride ko.

“Lumapit ka.”

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Nakaupo siya sa sofa habang nakabukas ang ilang dokumento sa mesa. Nanginginig ang tuhod ko nang hilahin niya ako palapit hanggang mapaupo ako sa kandungan niya.

“Ano…” mahina kong sambit.

“Relax,” malamig niyang sabi. “Hindi ka naman bago sa paglalaro ng tao, hindi ba?”

Parang sinaksak ang puso ko sa sinabi niya.

Tahimik akong napayuko.

Ramdam ko ang mabigat niyang paghinga malapit sa leeg ko habang mahigpit ang pagkakahawak niya sa bewang ko. Ngunit sa kabila ng malamig niyang trato, parang may kung anong sakit akong nararamdaman mula sa kanya.

Galit.

Sama ng loob.

At sugat na ako mismo ang gumawa.

“Bakit ka nanginginig?” bulong niya.

“Hindi ako sanay…”

Napatawa siya nang mapait.

“Talaga? Hindi ka nasanay noong sinira mo buhay ko?”

Napapikit ako habang pinipigilan ang pag-iyak.

“I’m sorry…”

Biglang tumahimik ang paligid.

Ramdam kong natigilan siya sa sinabi ko.

Unti-unti niya akong binitawan bago malamig na tumayo.

“Too late for apologies, Alexandra.”

Tumalikod siya at muling uminom ng whiskey.

“Simula ngayon,” malamig niyang dagdag, “dito ka matutulog sa kwarto ko. At tandaan mo… pag-aari kita.”

Napalunok ako habang dahan-dahang yumuko.

“O-Opo…”

Ngunit habang nakatalikod siya, may isang pangalang paulit-ulit kong naririnig mula sa bibig niya habang lasing siya gabi-gabi.

“Maui…”

At doon ko lalong narealize…

Kahit gaano ako kalapit kay Rhenan ngayon,

Hindi pa rin ako ang babaeng nasa puso niya.

Madilim na ang buong kwarto nang matapos akong mag-ayos. Tahimik akong nakaupo sa gilid ng kama habang mahigpit na yakap ang sarili ko.

Ito ang kwarto ni Rhenan.

Hindi…

Ni El Diablo.

Napatingin ako sa malaking pintuan nang marinig kong bumukas iyon. Pumasok si Rhenan na bahagyang lasing. Nakatanggal ang coat niya at bahagyang nakaluwag ang polo habang malamig ang mga matang tumingin sa akin.

“Bakit gising ka pa?” tanong niya.

“Hinihintay kita…”

Sandali siyang natigilan bago mapait na ngumisi.

“Parang asawa?” sarkastiko niyang tanong.

Napayuko ako.

Wala akong karapatang umarte na parang asawa niya matapos ang ginawa ko.

Dahan-dahan siyang lumapit hanggang tumigil sa harap ko. Ramdam ko agad ang init ng katawan niya at amoy ng alak.

“Alam mo Alexandra,” mababa niyang sabi, “ilang beses kong pinangarap noon na mapunta ka sa tabi ko.”

Napatingin ako sa kanya.

“Pero hindi ganito.”

Parang may mabigat na humawak sa dibdib ko.

Unti-unti niyang hinawakan ang pisngi ko habang seryoso akong tinitigan.

“Kung hindi mo ako sinira…” bulong niya, “baka iba ang buhay natin ngayon.”

Tuluyan nang pumatak ang luha ko.

“I’m sorry…”

Napapikit siya sandali na parang pinipigilan ang emosyon niya.

Ngunit pagdilat niya, malamig na naman ang tingin niya.

“Matulog ka na,” sabi niya bago tumalikod.

Natigilan ako.

“Yun lang?”

Napahinto siya.

Hindi siya lumingon nang sumagot.

“Ayaw kong galawin ang babaeng umiiyak para sa akin.”

At pagkatapos noon ay tuluyan siyang humiga sa sofa.

Tahimik akong napaluha habang nakatingin sa likod niya.

Sa unang pagkakataon matapos ang lahat…

Mas lalo akong nasaktan dahil nakita kong may parte pa rin sa kanya na mabuti.

At iyon ang lalaking ako mismo ang sumira.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire's Personal Slave   Chapter 78

    Alexandra POV ​Habang ako ay bahagyang nakaupo sa aming kama, walang pasabi na lumuhod si Rhenan sa aking harapan, sa mismong sahig sa gilid ng aming kutson. Hinawakan niya ang aking bukung-bukong at dahan-dahang itinaas ang kanyang paningin. Hinalikan niya ako sa binti, banayad at madiin, bago dahan-dahang naggagalugad ang kanyang mga labi pataas patungo sa aking hita habang ang kanyang mga mata ay nakatitig lang nang diretso sa akin. ​"May naalala ka ba nito, Alex?" nakangiting tanong ni Rhenan, ang kanyang boses ay may kasamang malambing na tono na labis kong ipinagpapasalamat ngayon na mag-asawa na kami. ​Napangiti ako nang malawak habang inaalala ang mga panahong magkasintahan pa lang kami at pilit pa naming itinatago ang lahat. "Oo..." mahina kong sagot, ramdam ang mabilis na namang pagtibok ng aking puso sa pamilyar niyang haplos. ​"Alam mo, hindi ako makatulog ng gabi na 'yun nang gawin ko 'to sa 'yo noon," pag-amin niya, bago dahan-dahan muling gumapang ang kanyang mg

  • The Billionaire's Personal Slave   Chapter 77

    Alexandra POV Gabi na pero nasa opisina pa rin ako. Nag-overtime kasi kaming buong team. Sa Friday na ang presentation namin sa kumpanya ni Rhenan, at isa ako sa mga magpe-present. Ayokong mapahiya sa asawa ko pagdating sa trabaho. Gusto kong patunayan na nandito ako dahil sa kakayahan ko, hindi dahil asawa ako ng CEO. Bago ako umalis ng bahay kaninang umaga, kinausap ko sina Mommy at Daddy. "Ma, Dad, sa bahay na muna kayo matulog." Ngumiti si Mommy. "Bakit pa?" "Nag-o-overtime kasi ako ngayon. Ayokong maiwan si Rhenfield sa mga kasambahay lang." Hindi naman sa wala akong tiwala sa kanila. Pero mas kampante ako kapag may kasama siyang pamilya. Bandang alas-diyes na ng gabi nang matapos kami. Paglabas ko ng opisina ay nadatnan ko na si Rhenan na naghihintay sa parking lot. "Tapos na?" Ngumiti siya habang binubuksan ang pinto ng sasakyan para sa akin. "Oo. Sorry, ang tagal kitang pinaghintay." Umiling siya. "Hindi mahalaga iyon." "Paano ang presen

  • The Billionaire's Personal Slave   Chapter 76

    Alexandra POV Makalipas ang isang linggo ay nagsimula na ang pagpapaayos ng bahay nina Mommy at Daddy. Halos araw-araw ay pumupunta kami roon. Excited na excited si Rhenfield. "Lolo!" Masaya nitong sigaw habang tumatakbo sa bakuran. "Ang laki na po ng bahay!" Napatawa si Daddy. "Hindi pa nga tapos." Lumapit naman sa akin si Mommy habang pinagmamasdan ang mga trabahador. "Anak." Napalingon ako sa kanya. "Hindi ko talaga akalaing mangyayari 'to." Hinawakan niya ang kamay ko. "Dati..." Napabuntong-hininga siya. "...natatakot akong baka hindi mo na maranasan ang maging masaya." Napangiti ako. "Masaya na po ako, Mommy." Tumingin ako kay Rhenan. Nasa kabilang bahagi siya ng bakuran at kausap ang engineer. Pinag-uusapan nila ang mga plano ng bahay. Paminsan-minsan ay lumilingon siya sa amin at ngumingiti. "Hindi lang siya mabuting asawa." Mahina kong sabi. "Mabuti rin siyang ama." "At mabuting anak para sa inyo." Tumango si Mommy. "Oo."

  • The Billionaire's Personal Slave   Chapter 75

    Alexandra POV Pagdating namin sa bahay ay agad kaming sinalubong ni Rhenfield. "Daddy! Mommy!" Masaya itong tumakbo at niyakap kaming dalawa. "Lola!" Sigaw nito. "Dumating na sila!" Lumabas si Mommy mula sa kusina na may suot pang apron. "Kumusta ang trabaho?" Tanong niya. "Okay naman po." Nakangiti kong sagot. "Maghugas na kayo ng kamay. Handa na ang hapunan." Tumango kaming dalawa ni Rhenan. --- Habang kumakain kami ay hindi mapakali si Rhenfield. Panay ang tingin niya sa amin. "Anak." Natatawang sabi ko. "Bakit?" Bigla siyang ngumiti. "Daddy." Napalingon si Rhenan. "O?" "Kailan mo po ulit liligawan si Mommy?" Natahimik kaming lahat sa mesa. Napatawa si Mommy. Samantalang si Daddy ay napailing na lang. Ngumiti si Rhenan. "Araw-araw ko siyang nililigawan." Masayang pumalakpak si Rhenfield. "Yey!" "Tapos bukas po ulit ha!" Tumawa si Rhenan. "Oo." "Tapos sa Sunday, date kayo." Dagdag pa ng bata. Napataas ang kila

  • The Billionaire's Personal Slave   Chapter 74

    Alexandra POV Napangiti ako habang hawak ang paper bag. Hindi ko namalayang nakatitig na pala sa akin ang ilan kong mga katrabaho. "Good morning, Ma'am Alex." Bati nila. "Good morning." Nakangiti kong sagot. Pagpasok ko sa opisina ay agad kong inilapag ang bag sa mesa. Hindi pa man ako nakakapag-umpisa sa trabaho ay may lumapit na agad na isa kong katrabaho. "Ma'am..." Pilya nitong sabi. "Bakit parang blooming ka yata ngayon?" Napatawa ako. "Talaga ba?" Tumango ito. "At parang may naghatid pa sa inyo." Bago pa ako makasagot ay may isa pa akong kasamahan na sumingit. "Gwapo pa naman ng asawa niyo." Lalo akong namula. "Huwag nga kayong mang-asar." Nagtawanan silang lahat. Bigla namang bumukas ang paper bag na hawak ko. Lumabas ang lunch box. Kasama ang maliit na sticky note. Hindi ko namalayang nabasa pala iyon ng katabi ko. "'Don't skip your lunch. See you later.'" Napahawak siya sa dibdib niya. "Naku, Ma'am! Nakakainggit naman."

  • The Billionaire's Personal Slave   Chapter 73

    Alexandra POV Pagkatapos ng honeymoon, umuwi na kami sa mansion. Tahimik akong nakatayo sa gitna ng hallway. Hindi ko alam kung saan ako tutuloy. Sa kuwarto ba namin ni Rhenfield? O sa master's bedroom... sa kuwarto naming mag-asawa ni Rhenan? Napansin ni Rhenan ang pag-aalinlangan ko. Lumapit siya sa akin at marahan akong hinaplos sa buhok. "Alex." Napatingin ako sa kanya. "Kung hindi ka pa sigurado..." Mahinahon niyang sabi. "At kung hindi ka pa comfortable..." "Hindi kita pipilitin." Ngumiti siya. "You can choose." Naramdaman kong gumaan ang loob ko. Hindi niya ako pinipilit. Hindi niya ako minamadali. "Salamat, Rhenan." Nakangiti kong sabi. Tumango lang siya. Pagkatapos ay may iniabot siyang isang bouquet ng pulang rosas at isang kahon ng chocolates. Nagulat ako. Napakurap ako habang tinatanggap ang mga iyon. "Ano 'to?" Napangiti siya. "Ngayon ko sisimulan ang panliligaw ko sa'yo." Hindi ko napigilang matawa. "Rhenan..."

  • The Billionaire's Personal Slave   Chapter 35

    Alexandra POV “Kailangan mo nang ipalaglag ang bata!” Galit na galit si Rhenan habang mahigpit akong hinihila papasok sa isang klinika. “Hindi! Maawa ka sa akin!” umiiyak kong pagsusumamo habang pilit na kumakawala sa kanya. “Pakiusap, Rhenan! Lalayo na lang kami ng anak ko. Hindi na kita gug

  • The Billionaire's Personal Slave   Chapter 33

    Alexandra POV Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha. Ilang segundo akong nakatulala sa kisame. Hindi ko agad maalala kung nasaan ako. Hanggang sa naamoy ko ang pamilyar na pabango. Si Rhenan. Bigla akong napabangon. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kong

  • The Billionaire's Personal Slave   Chapter 23

    Flashback continuation Rhenan POV​Hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Ang kamay ko na nasa kanyang baywang ay unti-unting umakyat, dumaan sa kanyang tagiliran hanggang sa sumakop sa kanyang dibdib. Kahit may manipis na tela ng kanyang damit, ramdam ko ang init at ang mabilis na pintig ng kanyan

  • The Billionaire's Personal Slave   Chapter 17

    Alexandra POV Tahimik akong sumunod kay Rhenan papasok ng hotel. Lalo lamang lumalakas ang kaba sa dibdib ko habang papasok kami sa isang mamahaling suite. Pagkasara niya ng pinto ay agad akong napaatras. “Bakit mo ako dinala rito?” nanginginig kong tanong. Tinanggal niya ang coat niya at b

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status