LOGIN
Rhenan POV
“Sir, nasa labas po si Alexandra Lewis.” Bahagya akong napangisi habang dahan-dahang nilingon ang malaking bintana ng opisina ko. Sa labas ng mansyon, kitang-kita ko ang babaeng minsang sumira ng buhay ko. Basang-basa siya sa malakas na ulan. Nanginginig. Walang payong. Walang yabang. At sa unang pagkakataon… wala ring kapangyarihan. Tahimik kong pinagmasdan si Alexandra habang nakatayo sa harap ng napakalaking gate ng mansion ko rito sa San Diego. Ang mansion ng taong dati niyang inapakan. Ngayon… Ako na ang kinatatakutan nilang lahat. El Diablo. “Papasukin niyo siya,” malamig kong utos. “Y-Yes, Sir.” Ilang minuto lang ay bumukas ang pinto ng opisina ko. Dahan-dahang pumasok si Alexandra. Nanlalambot ang mga tuhod niya habang nakatingin sa akin. Hindi ko maiwasang mapangiti. Nasaan na ang dating prinsesang mahilig mang-api? “R-Rhenan…” nanginginig niyang tawag. Umupo ako sa swivel chair ko at malamig siyang tinitigan mula ulo hanggang paa. “Anong kailangan mo?” Bigla siyang lumapit at halos lumuhod sa harap ko. “Maawa ka… tulungan mo ang Papa ko. Kunin mo na lahat huwag lang ang lupa namin,” umiiyak niyang sabi. “Kapag nawala pa ‘yon… wala na kaming matitirhan.” Tahimik akong nakatingin sa kanya. Ito ba ang babaeng walang awang nagpabagsak sa akin noon? Ito ba ang babaeng ngumiti habang dinadala ako ng mga pulis? Ngayon siya naman ang nagmamakaawa. “Kahit ano gagawin ko…” mahinang dagdag niya. Napahilig ako sa upuan ko habang pinapaikot ang baso ng whiskey. “Anything?” “O-Oo…” Tumayo ako at dahan-dahang lumapit sa kanya hanggang sa halos isang dangkal na lang ang pagitan namin. “Fine,” malamig kong sabi. “Tutulungan ko kayo. Pero may kondisyon.” Agad siyang napatingin sa akin. “Ano?” “You will be my slave.” Nanlaki ang mga mata niya. “W-What?” “Habang gusto kita… susunod ka sa lahat ng iuutos ko.” Yumuko ako para magtapat ang mga mata namin. “At kapag nagsawa ako… saka kita pakakawalan.” “Rhenan…” umiiyak niyang sambit. Biglang nagdilim ang mukha ko. “Bakit?” sigaw ko. “Ayaw mo? Lumayas ka rito! Hayaan mong mapatapon ang pamilya mo sa San Diego!” Napaiyak siya lalo. “Huwag…” nanginginig niyang sabi. “Please… gagawin ko lahat. Huwag mo lang kunin sa amin ang lupa…” Ngumisi ako. “Good girl.” Tumalikod ako at bumalik sa kinauupuan ko. “Ngayon,” malamig kong utos, “lumuhod ka.” Dahan-dahan siyang lumuhod habang nanginginig ang buong katawan niya. “At tumahol ka.” Parang tumigil ang mundo. Namumula ang mukha niya sa kahihiyan habang tuloy-tuloy ang pagpatak ng luha niya. Pero sumunod pa rin siya. “Aw… aw…” Malakas akong natawa habang nakatingin sa kanya. “Bagay na bagay sa’yo,” malamig kong sabi. Ngunit lingid sa kanya… Habang nakaluhod siya sa harap ko— Mas lalo kong nararamdaman ang galit… at ang delikadong damdaming pilit kong pinapatay para sa kanya. Alexandra POV Parang bawat tahol na lumalabas sa bibig ko ay unti-unting dumudurog sa natitira kong dignidad. Hindi ko akalaing darating ang araw na ako—si Alexandra Lewis—ang luluhod sa harap ng lalaking minsan kong inapi. Ngunit wala akong choice. Kapag hindi ko ginawa ito… mawawala sa amin ang lahat. Patuloy ang pagpatak ng luha ko habang nakayuko sa marmol na sahig ng opisina niya. Ramdam ko ang malamig na tingin ni Rhenan sa akin. Hindi… Hindi na siya si Rhenan. Isa na siyang halimaw. “Look at me.” Nanginginig akong napatingin sa kanya. Napahinto ako nang makita ko ang mga mata niyang walang emosyon. Ang dating mabait at masayahing binata noon ay wala na. Ako ang pumatay doon. “Alam mo ba kung ilang taon kong hinintay ‘to?” malamig niyang tanong. Hindi ako nakasagot. Dahan-dahan siyang yumuko sa harap ko at hinawakan ang baba ko. “Na makita kang nagmamakaawa.” Napapikit ako habang tuloy ang pag-agos ng luha ko. “Rhenan… please…” “Don’t call me that,” madiin niyang sabi. “Wala nang Rhenan.” Tumayo siya at tumalikod. “Simula ngayon dito ka titira.” Nanlaki ang mata ko. “A-Ano?” “Slave kita, remember?” malamig niyang sagot. “You obey me. You don’t question me.” “Pero ang Papa ko—” “Safe sila habang sumusunod ka.” Agad akong natahimik. Lumapit ang isa niyang tauhan at iniabot ang isang maliit na box sa akin. “Buksan mo.” Dahan-dahan kong binuksan iyon at halos mawalan ako ng hininga nang makita ko ang laman. Isang manipis at maiksing maid uniform. Namutla ako. “Rhenan…” halos pabulong kong sabi. Ngumisi siya habang nakatingin sa akin. “Bagay na bagay ‘yan sa isang katulad mo.” “Please… huwag naman ganyan…” Biglang tumigas ang mukha niya. “Noong nagsinungaling ka sa korte… nagmakaawa rin ako.” Natigilan ako. “Pero nakinig ka ba?” Tahimik akong napaluha. Hindi. Hindi ako nakinig noon. Lumapit siya sa akin hanggang halos magdikit ang mukha namin. “Kaya ngayon,” bulong niya, “oras mo naman para maranasan kung paano masira.” Pagkatapos noon ay tumalikod siya. “Magbihis ka. Ayokong naghihintay.” At habang papalayo siya… Doon ko naramdaman ang pinakamabigat na bagay. Hindi lang galit ang nasa puso ni Rhenan. Kundi sakit na ako mismo ang gumawa.Alexandra's POV Makalipas ang dalawang araw ay pinayagan na ring makauwi si Rhenfield. Hindi ko maipaliwanag ang saya at ginhawang naramdaman ko. Pagkalabas pa lang namin ng ospital ay mahigpit ko agad siyang niyakap. "Mommy." Natawa siya. "Hindi na po ako makahinga." Agad akong napabitaw. "Sorry, baby." Napangiti siya. "Okay lang." Lumapit naman si Rhenan at marahang binuhat ang anak namin. "Hindi ka muna maglalakad." Seryoso niyang sabi. "Daddy, kaya ko na." Umiling siya. "Hindi." "Hangga't hindi sinasabing malakas ka na ng doktor, spoiled ka muna sa Daddy mo." Napatawa si Rhenfield. "Yey!" Pagdating namin sa bahay ay nadatnan namin sina Mommy at Daddy na naghihintay sa labas. Pagkababa pa lang ni Rhenfield ay agad nila itong niyakap. "Kamusta ang apo namin?" Tanong ni Mommy habang pinupunasan ang luha. Ngumiti si Rhenfield. "Okay na po ako." "Tingnan niyo." Iniunat pa niya ang kanyang mga braso. "Strong na ulit." Napatawa ka
Alexandra's POV Kinabukasan, maaga kaming nagising ni Rhenan. Hindi kami halos nakatulog. Magdamag kaming nakabantay kay Rhenfield. Paminsan-minsan ay nagigising siya, ngunit mabilis din muling nakakatulog dahil sa gamot. Bandang alas-nuwebe ng umaga ay dumating ang doktor kasama ang ilang resulta ng laboratory tests. Agad kaming tumayo ni Rhenan. "Dok..." Nanginginig kong sabi. "Kumusta po ang anak namin?" Tinanggal ng doktor ang salamin niya at tumingin sa amin. "May maganda at may kailangan pa tayong bantayan." Napahigpit ang hawak ko sa kamay ni Rhenan. "Maganda po na hindi kami nakakita ng senyales ng leukemia." Napabuntong-hininga ako. Parang nabunutan ng napakalaking tinik ang dibdib ko. Naramdaman kong marahan akong niyakap ni Rhenan. "Thank You, Lord..." Mahina kong bulong. "Pero..." Dugtong ng doktor. "Hindi pa rin natin puwedeng ipagsawalang-bahala ang kondisyon niya." Tahimik kaming nakinig. "Severe ang anemia ni Rhenfield."
Alexandra's POV Dahan-dahan akong naglakad papasok sa bahay. Napakaganda ng bawat sulok nito. May malawak na sala. Isang maaliwalas na kusina. At malalaking bintanang tanaw ang kabundukan. Pakiramdam ko ay napakapayapa ng lugar. "Mommy!" Masayang sigaw ni Rhenfield. "Halika po!" Hinila niya ako papunta sa ikalawang palapag. Isa-isang binuksan ni Rhenan ang mga pinto. "Ito ang magiging kwarto natin." Sabi niya habang itinuturo ang master bedroom. Napangiti ako. Sunod niyang binuksan ang katabing pinto. "At ito naman ang kwarto ni Champ." Nanlaki ang mga mata ni Rhenfield. "Daddy!" May sarili itong study table, bookshelf, at isang malaking kama na hugis race car. "Ang ganda!" Masaya itong tumalon sa kama. "Thank you, Daddy!" Ngumiti si Rhenan. "Basta pagbutihin mo ang pag-aaral mo." "Opo!" Masiglang sagot ng anak namin. Habang abala si Rhenfield sa paglalaro, marahan kong hinawakan ang kamay ni Rhenan. "Bakit mo ginawa ang lahat ng
Alexandra's POV Nagising ako kinaumagahan dahil sa sinag ng araw na tumatama sa kurtina ng hotel room. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Tahimik ang paligid. Naramdaman ko ang mainit na yakap ni Rhenan sa aking baywang. Mahimbing pa rin siyang natutulog, at sa unang pagkakataon, pinagmasdan ko siya nang walang takot, walang alinlangan. Marahan kong hinaplos ang kanyang pisngi. Napangiti ako. "Good morning, asawa ko," mahina kong bulong. Parang narinig niya iyon dahil unti-unti siyang nagmulat ng mga mata. "Good morning." Ngumiti siya bago marahang humalik sa aking noo. "Nakatulog ka ba nang maayos?" Tumango ako. "Oo." "Sana ikaw rin." Tumango rin siya. "Mas mahimbing kaysa sa lahat ng gabing lumipas." Napatawa ako. "Talaga?" "Dahil wala na akong kinatatakutang paggising na wala ka na naman." Natigilan ako. Alam kong bumalik sa isip niya ang mga panahong iniwan ko siya. Mahigpit kong hinawakan ang kanyang kamay. "Hindi na mangya
Alexandra POV Habang ako ay bahagyang nakaupo sa aming kama, walang pasabi na lumuhod si Rhenan sa aking harapan, sa mismong sahig sa gilid ng aming kutson. Hinawakan niya ang aking bukung-bukong at dahan-dahang itinaas ang kanyang paningin. Hinalikan niya ako sa binti, banayad at madiin, bago dahan-dahang naggagalugad ang kanyang mga labi pataas patungo sa aking hita habang ang kanyang mga mata ay nakatitig lang nang diretso sa akin. "May naalala ka ba nito, Alex?" nakangiting tanong ni Rhenan, ang kanyang boses ay may kasamang malambing na tono na labis kong ipinagpapasalamat ngayon na mag-asawa na kami. Napangiti ako nang malawak habang inaalala ang mga panahong magkasintahan pa lang kami at pilit pa naming itinatago ang lahat. "Oo..." mahina kong sagot, ramdam ang mabilis na namang pagtibok ng aking puso sa pamilyar niyang haplos. "Alam mo, hindi ako makatulog ng gabi na 'yun nang gawin ko 'to sa 'yo noon," pag-amin niya, bago dahan-dahan muling gumapang ang kanyang mg
Alexandra POV Gabi na pero nasa opisina pa rin ako. Nag-overtime kasi kaming buong team. Sa Friday na ang presentation namin sa kumpanya ni Rhenan, at isa ako sa mga magpe-present. Ayokong mapahiya sa asawa ko pagdating sa trabaho. Gusto kong patunayan na nandito ako dahil sa kakayahan ko, hindi dahil asawa ako ng CEO. Bago ako umalis ng bahay kaninang umaga, kinausap ko sina Mommy at Daddy. "Ma, Dad, sa bahay na muna kayo matulog." Ngumiti si Mommy. "Bakit pa?" "Nag-o-overtime kasi ako ngayon. Ayokong maiwan si Rhenfield sa mga kasambahay lang." Hindi naman sa wala akong tiwala sa kanila. Pero mas kampante ako kapag may kasama siyang pamilya. Bandang alas-diyes na ng gabi nang matapos kami. Paglabas ko ng opisina ay nadatnan ko na si Rhenan na naghihintay sa parking lot. "Tapos na?" Ngumiti siya habang binubuksan ang pinto ng sasakyan para sa akin. "Oo. Sorry, ang tagal kitang pinaghintay." Umiling siya. "Hindi mahalaga iyon." "Paano ang presen
Alexandra POV “Anong gusto mong gawin ko para makabawi ako sa’yo?” tanong ko. Bigla akong naawa sa kanya. May dahilan nga talaga kung bakit siya naging ganito sa akin. Gusto ko siyang paligayahin. At walang kaabog-abog, hinalikan niya ako. Marahas ang halik niya, pero kahit ganoon, hinalikan ko
Alexandra POV Pagkatapos ng gabing puno ng init at pananahimik, agad na tumalikod si Rhenan sa akin. Parang diring-diri. Parang wala lang ang nangyari sa pagitan naming dalawa. Tahimik akong napapikit habang unti-unting namuo ang luha sa mga mata ko. Ramdam ko pa ang bigat ng paghinga niya
Alexandra POV Dahan-dahan akong bumangon mula sa magulong kama, ninanamnam ang natitirang sakit at hapdi sa aking kaibuturan—isang pisikal na patunay na sa loob ng ilang sandali, naging akin si Rhenan. Hinugot ko ang kumot at ibinalot sa aking hubad na katawan, habang ang amoy ng aming pinagsaluha
Alexandra POV Nagising ako sa malakas na yugyog sa balikat ko. Napadilat agad ako at bumungad sa akin ang malamig na mukha ni Rhenan. Nanigas ako nang makita ko ang galit sa mga mata niya. Kagabi ay parang naging maayos naman siya kahit papaano… pero ngayong umaga, para na naman siyang ibang







