LOGINHindi kumibo si Lia nang marinig ang ibang babae na tawaging anak ang batang dinala niya sa kanyang sinapupunan sa loob ng siyam na buwan. Nanatiling kalmado ang kanyang mukha, walang bahid ng emosyon ang kanyang boses nang sumagot siya.
"Nararapat ka lang purihin ngayong araw. Nakuha mo lahat ng tamang sagot sa Math. Umuwi ka at maghanda nang mabuti para makuha ang pinakamataas na parangal sa National Olympiad."
Napangisi si Wendy nang makit
Habang nakatitig sa matandang humahagulgol at basang-basa ang mukha sa luha, biglang gustong matawa ni Lia.Mukhang pare-pareho yata ng acting class ang pinagtapusan ng mag-inang ito.Noon, napakagaling umakto ni Adrian bilang mapagmahal na asawa, kaya hindi niya napansin ang mga patalim sa likod nito. Ngayon naman, ang ina nito ang may pa-ganap na mapagmahal at nagsisising biyenan.Isang sarkastikong ngisi ang pinakawalan ni Lia. “Tapos na ang dapat mangyari. Kaya pakiusap, Madam Serano, magtira ka naman ng kahit kaunting respeto sa sarili mo. Tungkol naman sa nangyari kahapon, napakalaking pinsala ang idinulot nun sa’kin at sa mga anak ko. Hindi iyon kayang burahin ng isang simpleng sorry mo lang. Ang abogado ko nalang ang kausapin niyo. Kung wala na kayong ibang sasabihin, lumayas na kayo. Huwag niyo na akong subukan, baka hindi ko lang magustuhan ang susunod kong gagawin!”
Matagal bago tuluyang naproseso ni Madam Serano ang katotohanan. Hindi lang pala isang apo ang mayroon siya, may apo rin siyang babae.Sa isang iglap, tila bula na naglaho sa utak niya ang lahat ng pinsalang idinulot niya kay Lia. Mabilis niyang hinawakan ang braso ni Adrian at hinila ito papuntang pinto.“Ayan, sumama ka sa’kin, pupuntahan natin ang apo ko. Sabi ko na nga ba, pamilyar ang mukha ng batang iyon! Kadugo natin siya, isang Serano! Kung ganoon, hindi natin pwedeng hayaang tawaging tatay ang ibang lalaki. Kailangan natin siyang bawiin at iuwi sa mansiyon para opisyal na kilalanin ng pamilya!”Nandidiri at malakas na itinaboy ni Adrian ang kamay ng ina. Puno ng nag-uumapaw na pait at galit ang kanyang mga mata.“Anong karapatan nating bawiin siya at piliting kilalanin ang mga kadugo niya? Tayo ang unang nang-iwan sa kanya! Dahil sa atin, nagkaroon siya ng autism simu
Pinunasan ni Noah ang kanyang mga luha at tahimik na bumalik sa kwarto. Tiningnan niya ang natutulog na si Bunbun. Yumuko siya at marahang hinandugan ng halik ang matambok na kamay ng kapatid."Bunbun, kahit sinong piliin ni Mommy sa huli, aalagaan ka ni Kuya. Hinding-hindi ko hahayaang saktan ka ng kahit sino."Napahilig si Adrian sa upuan ng eroplano, paulit-ulit na nag-e-echo sa isip niya ang mga salita ng anak. Bawat salita nito ay parang talim na bumaon sa dibdib niya.Tama ang anak niya. Ang katotohanang nagkawatak-watak ang pamilya nila ay dahil sa sarili niyang mga maling desisyon. Inaani na niya ngayon ang pait ng nakaraang pang-iiwan at pagtataksil kay Lia. Ito ang karapat-dapat na karma sa kanya.-Makalipas ang kalahating oras, sa wakas ay lumipad na ang eroplano.Kinaumagahan na nang makarating siya sa lumang mansiyon ng pamilya Serano.&n
Habang hawak ang kanyang cellcellphone, nakatayo si Lia sa tapat ng bintana habang dinadamdam ang malamig na simoy ng hangin ng gabi.Hindi ito kasing-ginaw noong gabing lisanin niya ang pamilya Serano noon, mas malamig pa sa gabi ang puso niya ngayon. Wala na siyang kahit katiting na tiwala kay Adrian. Ubos na ubos na siya noon pa man.Noon, masyado niyang ibinigay ang sarili sa lalaking ito. Naniwala siyang mamahalin siya nito habambuhay at totoo ang bawat pag-aalaga nito sa kanya. Kaya naman, pikit-mata siyang nagtiwala—walang kaalam-alam na sinasaksak na pala siya nito sa likod.Siya lang ang nakakaalam kung gaano kasakit ang naramdaman niya noong mga oras na iyon. Parang may paulit-ulit na humihiwa sa laman niya gamit ang kinakalawang na kutsilyo. Masakit pero dahan-dahan itong ibinabaon.Hinding-hindi niya malilimutan ang pakiramdam na iyon habang buhay. At hinding-hindi na niya muling pa
Ang tindi rin magbiro ng tadhana sa kanya. Kung kailan unti-unti na niyang naaabot ang mga pangarap niya pagkatapos ng matagal na paghihirap, doon pa siya makakatanggap ng ganitong klaseng bagsik.At ang dahilan ng sakit na ito at dahil lang sa isang tao, kay Adrian. Apat na taon na ang lumipas, bakit ba hindi pa rin siya makalaya sa sumpa ng lalaking iyon?Noon, ginawa siyang panangga sa gulo, at hindi niya isinumbat kahit nawala ang kakayahan niyang magpinta. Hindi niya isinumbat na hindi itinaboy siya ng sarili nilang anak.Pero bakit hanggang ngayon, ayaw niya pa rin siya nitong lubayan?Hindi pa ba sapat ang pinsalang idinulot nito sa kanya at sa mga bata?Habang tumatagal, lalong nagdidilim ang mukha ni Lia sa galit. Napahigpit ang kapit ng dalawa niyang kamay sa unan na tila ba anumang oras ay mapupunit na ito sa matinding emosyon.Hinawakan ni Leonard
Parang tinutusok ng libo-libong karayom ang puso niya sa sobrang sakit.Ang babaeng noon ay buong-puso siyang minahal nang walang kapalit, ngayon ay malapit nang maging maybahay ng ibang lalaki.Magsasama sila sa iisang bubong, bubuo ng sariling pamilya, magkakaroon ng sariling mga anak. At pagdating ng araw na iyon, mawawalan na ng puwang si Adrian sa buhay nito. Magiging ina na lang ito ng dalawa niyang anak.Wala na itong natitirang nararamdaman para sa kanya. Kahit katiting.Nang mapagtanto iyon, hindi namalayang napadiin ang kapit ni Adrian sa hawak niyang baso. Sa isang iglap, tuluyan iyong nadurog sa palad niya. Bumaon nang malalim ang matatalas at transparent na bubog sa kanyang balat. Agad na dumanak ang malapot at pulang dugo, na dahan-dahang pumatak pababa sa kanyang pulso.Pero wala siyang naramdamang sakit. Manhid na ang buong katawan niya."Mr. Serano! Ano pong nangy
Lumipas ang halos ilang oras bago tuluyang naayos ang shipment issue. Nakuha pa ng courier ang box at ibinalik sa studio. Habang inaayos ang tamang lining, napansin ni Lia na wala si Mina sa main floor.May kakaibang katahimikan sa pantry area nang madako siya. Paglapit niya roon, sa may b
Hindi agad nagsalita si Marco kahit narinig niyang tapos nang magsalita si Lia.Hindi siya madaling basahin. Hindi niya kailangan magsalita para may patunayan, dahil ang kanyang katahimikan ang mismong sisigaw para sa kanyang mga napatunayan. Para sa kanya, Silence is not submission but knowing thi
Hindi maipaliwanag ni Lia kung kailan nagsimula ang kanyang kakaibang nararamdaman. Hindi niya ito matukoy, hindi rin mapangalanan. Walang eksaktong sandali. Walang malinaw na pangyayari.Parang isang natural na pangyayari, naganap nang hindi niya namamalayan. Pagpasok niya sa Lia Atelier kinabuka
Hindi nagmamadali si Adrian Serano.Ang mga bagay na tunay na mahalaga ay hindi hinahabol. Hindi hinihila. Inaangkin ang mga iyon—unti-unti, sistematiko, hanggang sa hindi na nila maalala kung kailan sila tumigil na lumaban.“Sir,” marahang sabi ng assistant mula sa likuran. “She left the studio la







