공유

CHAPTER 60

작가: Golden Lee
last update 게시일: 2026-06-12 11:25:15

Sampung minuto ang mabilis na lumipas nang biglang isang marahas na sigaw ang umalingawngaw mula sa labas ng hardin. “May nahulog sa tubig! Bilisan ninyo, magtawag kayo ng saklolo!”

Sa pagkakarinig ng palahaw na iyon, tila ba sinaksak ng kidlat ang buong pagkatao ni Lia. Mabilis niyang binaling ang kanyang nanginginig na tingin kay Leonard. “Nasaan... nasaan si Bunbun?!”

“Kasama niya si Noah kanina, Lili,” sagot ng

이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
잠긴 챕터

최신 챕터

  • The Billionaire's Return   CHAPTER 139

    Para kay Adrian, ang mabilis at sapilitang yakap na iyon ay parang isang maagang biyaya mula sa langit. Pagkabitaw niya kay Lia, mabilis siyang tumalikod.Kasabay ng bawat hakbang niya palayo, hindi niya namamalayang may mainit na luhang pumatak mula sa kanyang mga mata. Noon, palagi niyang pinapaniwala ang sarili na ginamit niya lang si Lia. Na wala siyang nararamdaman para sa babae.Iniisip niya na ang lahat ng mabubuting bagay na ginawa niya para rito noon ay palabas lang para sa ikabubuti ni Wendy.Pero kamakailan lang niya napagtanto ang katotohanan. Ang dahilan kung bakit hindi niya magawang itapon o ipamigay ang mga gamit ni Lia ay hindi dahil wala siyang oras, kundi dahil hindi niya kayang mawalay ang mga ito sa paningin niya.Ang rason kung bakit hinding-hindi niya pinatapak si Wendy sa bahay nila ay hindi dahil hinihintay niyang gumaling ang binti nito. Kundi dahil diring-diri siyang makita

  • The Billionaire's Return   CHAPTER 138

    Habang nakatitig sa matandang humahagulgol at basang-basa ang mukha sa luha, biglang gustong matawa ni Lia.Mukhang pare-pareho yata ng acting class ang pinagtapusan ng mag-inang ito.Noon, napakagaling umakto ni Adrian bilang mapagmahal na asawa, kaya hindi niya napansin ang mga patalim sa likod nito. Ngayon naman, ang ina nito ang may pa-ganap na mapagmahal at nagsisising biyenan.Isang sarkastikong ngisi ang pinakawalan ni Lia. “Tapos na ang dapat mangyari. Kaya pakiusap, Madam Serano, magtira ka naman ng kahit kaunting respeto sa sarili mo. Tungkol naman sa nangyari kahapon, napakalaking pinsala ang idinulot nun sa’kin at sa mga anak ko. Hindi iyon kayang burahin ng isang simpleng sorry mo lang. Ang abogado ko nalang ang kausapin niyo. Kung wala na kayong ibang sasabihin, lumayas na kayo. Huwag niyo na akong subukan, baka hindi ko lang magustuhan ang susunod kong gagawin!”

  • The Billionaire's Return   CHAPTER 137

    Matagal bago tuluyang naproseso ni Madam Serano ang katotohanan. Hindi lang pala isang apo ang mayroon siya, may apo rin siyang babae.Sa isang iglap, tila bula na naglaho sa utak niya ang lahat ng pinsalang idinulot niya kay Lia. Mabilis niyang hinawakan ang braso ni Adrian at hinila ito papuntang pinto.“Ayan, sumama ka sa’kin, pupuntahan natin ang apo ko. Sabi ko na nga ba, pamilyar ang mukha ng batang iyon! Kadugo natin siya, isang Serano! Kung ganoon, hindi natin pwedeng hayaang tawaging tatay ang ibang lalaki. Kailangan natin siyang bawiin at iuwi sa mansiyon para opisyal na kilalanin ng pamilya!”Nandidiri at malakas na itinaboy ni Adrian ang kamay ng ina. Puno ng nag-uumapaw na pait at galit ang kanyang mga mata.“Anong karapatan nating bawiin siya at piliting kilalanin ang mga kadugo niya? Tayo ang unang nang-iwan sa kanya! Dahil sa atin, nagkaroon siya ng autism simu

  • The Billionaire's Return   CHAPTER 136

    Pinunasan ni Noah ang kanyang mga luha at tahimik na bumalik sa kwarto. Tiningnan niya ang natutulog na si Bunbun. Yumuko siya at marahang hinandugan ng halik ang matambok na kamay ng kapatid."Bunbun, kahit sinong piliin ni Mommy sa huli, aalagaan ka ni Kuya. Hinding-hindi ko hahayaang saktan ka ng kahit sino."Napahilig si Adrian sa upuan ng eroplano, paulit-ulit na nag-e-echo sa isip niya ang mga salita ng anak. Bawat salita nito ay parang talim na bumaon sa dibdib niya.Tama ang anak niya. Ang katotohanang nagkawatak-watak ang pamilya nila ay dahil sa sarili niyang mga maling desisyon. Inaani na niya ngayon ang pait ng nakaraang pang-iiwan at pagtataksil kay Lia. Ito ang karapat-dapat na karma sa kanya.-Makalipas ang kalahating oras, sa wakas ay lumipad na ang eroplano.Kinaumagahan na nang makarating siya sa lumang mansiyon ng pamilya Serano.&n

  • The Billionaire's Return   CHAPTER 135

    Habang hawak ang kanyang cellcellphone, nakatayo si Lia sa tapat ng bintana habang dinadamdam ang malamig na simoy ng hangin ng gabi.Hindi ito kasing-ginaw noong gabing lisanin niya ang pamilya Serano noon, mas malamig pa sa gabi ang puso niya ngayon. Wala na siyang kahit katiting na tiwala kay Adrian. Ubos na ubos na siya noon pa man.Noon, masyado niyang ibinigay ang sarili sa lalaking ito. Naniwala siyang mamahalin siya nito habambuhay at totoo ang bawat pag-aalaga nito sa kanya. Kaya naman, pikit-mata siyang nagtiwala—walang kaalam-alam na sinasaksak na pala siya nito sa likod.Siya lang ang nakakaalam kung gaano kasakit ang naramdaman niya noong mga oras na iyon. Parang may paulit-ulit na humihiwa sa laman niya gamit ang kinakalawang na kutsilyo. Masakit pero dahan-dahan itong ibinabaon.Hinding-hindi niya malilimutan ang pakiramdam na iyon habang buhay. At hinding-hindi na niya muling pa

  • The Billionaire's Return   CHAPTER 134

    Ang tindi rin magbiro ng tadhana sa kanya. Kung kailan unti-unti na niyang naaabot ang mga pangarap niya pagkatapos ng matagal na paghihirap, doon pa siya makakatanggap ng ganitong klaseng bagsik.At ang dahilan ng sakit na ito at dahil lang sa isang tao, kay Adrian. Apat na taon na ang lumipas, bakit ba hindi pa rin siya makalaya sa sumpa ng lalaking iyon?Noon, ginawa siyang panangga sa gulo, at hindi niya isinumbat kahit nawala ang kakayahan niyang magpinta. Hindi niya isinumbat na hindi itinaboy siya ng sarili nilang anak.Pero bakit hanggang ngayon, ayaw niya pa rin siya nitong lubayan?Hindi pa ba sapat ang pinsalang idinulot nito sa kanya at sa mga bata?Habang tumatagal, lalong nagdidilim ang mukha ni Lia sa galit. Napahigpit ang kapit ng dalawa niyang kamay sa unan na tila ba anumang oras ay mapupunit na ito sa matinding emosyon.Hinawakan ni Leonard ang likod ng kamay niya para pakalmahin siya. "Lili, huwag kang mag-alala. Tutulungan kitang alamin kung sino ang may utak sa li

  • The Billionaire's Return   CHAPTER 32

    Ang kanina’y nakabibinging gulo ay biglang napalitan ng isang nakapanindig-balahibong katahimikan.Lahat ng mata ay lumingon sa pinagmulan ng boses.Pumasok si Adrian na tila may dala-dalang madilim na bagyo. Ang kaniyang mukha ay walang maaninag na emosyon, at ang kaniyang mga mata ay tila nagbaba

  • The Billionaire's Return   CHAPTER 30

    Hindi kumibo si Lia nang marinig ang ibang babae na tawaging anak ang batang dinala niya sa kanyang sinapupunan sa loob ng siyam na buwan. Nanatiling kalmado ang kanyang mukha, walang bahid ng emosyon ang kanyang boses nang sumagot siya."Nararapat ka lang purihin ng

  • The Billionaire's Return   CHAPTER 27

    Nanatiling nakaupo si Noah sa kanyang silya, matalim ang titig kay Walter. Hindi niya gusto ang nakikita niya, si Walter na nakasandal sa tabi ni Bunbun, punong-puno ng papuri sa drawing ng bata. Hindi lang si Walter, maging ang ibang mga kaklase ay nagkukumpulan na rin sa paligid ni Bunbun. May

  • The Billionaire's Return   CHAPTER 24

    Nakatitig si Adrian kay Lia, ang kanyang mga mata ay tila nagnanais na basahin ang bawat lihim na pilit itinatago ng babae. Pakiramdam naman ni Lia ay hinuhubaran siya ng tingin nito.Mas hinigpitan ni Lia ang yakap kay Bunbun. Hindi siya natatakot na muling mahulog kay Adria

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status