เข้าสู่ระบบTALIA POV
Tatlong buwan ang mabilis na lumipas. Sa loob ng mga panahong iyon, naging routine ko na ang manatili sa tabi ni Santi tuwing gabi. Sa dilim ng kwarto niya, unti-unting nawala ang bagsik niya kapag ako na ang kasama niya. Sabay naming pinakikinggan ang ulan, pinag-uusapan ang mga kwentong binabasa ko sa kaniya, at kung minsan, hinahawakan niya lang ang kamay ko hanggang sa makatulog siya.
Naging takbuhan niya ako sa gitna ng kawalan ng pag-asa. At ako naman, hindi ko namamalayang unti-unti na palang nahuhulog ang loob ko sa kaniya. Alam kong bawal, alam kong mali, pero mahirap pigilan ang puso kapag nakita mo ang totoong kahinaan ng isang tinitingalang Santiago Elizalde.
Huling gabi ko na sana sa mansyon dahil bukas ang takdang operasyon sa mga mata niya. Pero bago pa dumating ang umaga, naganap ang isang bagay na hindi ko inaasahan.
Dinala kami ng matinding emosyon. Sa pagitan ng mga bulong niya na natatakot siyang makakita ulit pero hindi ako mahanap, at sa takot ko na baka huling gabi ko na siyang mahahawakan—bumigay kaming dalawa. Isang mapusok at mainit na gabi ang pinagsaluhan namin sa gitna ng dilim. Isang gabing naramdaman kong akin siya, at kaniya ako.
Kinaumagahan, nagising akong mag-isa sa kama habang mahimbing pa siyang natutulog sa tabi ko. Pipitasin ko sana ang gintong kwintas na naiwan niya sa side table bilang alaala nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto.
Napatayo ako agad, halos mayakap ko ang sarili ko sa gulat.
Pumasok si Chantal, kasunod ang stepmother ni Santi na si Madam Victoria. Pareho silang may nakakarimarim na ngiti sa mga labi habang nakatingin sa akin.
"I knew it. Sabi ko na nga ba, may kung anong milagro na kayong ginagawa ng fiancé ko sa dilim," nakangising saad ni Chantal, dahan-dahang lumapit sa akin habang hawak ang isang envelop. "You dirty little thief."
"M-Ma'am Victoria... Ma'am Chantal..." nanginginig ang boses ko. Parang biglang nawalan ng hangin sa paligid ko. *Lord, please, huwag ngayon.*
"Don't speak, Talia," malamig na sabi ni Madam Victoria. "Nakuha mo na ang huling hulog para sa operasyon ng lola mo. At ngayon, tapos na ang trabaho mo rito. Bukas na bukas, makakakita na si Santi. At sa oras na magtanong siya kung sino ang nag-alaga sa kaniya, si Chantal ang ituturo ng lahat."
Nanigas ako sa kinatatayuan ko. "P-Pero... alam ni Sir Santiago ang boses ko. Alam niya ang—"
"Sino ang paniniwalaan niya? Isang hampaslupang nurse na walang mukha at pangalan sa kaniya, o ang fiancé niya na paborito ng pamilya niya?" putol ni Chantal, sabay hagis ng envelop sa mukha ko. "Ayan ang pera mo. Layas. At kapag nagpakita ka pa kay Santi o nagsumbong ka, sisiguraduhin kong matitigil ang gamutan ng lola mo sa ospital. I can block her medical access with one phone call, Talia. Subukan mo ako."
*Ang lola ko.* Siya na lang ang pamilyang mayroon ako. Hindi ko pwedeng isugal ang buhay niya para lang sa nararamdaman ko kay Santi.
Wala akong nagawa. Umiiyak kong binuhat ang mga gamit ko habang mahimbing pa ring natutulog si Santi dahil sa tindi ng pagod namin kagabi. Bago ako tuluyang lumabas, palihim kong ibinulsa ang gintong kwintas niya na may pendant na letrang *S*. Iniwan ko si Santi sa mansyong iyon, dala ang katotohanang hinding-hindi niya malalaman kung sino ang totoong nagligtas sa kaniya sa dilim.
Pero hindi doon nagtapos ang bangungot ko.
Isang linggo pagkaalis ko sa mansyon, habang nag-aayos ako ng mga papel sa ospital, gumuho ang mundo ko. Inatake sa puso si Lola. Kahit anong gawin ng mga doktor, hindi na nila ito naisalba. Namatay ang lola ko nang hindi man lang nagagamit ang perang pinaghirapan kong makuha mula sa mga Elizalde.
Naiwan akong mag-isa. Walang matutuluyan, walang pamilya, at basag na basag ang puso.
Nakalubog ako sa pinakamababang dako ng buhay ko nang makaramdam ako ng kakaibang hilo habang naglalakad sa kalsada isang tanghali. Sinasabayan pa ito ng pagsusuka tuwing umaga. Sa takot ko, bumili ako ng pregnancy test sa botika at dinala ito sa pampublikong banyo ng isang mall.
Nanginginig ang mga kamay ko habang hinihintay ang resulta. At nang makita ko ang dalawang pulang guhit, tuluyan na akong napaupo sa sahig.
*Buntis ako.* Buntis ako sa lalaking hinding-hindi na ako makikilala.
Kinabukasan, habang nakaupo ako sa isang karinderya habang kumakain ng lugaw, napatingin ako sa maliit na telebisyon na nakasabit sa pader. Balita sa showbiz at business ang palabas.
"Bilyonaryong si Santiago Elizalde, matagumpay na naibalik ang paningin! Sa isang exclusive interview, nagpasalamat ito sa kaniyang fiancé na si Chantal para sa walang sawang pag-aalaga sa kaniya sa madilim na yugto ng kaniyang buhay. Nakatakda na ring ganapin ang kanilang engrandeng kasal sa susunod na taon."
Nakita ko sa screen si Santi. Guwapong-guwapo, suot ang mamahaling tuxedo, at nakangiti sa mga camera habang nakaakbay kay Chantal. Mukhang masayang-masaya siya. Mukhang kumbinsido siya na si Chantal ang babaeng kayakap niya gabi-gabi sa kwarto niya.
Hinaplos ko ang tiyan ko habang pumapatak ang mga luha ko sa mangkok ng lugaw. *Mas mabuting ganito, baby. Malayo tayo sa kanila. Hindi natin sila kailangan.*
Inayos ko ang mga natitira kong gamit, kinuha ko ang perang natitira sa akin, at sumakay ako sa unang bus biyaheng probinsya—sa isang maliit at liblib na bayan kung saan walang nakakakilala sa akin. Doon ko binuo ang bagong buhay ko, malayo sa karangyaan at kasinungalingan ng mundong ginagalawan ng ama ng anak ko.
Limang taon akong nagtago at nagpakasipag para buhayin ang anak ko. Nag-aral ako ulit, kumuha ng mga certification, hanggang sa maging isang ganap na Child Behavior Therapist. Lahat ng hirap ay tiniis ko para lang kay Zeke—ang matalinong batang lalaki na may pambihirang talino na ngayon ay limang taong gulang na.
Isang hapon, habang nag-aayos ako ng mga gamit sa klinika ko sa probinsya, tumunog ang cellphone ko. Isang hindi kilalang numero ang tumatawag.
"Hello? Is this Ms. Talia Soler?" tanong ng isang pormal na boses ng lalaki sa kabilang linya.
"Yes, speaking. Sino po sila?" sagot ko habang ipinupusod ang buhok ko.
"I am the personal attorney of the Elizalde Family. We are urgently looking for the best Child Behavior Therapist in the country to handle a special case—a young boy who stopped speaking after a tragic accident. We are willing to pay triple your current rate, plus a luxury condo in Bonifacio Global City, if you sign the exclusive contract today."
Nabitawan ko ang hawak kong ballpen. Parang biglang huminto ang tibok ng puso ko sa pagkakabanggit ng apelyidong iyon. Lumipas na ang limang taon, pero ang pangalang iyon pa rin ang mabilis na nagpapabalik ng lahat ng takot at sakit sa dibdib ko.
Inilayo ko nang kaunti ang telepono sa tainga ko habang nakatitig sa kawalan.
TALIA POVAng bilis ng mga pangyayari. Sa isang kurap, nakatayo na si Santi sa pagitan namin ni Donya Aurora. Bahagya pa niyang itinalikod ang katawan niya para iharang ako sa paningin ng madrasta niya. Ramdam ko ang init na nagmumula sa kaniya, kasabay ng mabibigat niyang paghinga na parang galing sa isang mahabang takbo."Anong ginagawa mo rito, Aurora?" malamig na tanong ni Santi. Hindi niya ito tinawag na ina o mommy. 'Aurora' lang, walang kaabog-abog, na nagpapatunay kung gaano kalamig ang relasyon nilang dalawa."Santiago! Is ganyan mo na ba kausapin ang natitira mong pamilya?" Maarteng humawak sa dibdib niya ang matandang babae, pilit na nag-aact na nasasaktan pero kitang-kita naman ang panlalaki ng mga mata niya sa galit. "Pumunta ako rito dahil nababaliw na ang buong board ng kumpanya! Nag-leak ang balita tungkol sa pagkasira ng engagement niyo ni Chantal, at ngayon nalaman ko pang kinukupkop mo ang... ang babaeng ito at ang kaniyang anak?!""Thi
TALIA POVPagkaalis ni Santi, halos hindi ko na nagawang mabitawan ang cellphone ko. Panay ang refresh ko sa mga social media platforms at entertainment sites gamit ang dummy account ko. Kabado ako sa bawat minutong lumilipas. Kahit sinabi na ni Santi na hahawakan niya ang sitwasyon, mahirap pa ring umasa na lang sa salita ng isang bilyonaryo. Limang taon kong binuo ang tahimik na buhay namin ni Zeke sa malayo, kaya ang maisip na isang click lang ng mga paparazzi ay pwedeng magbago ang lahat, parang dinidikdik ang puso ko sa tindi ng stress."Teacher Lia, look oh. Ginawa ko pong plane 'yung robot," tawag sa akin ni Liam habang iwinawagayway ang pinagdugtong-dugtong na laruan.Pilit kong ibinalik ang pokus ko sa dalawang bata. "Wow, super galing naman ni Liam buddy. Sige nga, pakita mo kay Zeke kung paano lumipad 'yan.""Zoom! Zoom!" agad na sumali si Zeke, nakataas din ang sarili niyang laruan habang umiikot sa paligid ng maliit na lamesa.Kahit pa
TALIA POVKinabukasan, maaga akong nagising dahil sa mahinang yugyog sa balikat ko. Pagdilat ko, ang nakangiting mukha agad ni Zeke ang bumungad sa akin. Nakabihis na siya—suot ang paborito niyang t-shirt na may print ng dinosaur—at mukhang kanina pa gising."Mommy, gising na po. Sabi ni Nanny Rosa, waiting na po si Kuya Liam sa playroom," excited na bulong niya, habang hila-hila ang dulo ng kumot ko.Napangiti ako kahit medyo mabigat pa ang mga pilikmata ko dahil sa puyat kagabi. "Opo, heto na. Sige na, lumabas ka muna at tulungan mo si Nanny Rosa mag-ayos ng mga laruan."Nang makalabas si Zeke, naupo muna ako sa gilid ng kama at hinilot ang sentido ko. Pagod pa rin ang katawan ko, pero mas pagod ang utak ko. Ang huling usapan namin ni Santi sa balcony kagabi ay paulit-ulit na nag-e-echo sa isip ko. Ang dulas ng boses niya, ang tindi ng pagsisisi sa mga mata niya—mahirap i-absorb. Ang hirap paniwalaan na ang isang makapangyarihang tulad niya ay pwedeng magmukhang ganoon karupok sa di
TALIA POVNarinig ko ang pag-click ng pinto ng sala nang tuluyan nang lumabas si Santi ng suite namin. Doon pa lang lumubog ang mga balikat ko. Napasandal ako sa likod ng pinto ng kwarto ko, napapikit nang mariin, at huminga nang napakalalim.Grabe, buong araw akong parang sasabog.Simula kaninang umaga noong hinarangan kami ng mga bodyguard sa gate, hanggang sa pag-uusap namin sa dining table, at lalo na kanina nang makita ko siyang karga si Zeke—hindi nagbago ang tindi ng kabog sa dibdib ko. Akala ko talaga kagabi, kapag nalaman niya ang totoo, gagamitin niya agad ang yaman niya para agawan ako ng karapatan. Iyon ang pinakamalaki kong takot. Pero nang sabihin niyang hindi niya ako gagawan ng masama at gusto niya lang kaming protektahan laban sa madrasta niya at sa pamilya ni Chantal, medyo nabawasan ang galit ko. Bahagya lang. Dahil alam kong kahit anong anggulo tingnan, kinulong niya pa rin kami rito sa mansyon niya.At ang pinakamalalang bahagi?
SANTIAGO POVPinaluwag ko ang suot kong necktie habang pababa ng SUV, pero hindi non nabawasan ang bigat na nararamdaman ko sa dibdib ko. Hawak ko ang brown folder na naglalaman ng background investigation kay Talia at sa pamilya ni Chantal. Pumasok ako sa mansyon na may iisang layunin—ang siguraduhing ligtas ang mag-ina ko, kahit pa magmukha akong masama sa paningin ni Talia.Maghapon akong walang naging focus sa board meetings. Habang nagsasalita ang mga investors, ang utak ko ay nandoon pa rin sa opisina ko kagabi, partikular na sa sandaling ibinigay sa akin ang DNA result.Naisip ko kung gaano ako kagago sa loob ng limang taon. Noong mga panahong bulag ako, bawat hawak, bawat bulong, at bawat amoy ng lavender ng nurse ko ang nagpapanatili sa katinuan ko. Mahal ko na siya noon pa lang, kahit hindi ko nakikita ang mukha niya. Kaya noong magmulat ako pagkatapos ng operasyon at si Chantal ang nakita ko, pinilit kong mahalin si Chantal. Sinabi ko sa sarili
TALIA POVNaiwan akong nakatayo sa gitna ng engrandeng sala habang pinapanood si Santi na karga si Zeke paakyat sa hagdan. Rinig na rinig ko ang inosenteng tawa ng anak ko habang tinuturo ang malaking chandelier sa ceiling. Si Santi naman, kung makangiti, akala mo nakapuntos sa isang multi-million business deal.*Hanga rin ako sa kapal ng mukha ng isang 'to. Akala mo walang nangyaring pananakot kanina, ah.*Huminga ako nang malalim para pakalmahing muli ang dibdib ko. Okay, Talia. Isipin mo na lang, trabaho ito. Para kay Liam, at para na rin sa kaligtasan ni Zeke habang magulo pa ang labas. Pero hindi ibig sabihin niyon ay magpapakayuko na ako sa bawat gustuhin ng bilyonaryong 'yan."Ms. Lia?"Nalingat ang pansin ko nang lumapit muli si Nanny Rosa. May bitbit siyang panibagong set ng susi at may kasamang dalawang batang maid na may tulak-tulak na cleaning cart."Inayos na po namin ang master suite sa tabi ng silid ni Sir Santiago, doon sa main wing," nakangiting sabi ng matandang yaya
TALIA POVLumipas ang unang dalawang linggo ko sa mansyon na laging may kasamang kaba. Masasabi kong naging maganda ang takbo ng therapy ni Liam. Unti-unti na siyang sumasagot sa mga simpleng tanong ko, at minsan ay ngumingiti na rin siya. Pero ang pinakamalaking hamon ko talaga ay si Santi.Tuwing
TALIA POVNakalapat ang mga talampakan ko sa sahig pero pakiramdam ko ay lumulutang ako sa kaba. Si Santi. Limang taon kong pinaghandaan ang pinto ng pagkakataon na baka makita ko siya ulit, pero walang kahit anong mental preparation ang sapat kapag kaharap mo na ang lalaking nagpabago ng buhay mo.
TALIA POVNapatitig ako sa screen ng phone ko matapos maputol ang tawag ng abogado ng mga Elizalde. Limang taon. Limang taon kong pinilit ibaon sa limot ang lahat ng may kinalaman sa kanila, pero sa isang iglap, heto na naman. Parang gustong bumaligtad ng sikmura ko sa kaba.*Elizalde.* Ang pamilya
TALIA POV"Palayasin niyo ang babaeng 'yan! I don't need your damn pity! Lumabas kayo!"Isang kristal na baso ang humampas sa dingding, ilang pulgada lang ang layo sa mukha ko. Hindi ako kumurap, kahit na naramdaman ko ang pagdapo ng maliit na piraso ng bubog sa pisngi ko. Sanay na ako. Dalawang li
![Just One Night [Tagalog]](https://yfbwww.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)






