LOGINChapter 2
Mas mahalaga pa sa sariling buhay ni Jaxon ang singsing na iyon.
"Wag na wag mong susubukan uling hawakan ’yan," bulyaw ni Jaxon ng minsan niya itong aksidenteng nabunggo at halos magwala na ito sa galit.
Pero ngayon, ang singsing na iyon ay hayagang suot na ni Clara. Wala nang duda na kasal na nga ang dalawa.
Si Jaxon at Clara ay parang mga bida sa nobela ng mga childhood sweethearts na kapwa nagmula sa mga tinitingalang pamilya. Isang henyo sa business si Jaxon samantalang si Clara naman ang National Sweetheart na humahakot ng mga parangal sa sining simula pagkabata. They both have beauty and brains.
Noong nag-viral ang video ng pagtugtog nila ng Wedding in a Dream sa unibersidad, buong mundo ang bumoto para sa kanila.
Pero lahat ay nagbago dahil sa isang aksidente.
Nawalan ng paningin si Jaxon at nawalan din ng karapatang magmana sa pamilya Singson. Itinaboy din siya ng kanyang tiyuhin, na siyang may hawak ng kapangyarihan noong panahong iyon.
Sa gitna ng isang gabing maulan, doon siya natagpuan ni Bella at dinala sa kanyang tahanan.
Noong kasama pa ni Bella si Jaxon, halos doon na umikot ang mundo niya. Maliban sa pagpasok sa klase, siya ang nagsilbing mga mata nito. Inalagaan niya ang bawat aspeto ng buhay ng lalaki habang pilit itong pinapagamot.
Nang sa wakas ay bumalik ang paningin ni Jaxon, agad na sinundo ni Don Victorino ang apo para ibalik sa poder ng mga Singson. Walang pamilya si Bella kaya isinama rin siya ng matanda.
"Mula ngayon, ikaw na si Elena Singson. Magkapatid na kayo ni Jaxon," deklara ni Don Victorino habang pinapirma sila sa household registration.
"Ang swerte mo, Elena. Mula sa pagiging basura, naging prinsesa ka na ng mga Singson!" sabi ng mga taong nakapaligid sa kanya na puno ng inggit.
Pero alam ni Bella ang totoo. Ginawa lang siyang anak ni Don Victorino para putulin ang anumang relasyon nila ni Jaxon kaya nakipaghiwalay agad siya pagkapasok sa mansion.
"Hindi na natin pwedeng ituloy kung ano mang namamgitan sa atin. Magkapatid na tayo ngayon," giit ni Bella isang gabi.
"Hindi ako pumapayag. Akin ka pa rin!" sagot ni Jaxon bago siya ikulong sa kwarto para sa kanilang lihim na pagkikita gabi-gabi.
Hanggang sa dumating ang huling taon nila sa kolehiyo.
Na-engaged si Jaxon kay Clara.
Sa sobrang sakit, pinunit ni Bella ang engagement dress na ipinagawa pa ni Jaxon sa isang sikat na designer mula Milan.
"Ano'ng ginawa mo?" galit na sigaw ni Jaxon sa harap ng maraming bisita.
Isang malakas na sampal ang dumapo sa mukha ni Bella. Doon natapos ang lahat.
Kahit lumipas na ang panahon, hindi pa rin mawala sa isip ni Bella ang sunog na nangyari sa gabi ng engagement. Habang nagliliyab ang paligid, naramdaman ni Bella ang bigat ng paa ni Jaxon sa kanyang balikat para lang makaakyat ito at mailigtas si Clara palabas ng bintana.
Sa bingit ng kamatayan, doon lang niya narealize ang lahat.
Mahal ni Jaxon si Clara. At siya na isang pipi, bingi, at matabang babae ay isa lamang mantsa sa perpektong buhay ng lalaki.
Naalala rin niya ang party bago ang engagement.
Akala ng lahat ay hindi siya nakakarinig, kaya malaya silang nag-uusap sa harap niya.
"Jaxon, malapit na ang engagement niyo ni Clara, bakit hindi mo pa hiwalayan si Elena?" tanong ng isa sa mga kaibigan nito.
"Oo nga. Maganda lang ang mukha niyan pero ang taba ng katawan. Para kang nakikipag-kiskisan sa baboy tuwing magkasama kayo, hindi ba nakakadiri 'yun?" susog naman ng isa pa habang nagtatawanan sila.
Inasahan ni Bella na magagalit si Jaxon at ipagtatanggol siya tulad ng dati. Pero matagal na nanahimik ang lalaki bago sumagot.
Matamis na ngumiti sa kaniya ang lalaki bago nagsalita. "Saksi si Elena sa dalawang taon na paghihirap ko dahil sa pagkabulag. Sa tuwing nakikita ko siya, naaalala ko ang pinakamadilim na bahagi ng buhay ko. It’s quite disgusting.”
Uminom muna ito bago muling nagsalita.
"Nandoon siya sa pinakamadilim na parte ng buhay ko, kaya ituturing ko pa rin siyang kapatid at hindi ko siya pababayaan, pero..." lumingon si Jaxon sa kawalan. "Hinding-hindi ako magpapakasal sa isang babaeng pipi at bingi na gaya niya."
Bawat salitang lumalabas sa bibig ni Jaxon ay parang latigo na humahagupit sa puso ni Bella. Sobrang sakit nito hanggang sa puntong halos hindi na siya makahinga, pero nanatili siyang tahimik.
Hindi alam ni Jaxon na naririnig niya ang lahat. Hindi naman talaga siya bingi o pipi.
Noong nag-aaral pa siya ng Law, pinag-aralan niya ang sign language dahil karamihan sa mga kaibigan niya ay may hearing impaired. Dahil introvert din siya at ayaw masyadong makipag-usap sa iba, nasanay na siyang gumamit ng sign language sa pang-araw-araw na buhay.
Noong mga panahong bulag pa si Jaxon, napaka-unpredictable ng ugali nito at umabot pa sa point na tinangka nitong magpakamatay.
Ayaw ni Bella na lalong ma-depress ang lalaki kaya nagpanggap siyang katulad nito. Sa palad nito siya nagsusulat araw-araw para makipag-usap. Siguro dahil akala ni Jaxon ay may disability rin siya kaya gumaan ang loob nito sa kanya.
Pero nang bumalik ang paningin nito, bigla itong bumalik sa pamilya Singson para ipakasal kay Clara. Naisip ni Bella na wala na ring saysay na sabihin ang sikreto niya. Everything just went back to the starting point, na parang hindi naman talaga nag-exist si Elena sa buhay ni Jaxon.
Mabilis na pinunasan ni Bella ang mga luhang pumatak sa mukha niya.
Pagtalikod niya, bigla siyang bumangga sa isang matigas at mainit na dibdib.
The familiar scent hit her. It was an earthy, crisp scent that screamed power and sophistication at the same time. His perfume was subtle but lingering, like a memory she didn't want to escape. Sa bawat paglanghap niya, mas lalo lang siyang nahihilo sa presensya niya.
Bella froze.
Sa tindi ng kaba ay dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin at agad na sumalubong sa kanya ang isang pares ng madidilim at malalim na mga mata.
Elias Jaxon Singson…
Napakalapit nila sa isa’t isa. Halos dumikit na ang kanyang dibdib sa malapad at matigas nitong pangangatawan. Ramdam niya ang init na nagmumula sa matangkad at matikas nitong tindig, pati na ang mahinang paghinga nito na humahaplos sa kanyang balat.
"Let go." Malamig at puno ng awtoridad ang boses ni Elias Jaxon na tila humaplos sa kanyang pandinig.
Doon lang napansin ni Bella na mahigpit pa rin pala niyang hawak ang manggas ng suot nitong polo.
"I’m... I’m sorry," nauutal niyang sabi.
Mabilis siyang humakbang paatras ng dalawang beses. Sa sobrang tensyon ay hindi na niya nagawang magsalita nang maayos.
Hindi naman napigilan ni Elias Jaxon na sulyapan siyang muli. Nakita nito ang kanyang mga mata na basang-basa pa ng luha. Saglit na kumunot ang noo nito bago mabilis na nag-iwas ng tingin.
Inisip ng mga pulis na umiiyak si Bella dahil sa takot na makasuhan kaya agad nila itong pinatahan.
"Huwag kang matakot, miss. Pumayag na si Sir Elias Jaxon sa settlement. Halika na sa mediation room para matapos na ito."
Sa Mediation room.
Matalim ang tingin ni Mateo kay Bella na kanina pa nakayuko at nananatiling tahimik.
"You damned woman! Malisyoso mong ni-report ang bar ko! Dahil sa'yo, nawalan ako ng daan-daang libo sa loob lang ng isang gabi. Kaya mo ba 'yong bayaran, ha?" asik ni Mateo, halos mamula na ang mukha at bumakat ang mga ugat sa leeg sa sobrang galit.
Dahan-dahang nag-angat ng tingin si Bella. Hindi niya pinansin si Mateo. Sa halip, ang mga mata niya ay dumeretso kay Elias Jaxon.
The man kept his eyes down, not looking at her.
Nanatiling nakayuko ang lalaki, tila walang pakialam sa paligid.
His long, slender, pale fingers gently traced the walnut-red string bracelet on his wrist. Isang simpleng pulseras na hindi bumabagay sa kanyang marangyang status, pero tila ba napakahalaga nito sa kanya.
"According to Article 353 of the Revised Penal Code, libel is a public and malicious imputation of a crime, or of a vice or defect, real or imaginary, or any act, omission, condition, status, or circumstance tending to cause the dishonor, discredit, or contempt of a natural or juridical person..." panimula ni Elias sa isang malamig at baritonong boses.
Nag-angat ito ng tingin, at sa pagkakataong ito, tumama ang madilim nitong mga mata sa kaniya. It was sharp and piercing, enough to make her knees tremble.
"And since you did it through a malicious report that reached the public and the authorities, it’s not just simple slander. It’s a calculated move to ruin someone’s reputation," he added, his baritone voice dropping an octave, sounding more dangerous than ever. "Sa batas, ang paninirang-puri ay hindi lang basta salita. It’s a crime that could cost you your freedom. Isang tawag ko lang, Bella, and I can make sure you’ll pay for every false word you’ve uttered against my brother-in-law's business."
Humigpit ang kapit niya sa kanyang relo, ang ekspresyon ay nanatiling blangko pero ang bawat salita ay parang kadenang pumupulupot sa leeg niya.
"So, tell me... are you still going to be stubborn, or are you going to apologize before I decide to make this your permanent reality?" Nag-angat si Elias ng tingin sa pulis. "Make her apologize, and we won't pursue the matter further."
Mabilis na ngumiti ang pulis, halatang gustong magpalakas. "Sir Elias, kabisadong-kabisado niyo po ang batas, ah?"
Kumunot ang noo ni Elias. "Mali ba ang pagkaka-recite ko?"
"Uh... h-hindi po! Tama po!" nauutal na sagot ng pulis.
"Then what are we waiting for?" malamig nitong tugon.
Lumapit ang pulis kay Bella at bumulong. "Miss, hindi biro ang daan-daang libong pambayad. Bakit hindi ka na lang humingi ng tawad kay Sir Mateo para matapos na ito?"
Bella's small hands, resting on her lap, were clenched into fists.
Elias Jaxon is still selectively protecting his own. Wala pa ring nagbago. Gagawin niya ang lahat para protektahan ang kahit na sinong may kaugnayan kay Clara. At sa pagkakataong ito, ang bayaw ng lalaki ang pinoprotektahan.
"I will not reconcile," matigas na sabi ni Bella.
Tumawa si Mateo sa sobrang inis. "You stinking woman! Bihira lang maging maawain ang bayaw ko at pagbigyan ka na mag-sorry na lang. Huwag mong sagarin ang swerte mo!"
Stubbornly, Bella bit her lip. "Hindi ako hihingi ng paumanhin. At hindi ako makikipag-ayos."
"Then let's handle this officially." Ramdam ang pagkainip sa boses ni Elias Jaxon.
Agad na hinila ng pulis si Bella sa isang tabi. "Miss, kilala si Sir Elias Jaxon na malamig at mahirap kausap. Swerte mo na ngang pinapalampas niya ito ngayon. Mag-sorry ka na para maayos na ang lahat."
"He's just cold-hearted..." bulong ni Bella sa sarili.
Masyadong mababaw ang pagkakakilala nila kay Elias.
Tanging si Bella lang ang nakakaalam kung gaano kasama ang lalaking ito. Elias Jaxon was not only cold-hearted; he was a ruthless, heartless, and a perverted man.
Instinctively, Bella touched her cheek.
Tila nararamdaman pa rin niya ang hapdi ng sampal na tinanggap niya ilang taon na ang nakakalipas.
At kung bakit kabisadong-kabisado nito ang batas?
Mapait siyang napangiti. Dahil ilang taon din nitong nakasiping ang isang matabang babaeng nag-major sa sign language law...
Noon, sa mansion ng mga Singson, gabi-gabi itong pumupunta sa kwarto niya para gumawa ng mga absurd na bagay. Masyado na nitong naging pamilyar ang textbook niya sa batas na laging nasa gilid lang ng kanyang kama.
Chapter 76Sa sandaling marinig ko ang salitang 'Daddy', pakiramdam ko ay piniga ang puso ko sa sobrang sakit.Bago pa man makasagot si Jaxon, sumunod na narinig ko ang pamilyar na boses ni Clara mula sa background."Yassy, be good. Huwag mo munang gambalain si Daddy habang may kausap siya sa phone..." tawag ng ina sa bata.Hindi ko na hinintay na matapos pa ang usapan nilang pamilya. Mabilis kong pinindot ang end button para patayin ang tawag.Totoo nga naman. Kapag Sabado at Linggo, kailangan niyang ibigay ang oras niya sa kanyang asawa at anak, kaya natural lang na wala siyang panahong mag-aksaya para sa isang bag lang.Isang mapait na ngiti ang sumulyap sa mga labi ko. Huminga ako nang malalim, inayos ang sarili ko, at tuluyan nang bumaba para hanapin sina Alvaro at ang mga anak ko."You asked a courier boy to get your bag, at hindi siya pumayag? Jaxon is clearly doing this on purpose!" galit na galit na bulyaw ni Alvaro nang malaman ang nangyari sa tawag.Naglalaro ang tatlong ba
Chapter 75Agad na lumarawan ang gulat at inis sa mukha ni Alvaro. Dinuro at tinapik nito ang noo ni Bella gamit ang hintuturo, halatang hindi makapaniwala."Napaka-careless mo naman, Bella! Kontakin mo siya agad ngayon para makuha mo na ang bag mo. Paano na lang kung biglang mabaliw 'yon at pakialaman ang cellphone mo sa Lunes?" paalala ni Alvaro na may halong matinding kaba sa boses.Lalong naramdaman ni Bella ang takot at panlalamig ng sikmura dahil sa sinabi ng kaibigan. Ang bilis ng tibok ng puso niya.Ngunit mas lalo siyang niyanig sa mga sumunod na salitang binitawan ni Alvaro habang naghahanda ng plato."By the way, tumawag si Mama kaninang umaga mula sa Naga. Sinabi niya na noong mga nakaraang araw daw, may ilang mga lalaking pumunta sa ampunan para magtanong at mag-imbestiga tungkol sa'yo," seryosong dagdag ni Alvaro habang nakatingin nang diretso sa mga mata ni Bella.Agad na nagkasalubong ang mga kilay ni Bella dahil sa narinig."Sigurado akong mga tao iyon ni Jaxon," mahi
Chapter 74"Bella, do you still have a stress reaction tuwing naiisip mo ang pambubully sa'yo noong high school?" Alvaro suddenly realized something at agad na pinisil ang kamay nito nang may pag-aalala."A little," mahina niyang sagot.Napakaming taon na ang lumipas, pero nakakaramdam pa rin si Bella ng kaunting takot at stress tuwing naaalala ang madidilim na sandaling 'yon noong high school. Alam ni Alvaro ang lahat ng tungkol sa nakaraan niya kaya ramdam ang galit sa boses nito ngayon."Ang Clara na 'yon, akala mo naman kung sinong national goddess at fairy kung ituring ng mga tao! Kung alam lang ng publiko kung paano niya binu-bully ang mga kaklase niya noong nag-aaral pa siya, paniguradong guguho ang buong imahe niya sa media," galit na sabi ni Alvaro habang nanggigigil ang mga ngipin. Pagkatapos ay suminghal ito. "I think Jaxon is so blind para pakasalan siya ng patago at magkaanak pa sila..."Biglang tinakpan ni Alvaro ang bibig niya nang mapagtantong nadulas siya sa huli niya
Chapter 73"Elena once said that she wasn't born deaf and mute. Perhaps, over the years, her deafness and muteness have been cured, and she can speak again..." Jaxon lifted his heavy, reddened eyelids. Tumingin siya sa labas ng bintana habang sobrang namumula ang mga mata niya sa pagod at emosyon.Hindi naman kasi talaga imposible 'yon. Iyon din ang dahilan kung bakit hindi niya ginawang batayan ang kapansanan ni Elena para patunayan kung iisang tao lang ba sila ni Bella.He only believes his feelings. Ang pakiramdam kapag hawak niya si Bella, ang pakiramdam kapag hinahalikan niya ito—ang mga pamilyar na sensasyong 'yon ay sobrang katulad ng kay Elena.But the information he found confirmed that his previous feeling was wrong. Para iyong isang malakas na sampal na tuluyang gumising sa kanya mula sa isang panaginip.Bella is really not Elena. Ang Elena niya ay totoong patay na.Anim na taon siyang naghanap, at sa wakas ay akala niya nahanap na niya ito. Pero kung kailan pinakamalapit n
Chapter 72"I've looked at your information. You graduated from a self-taught university. Did you not get into a regular university before?" tanong ni Jaxon habang nakatingin nang diretso sa mga mata ko.Agad kong kinagat ang labi ko. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya dahil sa lahat ng pwede nyang itanong, ang unibersidad ang pinakasensitibong paksa na hinding-hindi ko gustong pag-usapan. Hindi nya alam kung gaano kasakit.He didn't know that it was because of him. Dahil sa kanya, kay Jaxon, kaya hindi ako nakapagtapos sa totoong unibersidad noon.Naalala ko na naman kung paano nalamig ang puso ko dahil kay Clara, ang kanyang white moonlight. Jaxon abandoned me in the fire at pinili nyang iligtas si Clara. At ang mas nagpira-piraso sa puso ko, nang makaligtas si Clara at bumalik sa eskwelahan, nalaman ko na lang na kinansela na ang pagkakakilanlan ko.Jaxon processed my death certificate. Sa loob lang ng pitong araw. Sobra syang nagmamadali na burahin ako sa mundo.Naramdaman ko ang pa
Chapter 71Kagat-kagat ni Bella ang namumutla niyang labi habang namumula ang mga mata sa galit.Kung talagang magmamatigas ang lalaking ito at tatawag ng pulis, baka hindi naman ganoon kalala ang kahinatnan para sa kanya, pero tiyak na magpapalipas pa rin siya ng apatnapu't walong oras sa presinto para sa imbestigasyon."May first-aid kit ka ba riyan? Pwede ko bang gamutin ang sugat mo?" tanong ni Bella sabay salubong ng kanyang dalawang kilay matapos ang ilang sandali ng pag-iisip."Ang kagat ng tao na nagdurugo ay mas malala pa kaysa sa kagat ng hayop. May higit pitong daang uri ng bakterya sa bibig ng tao. Kapag naging malala ang impeksyon, baka maputulan pa ako ng kamay," seryosong sagot ni Jaxon habang nakatingin pa rin sa kanyang pulso."Kung ganoon ay magpabakuna ka na sa ospital, Sir Jaxon. Ako na ang magbabayad ng lahat ng medical expenses mo," mabilis na balik ni Bella na halatang naiirita na sa pananakot ng lalaki.Nakaramdam si Jaxon ng kakaibang ligaya nang makita ang na
Chapter 7Kagat-labi si Bella. Halos mabaon ang kanyang mga kuko sa sariling palad.Ang galit at ang pakiramdam na hinalay ang kanyang dignidad ay walang-wala kumpara sa matinding kawalan ng kapangyarihan na nararamdaman niya sa mga oras na ito.Hindi siya natatakot na bumangga sa kahit na sino. Ga
Chapter 6Isang sulyap lang sa pulsuhan ni Jaxon, parang pinilipit na ang puso ni Bella.Iyon ang unang regalo na ibinigay niya rito noong birthday nito. Ang mga panahong iyon... hindi pa ito binabawi ng marangyang pamilya Singson. Ang mga panahong madilim pa ang mundo nito dahil hindi pa naibabali
Chapter 5"Nakita ko sa balita..." mahinang sagot ni Bella.Isang kislap ng interes ang dumaan sa mga mata ng lalaki. "You're quite interested in me?"Sandaling nabilaukan si Bella. Alam niyang kapag gumawa siya ng kung ano-anong dahilan, lalo lang siyang paghihinalaan nito. Kaya naman, gumawa siya
Chapter 4Tumama ang ashtray sa noo ni Bella dahilan para pumutok iyon. Kahit anong pigil niya, hindi niya nagawang hindi mapasigaw sa sobrang sakit.Naramdaman niya ang matinding pagkahilo. Sa sobrang hilo ay tuluyan siyang nahulog mula sa kanyang upuan at bumagsak sa sahig. Bright red blood gush







