LOGINHEIDE
Kabang-kaba ako dahil hindi ko alam kung sino ba ang ipapakilala niya sa akin. Una palang namin itong pagiging magkaibigan. May ipapakilala agad?
Pumasok kami sa restaurant na pangmayaman. Hindi ako sanay sa suot kong formal. Para akong dadalo sa party. Diyos ko, hindi ko talaga keribels ang ganito. Simple lang ang makeup ko. Kasi nga madalian. Pumasok pa kami sa isang room. Parang private function room ito. Mas dumoble ang kaba ko, kaya kahit ayokong hawakan si Chinsansu, nahawakan ko na.
“You look tense, babe. Huwag kang mag-alala,” aniya.
Napairap ako. Babe, raw. Bigla ko siyang binitiwan. Natawa siya nang mahina. Nang makapasok kami sa loob ng restaurant, nakita ko ang isang may edad na babae at lalaki. May katabing babae na sobrang puti.
“Mom. . . Dad.” Bati niya sa dalawang matanda. Magulang niya pala ang dalawang matanda. Napalingon ang mga ito sa amin ni Zacch.
“Hijo,” sabi ng matandang babae.
Humalik si Zacch sa pisngi ng Nanay niya, ganoon din sa Daddy nito. Pinasadahan ako ng tingin ni Mommy ni Zacch. Naasiwa tuloy ako sa klase ng tingin niya. Sa uri ng tingin niya, kinikilatis niya ang buo kong pagkatao. Parang, I sense danger.
“Good afternoon, po, Ma’am, and Sir.” Bati ko sa magulang ni Zacch.
Ngumiti ang Daddy ni Zacch, pero ang Mommy niya ay tinaasan ako ng kilay. Mas lalong sumingkit ang singkit na nitong mga mata. Hindi ko na lang pinansin ang inasta nito. Ano pa ba ang aasahan ko sa mga ganitong tao? Mabuti pa ang Daddy ni Zacch; mabait. Napansin ko ang babaeng katabi ng mommy ni Zacch na mukhang nawalan ng dugo sa sobrang puti. Mukhang kalahi rin nila si Zacch. Singkit din ang mata. Ang sama ng tingin niya sa akin. Hindi ko nga alam kung masama ang tingin niya o talagang ganoon ang tingin niya. Sobrang singkit kasi ng mata niya. Ang pangit pala kapag singkit na singkit. Naaaninag pa kaya niya ako?
“Why did you bring that girl here?” tanong niya sabay tingin sa akin ng masama.
“Mom, I already told you I will bring someone with me. And I want you to meet her.” Napatingin sa akin si Zacch. Sinasabi ng mata nito na humihingi ng paumanhin. Expected ko na ang bagay na ganito. Ang mga mayayaman na katulad nila ay mapanghusga sa kapwa. Lalo na sa mga katulad kong dukha.
“Hindi ka ba nahihiya sa fiancée mo, nagdala ka pa ng babae dito?!” Nabigla ako sa sinabi ng Mommy ni Zacch. May fiancée na pala ang behong ito. Bakit dinala niya pa ako dito? Gusto ba niyang mapahiya ako? Sinasabi ko na nga ba. Hindi mapagkakatiwalaan ang behong ito.
“Ano ito, Zacch? Lokohan? I knew it,” bulong ko kay Zacch.
Wow! Um-english ang lola niyo. Ganyan ako kapag naiinis, napapa-english. Hinawakan niya ang kamay ko, ngunit iwinaksi ko iyon. Napaatras ako dahil medyo mahaba ang laylayan ng damit ko at na-out of balance ako. Napapikit na lamang ako. May dalawang bisig na pumulupot sa malambot kong beywang. Nagmulat ako ng mata. Bumungad sa akin ang mukha ni Chinsansu. Sumulak sa akin ang galit. Umigkas ang palad ko papunta sa makinis niyang pisngi na wala man lang pores. Napabaling sa kaliwa ang mukha nito. Bumakat sa maputi nitong balat ang palad ko dahil namula iyon.
“Walanghiya ka manloloko!” galit na sigaw ko kay Zacch.
Wala na akong pakialam kung ano ang iisipin nila. Ang sama ng ugali ng anak nila!
Sabi ko na nga ba, may plano siyang ipahiya ako. Aba! Gumastos pa siya na bilhan ako ng damit. Hindi ko sa kanya ibabalik ito. Ito ang kabayaran ng panggagago niya sa akin. Nag-walk out ako. Hindi ko na siya hinintay pang mag-react.
Nanggagalaiti ako sa galit nang lumabas ng restaurant. Itinaas ko ang mahabang laylayan ng damit ko. Pinagtitinginan ako ng mga tao habang naglalakad. Hindi ko alam kung nagagandahan sila sa akin o dahil sa haba ng suot ko.
Napaiiling ako habang naglalakad. Hindi talaga mapagkakatiwalaan ang lalaking iyon. Hindi na ako magpapaloko pa sa kanya.
“Heidi, wait!” Narinig ko ang boses ni Beho. Naabutan niya ako. Napahinto ako sa paglalakad at hinarap siya.
“Ano pa ang kulang, Zacch? Kulang pa ba ang ginawa mong pagpapahiya sa akin sa harapan ng mga magulang mo?” Galit na sabi ko.
Gusto kong tadyakan ang mukha niya at saka ko pompyangin ang mukha niya.
“Mali ang iniisip mo. Hindi ko alam na may kasama si Mommy. Wala akong fiancée. Sila lang ang may gusto niyon. Wala akong alam. Pinipilit nila akong pakasalan ang babaeng iyon. I never loved her.”
Mali ang iniisip ko? Gago pala ito harap-harapan na nga kung paano niya ako niloko. Wow! Kung maka-react naman ako, akala mo may relasyon kami. E ano ngayon? Bawal bang mag-inarte?
“Sa palagay mo, maniniwala ako sa mga sinabi mo? Neknek mong chinsansu! Hindi mo ako mapapaniwala sa sinasabi mo.”
May taxi na paparating. Pinara ko iyon. Bago ako sumakay, nilingon ko muna siya.
“Huwag ka nang magpapakita sa akin. Dahil iitlogan talaga kita at gagawin kong scrambled egg iyan! Mark my word!” Pagbabanta ko sa kanya. Mukhang natakot siya dahil napahawak siya sa kanyang panggitna habang awang ang labi. Ganoon pa man, mas naging pogi siya kapag nagulat.
ZACCHAEUSNakasuhan ang lahat ng mga nahuling lider ng triad. Kahit gaano man kalakas ang grupo nila, hindi hinayaan ng gobyerno na makalaya ang mga drug lord. Nagkaroon din ng malaking tanggalan sa kapulisan dahil nabistong may mga kasabwat ang mga sindikato sa hanay ng kapulisan, pati na sa kasundaluhan at sa matataas na opisyal ng gobyerno.Ilang buwan ding lumaban sa kamatayan si Daddy, ngunit sa huli hindi niya nakayanan. Bago malagutan ng hininga si Daddy, kinausap niya pa ako. Hindi ko inaasahan na hihingi siya ng tawad sa amin ni Mommy. Inamin niya sa amin na siya ang dahilan ng pagkamatay ng tunay kong ama. Pinigilan ko ang sarili kong sumabog sa galit. Inisip ko pa rin ang kalagayan niya.Iyak nang iyak si Mommy nang malaman na hindi namatay sa aksidente ang tunay kong ama. Dinalaw ko ang puntod ng Tatay ko. Sayang, dahil hindi ko siya nakilala. Kwento sa akin ni Kuya Melchor na napabuti ang tatay namin. He did everything para makaraos sila sa buhay nila noon. I feel guilty
HEIDINapabangon ako sa pagkakahiga. Punong-puno ng pawis ang noo ko pati ang likod. Napakasama ng panaginip ko. Diyos ko, sino naman kaya yung taong naliligo sa sariling dugo? Hindi lang yun, Bakit may hawak akong patalim? Makakapatay ba ako ng tao?Hindi ko magagawa yun! Pumatay nga ng manok, hindi ko keri; tao pa kaya? Pinilig ko ang ulo ko para mahimasmasan ang pakiramdam ko. Feeling ko nagkasala ako kahit panaginip lang yun.Nagpasya akong bumaba sa kama. Napatingin ako sa orasan. Alas-otso na pala ng umaga. Napahaba ang tulog ko. Maaga naman akong natulog kagabi.“Buti gising ka na. Hindi na kita ginising para mahaba ang tulog mo. Nakapagluto na ng umaga. Kain ka na.” Wika ni Penelope na kalalabas lang din ng silid nila.“Kakagising mo lang din?” Tanong ko.Sinuklay ko ang magulo kong buhok. Hindi na ako nag-abala na suklayin pa ang buhok ko. Wala pa akong mumog.“Kanina pa ako gising. May kinuha lang ako sa room namin. Kumusta naman ang tulog mo.”“Napasama yata ang mahabang tu
HEIDIHindi ako makapaniwalang buntis ako. Hindi lang iyon dahil sinabi ng doktor na kambal ang magiging anak namin ni Zaccheaus. Paano ko ba sasabihin sa kanya?“Uminom ka muna ng tubig. Mukha kang nakakita ng mukto. Ang putla ng mukha mo,” nag-aalalang sabi ni Pene at binigyan niya ako ng isang basong tubig. Kinuha ko iyon at nilagok ang laman niyon. Naubos ko iyon.“Sino ang hindi magiging maputla kung malalaman mong dalawa ang pinagbubuntis ko? Never in my life na naisip kong magkaroon ako ng anak na kambal. Una, wala sa lahi namin ang kambal.” Wika ko habang hinihimas ko ang tiyan ko na wala pang umbok.“Baka si beho mo ay may lahi sila. Ano na ang balak mo? Sasabihin mo ba kay Zacch ang kalagayan mo?” tanong ng kaibigan ko. Umupo siya sa tabi ko.“Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Wala pa sa isip ko kung sasabihin ko ba kay Zacch ang pinagbubuntis ko. Sa ngayon, delikado ang buhay namin ng anak ko. Alam mo naman ang sitwasyon ko. Hina-hunting ako ng pamilya at ng ex-wife n
HEIDIAno bang pakiramdam ito? Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Para akong kinakabahan na ewan. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Haist! Nasobrahan na yata ako sa pag-inom ng kape, kaya nagpapa-palpitate na ang puso ko. Babawasan ko na nga ang pag-inom.Pumasok sa loob ng bahay ang isang kasambahay na matanda nila Penelope. May dalang tray ng pagkain. Napangiti ako dahil natakam ako sa amoy ng pagkain.“Thank you, Manang. Mukhang masarap ito. Amoy palang nakakalaway na.” Sinamyo ko ang usok ng sopas. Napatingin sa bandang leeg ko ang matanda. Nangunot ang noo niya. Kaya nagtataka akong tiningnan siya. Nakaramdam ako ng takot. Sumagi sa isip ko ang kwento ng lola ko noong bata pa ako tungkol sa bampira.“B-bakit po?” Napaatras ako. Hindi kaya bampira itong matanda? Sisipsipin niya ang leeg ko pagkatapos niyang iiwan ako wala walang dugo. Napahawak ako sa bandang leeg ko na parang pinoprotektahan ko iyon. Natawa ang matanda sa inasal ko.“Pasensya ka na, hija , hindi naman ako ba
HEIDI“Bakit ka nagpadalos-dalos ng desisyon? Hindi mo muna pinag-isipan ’yan.” Pagsesermon ni Penelope sa akin. Kahit na na-realize kong wala naman dapat ikagalit kay Chinsansu, ginawa ko pa ring lumayo.“Nahihiya kasi ako kay Zacch. Hindi ako nararapat sa pagmamahal niya. Hindi ako nagtiwala sa kanya, bagkus sinumbatan ko pa siya at sinabihan ng kung ano-ano.” Napayuko ako. Tinabihan ako ni Penelope.“Maiintindihan ka naman siguro ni beho este ni Zacch. Mahal ka niya.”“Kahit nakakahiya pa rin. Gusto ko siyang matahimik at lumigaya. Kapag kasi magkasama kami, palaging may hindi magandang nangyayari. Malas yata ako sa buhay ni Zacch. Mas maigi na itong ginawa kong paglayo. Hindi naman niya siguro ako masusundan dito. Unless sabihin ni Zandro. Naku, patay sa akin ang asawa mo!” Itinaas ang kamao ko sa ere. Napairap si Penelope sa ginawa ko.“Paano ka kaya minahal ni Zacch? Mas mukha ka pang lalaki kung umasta ka sa kanya, eh?” Pagbibiro ni Penelope.“Kung hindi niya ako gusto sa kung
ZACCHAEUS“Kailangan mo munang manatili dito sa bahay ko. Huwag ka munang magpapakita sa kanila. Mas lalo lang manganganib ang buhay mo. Huwag kang mag-aalala, pinamanmanan ko ang bahay ni Heidi. Wala naman kahinahinalang naganap doon. Magpagaling ka muna upang makabawi ka ng lakas,” sabi ni Kuya Melchor. Napangiti ako. Nagpapasalamat ako dahil meron akong kaibigang maaasahan. Tinuring ko na siyang kuya ko.“Hindi ko lang maintindihan kung bakit nila ginagawa ito sa akin. Sa buong buhay ko, lahat ng gusto nila ay sinunod ko. Ako ang umako sa lahat ng dapat sa mga nakatatandang kapatid ko. Ginawa ko ang lahat para maiangat ang negosyo namin. Nagtagumpay naman ako, pero wala akong nakuha ni katiting na kabutihan sa kanila o bigyan man lang ako ng reward. Ang natanggap ko ay puro sisi at pagpapahirap sa damdamin ko. Ang gusto ko lang naman ay tanggapin nila kung sino ang mahal ko. Hindi iyong ipipilit nila ako sa babaeng —ni hindi ko minahal.” Sobrang bigat ng nararamdaman ko. Iyong tip
Zacchaeus“Saan ka na naman pupunta? We have dinner with Sy and are expecting your presence there,” sabi ni Mommy.Napailing ako. We’re here again. I’ve already told them that I'm against what they want. They want me to marry Kim. Ayokong matulad sa mga kapatid kong hindi masaya sa buhay nila. Ako
HEIDINapataas ang kilay ko habang nakatingin sa kanya. Nagpameywang ako.Ano’ng ginagawa ng chinsansu na ito dito? Nagkalinawan na kami na kapag nagpakita pa siya sa akin, iitlugan ko siya. Aba! Hindi yata natakot sa banta ko. Puwes, sasampulan ko siya.“Hoy! Ano’ng ginagawa mo dito?” Tanong ko. N
HEIDEPagkatapos sa trabaho, hindi ko inaasahan na tutuparin ni Zacchaeus na susunduin niya ako. Naisip ko kanina na baka nagbibiro lang talaga siya.“Uy! Manliligaw mo ba si pogi?” tanong sa akin ng katrabaho ko. Inaayos ko ang mga books at iba pang magazine na nasa lalagyan.“Hindi. Friend ko lan
HEIDI“Upo ka lang, diyan ako ang bahala!” Nakangiting sabi niya. Binigay ko pa sa kanya ang isa pang batch na pinahahanap ni Boss na mga books.Napangisi ako. Umupo ako sa nag-iisang upuan sa stock room. Pumipito pa ako habang hinihintay si Zacch na mahanap ang mga books na kailangan.“Tapos ka na







