LOGINHEIDE
Pagkatapos sa trabaho, hindi ko inaasahan na tutuparin ni Zacchaeus na susunduin niya ako. Naisip ko kanina na baka nagbibiro lang talaga siya.
“Uy! Manliligaw mo ba si pogi?” tanong sa akin ng katrabaho ko. Inaayos ko ang mga books at iba pang magazine na nasa lalagyan.
“Hindi. Friend ko lang siya.” Tipid na sabi ko, kahit labas sa ilong ang sinabi kong friend. Ayokong maging kaibigan iyon, ew! I’m just being plastic, ala Orocán. Alam ko ang mga ganoong klaseng tao. Hindi sila totoo sa mga salita nila. So ganoon din ang gagawin ko sa kanya.
“Swerte mo dun, girl, bukod sa guwapo, mukhang mapera. Kung iyon ay makatuluyan mo, hihiga ka ng pera.”
Napairap ako sa sinabi niya. Ako hihiga ng pera? Pagkakaalam ko, sa mga Intsik ay kuripot at matapobre. Gusto nila mga kalahi lang nilang chinsansu ang gusto nila para sa mga anak nila.
“Hindi totoo iyan. Chinese iyon, bawal sa kanila na ang ibang lahi ang makatuluyan nila. Hindi ko type ang chinsansu,” sabi ko. Tumawa ang katrabaho ko.
“Grabe ka naman sa chinsansu. Di ba cream ng mga Chinese iyon?” sabi niya. Tumango ako.
“Kaya nga, ‘di ba, China galing iyon? O eh di chinsansu nga,” sabay tawa ko. Hinampas ako ng katrabaho ko.
“Baliw ka talaga.”
Nang makapag-out ay lumabas na ako ng bookstore. Nakita ko agad si Zacchaeus. Lutang na lutang ang kaputian niya.
“Kanina ka pa ba?” tanong ko nang makalapit sa kanya.
Napatingin ako sa suot niya. Ang formal ng suot niya. Nakakahiya naman itong suot kong T-shirt at maong na pantalon.
“Ang formal naman ng suot mo. Kakain lang naman tayo.”
“Siyempre, date natin. Kaya nagsuot ako ng pormal.”
Talaga ba? Ganito ba makipag-date ang mga mayayaman? Kailangang nakasuot ng formal? Hindi ako sanay sa ganito. Mukha tuloy akong katulong niya. Nakakahiya yata!
“Magpalit ka kaya ng suot mo. Okay lang naman sa akin kahit simple lang ang suot mo. Tingnan mo nga ang suot ko sa suot mo? Hindi ka ba nag-iisip?”
Gusto yata ng lalaking ito na mapahiya ako sa mata ng mga tao. Sinasabi ko na nga ba na may agenda ang lalaking ito. Nangunot ang noo ko nang may binigay siyang paper bag sa akin.
“Ano iyan?” tanong ko sa paper bag na binigay niya sa akin.
“Bumili ako ng maisusuot mo para partner tayo.”
Talaga ba? Sinilip ko ang laman ng paper. Mukhang mamahalin ang damit. Grabe, sikat na brand ng damit ito, ah? Prada! Halos lumuwa ang mata ko sa nakita ko.
“Bakit bumili ka pa ng ganito kamahal na damit at may sapatos pang kasama? Wala akong pambabayad sa iyo. Kahit isang taon akong magtrabaho, hindi ko mababayaran ang halaga ng bawat isa nito,” sabi ko habang sinisipat ang damit at sapatos. Halos lumuwa ang mata ko nang makita ang halaga ng sapatos at damit. Diyos ko, Prada ba naman.
“Hindi ko naman pinababayaran sa iyo ang mga iyan. Bigay ko sa iyo iyan,” sabi niya habang nakangiti. Ang guwapo naman ng chinsansu na ito.
“Salamat kahit nakakahiya. Next time, huwag mo na akong bigyan ng mga bagay na ganito kamahal. Diyos ko, hindi ko keribels ang mga presyo. Nakaka-heart attack sa sobrang mahal!” sabi ko. Napahawak ako sa tapat ng puso ko. Natawa nang mahina si Zacchaeus sa sinabi ko.
“Joker ka pala,” sabi niya. Tumaas ang kilay ko. Ako ang nagbibiro?
“Hindi ako nagbibiro. Kung sa inyo wala lang ang ganoong halaga, sa amin napakalaki na nun. Diyos ko, makakagawa na ng simpleng bahay ang ganito kamahal na damit at sapatos. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito kayo gumastos ng pera? Parang hindi kayo nanghihinayang.”
Napapailing ako.
“Come on, let’s go. By the way, may ipapakilala ako sa iyo.”
Nawala ang ngiti ko sa sinabi niya. “Sino?” Kunot-noo na ang tanong ko. Nginitian lang niya ako.
ZACCHAEUSNakasuhan ang lahat ng mga nahuling lider ng triad. Kahit gaano man kalakas ang grupo nila, hindi hinayaan ng gobyerno na makalaya ang mga drug lord. Nagkaroon din ng malaking tanggalan sa kapulisan dahil nabistong may mga kasabwat ang mga sindikato sa hanay ng kapulisan, pati na sa kasundaluhan at sa matataas na opisyal ng gobyerno.Ilang buwan ding lumaban sa kamatayan si Daddy, ngunit sa huli hindi niya nakayanan. Bago malagutan ng hininga si Daddy, kinausap niya pa ako. Hindi ko inaasahan na hihingi siya ng tawad sa amin ni Mommy. Inamin niya sa amin na siya ang dahilan ng pagkamatay ng tunay kong ama. Pinigilan ko ang sarili kong sumabog sa galit. Inisip ko pa rin ang kalagayan niya.Iyak nang iyak si Mommy nang malaman na hindi namatay sa aksidente ang tunay kong ama. Dinalaw ko ang puntod ng Tatay ko. Sayang, dahil hindi ko siya nakilala. Kwento sa akin ni Kuya Melchor na napabuti ang tatay namin. He did everything para makaraos sila sa buhay nila noon. I feel guilty
HEIDINapabangon ako sa pagkakahiga. Punong-puno ng pawis ang noo ko pati ang likod. Napakasama ng panaginip ko. Diyos ko, sino naman kaya yung taong naliligo sa sariling dugo? Hindi lang yun, Bakit may hawak akong patalim? Makakapatay ba ako ng tao?Hindi ko magagawa yun! Pumatay nga ng manok, hindi ko keri; tao pa kaya? Pinilig ko ang ulo ko para mahimasmasan ang pakiramdam ko. Feeling ko nagkasala ako kahit panaginip lang yun.Nagpasya akong bumaba sa kama. Napatingin ako sa orasan. Alas-otso na pala ng umaga. Napahaba ang tulog ko. Maaga naman akong natulog kagabi.“Buti gising ka na. Hindi na kita ginising para mahaba ang tulog mo. Nakapagluto na ng umaga. Kain ka na.” Wika ni Penelope na kalalabas lang din ng silid nila.“Kakagising mo lang din?” Tanong ko.Sinuklay ko ang magulo kong buhok. Hindi na ako nag-abala na suklayin pa ang buhok ko. Wala pa akong mumog.“Kanina pa ako gising. May kinuha lang ako sa room namin. Kumusta naman ang tulog mo.”“Napasama yata ang mahabang tu
HEIDIHindi ako makapaniwalang buntis ako. Hindi lang iyon dahil sinabi ng doktor na kambal ang magiging anak namin ni Zaccheaus. Paano ko ba sasabihin sa kanya?“Uminom ka muna ng tubig. Mukha kang nakakita ng mukto. Ang putla ng mukha mo,” nag-aalalang sabi ni Pene at binigyan niya ako ng isang basong tubig. Kinuha ko iyon at nilagok ang laman niyon. Naubos ko iyon.“Sino ang hindi magiging maputla kung malalaman mong dalawa ang pinagbubuntis ko? Never in my life na naisip kong magkaroon ako ng anak na kambal. Una, wala sa lahi namin ang kambal.” Wika ko habang hinihimas ko ang tiyan ko na wala pang umbok.“Baka si beho mo ay may lahi sila. Ano na ang balak mo? Sasabihin mo ba kay Zacch ang kalagayan mo?” tanong ng kaibigan ko. Umupo siya sa tabi ko.“Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Wala pa sa isip ko kung sasabihin ko ba kay Zacch ang pinagbubuntis ko. Sa ngayon, delikado ang buhay namin ng anak ko. Alam mo naman ang sitwasyon ko. Hina-hunting ako ng pamilya at ng ex-wife n
HEIDIAno bang pakiramdam ito? Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Para akong kinakabahan na ewan. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Haist! Nasobrahan na yata ako sa pag-inom ng kape, kaya nagpapa-palpitate na ang puso ko. Babawasan ko na nga ang pag-inom.Pumasok sa loob ng bahay ang isang kasambahay na matanda nila Penelope. May dalang tray ng pagkain. Napangiti ako dahil natakam ako sa amoy ng pagkain.“Thank you, Manang. Mukhang masarap ito. Amoy palang nakakalaway na.” Sinamyo ko ang usok ng sopas. Napatingin sa bandang leeg ko ang matanda. Nangunot ang noo niya. Kaya nagtataka akong tiningnan siya. Nakaramdam ako ng takot. Sumagi sa isip ko ang kwento ng lola ko noong bata pa ako tungkol sa bampira.“B-bakit po?” Napaatras ako. Hindi kaya bampira itong matanda? Sisipsipin niya ang leeg ko pagkatapos niyang iiwan ako wala walang dugo. Napahawak ako sa bandang leeg ko na parang pinoprotektahan ko iyon. Natawa ang matanda sa inasal ko.“Pasensya ka na, hija , hindi naman ako ba
HEIDI“Bakit ka nagpadalos-dalos ng desisyon? Hindi mo muna pinag-isipan ’yan.” Pagsesermon ni Penelope sa akin. Kahit na na-realize kong wala naman dapat ikagalit kay Chinsansu, ginawa ko pa ring lumayo.“Nahihiya kasi ako kay Zacch. Hindi ako nararapat sa pagmamahal niya. Hindi ako nagtiwala sa kanya, bagkus sinumbatan ko pa siya at sinabihan ng kung ano-ano.” Napayuko ako. Tinabihan ako ni Penelope.“Maiintindihan ka naman siguro ni beho este ni Zacch. Mahal ka niya.”“Kahit nakakahiya pa rin. Gusto ko siyang matahimik at lumigaya. Kapag kasi magkasama kami, palaging may hindi magandang nangyayari. Malas yata ako sa buhay ni Zacch. Mas maigi na itong ginawa kong paglayo. Hindi naman niya siguro ako masusundan dito. Unless sabihin ni Zandro. Naku, patay sa akin ang asawa mo!” Itinaas ang kamao ko sa ere. Napairap si Penelope sa ginawa ko.“Paano ka kaya minahal ni Zacch? Mas mukha ka pang lalaki kung umasta ka sa kanya, eh?” Pagbibiro ni Penelope.“Kung hindi niya ako gusto sa kung
ZACCHAEUS“Kailangan mo munang manatili dito sa bahay ko. Huwag ka munang magpapakita sa kanila. Mas lalo lang manganganib ang buhay mo. Huwag kang mag-aalala, pinamanmanan ko ang bahay ni Heidi. Wala naman kahinahinalang naganap doon. Magpagaling ka muna upang makabawi ka ng lakas,” sabi ni Kuya Melchor. Napangiti ako. Nagpapasalamat ako dahil meron akong kaibigang maaasahan. Tinuring ko na siyang kuya ko.“Hindi ko lang maintindihan kung bakit nila ginagawa ito sa akin. Sa buong buhay ko, lahat ng gusto nila ay sinunod ko. Ako ang umako sa lahat ng dapat sa mga nakatatandang kapatid ko. Ginawa ko ang lahat para maiangat ang negosyo namin. Nagtagumpay naman ako, pero wala akong nakuha ni katiting na kabutihan sa kanila o bigyan man lang ako ng reward. Ang natanggap ko ay puro sisi at pagpapahirap sa damdamin ko. Ang gusto ko lang naman ay tanggapin nila kung sino ang mahal ko. Hindi iyong ipipilit nila ako sa babaeng —ni hindi ko minahal.” Sobrang bigat ng nararamdaman ko. Iyong tip
HEIDI“Ang tahimik mo naman, Heidi. Hindi ako sanay na ganyan ka. Nagpunta ka ba dito para lang matulala at nakatitig sa kawalan?” sabi ni Penelope. Napahinga ako nang malalim.“Wala na kami ni Beho.” Biglang sabi ko. Nangunot ang noo ni Penelope sa sinabi ko.“Huh? Sino si beho?” Napamake-face ako
HEIDEKabang-kaba ako dahil hindi ko alam kung sino ba ang ipapakilala niya sa akin. Una palang namin itong pagiging magkaibigan. May ipapakilala agad?Pumasok kami sa restaurant na pangmayaman. Hindi ako sanay sa suot kong formal. Para akong dadalo sa party. Diyos ko, hindi ko talaga keribels ang
HEIDINagtataka ako dahil pumasok bilang taga-linis ng condo si Penelope at stay-in pa. Ayoko naman usisain pa siya. Baka gusto lang niyang magkaroon ng malaking kita para makatulong sa magulang niya.Sabi niya, malaki ang bayad sa kanya , kaya tinanggap niya. Hindi naman daw doon nakatira ang magi
HEIDE“Bitiwan mo ako! Saan dadalhin ng kaibigan mo ang best friend ko?! Naku, lagot kayo sa akin kapag sinaktan n’yo siya!” Galit na sigaw ko sa lalaking humihila sa akin. Kinuha pa ng isang lalaki si Penelope, ang matalik kong kaibigan. “Wala masamang mangyayari sa kaibigan mo! And will you ple







