Mag-log inZACCHAEUSNakasuhan ang lahat ng mga nahuling lider ng triad. Kahit gaano man kalakas ang grupo nila, hindi hinayaan ng gobyerno na makalaya ang mga drug lord. Nagkaroon din ng malaking tanggalan sa kapulisan dahil nabistong may mga kasabwat ang mga sindikato sa hanay ng kapulisan, pati na sa kasundaluhan at sa matataas na opisyal ng gobyerno.Ilang buwan ding lumaban sa kamatayan si Daddy, ngunit sa huli hindi niya nakayanan. Bago malagutan ng hininga si Daddy, kinausap niya pa ako. Hindi ko inaasahan na hihingi siya ng tawad sa amin ni Mommy. Inamin niya sa amin na siya ang dahilan ng pagkamatay ng tunay kong ama. Pinigilan ko ang sarili kong sumabog sa galit. Inisip ko pa rin ang kalagayan niya.Iyak nang iyak si Mommy nang malaman na hindi namatay sa aksidente ang tunay kong ama. Dinalaw ko ang puntod ng Tatay ko. Sayang, dahil hindi ko siya nakilala. Kwento sa akin ni Kuya Melchor na napabuti ang tatay namin. He did everything para makaraos sila sa buhay nila noon. I feel guilty
HEIDINapabangon ako sa pagkakahiga. Punong-puno ng pawis ang noo ko pati ang likod. Napakasama ng panaginip ko. Diyos ko, sino naman kaya yung taong naliligo sa sariling dugo? Hindi lang yun, Bakit may hawak akong patalim? Makakapatay ba ako ng tao?Hindi ko magagawa yun! Pumatay nga ng manok, hindi ko keri; tao pa kaya? Pinilig ko ang ulo ko para mahimasmasan ang pakiramdam ko. Feeling ko nagkasala ako kahit panaginip lang yun.Nagpasya akong bumaba sa kama. Napatingin ako sa orasan. Alas-otso na pala ng umaga. Napahaba ang tulog ko. Maaga naman akong natulog kagabi.“Buti gising ka na. Hindi na kita ginising para mahaba ang tulog mo. Nakapagluto na ng umaga. Kain ka na.” Wika ni Penelope na kalalabas lang din ng silid nila.“Kakagising mo lang din?” Tanong ko.Sinuklay ko ang magulo kong buhok. Hindi na ako nag-abala na suklayin pa ang buhok ko. Wala pa akong mumog.“Kanina pa ako gising. May kinuha lang ako sa room namin. Kumusta naman ang tulog mo.”“Napasama yata ang mahabang tu
HEIDIHindi ako makapaniwalang buntis ako. Hindi lang iyon dahil sinabi ng doktor na kambal ang magiging anak namin ni Zaccheaus. Paano ko ba sasabihin sa kanya?“Uminom ka muna ng tubig. Mukha kang nakakita ng mukto. Ang putla ng mukha mo,” nag-aalalang sabi ni Pene at binigyan niya ako ng isang basong tubig. Kinuha ko iyon at nilagok ang laman niyon. Naubos ko iyon.“Sino ang hindi magiging maputla kung malalaman mong dalawa ang pinagbubuntis ko? Never in my life na naisip kong magkaroon ako ng anak na kambal. Una, wala sa lahi namin ang kambal.” Wika ko habang hinihimas ko ang tiyan ko na wala pang umbok.“Baka si beho mo ay may lahi sila. Ano na ang balak mo? Sasabihin mo ba kay Zacch ang kalagayan mo?” tanong ng kaibigan ko. Umupo siya sa tabi ko.“Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Wala pa sa isip ko kung sasabihin ko ba kay Zacch ang pinagbubuntis ko. Sa ngayon, delikado ang buhay namin ng anak ko. Alam mo naman ang sitwasyon ko. Hina-hunting ako ng pamilya at ng ex-wife n
HEIDIAno bang pakiramdam ito? Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Para akong kinakabahan na ewan. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Haist! Nasobrahan na yata ako sa pag-inom ng kape, kaya nagpapa-palpitate na ang puso ko. Babawasan ko na nga ang pag-inom.Pumasok sa loob ng bahay ang isang kasambahay na matanda nila Penelope. May dalang tray ng pagkain. Napangiti ako dahil natakam ako sa amoy ng pagkain.“Thank you, Manang. Mukhang masarap ito. Amoy palang nakakalaway na.” Sinamyo ko ang usok ng sopas. Napatingin sa bandang leeg ko ang matanda. Nangunot ang noo niya. Kaya nagtataka akong tiningnan siya. Nakaramdam ako ng takot. Sumagi sa isip ko ang kwento ng lola ko noong bata pa ako tungkol sa bampira.“B-bakit po?” Napaatras ako. Hindi kaya bampira itong matanda? Sisipsipin niya ang leeg ko pagkatapos niyang iiwan ako wala walang dugo. Napahawak ako sa bandang leeg ko na parang pinoprotektahan ko iyon. Natawa ang matanda sa inasal ko.“Pasensya ka na, hija , hindi naman ako ba
HEIDI“Bakit ka nagpadalos-dalos ng desisyon? Hindi mo muna pinag-isipan ’yan.” Pagsesermon ni Penelope sa akin. Kahit na na-realize kong wala naman dapat ikagalit kay Chinsansu, ginawa ko pa ring lumayo.“Nahihiya kasi ako kay Zacch. Hindi ako nararapat sa pagmamahal niya. Hindi ako nagtiwala sa kanya, bagkus sinumbatan ko pa siya at sinabihan ng kung ano-ano.” Napayuko ako. Tinabihan ako ni Penelope.“Maiintindihan ka naman siguro ni beho este ni Zacch. Mahal ka niya.”“Kahit nakakahiya pa rin. Gusto ko siyang matahimik at lumigaya. Kapag kasi magkasama kami, palaging may hindi magandang nangyayari. Malas yata ako sa buhay ni Zacch. Mas maigi na itong ginawa kong paglayo. Hindi naman niya siguro ako masusundan dito. Unless sabihin ni Zandro. Naku, patay sa akin ang asawa mo!” Itinaas ang kamao ko sa ere. Napairap si Penelope sa ginawa ko.“Paano ka kaya minahal ni Zacch? Mas mukha ka pang lalaki kung umasta ka sa kanya, eh?” Pagbibiro ni Penelope.“Kung hindi niya ako gusto sa kung
ZACCHAEUS“Kailangan mo munang manatili dito sa bahay ko. Huwag ka munang magpapakita sa kanila. Mas lalo lang manganganib ang buhay mo. Huwag kang mag-aalala, pinamanmanan ko ang bahay ni Heidi. Wala naman kahinahinalang naganap doon. Magpagaling ka muna upang makabawi ka ng lakas,” sabi ni Kuya Melchor. Napangiti ako. Nagpapasalamat ako dahil meron akong kaibigang maaasahan. Tinuring ko na siyang kuya ko.“Hindi ko lang maintindihan kung bakit nila ginagawa ito sa akin. Sa buong buhay ko, lahat ng gusto nila ay sinunod ko. Ako ang umako sa lahat ng dapat sa mga nakatatandang kapatid ko. Ginawa ko ang lahat para maiangat ang negosyo namin. Nagtagumpay naman ako, pero wala akong nakuha ni katiting na kabutihan sa kanila o bigyan man lang ako ng reward. Ang natanggap ko ay puro sisi at pagpapahirap sa damdamin ko. Ang gusto ko lang naman ay tanggapin nila kung sino ang mahal ko. Hindi iyong ipipilit nila ako sa babaeng —ni hindi ko minahal.” Sobrang bigat ng nararamdaman ko. Iyong tip
HEIDINapataas ang kilay ko habang nakatingin sa kanya. Nagpameywang ako.Ano’ng ginagawa ng chinsansu na ito dito? Nagkalinawan na kami na kapag nagpakita pa siya sa akin, iitlugan ko siya. Aba! Hindi yata natakot sa banta ko. Puwes, sasampulan ko siya.“Hoy! Ano’ng ginagawa mo dito?” Tanong ko. N
HEIDEKabang-kaba ako dahil hindi ko alam kung sino ba ang ipapakilala niya sa akin. Una palang namin itong pagiging magkaibigan. May ipapakilala agad?Pumasok kami sa restaurant na pangmayaman. Hindi ako sanay sa suot kong formal. Para akong dadalo sa party. Diyos ko, hindi ko talaga keribels ang
HEIDEPagkatapos sa trabaho, hindi ko inaasahan na tutuparin ni Zacchaeus na susunduin niya ako. Naisip ko kanina na baka nagbibiro lang talaga siya.“Uy! Manliligaw mo ba si pogi?” tanong sa akin ng katrabaho ko. Inaayos ko ang mga books at iba pang magazine na nasa lalagyan.“Hindi. Friend ko lan
HEIDINagtataka ako dahil pumasok bilang taga-linis ng condo si Penelope at stay-in pa. Ayoko naman usisain pa siya. Baka gusto lang niyang magkaroon ng malaking kita para makatulong sa magulang niya.Sabi niya, malaki ang bayad sa kanya , kaya tinanggap niya. Hindi naman daw doon nakatira ang magi







