เข้าสู่ระบบNapatulala ako sa likod ni Hendrix habang naglalakad siya palayo. Is he insane? Ibig sabihin ba ng working naked ay magwawalis ako nang walang suot? Like, literal na hubad?! My goodness! Ang bastos pala niyang lalaki kung ganun?!
Pero teka, sinabi din niyang malawak ang kwarto niya? Ibig sabihin ba niya doon, ino-offer niya sa akin ang kuwarto niya? Wow, ha! Eh di kung ganun, siya ‘yung tipo ng lalaki na maginoo pero bastos? Err.. parang ang dugyot naman ng dating n'un!
"Hey, Mr. Ice Cube! Wait!" sigaw ko, hila-hila ang pagkalaki-laki kong maleta.
Papasok na siya sa isa sa elevator dito nang maabutan ko siya. Pagkasakay namin doon ay kinulit ko siya nang kinulit tungkol sa sinabi niya. Pero ang lalaki, parang walang naririnig dahil hindi niya talaga ako sinasagot.
Ilang saglit lang ay bumukas na ang elevator. Bumungad sa amin ang tingin ko'y kuwarto niya dahil sa lawak at elegante ng silid. Sa sobrang lawak ay singlaki na ata ito ng buong sala namin sa bahay.
Lalaking lalaki estilo ng silid. Kulay charcoal gray at black ang tema, may king-sized bed sa gitna na mukhang masarap higaan, at may malaking glass wall kung saan tanaw ang buong skyline ng lungsod.
"Wow..." hindi ko napigilang mamangha.
Binitawan ko ang maleta ko at dire-diretsong naglakad papasok. Lumundag ako sa kama niya at dinama ang lambot ng mamahaling mattress nito.
"Okay na ako rito, pwedeng-pwede na 'to sa'kin!" sabi ko.
Paglingon ko sa kaniya ay nakasandal na siya habang nakahalukipkip sa gilid.
"Sinong nagsabing matutulog ka sa kama ko?" malamig niyang untag.
Tinaasan ko siya ng kilay saka ako naupo na sa kama. "Sabi mo kanina, 'My room has plenty of space.' Eh ano pala gusto mo iparating kung hindi ka nag-o-offer?"
"I said my room has plenty of space. Hindi ko sinabing sa kama ko ang pwesto mo," patag ang boses niya habang naglalakad papalapit sa gilid ng higaan. Huminto siya sa tapat ko at itinuro ang sahig gamit ang kaniyang sapatos. "Dito. Sa sahig. Maglalagay si Manang ng manipis na sapin para sa'yo mamaya."
"What?!" Halos mapatayo ako sa kutson sa sobrang gulat. "Are you out of your mind?! Masasaktan ang likod ko! Ayoko! Ayoko! Ayoko! No way!"
Gigil na gigil kong pinagdaop ang mga palad ko. Grabe, ang sarap niyang saksakin ng nail file! Partida, parang wala lang sa kaniya ito kung sabihin niya iyon. Ano, ganoon siya kawalang puso para matiis ang isang tulad ko?
Suminghap ako at sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko.
'Yung plano ko…
Kailangan kong pakalmahin ang sarili ko para masimulan ko na ang plano ko.
Operation: Make This Ice Man Falls In Love With Me starts now!
Huminga ako nang malalim at binago ko ang ekspresyon ng mukha ko. Mula sa pagtataray, dahan-dahan akong ngumiti nang matamis—yung ngiting ginagamit ko tuwing nasa runway ako bilang top model. Umupo ako nang tuwid at hinawakan ang laylayan ng silk robe ko, bahagyang ipinakita ang makinis kong binti.
“What are you doing?" kunot-noo niyang tanong.
"Well... kung gusto mo talaga akong patulugin dito, bakit sa sahig pa?" malambing kong sabi. "Hindi ba mas okay… kung sa tabi mo? What do you think?"
Yuck! Yuck! Kadiri! Sa oras na mauto ko siya, siya ang dapat matulog sa sahig! Hindi kami pwedeng magtabi sa kama dahil unang una, hindi ko siya kilala. Panglawa, siya na ngayon ang itinuturing kong mortal kong kaaway!
Tiningnan ko siya nang diretso sa mata habang dahan-dahan kong pinadalos ang mga daliri ko sa ibabaw ng kumot niya. Iniisip ko na kahit gaano kasama ang ugali niya, lalaki pa rin siya. Walang lalaking hindi tatablan sa alindog ng isang Hiraya Shane Morana!
Ang kaso…
"Ang cheap ng moves mo, Miss Morana…" blangko niyang pambabasag sa akin na saglit kong ikinatigil. "Don't try to pull the same stunt you used on that director that ended your career. It won't work on me.”
What the— ano raw?!
Nawala ang ngiti sa mga labi ko. Akma ko siyang sisigawan nang bigla siyang yumuko nang bahagya, inilapit ang mukha niya sa akin— dahilan para maamoy ko ang panlalaki at mamahalin niyang pabango.
"Blow job, Miss Morana. You still don’t get it?”
Muntik na akong mapapikit nang maamoy ko ang amoy mint niyang hininga. Pero pinigilan ko.
“B-Blow job, duh!" halos nauutal kong sabi. “Tingin mo talaga sa'kin stvpid, ’no? Of course I know what a ‘blow job' is. Where's the dust? I'll blow it off for you! Come on!” panghahamon ko.
Pero mahina niya lang ako tinawanan, pagkatapos ay medyo tumuwid siya ng tayo. Agad nangunot ang noo ko nang sunod niyang ginawa ay nagsimula na siyang magtanggal ng belt sa suot niyang slacks.
“H-Hey… what are you doing?” kinakabahan ko nang tanong, ang mata ko'y dilat na dilat na nakaalinsunod lang sa mga kilos niya.
"You wanted to sleep on my bed, right?" walang kaemo-emosyon niyang saad habang tuloy lang siya sa pagtanggal ng kaniyang belt. "I can let you sleep here. But nothing in this world is free, Miss Morana. Kung sa kama ko ka matutulog, may kapalit 'yun."
"A-Anong kapalit?!"
Natapos na siya sa kaniyang belt at ang sunod na nangyari ay basta na lang niya ibinaba ang slacks niya. Sa gulat ko ay mabilis akong pumikit at sumigaw-sigaw.
“Ahhhhh! Help! Help! Someone just violated my eyes! Help!” paulit-ulit kong sigaw.
Tumayo ako at nilakasan pa lalo ang pagsisisigaw ko, pikit na pikit pa rin ang mga mata ko.
“Hey, stop! I'm just kidding!" dinig kong sabi niya sa tabi. Mayamaya ay naramdaman ko ang paghawak niya sa bandang siko ko kaya mas lalo ko pa nilakasan ang sigaw ko.
“Mānyak! May mānyak dito! Manang! Help!"
Wala pang ilang segundo ay may narinig akong pumasok. Pagmulat ko ng mata ko ay nakita ko si Manang na nagkukumahog na tumakbo palapit sa gawi namin. Pero bago pa man niya kami marating ay aksidente kong nabalingan si Hendrix. Agad namilog ang mata ko nang bumaba ang tingin ko sa binti niya at nakitang naka-boxer brief na lang ito.
“Ahhh! So big! No waaaay! My innocent eyes, ahh!!!” sigaw ko ulit at bigla na lang ako nagkandahilo-hilo.
Matutumba na sana ako sa sahig pero agad akong nasalo ni Hendrix. Kaso muli na naman akong napasigaw nang dumirekta ang tingin ko sa binti niya at nakita ko ulit na naka-boxer brief lang talaga siya.
“Help! M-May mānyak ho rito—" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang kusa na lang bumigat ang talukap ko sa mata.
Bago ako tuluyang mahimatay ay narinig ko ang boses ni Manang na pinapagalitan si Hendrix.
"Diyos ko kang bata ka! Ano ba kasing gusto mong mangyari at naisip mong pagtripan ang mapapangasawa mo?!”
"Get off me!" marahas na asik ni Hendrix, parehong nakataas ang mga kamay niya, pulang-pula na ang kaniyang buong mukha at leeg— marahil dahil sa inis.Agad kong binawi ang kamay ko na parang napaso at mabilis akong gumapang patungo sa passenger seat. Halos maiyak ako habang pilit na inaayos pababa ang pinaikli kong palda. Buong buhay ko, ngayon lang ako napunta sa ganito kahiya-hiyang sitwasyon!"I-I'm sorry! ’Y-Yung mga aso kasi!" depensa ko agad, mas lalo bumilis ang pagtaas-baba ng dibdib ko dahil sa pinaghalong takot sa aso at labis na pagkahiya sa kaniya.Hindi niya ako sinagot. Sa halip ay tahimik niyang inapakan ang gasolinador saka pinaharurot na naman ang kotse palayo sa tatlong asong patuloy na kumakahol sa labas.Buong biyahe ay nabalot ng nakabibinging katahimikan ang loob ng sasakyan. Ni hindi ko magawang lumingon sa gawi niya. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana, yakap-yakap ang sarili ko habang sinusubukang pigilan ang muling pag-iyak. Gusto ko nang magpalamon sa l
Nandidiring binitawan ni Hendrix ang kwelyo ni Richard na parang nakahawak siya ng maruming basahan. Ang ex ko naman na tānga ay mabilis na napaatras habang inaayos ang nagusot niyang mamahalin na tuxedo, bago tuluyang kumaripas ng takbo pabalik sa ballroom. Psh. Duwag pa rin hanggang ngayon.Nang kaming dalawa na lang ni Hendrix ang naiwan sa madilim na pasilyo, hinarap ko siya na may mapaglarong ngiti sa aking mga labi."Wow. I didn't know you had a heroic side, Sir Hendrix," panunukso ko, sinadya ko pang ilapit sa kaniya ang mukha ko habang may mapaglaro akong ngisi sa labi. "At talagang inaway mo pa siya para sa akin, ah. Type mo 'ko, ’no?" Tinitigan niya ako gamit ang kaniyang malamig at walang emosyong mga mata. "Don't flatter yourself, Morana. Ginawa ko lang 'yun dahil nakakahiya kung ang mismong yaya ko ay kung sino-sino lang ang umaapi," basag niya sa ilusyon ko. "And don't think you're off the hook. Malaki ang atraso mo sa akin dahil sa ginawa mo kay Jinah.”"Excuses, excus
"Let go of me, Morana!" ganting asik ni Hendrix habang pilit na inaalis ang pagkakasakal ko sa necktie niya.Hindi ko siya pinakinggan. Kalahating hinihila at kalahating kinakaladkad ko siya palayo sa pwesto ng b*wisit kong ex. Rinig ko pa rin ang mabibigat na yabag ni Richard sa likod namin, marahil ay sinusundan na niya kami, kaya mas binilisan ko pa ang paghila ko kay Hendrix. Kulang na lang ay buhatin ko siya— mapabilis lang ang paglayo namin. Hindi ako tumigil hangga't hindi kami nakakarating sa isang madilim at bakanteng pasilyo malapit sa mga emergency exit. Doon na ako marahas na itinulak ni Hendrix paupo sa isang sementadong baywang ng malaking paso ng halaman."Are you out of your mind?!" galit na galit niyang bulyaw, habang inaayos ang nagulo niyang kwelyo at necktie. Pulang-pula ang leeg niya. "You insulted my girlfriend, shouted at me, and almost choked me to death in front of the board of directors!""Buhay ka pa naman, ah!" ganti kong sigaw, hinahabol na rin ang hining
Hinigpitan ko ang hawak ko sa seatbelt ko. “No, no, no! Ayoko! Hindi talaga ako lalabas!" Pinatay niya ang makina at mabilis na bumaba ng kotse. Nang akala ko ay pinagbigyan na niya ako, napatingin ako sa pintuan ko sabay itinago ang mukha gamit ang maliit na bag pinadala niya sa akin nang buksan niya ang pintuan.“Please, Hen. Hindi ko talaga kayang lumabas!” "Morana, don't test my patience. Lumabas ka riyan." “Ayoko talaga! No hell no! Mapapahiya lang ako d'yan!” giit ko pa rin.Bahagya siyang yumuko upang dungawin ako, hinawakan pa ang magkabilang gilid ng upuan ko kaya halos makulong ako sa pagitan ng mga braso niya. "Get out of the car on your own, or I will drag you out in front of all these rolling cameras," seryoso niyang banta habang sobrang lapit ng mukha niya sa akin. "Choose now."Sinimangutan ko siya. “Hindi ko talaga kaya. Hindi ka ba naaawa sa'kin?" pagpapa-cute ko pa. Pero blangko na naman niya ako tinitigan. "I'm warning you, Miss Morana. Isa…”Hinawakan na niya
Bagsak ang balikat kong nahiga sa matigas na kama at naiiyak na napatitig sa kisame. Nakakainis! Grabe pa naman ang excitement ko kanina! Hindi ko alam kung tungkol pa ba ito sa pagkakautang sa kaniya ng mga magulang ko o may personal na siyang galit sa akin na hindi ko alam para ganito siya kasama sa akin!Ugh! Hindi na ako magugulat kung walang may gusto sa kaniya kahit sobrang guwapo niya. Pero sabi niya kanina ay may girlfriend siya. Edi ibigsabihin, ngayon pa lang ay failed na rin ang plano kong pahulugin siya sa akin? Ano ba ‘yan!Bigo ko na lang ipinikit ang mga mata ko at sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakatulog ako na hindi man lang nakakaligo. Kinabukasan ay nagising ako dahil sa mararahang pagkatok ni Manang. Buong araw niya akong pinaglinis ng mga walang kwentang vase sa hallway at pinatuyo ang mga plato na wala namang gumagamit. Pagsapit ng alas-singko ng hapon, halos hindi na ako makalakad sa sobrang pagod. "Hiraya, hija, mag-ayos ka na. Padating na raw si Senyori
HIRAYA'S POINT OF VIEWNakatitig lang ako sa nakalahad niyang palad. Seryoso ba siya? Pagkatapos niya akong ipahabol sa mga alaga niyang monster, tingin niya makikipagkamay pa ako sa kaniya? Hell no! Inirapan ko na lang siya sabay tinampal ang kamay niya."Don't touch me! At utang na loob, pabalikin mo na ’yung mga alaga mo sa hawla nila bago ako mamatay sa aneurysm!" asik ko, hawak ang dibdib kong parang sasabog na sa kaba.Mahina niya akong tinawanan bago may pinindot sa hawak niyang walkie-talkie. "Manolo, keep them…"Pagkatapos niyang utusan ang kung sinumang Manolo na ‘yun ay nakita kong nagsipag-atrasan ang mga alaga niya sa labas, doon lang ako nakahinga nang maluwag. Pero sandali lang ’yun dahil mabilis na bumalik ang atensyon ko sa kinalalagyan ko ngayon. Tiningnan ko ang basang robe ko, ang nadumihan kong paa, at ang lalaking nakatayo sa harap ko na akala mo ay kung sino! "Sumunod ka sa akin," utos niya sabay talikod."Wait! Paano ang maleta ko sa labas? Ano, iiwanan lang d
HENDRIX'S POVKahit kitang kita ko ang lantaran niyang pagdadabog, sumunod pa rin siya sa akin pababa sa opisina ko. Bitbit ang kaniyang malaking maleta, matalim siyang nakatingin sa likod ko habang nasa loob kami ng elevator. Siguro sa inis niya'y hindi niya namamalayan na nakikita ko ang repleksy
HENDRIX'S POVMaingat kong pinahiga ang walang-malay na si Hiraya sa ibabaw ng kama ko. Napailing na lang ako nang mapatitig ako sa kabuuan niya. Ang kaninang maingay, reklamador, at maarteng babae ay ngayon ay nakapikit na."Diyos ko kang bata ka!" asik ni Manang habang nagkukumahog na inayos ang
"Blow job? What the hell is that?! You mean blowing some dust? Bakit kailangan ko pang i-blow gamit ang bibig ko? Wala ka bang air dust blower? O kaya vacuum cleaner?!"Sunod-sunod na asik ko habang nakapamewang sa harap ng lamesa niya. I mean, hello? Anong klaseng bilyonaryo ang walang pambili ng
"I’m sorry, Miss Hiraya, but we have a court order."Halos malaglag ang panga ko habang nakatingin sa lalaking naka-barong na nasa harap ng aming mansyon. It’s a sunny Tuesday, for goodness’ sake! Dapat ay nagpapa-pedicure ako ngayon habang umiinom ng iced latte, hindi nakikipag-talo sa pangit na n
![Just One Night [Tagalog]](https://yfbwww.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)






