เข้าสู่ระบบHENDRIX'S POV
Kahit kitang kita ko ang lantaran niyang pagdadabog, sumunod pa rin siya sa akin pababa sa opisina ko. Bitbit ang kaniyang malaking maleta, matalim siyang nakatingin sa likod ko habang nasa loob kami ng elevator. Siguro sa inis niya'y hindi niya namamalayan na nakikita ko ang repleksyon niya sa harap ko.
Pagkarating namin sa opisina ay agad akong naupo sa swivel chair ko. Hindi ko siya tiningnan nang pumwesto siya sa harap ko. Sa halip ay nagkunwari akong may kinakalikot sa iPad ko.
“What's next? Nasaan na ang sinasabi mong blow job?” maarte niyang tanong.
“Kneel," tipid kong utos.
"W-What? Anong luluhod? Bakit naman ako luluhod? For what?!”
Dito ko na siya dahan-dahang tiningnan. Kitang-kita ko ang pamumula ng kaniyang pisngi, marahil dahil sa matinding inis sa akin.
“Kneel. Don't tell me you don't know what that means either?”
Maarte niya akong inikutan ng mata. “Ang ibig ko pong sabihin, bakit po ako luluhod?”
“Just look down, Miss Morana," itinuro ko sa kaniya ang isang kahon na gawa sa kahoy, nasa gilid lang iyon ng lamesa ko.
Kinunutan naman niya ako ng noo. "And?”
"Those are the company's old archive records that need to be encoded tomorrow. They are highly sensitive, so you can't use a vacuum or a wet cloth," malamig kong paliwanag habang pinagmamasdan ang bawat reaksyon sa mukha niya. "You will manually blow the dust off each page before using the brush. And since the box is low, you need to kneel."
Literal na napaawang ang labi niya. Tumingin siya sa kahon na puno ng makapal na alikabok, tapos ay tumingin ulit siya sa akin.
"B-Blowing dust?" utal niyang tanong. "You mean…”
"Yes. Dust. That’s what I meant, Miss Morana," patag kong sagot, pinapanatili ang seryoso kong mukha. "Tatanggalin mo ang mga alikabok sa pamamagitan ng pag-ihip."
Doon na halos malaglag ang panga niya sa pagkakaawang ng bibig niya. "Seriously?!”
"I'm serious,” agap ko. "You think I'm joking?”
Matagal siyang napatitig sa mukha ko. Siguro ay minumura na niya ako sa isip niya. Pero mayamaya lang din ay inis siyang napasinghap bago padabog na kumuha ng isang face mask sa tabi, saka iyon isinuot.
Nang handa na siya ay lumuhod na siya sa tapat ng kahon. Kitang kita ko ang pandidiri sa mukha niya nang kumuha siya doon ng isang libro na punong-puno ng alikabok. At sa nakapikit na mga mata, hinipan niya iyon nang pagkalakas-lakas.
“Omg, this is so disgusting! Ang sama-sama ng ugali mo!” halos mangiyak-iyak niyang reklamo pero nagpatuloy pa rin siya sa kaniyang ginagawa.
Nagkunwari ulit akong may kinakalot sa iPad ko pero ang totoo ay kanina ko pa siya pinagmamasdan. Hirap na hirap siya. Hindi na ako magugulat kung wala pang isang oras ay susuko na siya.
And I was right.
Tatlumpung minuto pa lang ang nakakalipas ay padabog na siyang tumayo. Wala pa sa kalahati ang natatapos niya. Padabog niyang hinubad ang face mask, at hinarap ako nang nanginginig ang mga labi sa inis.
"Ayoko na! Suko na ako!" sigaw niya, pulang-pula ang mukha. "Hindi ako ipinanganak para sa ganito lang! I’m leaving! Bye!"
Agad niyang hinila ang kaniyang maleta at nagtungo na sa pintuan ng opisina ko. Hilaw akong napangisi.
"You can't just leave, Miss Morana," malamig kong paalala nang hindi umaalis sa upuan ko.
“Aalis ako kung kelan ko gusto! Bahala ka sa buhay mo!" asik niya bago tuluyang binuksan ang pinto at nagmartsa palabas ng opisina ko.
Isang maikling tawa ang pinakawalan ko. Ang arte niya talaga. Ubod siya ng arte. Ano bang nakita sa kaniya nina Daddy noon para ipagkasundo siya sa akin?
Kinuha ko ang remote control sa ibabaw ng aking lamesa at pinindot ang pulang button doon—ang security system na nagbubukas sa mga kulungan sa bakuran.
"Manolo," tawag ko sa walkie-talkie sa tabi ko. "Release the Dobermans. Let them have some exercise."
"Copy, Sir."
Sumandal ako sa swivel chair ko at pinanood ang monitor ng CCTV ko sa pader. Kitang-kita ko ang paglabas pa lang niya hila-hila ang kaniyang maleta. Nasa garden na siya patungo sa gate.
Wala pang ilang segundo ay sunod kong nakita sa monitor ang naglalakihan kong itim na Doberman na mabilis na nagtakbuhan palabas mula sa gilid ng mansyon. Ang kanilang mga ungol at tahol ay umalingawngaw sa buong paligid.
Biglang natigil si Hiraya. Dahan-dahan pa ang paglingon niya sa likod niya kung saan ang tatlo kong aso ay patungo na sa kaniya.
There you have it.
Three seconds later, her loud scream echoed through the garden
"Ahhhhhhh! Help! May monsters! Monsters!!!”
Sa sobrang takot niya ay naiwan niya nang wala sa oras ang kaniyang maleta. Nang makita kong patakbo siya pabalik sa mansyon, tumayo na ako sa kinauupuan ko para salubungin siya sa main door.
Saktong nasa hagdanan ako nang makapasok siya. Umiiyak na siya habang habol-habol ang kaniyang hiningang napasandal sa likod ng main door.
"You're back,” I said casually.
Napaangat ang tingin niya sa akin, punong-puno ng takot, pagod, at matinding inis ang kaniyang mga mata habang nangangatog ang kaniyang buong katawan. Lumingon pa siya sa de-salaming pader ko kung saan tanaw ang naglalaway kong mga Doberman na nakaabang kung bubukas ang kinasasandalan niyang pintuan.
"Got anything to say?” I teased.
"Oo na! Oo na! Fine! I'll stay!" hiyaw niya, pinaghalong takot at kabiguan ang makikita sa maarte niyang mukha. "I'll be your personal maid, your public maid, your underground maid, and whatever maid you like! Just... please call off those monsters outside! I’m too pretty to be a dog food!"
Hindi ko na napigilang mapangiti. Bumaba na ako sa hagdan at nilapitan siya. Nang nasa harap na niya ako ay kaswal kong nilahad sa kaniya ang palad ko.
"Welcome to your living hell, my sassy maid…”
"Get off me!" marahas na asik ni Hendrix, parehong nakataas ang mga kamay niya, pulang-pula na ang kaniyang buong mukha at leeg— marahil dahil sa inis.Agad kong binawi ang kamay ko na parang napaso at mabilis akong gumapang patungo sa passenger seat. Halos maiyak ako habang pilit na inaayos pababa ang pinaikli kong palda. Buong buhay ko, ngayon lang ako napunta sa ganito kahiya-hiyang sitwasyon!"I-I'm sorry! ’Y-Yung mga aso kasi!" depensa ko agad, mas lalo bumilis ang pagtaas-baba ng dibdib ko dahil sa pinaghalong takot sa aso at labis na pagkahiya sa kaniya.Hindi niya ako sinagot. Sa halip ay tahimik niyang inapakan ang gasolinador saka pinaharurot na naman ang kotse palayo sa tatlong asong patuloy na kumakahol sa labas.Buong biyahe ay nabalot ng nakabibinging katahimikan ang loob ng sasakyan. Ni hindi ko magawang lumingon sa gawi niya. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana, yakap-yakap ang sarili ko habang sinusubukang pigilan ang muling pag-iyak. Gusto ko nang magpalamon sa l
Nandidiring binitawan ni Hendrix ang kwelyo ni Richard na parang nakahawak siya ng maruming basahan. Ang ex ko naman na tānga ay mabilis na napaatras habang inaayos ang nagusot niyang mamahalin na tuxedo, bago tuluyang kumaripas ng takbo pabalik sa ballroom. Psh. Duwag pa rin hanggang ngayon.Nang kaming dalawa na lang ni Hendrix ang naiwan sa madilim na pasilyo, hinarap ko siya na may mapaglarong ngiti sa aking mga labi."Wow. I didn't know you had a heroic side, Sir Hendrix," panunukso ko, sinadya ko pang ilapit sa kaniya ang mukha ko habang may mapaglaro akong ngisi sa labi. "At talagang inaway mo pa siya para sa akin, ah. Type mo 'ko, ’no?" Tinitigan niya ako gamit ang kaniyang malamig at walang emosyong mga mata. "Don't flatter yourself, Morana. Ginawa ko lang 'yun dahil nakakahiya kung ang mismong yaya ko ay kung sino-sino lang ang umaapi," basag niya sa ilusyon ko. "And don't think you're off the hook. Malaki ang atraso mo sa akin dahil sa ginawa mo kay Jinah.”"Excuses, excus
"Let go of me, Morana!" ganting asik ni Hendrix habang pilit na inaalis ang pagkakasakal ko sa necktie niya.Hindi ko siya pinakinggan. Kalahating hinihila at kalahating kinakaladkad ko siya palayo sa pwesto ng b*wisit kong ex. Rinig ko pa rin ang mabibigat na yabag ni Richard sa likod namin, marahil ay sinusundan na niya kami, kaya mas binilisan ko pa ang paghila ko kay Hendrix. Kulang na lang ay buhatin ko siya— mapabilis lang ang paglayo namin. Hindi ako tumigil hangga't hindi kami nakakarating sa isang madilim at bakanteng pasilyo malapit sa mga emergency exit. Doon na ako marahas na itinulak ni Hendrix paupo sa isang sementadong baywang ng malaking paso ng halaman."Are you out of your mind?!" galit na galit niyang bulyaw, habang inaayos ang nagulo niyang kwelyo at necktie. Pulang-pula ang leeg niya. "You insulted my girlfriend, shouted at me, and almost choked me to death in front of the board of directors!""Buhay ka pa naman, ah!" ganti kong sigaw, hinahabol na rin ang hining
Hinigpitan ko ang hawak ko sa seatbelt ko. “No, no, no! Ayoko! Hindi talaga ako lalabas!" Pinatay niya ang makina at mabilis na bumaba ng kotse. Nang akala ko ay pinagbigyan na niya ako, napatingin ako sa pintuan ko sabay itinago ang mukha gamit ang maliit na bag pinadala niya sa akin nang buksan niya ang pintuan.“Please, Hen. Hindi ko talaga kayang lumabas!” "Morana, don't test my patience. Lumabas ka riyan." “Ayoko talaga! No hell no! Mapapahiya lang ako d'yan!” giit ko pa rin.Bahagya siyang yumuko upang dungawin ako, hinawakan pa ang magkabilang gilid ng upuan ko kaya halos makulong ako sa pagitan ng mga braso niya. "Get out of the car on your own, or I will drag you out in front of all these rolling cameras," seryoso niyang banta habang sobrang lapit ng mukha niya sa akin. "Choose now."Sinimangutan ko siya. “Hindi ko talaga kaya. Hindi ka ba naaawa sa'kin?" pagpapa-cute ko pa. Pero blangko na naman niya ako tinitigan. "I'm warning you, Miss Morana. Isa…”Hinawakan na niya
Bagsak ang balikat kong nahiga sa matigas na kama at naiiyak na napatitig sa kisame. Nakakainis! Grabe pa naman ang excitement ko kanina! Hindi ko alam kung tungkol pa ba ito sa pagkakautang sa kaniya ng mga magulang ko o may personal na siyang galit sa akin na hindi ko alam para ganito siya kasama sa akin!Ugh! Hindi na ako magugulat kung walang may gusto sa kaniya kahit sobrang guwapo niya. Pero sabi niya kanina ay may girlfriend siya. Edi ibigsabihin, ngayon pa lang ay failed na rin ang plano kong pahulugin siya sa akin? Ano ba ‘yan!Bigo ko na lang ipinikit ang mga mata ko at sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakatulog ako na hindi man lang nakakaligo. Kinabukasan ay nagising ako dahil sa mararahang pagkatok ni Manang. Buong araw niya akong pinaglinis ng mga walang kwentang vase sa hallway at pinatuyo ang mga plato na wala namang gumagamit. Pagsapit ng alas-singko ng hapon, halos hindi na ako makalakad sa sobrang pagod. "Hiraya, hija, mag-ayos ka na. Padating na raw si Senyori
HIRAYA'S POINT OF VIEWNakatitig lang ako sa nakalahad niyang palad. Seryoso ba siya? Pagkatapos niya akong ipahabol sa mga alaga niyang monster, tingin niya makikipagkamay pa ako sa kaniya? Hell no! Inirapan ko na lang siya sabay tinampal ang kamay niya."Don't touch me! At utang na loob, pabalikin mo na ’yung mga alaga mo sa hawla nila bago ako mamatay sa aneurysm!" asik ko, hawak ang dibdib kong parang sasabog na sa kaba.Mahina niya akong tinawanan bago may pinindot sa hawak niyang walkie-talkie. "Manolo, keep them…"Pagkatapos niyang utusan ang kung sinumang Manolo na ‘yun ay nakita kong nagsipag-atrasan ang mga alaga niya sa labas, doon lang ako nakahinga nang maluwag. Pero sandali lang ’yun dahil mabilis na bumalik ang atensyon ko sa kinalalagyan ko ngayon. Tiningnan ko ang basang robe ko, ang nadumihan kong paa, at ang lalaking nakatayo sa harap ko na akala mo ay kung sino! "Sumunod ka sa akin," utos niya sabay talikod."Wait! Paano ang maleta ko sa labas? Ano, iiwanan lang d
HENDRIX'S POVMaingat kong pinahiga ang walang-malay na si Hiraya sa ibabaw ng kama ko. Napailing na lang ako nang mapatitig ako sa kabuuan niya. Ang kaninang maingay, reklamador, at maarteng babae ay ngayon ay nakapikit na."Diyos ko kang bata ka!" asik ni Manang habang nagkukumahog na inayos ang
Napatulala ako sa likod ni Hendrix habang naglalakad siya palayo. Is he insane? Ibig sabihin ba ng working naked ay magwawalis ako nang walang suot? Like, literal na hubad?! My goodness! Ang bastos pala niyang lalaki kung ganun?! Pero teka, sinabi din niyang malawak ang kwarto niya? Ibig sabihin b
"Blow job? What the hell is that?! You mean blowing some dust? Bakit kailangan ko pang i-blow gamit ang bibig ko? Wala ka bang air dust blower? O kaya vacuum cleaner?!"Sunod-sunod na asik ko habang nakapamewang sa harap ng lamesa niya. I mean, hello? Anong klaseng bilyonaryo ang walang pambili ng
"I’m sorry, Miss Hiraya, but we have a court order."Halos malaglag ang panga ko habang nakatingin sa lalaking naka-barong na nasa harap ng aming mansyon. It’s a sunny Tuesday, for goodness’ sake! Dapat ay nagpapa-pedicure ako ngayon habang umiinom ng iced latte, hindi nakikipag-talo sa pangit na n







