เข้าสู่ระบบHENDRIX'S POV
Maingat kong pinahiga ang walang-malay na si Hiraya sa ibabaw ng kama ko. Napailing na lang ako nang mapatitig ako sa kabuuan niya. Ang kaninang maingay, reklamador, at maarteng babae ay ngayon ay nakapikit na.
"Diyos ko kang bata ka!" asik ni Manang habang nagkukumahog na inayos ang nagusot kong kumot para itakip sa katawan ni Hiraya. Pagkatapos ay pinandilatan niya ako ng mata. "Ano ba kasing gusto mong mangyari at naisip mong pagtripan ang mapapangasawa mo?! Tingnan mo at hinimatay sa gulat!"
"Hindi ko siya mapapangasawa, Manang," malamig kong pagtatama, sabay kuha ng robe ko sa gilid para suotin iyon.
"Eh ano palang tawag sa inyo? Nangako ang papa mo sa papa niya na kayo ang magkakatuluyan! May kasunduan na!" bulyaw ng matanda. "Tapos ngayon, babastusin mo 'yung bata?! Kung nakikita ka lang ng Daddy mo, sigurado akong binalian ka na niya ng buto!”
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko bago ko isinara ang sinturon ng robe ko.
"Exactly. Isang kasunduan na ginawa nang wala man lang akong kaalam-alam. At wala akong balak tuparin 'yon," seryoso kong sabi. "Kaya nga pinapunta ko siya rito, Manang. Hindi para maging asawa ko, kundi para patunayan na ang piniling babae nina Daddy para sa akin ay walang kwenta, spoiled brat, maluho, at pabigat lang."
Nag-iwas saglit ako ng tingin para pagmasdan lalo ang mukha ni Hiraya. Kahit nakapikit, halata ang pagka-pino ng kaniyang balat. Mahaba ang pilikmata niya, at hindi ko maitatanggi na mayroon talaga siyang kakaibang ganda. Ganda na ginagamit niya para makakuha ng atensyon. Ganda na naging dahilan para masira ang sarili niyang pangalan.
Isang top model na nasangkot sa pag-akit umano ng direktor para lang makuha ang pinakamalaking endorsement deal sa bansa. Kalat na kalat ang balitang 'yon, at dahil doon, lalo akong nadismaya nang malaman kong siya ang babaeng nakatakdang iharap ko sa altar.
Hindi ko kailangan ng asawang uhaw sa pera at atensyon. Ang kailangan ko ay kapayapaan para patakbuhin ang kumpanya ko nang maayos.
"Wala rin siyang alam sa kasunduan, Hendrix,” malumanay ngunit may pagdidiin na paalala ni Manang. "Ang akala niya ay kaya siya narito para hindi mawala sa kaniya ang iniwan sa kaniyang ari-arian ng magulang niya.”
"And let's keep it that way," tipid kong sagot. "Habang nandito siya, dapat lang niyang maranasan kung paano maging isang alipin. Kapag sumuko siya at nagmakaawa na gusto na niyang umalis, then good. Meaning, she failed. And that would be enough reason for me to legally void the marriage contract without completely ruining my father's reputation. Gusto ko, siya mismo ang sumuko."
"Pero bakit kailangan mo pang takutin ng gano'n ang bata?" tukoy niya sa paghuhubad ko ng pantalon kanina.
Kusa akong napangisi nang maalala ko ang itsura niya kanina. The great Hiraya Shane Morana, who supposedly seduced a high-profile director, fainted just by seeing a man in boxer briefs?
And she even thought 'blow job' meant blowing dust with her mouth!
"I was just testing the waters, Manang," sagot ko, hindi maalis ang tingin sa namumutla niyang mukha. "Gusto kong makita kung hanggang saan ang kaya niyang gawin para lang sa kayamanang hindi naman niya pinaghirapan. I just gave her a sneak peek of the reality she’s trying to play with.”
Dinig ko ang malalim na pagbuga ng hangin ni Manang, indikasyon na hindi siya pabor sa plano ko pero wala rin naman siyang magagawa. "Ikaw ang bahala, Hendrix. Sana lang talaga ay hindi mo ito pagsisisihan sa huli. Katulad mo, ulila na rin ang batang 'yan. Wala na siyang ibang masasandalan ngayon."
"I don't care about her feelings," patag kong sagot. "I care about breaking her spirit so she’ll leave me alone."
Walang imik na lumabas si Manang sa kwarto ko. Nang kami na lang dalawa ni Hiraya, dahan-dahan akong lumapit sa gilid ng higaan. Tinitigan ko muna ang buong anyo niya. Suot pa rin niya ang kaniyang designer silk robe. Ang mga kuko niya ay kulay pink at perpekto ang pagkakaayos. She looks like a fragile, expensive porcelain doll that belongs in a display case, not in my world.
Kinuha ko ang isang baso ng malamig na tubig mula sa bedside table. Tiningnan ko siya sa huling pagkakataon, iniisip kung tama ba ang gagawin ko. Pero sa huli ay tinuloy ko pa rin ang plano ko.
Walang pag-aalinlangan, ibinuhos ko ang buong laman ng baso sa mismong mukha niya.
“What the—" she gasped.
Agad siyang napabalikwas ng bangon, gulat na gulat habang habol ang kaniyang hininga. Ang kaniyang buhok ay nabasa na, lalo na ang kaniyang pisngi at leeg.
"What the hell did you do that for?!" tili niya. "You completely ruined my face, you monster!"
"My house. My rules. At sa bahay ko na ito, hindi dapat natutulog ang mga katulong habang gising pa ang amo nila," malamig kong wika, inilapag ang walang-laman na baso sa mesa.
"Hinimatay ako! Muntik na akong mamatay sa gulat sa... sa..." Hindi niya naituloy ang sasabihin dahil biglang namula ang pisngi niya nang mapatingin siya sa ibaba ko. "You m-mānyak!"
"Get up, Miss Morana," utos ko, binalewala ang pag-iinarte niya. "Gusto mong malaman ang ibig sabihin ng blow job, ‘di ba?"
Nanigas siya sa pagkakaupo, tila nakakita ng multo sa paraan ng pagkakatameme niya sa akin. Tinalikuran ko na siya at nagtungo na ako sa pintuan ng kuwarto ko.
"Sumunod ka sa’kin sa opisina," dugtong ko na hindi siya nililingon ng buo. "We have a lot of dust that needs blowing tonight…"
"Get off me!" marahas na asik ni Hendrix, parehong nakataas ang mga kamay niya, pulang-pula na ang kaniyang buong mukha at leeg— marahil dahil sa inis.Agad kong binawi ang kamay ko na parang napaso at mabilis akong gumapang patungo sa passenger seat. Halos maiyak ako habang pilit na inaayos pababa ang pinaikli kong palda. Buong buhay ko, ngayon lang ako napunta sa ganito kahiya-hiyang sitwasyon!"I-I'm sorry! ’Y-Yung mga aso kasi!" depensa ko agad, mas lalo bumilis ang pagtaas-baba ng dibdib ko dahil sa pinaghalong takot sa aso at labis na pagkahiya sa kaniya.Hindi niya ako sinagot. Sa halip ay tahimik niyang inapakan ang gasolinador saka pinaharurot na naman ang kotse palayo sa tatlong asong patuloy na kumakahol sa labas.Buong biyahe ay nabalot ng nakabibinging katahimikan ang loob ng sasakyan. Ni hindi ko magawang lumingon sa gawi niya. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana, yakap-yakap ang sarili ko habang sinusubukang pigilan ang muling pag-iyak. Gusto ko nang magpalamon sa l
Nandidiring binitawan ni Hendrix ang kwelyo ni Richard na parang nakahawak siya ng maruming basahan. Ang ex ko naman na tānga ay mabilis na napaatras habang inaayos ang nagusot niyang mamahalin na tuxedo, bago tuluyang kumaripas ng takbo pabalik sa ballroom. Psh. Duwag pa rin hanggang ngayon.Nang kaming dalawa na lang ni Hendrix ang naiwan sa madilim na pasilyo, hinarap ko siya na may mapaglarong ngiti sa aking mga labi."Wow. I didn't know you had a heroic side, Sir Hendrix," panunukso ko, sinadya ko pang ilapit sa kaniya ang mukha ko habang may mapaglaro akong ngisi sa labi. "At talagang inaway mo pa siya para sa akin, ah. Type mo 'ko, ’no?" Tinitigan niya ako gamit ang kaniyang malamig at walang emosyong mga mata. "Don't flatter yourself, Morana. Ginawa ko lang 'yun dahil nakakahiya kung ang mismong yaya ko ay kung sino-sino lang ang umaapi," basag niya sa ilusyon ko. "And don't think you're off the hook. Malaki ang atraso mo sa akin dahil sa ginawa mo kay Jinah.”"Excuses, excus
"Let go of me, Morana!" ganting asik ni Hendrix habang pilit na inaalis ang pagkakasakal ko sa necktie niya.Hindi ko siya pinakinggan. Kalahating hinihila at kalahating kinakaladkad ko siya palayo sa pwesto ng b*wisit kong ex. Rinig ko pa rin ang mabibigat na yabag ni Richard sa likod namin, marahil ay sinusundan na niya kami, kaya mas binilisan ko pa ang paghila ko kay Hendrix. Kulang na lang ay buhatin ko siya— mapabilis lang ang paglayo namin. Hindi ako tumigil hangga't hindi kami nakakarating sa isang madilim at bakanteng pasilyo malapit sa mga emergency exit. Doon na ako marahas na itinulak ni Hendrix paupo sa isang sementadong baywang ng malaking paso ng halaman."Are you out of your mind?!" galit na galit niyang bulyaw, habang inaayos ang nagulo niyang kwelyo at necktie. Pulang-pula ang leeg niya. "You insulted my girlfriend, shouted at me, and almost choked me to death in front of the board of directors!""Buhay ka pa naman, ah!" ganti kong sigaw, hinahabol na rin ang hining
Hinigpitan ko ang hawak ko sa seatbelt ko. “No, no, no! Ayoko! Hindi talaga ako lalabas!" Pinatay niya ang makina at mabilis na bumaba ng kotse. Nang akala ko ay pinagbigyan na niya ako, napatingin ako sa pintuan ko sabay itinago ang mukha gamit ang maliit na bag pinadala niya sa akin nang buksan niya ang pintuan.“Please, Hen. Hindi ko talaga kayang lumabas!” "Morana, don't test my patience. Lumabas ka riyan." “Ayoko talaga! No hell no! Mapapahiya lang ako d'yan!” giit ko pa rin.Bahagya siyang yumuko upang dungawin ako, hinawakan pa ang magkabilang gilid ng upuan ko kaya halos makulong ako sa pagitan ng mga braso niya. "Get out of the car on your own, or I will drag you out in front of all these rolling cameras," seryoso niyang banta habang sobrang lapit ng mukha niya sa akin. "Choose now."Sinimangutan ko siya. “Hindi ko talaga kaya. Hindi ka ba naaawa sa'kin?" pagpapa-cute ko pa. Pero blangko na naman niya ako tinitigan. "I'm warning you, Miss Morana. Isa…”Hinawakan na niya
Bagsak ang balikat kong nahiga sa matigas na kama at naiiyak na napatitig sa kisame. Nakakainis! Grabe pa naman ang excitement ko kanina! Hindi ko alam kung tungkol pa ba ito sa pagkakautang sa kaniya ng mga magulang ko o may personal na siyang galit sa akin na hindi ko alam para ganito siya kasama sa akin!Ugh! Hindi na ako magugulat kung walang may gusto sa kaniya kahit sobrang guwapo niya. Pero sabi niya kanina ay may girlfriend siya. Edi ibigsabihin, ngayon pa lang ay failed na rin ang plano kong pahulugin siya sa akin? Ano ba ‘yan!Bigo ko na lang ipinikit ang mga mata ko at sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakatulog ako na hindi man lang nakakaligo. Kinabukasan ay nagising ako dahil sa mararahang pagkatok ni Manang. Buong araw niya akong pinaglinis ng mga walang kwentang vase sa hallway at pinatuyo ang mga plato na wala namang gumagamit. Pagsapit ng alas-singko ng hapon, halos hindi na ako makalakad sa sobrang pagod. "Hiraya, hija, mag-ayos ka na. Padating na raw si Senyori
HIRAYA'S POINT OF VIEWNakatitig lang ako sa nakalahad niyang palad. Seryoso ba siya? Pagkatapos niya akong ipahabol sa mga alaga niyang monster, tingin niya makikipagkamay pa ako sa kaniya? Hell no! Inirapan ko na lang siya sabay tinampal ang kamay niya."Don't touch me! At utang na loob, pabalikin mo na ’yung mga alaga mo sa hawla nila bago ako mamatay sa aneurysm!" asik ko, hawak ang dibdib kong parang sasabog na sa kaba.Mahina niya akong tinawanan bago may pinindot sa hawak niyang walkie-talkie. "Manolo, keep them…"Pagkatapos niyang utusan ang kung sinumang Manolo na ‘yun ay nakita kong nagsipag-atrasan ang mga alaga niya sa labas, doon lang ako nakahinga nang maluwag. Pero sandali lang ’yun dahil mabilis na bumalik ang atensyon ko sa kinalalagyan ko ngayon. Tiningnan ko ang basang robe ko, ang nadumihan kong paa, at ang lalaking nakatayo sa harap ko na akala mo ay kung sino! "Sumunod ka sa akin," utos niya sabay talikod."Wait! Paano ang maleta ko sa labas? Ano, iiwanan lang d
HENDRIX'S POVKahit kitang kita ko ang lantaran niyang pagdadabog, sumunod pa rin siya sa akin pababa sa opisina ko. Bitbit ang kaniyang malaking maleta, matalim siyang nakatingin sa likod ko habang nasa loob kami ng elevator. Siguro sa inis niya'y hindi niya namamalayan na nakikita ko ang repleksy
Napatulala ako sa likod ni Hendrix habang naglalakad siya palayo. Is he insane? Ibig sabihin ba ng working naked ay magwawalis ako nang walang suot? Like, literal na hubad?! My goodness! Ang bastos pala niyang lalaki kung ganun?! Pero teka, sinabi din niyang malawak ang kwarto niya? Ibig sabihin b
"Blow job? What the hell is that?! You mean blowing some dust? Bakit kailangan ko pang i-blow gamit ang bibig ko? Wala ka bang air dust blower? O kaya vacuum cleaner?!"Sunod-sunod na asik ko habang nakapamewang sa harap ng lamesa niya. I mean, hello? Anong klaseng bilyonaryo ang walang pambili ng
"I’m sorry, Miss Hiraya, but we have a court order."Halos malaglag ang panga ko habang nakatingin sa lalaking naka-barong na nasa harap ng aming mansyon. It’s a sunny Tuesday, for goodness’ sake! Dapat ay nagpapa-pedicure ako ngayon habang umiinom ng iced latte, hindi nakikipag-talo sa pangit na n







