LOGIN"Anong hindi gets? Naghahanap lang talaga ng away 'yong lalaking 'yon!" gigil kong sabi habang inaayos ang coat ko. "Akala mo naman kung sinong santo, siya na nga 'tong may pa-girlfriend na nanunugod, siya pa 'tong may lakas ng loob mag-attitude!"Nakakainis! Sirang-sira na nga ang araw ko dahil sa kanya, mas nadagdagan pa! Bwisit!"Teh, galit na galit?" natatawang sabi ni Jess at inakbayan ulit ako. "Parang kanina lang super cold at walang pakialam ka dyan, tapos ngayon nabangga ka lang, uusok na 'yang ilong mo.""Sinasadya niya kasi, Jess. Hays, kumain na nga lang tayo. Gutom na ako," irita kong sabi at mabilis na naglakad patungong cafeteria.Kahit naman anong sabihin ko, pikon na pikon pa rin ako sa kanya! Kung hindi lang ako nagpapaka-professional, nasunt0k ko na siya.Pagdating sa cafeteria, mabilis kaming kumuha ng pagkain ni Jess at umupo sa medyo tago na mesa sa gilid. Wala pa ring tigil sa pagda-drama ang utak ko habang winawas4k ko 'yung fried chicken gamit ang tinidor."Da
"Hindi niya malalaman," mariing sabi ko, hinawakan ko nang mahigpit ang paper bag ng J0llibee. "Kailangan kong ilayo ang sarili ko sa kanya, Stephen. Nakita mo naman siguro 'yong kanina, 'di ba? May girlfriend pala siya o ex o ewan! Ayokong pumasok sa magulong buhay niya. Ayokong maging kabit o gulo sa career niya. Mabuti na 'yong ganito."Nawala ang bakas ng kapilyuhan sa mukha ni Stephen. "Alam mo namang susuportahan kita sa lahat, 'di ba?Kung kailangan kong maging sacrificial boyfriend para protektahan ka at si Ron, gagawin ko. Pero siguraduhin mo lang na hindi ka masasaktan sa huli. Kasi no'ng tinitigan kita kanina habang sinasabi mo 'yon... mukhang ikaw 'yung mas nasasaktan kaysa sa kanya."Hindi ako nakasagot. Bumukas ang elevator sa floor namin, kaya agad kaming naglakad papasok sa office.Pagpasok namin sa kwarto, inilabas agad ni Jess ang ulo niya mula sa banyo habang nagpapatuyo ng buhok. "Oh! Dumating na ang almusal—teka, Stephen?!""Hi, Jess! Long time no see," bati ni Ste
"Boyfriend ko," patuloy ko sa sasabihin niya.Naramdaman ko ang mabilis na paglingon ni Stephen sa akin, halatang gulat na gulat sa lumabas sa bibig ko. Ramdam ko ang pagbaon ng mga kuko ko sa sarili kong palad habang pinipilit kong panatilihing diretso ang tingin kay Rogue at sa babaeng kasama niya.May ilang segundong namayani ang nakakabinging katahimikan sa pagitan naming apat.Iyong kaninang mataray na ekspresyon no'ng Selene biglang napalitan ng pagkahiya, habang si Rogue naman... tulala, tila hindi makapaniwala. Napansin ko ang pag-igting ng panga niya. His sharp eyes, which had been begging just moments ago, suddenly turned cold and dark. He stared at me with a mix of disbelief, anger, and pain. Hindi niya nagustuhan ang sinabi ko.A ghost smile escaped on my lips. Ako ang panalo sa sitwasyon na 'to. Nasisiyahan ako sa reaction nila.This is the plan. Sasabihin ko na lang kay Stephen mamaya ang tungkol sa plano ko."Boyfriend?" ulit ni Rogue, puno ng sarkasmo ang boses. Tumin
Bigla siyang natumba sa akin. Akala ko pakulo lang niya, pero mukhang ang lalim ng tulog niya.Ngayon, anong gagawin ko? Itutulak ko ba siya? O mananatili kaming ganito? Naconscious ako bigla sa amoy ko. Hindi naman siguro ako mabaho?Bigla akong nataranta nang biglang bumukas ang pinto. Nagpanggap akong tulog nang makita kong si Jess 'yon, pero mukhang nahuli niya ako."Babae, alam kong gising ka, anyari? Bakit nakayakap na sa'yo si Doc?" Napadilat ako at sinamaan siya ng tingin. "Don't tell me..." Ngumisi siya."Gaga, hindi. Natumba siya sa akin. Malalim na ang tulog at saka parang pagod na pagod. Kung tulungan mo kaya ako dito, 'no? Alisin mo siya sa akin," mahina kong sabi at baka magising. Makonsensya pa ako. "Sige na.""Baka magising teh. Alam mo bang pagkatapos ng surgery niya, dumiretso siya rito tapos inalagaan ka. Diba nakatulog ako? Tapos siya ang bumungad sa akin habang pinupunasan ka," kwento niya na nagpatigil sa akin. "Swerte mo mabait si Doc Rogue. Kahit pagod, inalaga
Sinamaan ko ng tingin si Jess habang naririnig ko itong tumatawa ng mahina. Kababalik lang namin sa hospital, diretso sa quarters. Si Ron, nakatulog, kaya hinatid muna namin sa kwarto. Napagod siguro kakagala kasama ni Rogue.Pagkatapos kasi namin magmeryenda, pumunta sila sa park, nag-arcade sa mall at kung anu-ano pa na sa tingin ni Rogue ay mag-e-enjoy ang bata.No'ng una, ayoko pa, pero no'ng makita ko 'yong excitement sa mata ng anak ko, hindi na ako nakatanggi. Hinayaan ko na lang, pero sinabihan ko si Rogue na last na 'yon. Hindi na mauulit. Ewan ko na lang kung tumupad sa usapan since um-oo naman siya.Ngayon, pabalik kami sa station namin dahil may kailangang tapusin na documents na ipapapirma agad kay Rogue. Literal na enjoy now, work later. Napa-overtime pa kami! Kasalanan 'to ng lalaking 'yon tapos isa pa 'tong kaibigan ko na kanina pa nang-aasar. Kulang na lang kaltukan ko. Pikon na pikon na ako eh."Hindi ka titigil?" banta ko sa kanya. "Kanina ka pa eh!" singhal ko sa k
"Busog ako sa inis sa'yo," pabalang kong sagot at uminom na lang din ng tubig."Ay, grabe siya o. Ang hard," biro ni Jess habang patuloy sa pag-kain.Habang kumakain sila, pinapanood ko lang ang interaksyon nina Ron at Rogue. Masakit man aminin, pero may natural na koneksyon talaga silang dalawa. Ang paraan ng pagtawa ni Ron, ang paborito niyang pagkain, pati ang paraan ng paghawak ng tinidor, lahat 'yon, carbon copy ni Rogue. Nakakatakot. Paano kung isang araw tuluyan nang makuha ni Rogue ang loob ni Ron at mas gustuhin ng anak ko na kasama ang tatay niya kaysa sa akin?"Nga pala, Sue," biglang sabi ni Rogue habang nagpupunas ng kamay gamit ang table napkin. "I have an upcoming medical seminar next week in Tagaytay. It's a three-day event. I was thinking... maybe you and Ron could come with me?"Nabilaukan si Jess sa kinakain niya, habang ako naman awtomatikong napatingin nang matalim kay Rogue."No way," mabilis kong tanggi. "May trabaho ako, at may pasok si Ron.""Sige na, Mommy!







