LOGINMahimbing nang natutulog si Oliver sa mahabang sofa sa sala.Bahagyang nakatagilid ang bata habang yakap pa rin ang throw pillow. Paminsan-minsan ay napapangiti pa ito sa gitna ng mahimbing na tulog, na para bang ipinagpapatuloy pa rin ang masasayang kwentuhan nila ni Dylan.Marahang lumapit si Leila.Maingat niyang inayos ang unan sa ilalim ng ulo ng anak at marahang hinila pataas ang manipis na kumot.Napangiti si Dylan habang pinagmamasdan ang mag-ina.Hindi niya alam kung bakit sa tuwing nakikita niyang inaalagaan ni Leila si Oliver, may kakaibang init na bumabalot sa kanyang dibdib.Hindi iyon awa o paghanga lamang.May kung anong damdaming hindi niya pa lubusang maipaliwanag.Marahang lumapit siya.“Tulog na talaga.”Mahina niyang sabi.Tumango si Leila.“Kapag napagod na ’yan, kahit saan nakakatulog.”Napangiti si Dylan.“Mana yata sa mommy.”“Hindi ako ganiyan.”“Sigurado ka?”Napatawa siya.“Baka ikaw lang ang hindi nakakapansin.”Napailing na lamang si Leila.“Sige na nga.”
Lumalim na ang gabi.Tahimik na ang buong condominium.Katatapos lamang nilang maglinis ng kusina matapos ang magulong paghahanda ng meryenda. Nakahiga na rin si Oliver sa sala matapos mapagod sa kakakulitan at ngayon ay mahimbing nang natutulog sa sofa, yakap ang isang throw pillow na ibinigay ni Dylan.Napangiti si Leila habang marahang kinukumutan ang anak.“Talagang napagod ka,” bulong niya.Paglingon niya ay nadatnan niyang nakatayo si Dylan sa may balcony.Tahimik itong nakatanaw sa ilaw ng lungsod.Hindi tulad kanina na panay ang biro at tawa nito.Ngayon ay tila mabigat ang iniisip.Lumapit siya.“Hindi ka pa ba pagod?”Hindi agad sumagot si Dylan.Nanatili lamang itong nakatanaw sa malayo.Pagkaraan ng ilang segundo ay saka ito nagsalita.“Leila…”Napansin agad niya ang kakaibang tono ng boses nito.Mas mababa.Mas seryoso.Parang may matagal nang gustong ilabas.“Hmm?”“Pwede ba kitang makausap?”Tumango siya.“Siyempre.”Huminga nang malalim si Dylan.“May matagal na akong
Matapos ang masayang tanghalian, nagsimula nang ligpitin ni Leila ang mga pinagkainan.“Ako na rito,” sabi nito habang kinukuha ang mga plato.Ngunit mabilis na tumayo si Dylan.“Hindi puwede.”Napalingon si Leila.“Bakit?”“Ikaw na ang nagluto. Ikaw pa ang magliligpit?”Napangiti ito.“Ayos lang.”“Hindi.”Mahinahon ngunit matigas na sagot ni Dylan.“Ako naman.”Napatawa si Leila.“Sir, kakagaling mo lang sa ospital.”“Hindi naman ako baldado.”“Pero pinapahinga ka.”“Simpleng paghuhugas lang.”Bago pa makapagsalita si Leila ay biglang sumingit si Oliver.“Ako rin!”Napatingin ang dalawa sa bata.“Tutulong din ako.”Napangiti si Dylan.“Sige.”“Ikaw ang assistant chef.”Lalong lumiwanag ang mukha ni Oliver.“Yey!”Tumakbo ito papunta sa kusina na parang nanalo sa isang paligsahan.Napailing na lamang si Leila.“Dalawa na kayo.”⸻Matapos mahugasan ang mga plato ay nagpunas ng kamay si Dylan.Pagkatapos ay humarap kina Leila at Oliver.“May request ako.”“Ano iyon?”Tanong ni Leila.“
Hindi natuloy ang plano ni Dylan na bumalik agad sa opisina.Bagama’t maayos na ang resulta ng mga pagsusuri, mariing pinayuhan siya ng doktor na magpahinga pa nang hindi bababa sa isang linggo.“Nababawasan na ang pananakit ng ulo mo,” paliwanag ng doktor habang binabasa ang kanyang chart. “Pero hindi pa tuluyang nakakabawi ang katawan mo. Mas lalo na ang isip mo. Hindi ka muna puwedeng sumabak sa mahabang oras ng trabaho at stress.”Napabuntong-hininga si Dylan.“Dok, marami na akong naiwang trabaho.”Ngumiti ang doktor.“At hindi matatapos ang kumpanya kapag nagpahinga ka nang ilang araw.”Napailing na lamang si Dylan.Wala siyang nagawa kundi sundin ang payo.⸻Pagdating sa kanyang condominium ay agad niyang naramdaman ang pananahimik ng buong lugar.Ilang araw lamang siyang nawala, ngunit parang buwan na ang lumipas.Tahimik.Malinis.Maayos.Ngunit napakalamig.Ibinaba niya ang maliit na bag na dala at naupo sa sofa.Noon lamang niya napagtantong sanay na pala siyang may kasama.
Kinabukasan ay maagang nagising si Dylan.Mas magaan na ang pakiramdam niya kumpara sa mga nakaraang araw. Ayon sa doktor, kung wala nang magiging problema sa huling obserbasyon, maaari na siyang makalabas ng ospital kinabukasan.Habang nakatanaw siya sa bintana ng silid, napangiti siya.Hindi niya akalaing may mga taong magpapagaan ng loob niya sa panahong ito.Nariyan si Marco na halos araw-araw siyang dinadalaw upang kumustahin at kulitin.At higit sa lahat…Si Leila.Hindi man ito magdamag na nagbabantay ngayon, sinisiguro nitong may pagkain siya, naiinom ang gamot, at hindi nagpapakapagod.Napabuntong-hininga siya.“Mas lalo tuloy kitang nami-miss kapag wala ka rito,” mahina niyang bulong sa sarili.Maya-maya ay bumukas ang pinto.Inaasahan niyang si Leila ang papasok.Ngunit isang maliit na ulo ang unang sumilip.“Sir Dylan!”Napangiti agad si Dylan.“Oliver!”Tuluyang bumukas ang pinto.Masiglang tumakbo papasok ang bata habang may bitbit na maliit na eco bag.Kasunod nito si L
Lumipas ang dalawa pang araw.Mas mabilis na ang paggaling ni Dylan.Ayon sa doktor, maaari na siyang ma-discharge sa loob ng isa o dalawang araw kung mananatiling maayos ang resulta ng mga pagsusuri.Magaan ang pakiramdam niya nang umagang iyon.Hindi na gaanong sumasakit ang kanyang ulo.Bagama’t paminsan-minsan ay may mga pira-pirasong alaalang sumusulpot sa kanyang isip, hindi na iyon kasing tindi ng mga unang araw.Nakaupo siya sa kama habang binabasa ang isang magazine na iniwan ng nurse.Ngunit wala naman talagang pumapasok sa isip niya.Paminsan-minsan ay napapatingin siya sa pinto ng silid.Parang may hinihintay.Ilang sandali pa’y bumukas iyon.Lumabas ang isang pamilyar na mukha.“Good morning, sir.”Napangiti si Dylan.“Akala ko hindi ka na darating.”Napataas ang kilay ni Leila.“May dinaanan lang ako sa cafeteria. Bumili ako ng almusal.”Inilapag nito ang paper bag sa mesa.“Pero bago ka kumain, gamot muna.”Napabuntong-hininga si Dylan.“Akala ko makakalusot na ako.”“H
Thanks for not leaving me behind.”Iyon ang huling sinabi ni Dylan bago niya muling ibinalik ang atensyon sa mga dokumentong nasa mesa.Samantalang si Leila?Pakiramdam niya ay mas lalo lamang gumulo ang isip niya.“You’re welcome, sir.”Mahina niyang sagot.Pagkatapos ay mabilis siyang tumalikod.
Pagdating ni Leila sa apartment, agad niyang napansin ang katahimikan. Hindi yung ordinaryong katahinikan lang. Kundi yung klase ng katahimikan na parang may kulang. Pagod niyang ipinasok ang susi sa doorknob habang nakasandal ang noo niya sa pinto nang ilang segundo. Late na late na siya. At
Mabilis na kinuha ang coat na nakasabit sa upuan bago tumingin ulit kay Leila. “I’ll review those files later.” “Yes, sir,” mabilis na sagot niya. Tumango si Dylan at naglakad na palabas ng opisina. Pero bago ito tuluyang makalabas, bigla itong napahinto sa may pinto. Parang may naalala. Daha
Kinagabihan, hindi sinasadyang ikwento ni Dylan si Leila.Nasa isang bar siya kasama si Marco, kaibigan niyang sanay nang makinig sa mga random biglang iniisip ni Dylan na biglang nagiging interesting.“May bago na naman ba tayong i-ooverthink ngayon?” agad na bungad ni Marco habang umiinom.Hindi







