LOGINAkala ni Leila, tuluyan na niyang nailibing sa nakaraan ang pagmamahalan nila ni Dylan—ang lalaking minsang naging mundo niya. Ngunit isang araw, bigla na lamang siyang iniwan nito nang walang paalam. Lingid sa kaalaman ni Dylan, nagbunga ang pagmamahalan nila. Lumipas ang ilang taon at pilit na tinanggap ni Leila na hanggang alaala na lang si Dylan. Tahimik niyang binuo ang buhay para sa sarili at sa anak na buong puso niyang minahal. Ngunit muling ginulo ng tadhana ang tahimik niyang mundo nang makapasok siya bilang intern sa isang kilalang kumpanya—ang kumpanyang pagmamay-ari mismo ni Dylan Villareal. Sa muli nilang pagkikita, agad nagtaka si Leila nang tila hindi siya makilala ni Dylan. Ang lalaking minsang naging kabahagi ng kanyang buhay ay tinrato siya na parang isang estranghero lamang. Hanggang sa unti-unti niyang makumpirma na may amnesia si Dylan at wala na itong alaala tungkol sa kanilang nakaraan. Mas lalong naging komplikado ang lahat nang mapansin ni Dylan si Leila. Dahil sa husay at dedikasyon nito sa trabaho, mabilis niya itong ginawang personal assistant mula sa pagiging intern lamang. Unti-unti ring nagsimulang makapukaw ng pansin kay Dylan ang dalagang tahimik ngunit matatag, kahit hindi niya maipaliwanag kung bakit parang pamilyar ito sa kanya. Habang araw-araw silang magkasama, mas lalo siyang naguguluhan sa biglaang emosyon na nararamdaman niya para kay Leila—emotions he cannot explain, yet cannot ignore. Ngunit mas lalo siyang nagulantang nang matuklasan niya na ang batang si Oliver—ang masayahin at nakakatuwang bata na labis niyang kinagigiliwan at kamukhang-kamukha niya—ay anak ni Leila, ang kanyang kasalukuyang sekretarya na unti-unting nakakapukaw ng kanyang pansin. Paano kung malaman ni Dylan na si Leila at Oliver ay bahagi ng kanyang nakaraan na matagal na niyang nawala… at ngayon lang unti-unting bumabalik?
View MoreLeila! Leila! Sumagot ka na!”
Halos mabitawan ni Leila ang cellphone nang biglang sunod-sunod ang tawag ni Sheila sa kanya. Nagmamadali niyang sinagot iyon habang nakasandal sa maliit na kitchen counter ng apartment nila. “Ano ba? Ang aga-aga—” “PASOK TAYO!” Napakurap siya. “Ha?” Napatalon si Sheila sa kabilang linya. “Natanggap tayo sa Villareal Holdings bilang interns!” Nanlaki ang mata ni Leila. “Wait… seryoso?!” “Yes! Kakareceive ko lang ng email! Tingnan mo phone mo!” Mabilis niyang binuksan ang inbox niya gamit ang nanginginig na kamay. Ilang segundo lang at bumungad agad ang subject na dahilan ng malakas na pagtibok ng puso niya. APPLICATION STATUS — ACCEPTED Parang natigil ang mundo niya. Natanggap siya. “Leila? Buhay ka pa ba?” natatawang tanong ni Sheila. Hindi agad nakasagot si Leila. Unti-unting namuo ang luha sa gilid ng mata niya habang nakatitig sa screen. Sa wakas. May maayos na trabaho na siyang mahahawakan. May pag-asa na silang makaahon. Napalingon siya sa maliit na sala kung saan masayang naglalaro ang tatlong taong gulang niyang anak na si Oliver gamit ang luma nitong toy blocks. “Mommy look!” masayang sigaw nito habang ipinapakita ang tabinging tower na ginawa. Agad lumambot ang puso ni Leila. Lahat ng pagod niya… sulit. “Natanggap tayo,” bulong niya na tila hindi pa rin makapaniwala. “Ano ka ba, malamang! Sabi ko naman sa’yo magaling ka!” excited na sagot ni Sheila. “Hoy, malaking company ‘yon! Villareal Holdings! Baka makahanap na rin tayo ng poging executive doon.” Napatawa si Leila kahit bahagya. “Ikaw lang naghahanap ng jowa.” “Eh ikaw? Hanggang kailan ka magiging single?” Bahagyang natigilan si Leila. Single. Tatlong taon na rin mula nang tuluyang mawala sa buhay niya si Dylan. Tatlong taon na rin niyang bitbit mag-isa ang sakit ng pagkawala nito. Hanggang ngayon, hindi niya pa rin maintindihan kung bakit bigla na lang itong nawala noon. Isang araw, okay sila. Kinabukasan… parang bula itong naglaho. Walang tawag. Walang paliwanag. At hindi nito nalaman na buntis siya. Hindi na rin niya sinubukang hanapin pa ito matapos ang ilang buwang paghihintay. Dahil habang tumatagal, mas malinaw niyang naiintindihan ang katotohanan— Iniwan siya. “Hoy, buhay ka pa?” putol ni Sheila sa pag-iisip niya. Napabuntong-hininga si Leila bago pinilit ngumiti. “Busy ako kay Oliver. Wala akong time sa boyfriend.” “Ay wow, defensive.” Napailing siya habang natatawa. Pagkababa ng tawag, marahan siyang lumapit kay Oliver at niyakap ito mula sa likod. “Baby…” mahina niyang tawag. Lumingon agad ang bata at ngumiti. “Happy si Mommy?” Napangiti siya kahit namumuo ang emosyon sa dibdib niya. “Yes. Happy si Mommy.” Dahil sa wakas, may chance na siyang mabigyan ng magandang buhay ang anak niya. — Makalipas ang ilang araw, dumating ang first day nila sa Villareal Holdings. Halos hindi mapakali si Sheila habang magkasabay silang naglalakad papasok ng napakalaking building. “Grabe…” bulong nito. “Parang hindi tayo bagay rito.” Napatingin si Leila sa matayog na gusali. Villareal Holdings. Napaka-imposible talagang maabot ng lugar na ito noon para sa katulad niya. Pero nandito na siya ngayon. Para kay Oliver. Pagdating nila sa orientation room, nagsimula agad ang ingay ng mga bagong interns. “Leila, ikaw lang ata dito walang boyfriend,” biro ng isa nilang kasabay. “Oo nga. Ang ganda mo pa naman.” Napailing si Leila habang natatawa nang pilit. Kung alam lang nila. Maya-maya pa, bumukas ang conference room. Biglang tumahimik ang lahat. Sunod-sunod na pumasok ang executives… hanggang sa huling pumasok ang isang lalaking agad nagpahinto sa tibok ng puso ni Leila. Nanlamig ang buo niyang katawan. Hindi maaari. Hindi… Unti-unting nag-angat ng tingin ang lalaki. Sharp jaw. Cold eyes. Nakakatulig na presensya. At sa isang iglap, parang bumalik lahat ng sakit na pilit niyang kinalimutan. Dylan Villareal. Parang nawalan ng hangin si Leila. Habang siya’y halos hindi makahinga sa pagkabigla, si Dylan naman ay diretsong tumingin sa kanya… Na parang isa lamang siyang estranghero. “Good morning,” malamig nitong bati. “I’m Dylan Villareal, CEO of Villareal Holdings.” CEO. Hindi niya alam kung matatawa ba siya o masasaktan. Habang siya, tatlong taon na sugatan… Ito naman ay tila walang bakas ng nakaraan nila. At doon unang naramdaman ni Leila ang matinding pagkirot ng kanyang pride. Dahil mukhang ang lalaking unang dumurog sa puso niya… Ay tila hindi man lang siya naaalala.Hindi nakatulog si Leila nang gabing iyon.Paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang nangyari kanina.Ang halos pagdikit ng mga labi nila ni Dylan.Ang paraan ng pagtingin nito sa kanya.At ang tanong na hanggang ngayon ay parang nakakulong sa kanyang dibdib.“If I remember everything… and I still feel the same way about you… will you let me kiss you then?”Napapikit si Leila.Hindi niya alam kung bakit tila mas lalo siyang natatakot sa tanong na iyon kaysa sa lahat ng banta na natanggap niya nitong mga nakaraang araw.Dahil ang totoo…May bahagi sa kanyang gustong sumagot ng oo.Pero hindi pa maaari.Hindi hangga’t hindi naaalala ni Dylan ang lahat.Dahil may isang bahagi ng kanilang nakaraan na hindi niya kayang balewalain.Ang panahong siya lamang ang naiwan.Ang panahong wala si Dylan.At ang araw na nalaman niyang…Buntis siya.⸻Bata pa si Leila noon.Hindi pa niya alam kung paano haharapin ang isang responsibilidad na mas malaki pa sa kanyang sarili.Nakatayo siya sa loob ng ma
Kinabukasan, mas maganda na ang pakiramdam ni Dylan.Hindi na siya nilalagnat.Bumaba na rin ang init ng kanyang katawan.Pero kung may isang bagay na hindi bumaba…Iyon ay ang nararamdaman niya tuwing naaalala niya ang buong gabing inalagaan siya ni Leila.Ang pagpunta nito sa kwarto niya bawat ilang oras.Ang pag-aayos ng kumot.Ang paglalagay ng malamig na bimpo sa noo niya.Ang walang sawang pagsasabi nitong uminom siya ng gamot.At higit sa lahat…Ang mahinang sinabi nito kagabi.“Hindi naman kita kayang pabayaan.”Hindi niya alam kung bakit paulit-ulit iyong bumabalik sa isip niya.Pero hindi niya iyon kinaiinisan.Sa katunayan…Gusto niya.Sobra.⸻“Good morning.”Napalingon si Dylan nang marinig ang boses ni Leila.Nasa kusina ito.May hawak na tray ng pagkain.“Breakfast.”Lumapit siya.“I can do that.”“I know.”Sagot ni Leila.“Pero may sakit ka pa kahapon.”“Yesterday.”Ngumiti si Dylan.“Now…I’m perfectly fine.”Napataas ang kilay ni Leila.“Perfectly fine?”Tumango siya
Alas-diyes na ng gabi m, mahinbing nang natutulog si Oliver matapos ang mahabang araw.Si Aling Rosa naman ay nagpaalam na ring magpapahinga.Habang si Leila ay nasa kusina, naghuhugas ng huling baso bago matulog.Napangiti siya nang maalala ang nangyari kanina.Kung paano nagpumilit si Dylan na ilayo ang payong sa sarili para hindi sila mabasa ni Oliver.At kung paano ito napangiwi sa bawat lagok ng ginger tea.“Para kang bata,” natatawa niyang bulong sa sarili.Pinatay niya ang ilaw sa kusina at balak na sanang dumiretso sa kanyang silid.Ngunit…“Achoo!”Napalingon siya sa sala.Isa na namang malakas na bahing ang narinig niya.Sinundan pa iyon ng mahinang pag-ubo.Kumunot ang noo niya.“Dylan?”Walang sumagot.Naglakad siya papunta sa guest room kung saan pansamantalang natutulog si Dylan.Bahagyang nakaawang ang pinto.Marahan niya iyong tinulak.Nakita niyang nakahiga si Dylan.Namumula ang mukha nito.Mahimbing ang tulog, ngunit halatang hindi komportable.Lumapit siya.“Dylan…
Matapos ang masayang grocery trip noong Sabado ng hapon, punong-puno ng mga paper bag ang shopping cart nila.“Mommy, bili natin ’yung dinosaur nuggets next time ha?” masayang sabi ni Oliver habang itinutulak ang maliit na cart..“May chicken nuggets pa tayo sa freezer.”“Pero mas masarap ’yung dinosaur.”“Tingin mo lang mas masarap dahil dinosaur.”“Hindi ah. Mas heroic.”Napatawa si Dylan.“I agree with Oliver.”Kumunot ang noo ni Leila.“Ikaw pa talaga ang kakampi.”“Siyempre. Men’s alliance.”Nag-high five pa ang dalawa.“Yey!”Napailing na lang si Leila habang natatawa.“Dalawa talaga kayong makukulit.”Paglabas nila ng supermarket, madilim na ang kalangitan.Napansin ni Dylan ang makakapal na ulap.“Parang uulan.”Kasasabi pa lamang niya…Biglang kumislap ang langit.Kasunod noon ang malakas na kulog.At ilang segundo lang ang lumipas…Bumuhos ang malakas na ulan.“Mommy!”Napayakap si Oliver sa braso ni Leila.“Ang lakas!”Mabilis na binuksan ni Dylan ang trunk ng sasakyan.“Di
Kinagabihan, hindi sinasadyang ikwento ni Dylan si Leila.Nasa isang bar siya kasama si Marco, kaibigan niyang sanay nang makinig sa mga random biglang iniisip ni Dylan na biglang nagiging interesting.“May bago na naman ba tayong i-ooverthink ngayon?” agad na bungad ni Marco habang umiinom.Hindi
Kinabukasan, nakatayo si Leila sa gilid ng kama habang pinagmamasdan ang mahimbing na tulog ng anak. Bahagyang nakaawang ang maliit nitong labi habang yakap ang paborito nitong maliit na unan. At gaya ng dati… hindi niya maiwasang mapatitig. “Hay naku…” mahina niyang bulong habang nakapamewang. “
Nanatiling nakahawak si Dylan sa sentido habang pilit inaayos ang mabigat na pakiramdam sa ulo niya.Isang babae.Mainit na yakap.Masayang tawa.At isang pakiramdam na tila matagal na niyang hinahanap.Mariin siyang napapikit.What the hell was that?Dahan-dahan niyang ibinaba ang kamay habang pil
Fine,” bulong niya sa sarili habang pilit pinipigilan ang sakit sa dibdib. “If that’s how you want to play it…” Tahimik na nagsara ang pinto ng opisina sa likod niya. Ngunit pagkalabas na pagkalabas ni Leila sa executive floor, saka niya lang tuluyang nailabas ang mabigat na hininga na kanina pa












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviewsMore