Mag-log inFine,” bulong niya sa sarili habang pilit pinipigilan ang sakit sa dibdib.
“If that’s how you want to play it…” Tahimik na nagsara ang pinto ng opisina sa likod niya. Ngunit pagkalabas na pagkalabas ni Leila sa executive floor, saka niya lang tuluyang nailabas ang mabigat na hininga na kanina pa niya pinipigil. Parang gusto niyang matawa. O umiyak. Hindi niya maintindihan. Tatlong taon. Tatlong taon siyang iniwang wasak ni Dylan nang walang paliwanag, pero ngayong muli silang nagkita… ito pa ang may ganang tratuhin siyang parang estranghero? Hindi niya alam kung nagkukunwari lang ba ito o sadyang ganoon talaga ang gusto nitong mangyari. At kung totoo mang hindi siya nito naaalala… Bakit parang siya pa ang nasasaktan? Mariin niyang kinuyom ang folder na hawak. Gusto niya itong komprontahin. Gustong-gusto niyang itanong: Bakit mo ‘ko iniwan? Ano bang nagawa ko? Madali lang ba para sa’yong mawala? Pero para saan pa? Anong mapapala niya? Natigilan si Leila nang biglang pumasok sa isip niya si Oliver. Nanlamig siya. Paano kung malaman ni Dylan ang tungkol sa bata? Paano kung bigla nitong gustuhin kunin si Oliver sa kanya? Villareal si Dylan. Mayaman. Makapangyarihan. Kayang gawin ang kahit ano. Samantalang siya? Isa lang na single mom na pilit kumakapit sa trabaho para mabuhay silang mag-ina. Napapikit siya. Hindi. Hindi niya hahayaang mawala sa kanya si Oliver. Kaya kung gusto ni Dylan na magpanggap silang walang nakaraan, sasabayan niya ito. Mas ligtas iyon para sa anak niya. “Leila!” Napalingon siya nang habulin siya ni Sheila sa hallway. “Oy, okay ka lang ba? Kanina ka pa lutang.” Pinilit niyang ngumiti. “Okay lang.” Hindi kumbinsido ang kaibigan niya ngunit hindi na ito nagpumilit. “Grabe ka. Diretso kang tinawag ng CEO. Ano’ng feeling?” Napailing si Leila. “Wala. Trabaho lang.” “Trabaho lang daw,” pang-aasar ni Sheila. “Girl, si Dylan Villareal ‘yon. Alam mo bang halos lahat ng babae rito crush siya?” Napairap si Leila. Kung alam lang ni Sheila kung gaano kakomplikado ang lalaking iyon. Bago pa siya makasagot, biglang lumapit ang isang staff mula sa executive floor. “Ms. Ramirez?” “Yes?” “Sir Dylan is asking for you.” Nanigas siya. “Ngayon?” Tumango ang babae. Pakiramdam ni Leila ay biglang sumakit ang ulo niya. Ngunit wala siyang choice kundi sumunod. Tahimik siyang naglakad pabalik sa opisina ni Dylan. Pagkapasok niya, agad niyang nadatnan itong nakatayo malapit sa floor-to-ceiling window habang may hawak na tablet. Hindi man lang siya nito nilingon agad. “Sit down.” Cold. Professional. Controlled. Parang hindi ito ang lalaking minsang niyayakap siya habang nangangarap tungkol sa future nilang dalawa. Tahimik siyang umupo. Makalipas ang ilang segundo, saka ito nagsalita. “I reviewed your application.” Napakunot-noo siya. “And?” Finally, Dylan looked at her. Diretso. Malamig. “Your credentials are impressive for an intern.” Halos matawa si Leila. Credentials? Talaga? Hindi ba’t minsan ay kabisado nito kahit paborito niyang flavor ng ice cream? Ngayon résumé na lang niya ang kilala nito? “Thank you,” matipid niyang sagot. Tahimik na inilapag ni Dylan ang tablet sa mesa. “I need a new personal secretary.” Bahagyang nanlaki ang mata niya. “What?” “I’m considering you to be assigned directly under me starting but my team needs to review your credentials too. So, they will inform you when to start." Parang ilang segundong hindi agad nag-register sa utak ni Leila ang sinabi nito. “Wait—sir, intern pa lang po ako.” “You’re qualified.” Simple. Diretso. Walang emosyon. Parang business decision lang ang lahat. Ngunit habang nakatingin siya rito, lalong sumisikip ang dibdib niya. Paano nito nagagawang maging ganoon ka-cold? Paano nito nagagawang burahin na lang basta ang nakaraan nila? Samantalang siya… Hanggang ngayon sugatan pa rin. “I expect professionalism, Ms. Ramirez,” dagdag pa nito. “Can you handle the job?” Ms. Ramirez na naman. Hindi niya alam kung bakit pero parang mas masakit iyon kaysa sa pagtalikod nito noon. Dahan-dahan niyang inayos ang sarili bago itinaas ang tingin dito. Kung ito ang gusto nitong setup, fine. Magiging propesyunal siya. Walang personalan. Walang nakaraan. “Of course, Sir,” kalmado niyang sagot. Ngunit sa ilalim ng mesa, mariing nakakuyom ang mga kamay niya. Dahil habang nakatitig siya kay Dylan Villareal… Mas lalo niyang nararamdaman na ang lalaking nasa harapan niya ngayon ay hindi na ang Dylan na minsan niyang minahal. Ngunit nang akmang lalabas na si Leila ng opisina, biglang nagsalita muli si Dylan. “Ms. Ramirez.” Napahinto siya sa paghawak sa doorknob. “For some reason…” mababa nitong saad habang nakatingin diretso sa kanya, “I feel like I’ve seen you before.” Parang biglang tumigil ang paghinga ni Leila. Mariin siyang napalunok habang pilit pinananatiling kalmado ang mukha. Hindi. Hindi maaari. Ngunit bago pa siya makasagot, bahagyang napahawak si Dylan sa sentido nito na tila ba biglang sumakit ang ulo. At sa unang pagkakataon, may mabilis na imahe na sumagi sa isip nito— Isang babae sa loob ng mahigpit ngunit masuyong yakap niya. Masaya itong nakangiti habang nakasandal sa dibdib niya, tila ba iyon ang pinakaligtas na lugar para rito. At kahit malabo ang mukha ng babae sa alaala… may kung anong pamilyar na pakiramdam na biglang kumabog sa puso ni Dylan. Parang isang alaalang pilit bumabalik..Matapos ang masayang tanghalian, nagsimula nang ligpitin ni Leila ang mga pinagkainan.“Ako na rito,” sabi nito habang kinukuha ang mga plato.Ngunit mabilis na tumayo si Dylan.“Hindi puwede.”Napalingon si Leila.“Bakit?”“Ikaw na ang nagluto. Ikaw pa ang magliligpit?”Napangiti ito.“Ayos lang.”“Hindi.”Mahinahon ngunit matigas na sagot ni Dylan.“Ako naman.”Napatawa si Leila.“Sir, kakagaling mo lang sa ospital.”“Hindi naman ako baldado.”“Pero pinapahinga ka.”“Simpleng paghuhugas lang.”Bago pa makapagsalita si Leila ay biglang sumingit si Oliver.“Ako rin!”Napatingin ang dalawa sa bata.“Tutulong din ako.”Napangiti si Dylan.“Sige.”“Ikaw ang assistant chef.”Lalong lumiwanag ang mukha ni Oliver.“Yey!”Tumakbo ito papunta sa kusina na parang nanalo sa isang paligsahan.Napailing na lamang si Leila.“Dalawa na kayo.”⸻Matapos mahugasan ang mga plato ay nagpunas ng kamay si Dylan.Pagkatapos ay humarap kina Leila at Oliver.“May request ako.”“Ano iyon?”Tanong ni Leila.“
Hindi natuloy ang plano ni Dylan na bumalik agad sa opisina.Bagama’t maayos na ang resulta ng mga pagsusuri, mariing pinayuhan siya ng doktor na magpahinga pa nang hindi bababa sa isang linggo.“Nababawasan na ang pananakit ng ulo mo,” paliwanag ng doktor habang binabasa ang kanyang chart. “Pero hindi pa tuluyang nakakabawi ang katawan mo. Mas lalo na ang isip mo. Hindi ka muna puwedeng sumabak sa mahabang oras ng trabaho at stress.”Napabuntong-hininga si Dylan.“Dok, marami na akong naiwang trabaho.”Ngumiti ang doktor.“At hindi matatapos ang kumpanya kapag nagpahinga ka nang ilang araw.”Napailing na lamang si Dylan.Wala siyang nagawa kundi sundin ang payo.⸻Pagdating sa kanyang condominium ay agad niyang naramdaman ang pananahimik ng buong lugar.Ilang araw lamang siyang nawala, ngunit parang buwan na ang lumipas.Tahimik.Malinis.Maayos.Ngunit napakalamig.Ibinaba niya ang maliit na bag na dala at naupo sa sofa.Noon lamang niya napagtantong sanay na pala siyang may kasama.
Kinabukasan ay maagang nagising si Dylan.Mas magaan na ang pakiramdam niya kumpara sa mga nakaraang araw. Ayon sa doktor, kung wala nang magiging problema sa huling obserbasyon, maaari na siyang makalabas ng ospital kinabukasan.Habang nakatanaw siya sa bintana ng silid, napangiti siya.Hindi niya akalaing may mga taong magpapagaan ng loob niya sa panahong ito.Nariyan si Marco na halos araw-araw siyang dinadalaw upang kumustahin at kulitin.At higit sa lahat…Si Leila.Hindi man ito magdamag na nagbabantay ngayon, sinisiguro nitong may pagkain siya, naiinom ang gamot, at hindi nagpapakapagod.Napabuntong-hininga siya.“Mas lalo tuloy kitang nami-miss kapag wala ka rito,” mahina niyang bulong sa sarili.Maya-maya ay bumukas ang pinto.Inaasahan niyang si Leila ang papasok.Ngunit isang maliit na ulo ang unang sumilip.“Sir Dylan!”Napangiti agad si Dylan.“Oliver!”Tuluyang bumukas ang pinto.Masiglang tumakbo papasok ang bata habang may bitbit na maliit na eco bag.Kasunod nito si L
Lumipas ang dalawa pang araw.Mas mabilis na ang paggaling ni Dylan.Ayon sa doktor, maaari na siyang ma-discharge sa loob ng isa o dalawang araw kung mananatiling maayos ang resulta ng mga pagsusuri.Magaan ang pakiramdam niya nang umagang iyon.Hindi na gaanong sumasakit ang kanyang ulo.Bagama’t paminsan-minsan ay may mga pira-pirasong alaalang sumusulpot sa kanyang isip, hindi na iyon kasing tindi ng mga unang araw.Nakaupo siya sa kama habang binabasa ang isang magazine na iniwan ng nurse.Ngunit wala naman talagang pumapasok sa isip niya.Paminsan-minsan ay napapatingin siya sa pinto ng silid.Parang may hinihintay.Ilang sandali pa’y bumukas iyon.Lumabas ang isang pamilyar na mukha.“Good morning, sir.”Napangiti si Dylan.“Akala ko hindi ka na darating.”Napataas ang kilay ni Leila.“May dinaanan lang ako sa cafeteria. Bumili ako ng almusal.”Inilapag nito ang paper bag sa mesa.“Pero bago ka kumain, gamot muna.”Napabuntong-hininga si Dylan.“Akala ko makakalusot na ako.”“H
Namasa ang mga mata ni Leila. Ngunit ngumiti rin ito. Hindi dahil masaya siya sa sinabi ni Dylan. Kundi dahil alam niyang iyon ang tamang gawin. Sa totoo lang, kung puso lamang niya ang masusunod, matagal na sana niyang tinanggap ang damdamin nito. Matagal na sana niyang sinabi na hindi lamang pagkakaibigan ang nararamdaman niya. Matagal na sana niyang inamin na sa bawat araw na magkasama sila, mas lalo rin siyang nahuhulog. Ngunit hindi puwedeng puso lamang ang pairalin. May mga bagay na kailangan munang maunawaan. May mga sugat na kailangan munang gumaling. At may mga tanong na kailangan munang masagot. "Kaya mo ba talagang gawin iyon?" Mahina niyang tanong. Napatingin si Dylan sa kanya. "Ang alin?" "Ang hanapin ang lahat." Napabuntong-hininga ito. "Tatakot ako kung sasabihin kong hindi." Napangiti si Leila. At sa unang pagkakataon ay nakita niya ang bahagyang pagod sa mga mata nito. Hindi lamang pala siya ang nahihirapan. Hindi lamang siya ang natatakot. Si Dy
Nagising si Leila nang marinig ang mahinang paggalaw mula sa kama.Kanina pa siya nakaupo sa tabi ni Dylan.Hindi niya namalayang nakatulog na rin pala siya habang nakasandal sa upuan.Mabilis siyang napamulat.At agad na bumaling ang tingin sa pasyente.“Sir!”Mabilis siyang tumayo.Agad namang napangiti si Dylan kahit halatang pagod pa rin.“Good morning.”Napasinghap si Leila.Para bang ngayon lamang siya nakahinga nang maayos.Hindi niya namalayang buong magdamag pala siyang kinakabahan.“Alam mo bang pinag-alala mo kami?”Napakamot si Dylan sa batok.“Sorry.”“Sorry lang?”Napataas ang kilay ni Leila.“Tatlong beses kang sinuri ng doktor kagabi.”Napatawa si Dylan.“Parang galit ka.”“Galit ako.”Agad niyang sagot.Ngunit kahit anong pilit niya, hindi niya maitago ang ginhawang nararamdaman.Mabuti na lamang at gising na ito.Mabuti na lamang at mukhang maayos na ang lagay nito.Napailing si Dylan.At sa sandaling iyon ay hindi niya maiwasang pagmasdan si Leila.Mukhang hindi ito
Kinagabihan, hindi sinasadyang ikwento ni Dylan si Leila.Nasa isang bar siya kasama si Marco, kaibigan niyang sanay nang makinig sa mga random biglang iniisip ni Dylan na biglang nagiging interesting.“May bago na naman ba tayong i-ooverthink ngayon?” agad na bungad ni Marco habang umiinom.Hindi
Kinabukasan, nakatayo si Leila sa gilid ng kama habang pinagmamasdan ang mahimbing na tulog ng anak. Bahagyang nakaawang ang maliit nitong labi habang yakap ang paborito nitong maliit na unan. At gaya ng dati… hindi niya maiwasang mapatitig. “Hay naku…” mahina niyang bulong habang nakapamewang. “
Nanatiling nakahawak si Dylan sa sentido habang pilit inaayos ang mabigat na pakiramdam sa ulo niya.Isang babae.Mainit na yakap.Masayang tawa.At isang pakiramdam na tila matagal na niyang hinahanap.Mariin siyang napapikit.What the hell was that?Dahan-dahan niyang ibinaba ang kamay habang pil
Leila! Leila! Sumagot ka na!”Halos mabitawan ni Leila ang cellphone nang biglang sunod-sunod ang tawag ni Sheila sa kanya. Nagmamadali niyang sinagot iyon habang nakasandal sa maliit na kitchen counter ng apartment nila.“Ano ba? Ang aga-aga—”“PASOK TAYO!”Napakurap siya. “Ha?”Napatalon si Sheil







