LOGINNanatiling nakahawak si Dylan sa sentido habang pilit inaayos ang mabigat na pakiramdam sa ulo niya.
Isang babae. Mainit na yakap. Masayang tawa. At isang pakiramdam na tila matagal na niyang hinahanap. Mariin siyang napapikit. What the hell was that? Dahan-dahan niyang ibinaba ang kamay habang pilit pinapakalma ang sarili. Hindi naman bago ang pagsakit ng ulo niya. Simula nang magising siya mula sa aksidente ilang taon na ang nakakalipas, paminsan-minsan ay nakakaranas siya ng mga kakaibang flashes na hindi niya maintindihan. Pero ngayon lang iyon naging ganoon kalinaw. At mas lalong hindi niya maintindihan kung bakit si Leila Ramirez ang dahilan. Unti-unti siyang nag-angat ng tingin. Nakatayo pa rin si Leila malapit sa pinto, ngunit halatang nanigas ito sa kinatatayuan. Parang natakot. Parang may bagay itong gustong takasan. Dylan narrowed his eyes. “Are you okay, Sir?” pilit nitong tanong, bagaman halata sa boses nitong may tensyon. Hindi agad nakasagot si Dylan. Pakiramdam niya ay may kung anong bahagi ng isip niya ang pilit bumubukas sa tuwing nakikita niya ang babae. At nakakairita iyon. Ayaw niya ng pakiramdam na wala siyang kontrol. “I’m fine,” malamig niyang sagot kahit bahagyang mabigat pa rin ang ulo niya. Tumango si Leila. “If there’s nothing else, Sir, I’ll go ahead.” Hindi niya alam kung bakit, pero bago pa tuluyang makalabas ang babae, kusa na namang nagsalita si Dylan. “Have we met before?” Agad tumigil si Leila. Tahimik. Masyadong tahimik. Dylan watched carefully as her shoulders stiffened. Parang ilang segundong nawalan ito ng hangin. Ngunit mabilis din nitong inayos ang sarili bago humarap muli sa kanya. “I don’t think so, Sir.” Diretso nitong sagot. Professional. Controlled. Pero hindi naniwala si Dylan. Hindi niya maipaliwanag, ngunit pakiramdam niya ay may tinatago ang babae. At higit sa lahat… Hindi niya maintindihan kung bakit tila may kirot siyang nararamdaman habang nakatingin dito. “Hmm,” tipid niyang tugon. Tumango lang si Leila bago mabilis na lumabas ng opisina. Pagkasara ng pinto, saka muling sumandal si Dylan sa swivel chair niya. Tahimik niyang pinikit ang mga mata. At muli, bumalik ang imahe. Isang babae. Nakayakap sa kanya. Masayang tumatawa habang umiihip ang hangin sa mahabang buhok nito. Hindi niya makita nang malinaw ang mukha. Pero may kung anong mainit na emosyon ang biglang sumikip sa dibdib niya. Happiness. Comfort. Love. Bigla siyang napamulat. Love? Napairap siya sa sarili. Impossible. Hindi siya ang tipo ng lalaking madaling ma-attach sa kahit sino. Simula nang bumalik siya sa trabaho matapos ang aksidente, mas pinili niyang ituon ang buhay sa kumpanya. No distractions. No unnecessary emotions. Kaya bakit parang may bahagi ng sarili niyang hindi mapakali ngayon? Muli niyang naalala ang mga mata ni Leila. There was pain there. And disappointment. Parang… nasaktan niya ito noon. Bahagyang kumunot ang noo niya. Hindi niya gusto ang pakiramdam na iyon. Ayaw niya ng mga bagay na hindi niya maintindihan. Mabilis niyang pinindot ang intercom. “Call HR.” “Yes, Sir?” “I want the complete employee file of Leila Ramirez on my desk.” “Right away, Sir.” Pagkababa niya ng tawag, tumayo siya at lumapit sa malaking bintana ng opisina. Mula roon, kitang-kita niya ang abalang city skyline. Normally, sapat na iyon para ma-distract siya. Pero ngayon? Paulit-ulit bumabalik sa isip niya ang mukha ni Leila. Samantala, halos nagmamadaling lumabas ng building si Leila. Mabilis ang tibok ng puso niya habang mahigpit na hawak ang bag. Hindi niya inaasahan ang itatanong ni Dylan. Have we met before? Napapikit siya. Muntik na siyang matinag. Muntik na siyang madala ng emosyon. Pero hindi maaari. Hindi dapat malaman ni Dylan ang totoo. Hindi niya kayang ipagsapalaran si Oliver. Mas lalong hindi niya kayang muling masaktan. At doon tuluyang nakumpirma ni Leila ang bagay na kanina pa niya pilit iniiwasang isipin— Walang naaalala si Dylan tungkol sa kanilang dalawa. Kung hindi nito nakalimutan ang lahat, imposibleng tanungin siya nito kung nagkakilala na ba sila noon. Imposibleng titigan siya nito nang ganoon kalamig, na para bang isa lamang siyang ordinaryong empleyado. Masakit man tanggapin, malinaw na malinaw na ngayon kay Leila ang katotohanan. Ang Dylan na minsang nangakong hindi siya iiwan… ay wala nang alaala tungkol sa kanya. Pagdating niya sa daycare, agad siyang sinalubong ng masayang sigaw ng anak. “Mommy!” Agad lumambot ang ekspresyon ni Leila nang makita ang batang tumatakbo palapit sa kanya. Lumuhod siya at mahigpit itong niyakap. “Hi, baby.” “Late si Mommy,” nakangusong reklamo ni Oliver. “I’m sorry. Madaming ginawa si Mommy sa work.” Kaagad naman itong ngumiti. “It’s okay!” Napangiti si Leila habang marahang inaayos ang buhok nito. Sa bawat tingin niya kay Oliver, mas lalo niyang naaalala kung bakit kailangan niyang maging matatag. Para rito. Para sa anak nila ni Dylan na walang kaalam-alam sa tunay nitong ama. “Mommy?” “Hm?” “Why sad?” Natigilan siya. Napakagat siya sa labi bago pilit ngumiti. “Hindi sad si Mommy.” Tinitigan siya ni Oliver gamit ang malalaki nitong mata—mga matang halos kaparehong-kapareho ng kay Dylan. At doon muling sumikip ang dibdib niya. Masyadong magkahawig ang mag-ama. Paano kung mapansin iyon ni Dylan? Paano kung maalala nito ang lahat? Niyakap niya nang mahigpit ang anak na tila ba kaya nitong protektahan mula sa mundong maaaring gumulo sa buhay nila.Lumalim na ang gabi.Tahimik na ang buong condominium.Katatapos lamang nilang maglinis ng kusina matapos ang magulong paghahanda ng meryenda. Nakahiga na rin si Oliver sa sala matapos mapagod sa kakakulitan at ngayon ay mahimbing nang natutulog sa sofa, yakap ang isang throw pillow na ibinigay ni Dylan.Napangiti si Leila habang marahang kinukumutan ang anak.“Talagang napagod ka,” bulong niya.Paglingon niya ay nadatnan niyang nakatayo si Dylan sa may balcony.Tahimik itong nakatanaw sa ilaw ng lungsod.Hindi tulad kanina na panay ang biro at tawa nito.Ngayon ay tila mabigat ang iniisip.Lumapit siya.“Hindi ka pa ba pagod?”Hindi agad sumagot si Dylan.Nanatili lamang itong nakatanaw sa malayo.Pagkaraan ng ilang segundo ay saka ito nagsalita.“Leila…”Napansin agad niya ang kakaibang tono ng boses nito.Mas mababa.Mas seryoso.Parang may matagal nang gustong ilabas.“Hmm?”“Pwede ba kitang makausap?”Tumango siya.“Siyempre.”Huminga nang malalim si Dylan.“May matagal na akong
Matapos ang masayang tanghalian, nagsimula nang ligpitin ni Leila ang mga pinagkainan.“Ako na rito,” sabi nito habang kinukuha ang mga plato.Ngunit mabilis na tumayo si Dylan.“Hindi puwede.”Napalingon si Leila.“Bakit?”“Ikaw na ang nagluto. Ikaw pa ang magliligpit?”Napangiti ito.“Ayos lang.”“Hindi.”Mahinahon ngunit matigas na sagot ni Dylan.“Ako naman.”Napatawa si Leila.“Sir, kakagaling mo lang sa ospital.”“Hindi naman ako baldado.”“Pero pinapahinga ka.”“Simpleng paghuhugas lang.”Bago pa makapagsalita si Leila ay biglang sumingit si Oliver.“Ako rin!”Napatingin ang dalawa sa bata.“Tutulong din ako.”Napangiti si Dylan.“Sige.”“Ikaw ang assistant chef.”Lalong lumiwanag ang mukha ni Oliver.“Yey!”Tumakbo ito papunta sa kusina na parang nanalo sa isang paligsahan.Napailing na lamang si Leila.“Dalawa na kayo.”⸻Matapos mahugasan ang mga plato ay nagpunas ng kamay si Dylan.Pagkatapos ay humarap kina Leila at Oliver.“May request ako.”“Ano iyon?”Tanong ni Leila.“
Hindi natuloy ang plano ni Dylan na bumalik agad sa opisina.Bagama’t maayos na ang resulta ng mga pagsusuri, mariing pinayuhan siya ng doktor na magpahinga pa nang hindi bababa sa isang linggo.“Nababawasan na ang pananakit ng ulo mo,” paliwanag ng doktor habang binabasa ang kanyang chart. “Pero hindi pa tuluyang nakakabawi ang katawan mo. Mas lalo na ang isip mo. Hindi ka muna puwedeng sumabak sa mahabang oras ng trabaho at stress.”Napabuntong-hininga si Dylan.“Dok, marami na akong naiwang trabaho.”Ngumiti ang doktor.“At hindi matatapos ang kumpanya kapag nagpahinga ka nang ilang araw.”Napailing na lamang si Dylan.Wala siyang nagawa kundi sundin ang payo.⸻Pagdating sa kanyang condominium ay agad niyang naramdaman ang pananahimik ng buong lugar.Ilang araw lamang siyang nawala, ngunit parang buwan na ang lumipas.Tahimik.Malinis.Maayos.Ngunit napakalamig.Ibinaba niya ang maliit na bag na dala at naupo sa sofa.Noon lamang niya napagtantong sanay na pala siyang may kasama.
Kinabukasan ay maagang nagising si Dylan.Mas magaan na ang pakiramdam niya kumpara sa mga nakaraang araw. Ayon sa doktor, kung wala nang magiging problema sa huling obserbasyon, maaari na siyang makalabas ng ospital kinabukasan.Habang nakatanaw siya sa bintana ng silid, napangiti siya.Hindi niya akalaing may mga taong magpapagaan ng loob niya sa panahong ito.Nariyan si Marco na halos araw-araw siyang dinadalaw upang kumustahin at kulitin.At higit sa lahat…Si Leila.Hindi man ito magdamag na nagbabantay ngayon, sinisiguro nitong may pagkain siya, naiinom ang gamot, at hindi nagpapakapagod.Napabuntong-hininga siya.“Mas lalo tuloy kitang nami-miss kapag wala ka rito,” mahina niyang bulong sa sarili.Maya-maya ay bumukas ang pinto.Inaasahan niyang si Leila ang papasok.Ngunit isang maliit na ulo ang unang sumilip.“Sir Dylan!”Napangiti agad si Dylan.“Oliver!”Tuluyang bumukas ang pinto.Masiglang tumakbo papasok ang bata habang may bitbit na maliit na eco bag.Kasunod nito si L
Lumipas ang dalawa pang araw.Mas mabilis na ang paggaling ni Dylan.Ayon sa doktor, maaari na siyang ma-discharge sa loob ng isa o dalawang araw kung mananatiling maayos ang resulta ng mga pagsusuri.Magaan ang pakiramdam niya nang umagang iyon.Hindi na gaanong sumasakit ang kanyang ulo.Bagama’t paminsan-minsan ay may mga pira-pirasong alaalang sumusulpot sa kanyang isip, hindi na iyon kasing tindi ng mga unang araw.Nakaupo siya sa kama habang binabasa ang isang magazine na iniwan ng nurse.Ngunit wala naman talagang pumapasok sa isip niya.Paminsan-minsan ay napapatingin siya sa pinto ng silid.Parang may hinihintay.Ilang sandali pa’y bumukas iyon.Lumabas ang isang pamilyar na mukha.“Good morning, sir.”Napangiti si Dylan.“Akala ko hindi ka na darating.”Napataas ang kilay ni Leila.“May dinaanan lang ako sa cafeteria. Bumili ako ng almusal.”Inilapag nito ang paper bag sa mesa.“Pero bago ka kumain, gamot muna.”Napabuntong-hininga si Dylan.“Akala ko makakalusot na ako.”“H
Namasa ang mga mata ni Leila. Ngunit ngumiti rin ito. Hindi dahil masaya siya sa sinabi ni Dylan. Kundi dahil alam niyang iyon ang tamang gawin. Sa totoo lang, kung puso lamang niya ang masusunod, matagal na sana niyang tinanggap ang damdamin nito. Matagal na sana niyang sinabi na hindi lamang pagkakaibigan ang nararamdaman niya. Matagal na sana niyang inamin na sa bawat araw na magkasama sila, mas lalo rin siyang nahuhulog. Ngunit hindi puwedeng puso lamang ang pairalin. May mga bagay na kailangan munang maunawaan. May mga sugat na kailangan munang gumaling. At may mga tanong na kailangan munang masagot. "Kaya mo ba talagang gawin iyon?" Mahina niyang tanong. Napatingin si Dylan sa kanya. "Ang alin?" "Ang hanapin ang lahat." Napabuntong-hininga ito. "Tatakot ako kung sasabihin kong hindi." Napangiti si Leila. At sa unang pagkakataon ay nakita niya ang bahagyang pagod sa mga mata nito. Hindi lamang pala siya ang nahihirapan. Hindi lamang siya ang natatakot. Si Dy
Maagang dumating si Leila sa opisina kinabukasan.Hindi naman iyon kakaiba para sa kanya. Sanay siyang dumating nang mas maaga kaysa sa karamihan upang maayos ang mga reports at emails bago magsimula ang magulong bahagi ng araw.Ngunit sa pagkakataong iyon, may isa pang dahilan kung bakit tila hind
Kung may isang bagay na namana ni Oliver mula sa kanyang ina, iyon ay ang pagiging determinado.Kapag may pumasok na ideya sa isip niya, mahirap na iyong alisin.At simula nang sabihin niyang dapat magkakilala sina Sir at Mommy, tila naging personal mission na niya iyon.Siyempre, hindi iyon alam n
Mommy!”Hindi pa nga tuluyang nagigising si Leila nang salubungin siya ni Oliver sa kusina, sabik na sabik na parang may malaking announcement.“Ano ba, baby… ang aga-aga pa,” she said habang inaayos ang buhok niya.Pero hindi na siya pinatapos.“Si Sir!”Napahinto siya, hawak pa yung mug ng kape.
Pagod ngunit masaya ang tatlo habang naglalakad palabas ng amusement park.Nagsisimula nang lumamlam ang liwanag ng hapon. Ang dating maingay na paligid ay unti-unti nang humuhupa habang isa-isang umuuwi ang mga pamilya.Sa gitna nila, masayang-masaya si Oliver.Hawak nito ang kamay ni Leila sa isa







