Share

Chapter 4

Author: Olivia Thrive
last update Petsa ng paglalathala: 2026-05-24 16:35:45

Kinabukasan, nakatayo si Leila sa gilid ng kama habang pinagmamasdan ang mahimbing na tulog ng anak. Bahagyang nakaawang ang maliit nitong labi habang yakap ang paborito nitong maliit na unan.

At gaya ng dati… hindi niya maiwasang mapatitig.

“Hay naku…” mahina niyang bulong habang nakapamewang. “Parang photocopy talaga.”

Mula sa bilugang mata nito na kahit nakapikit ay halatang expressive, hanggang sa matangos na ilong at mamula-mulang labi—sobrang hawig ng bata ang ama nito.

Nakakainis na nakakakaba.

Napailing siya agad, mabilis na iwinaksi ang iniisip.

“No. Stop it, Leila,” kausap niya sa sarili habang naglalakad papunta sa cabinet. “Hindi pwedeng araw-araw ka na lang ganyan.”

Pero kahit anong pilit niyang iwas, bumabalik pa rin sa isip niya ang nangyari kahapon.

Ang mga tingin ni Dylan.

Ang paraan ng pagtatanong nito.

At higit sa lahat…

Yung pagkawala ng alaala nito tungkol sa kanya.

Hanggang ngayon, hindi pa rin niya ma-gets.

Paano mangyayaring may mga bagay itong naaalala pero siya… hindi?

Selective amnesia ba ‘yon? May nangyari ba talaga noon? O baka—

“Anak.”

Naputol ang iniisip niya nang sumilip ang nanay niya sa pinto.

“Nakatulala ka na naman diyan.”

Napabuntong-hininga si Leila saka ngumiti nang pilit.

“Ma, pwede po bang kayo muna bahala kay Oliver today?”

Lumapit ang mama niya at agad binuhat ang apo.

“Aba, syempre. Bakit parang aattend ka ng gyera?”

“Mas nakakatakot pa nga yata,” sagot niya habang kumukuha ng blouse.

Napatawa tuloy ang mama niya.

“Si boss mo ba ulit iniisip mo?”

Hindi agad sumagot si Leila.

At doon na mas lalong napangiti ang mama niya.

“Ay naku. Mukhang delikado na ‘yan.”

“Ma naman!” reklamo niya agad. “Work lang ‘to.”

“Work pero namumutla ka?”

“Kinakabahan lang ako.”

“Totoo?”

“…Medyo.”

Actually, sobra.

Kasi simula ngayon, araw-araw na niyang makakasama si Dylan.

At iyon ang parte na gusto niyang takbuhan.

Pagdating niya sa kumpanya, halos gusto na niyang umatras.

Huminga siya nang malalim habang nakatitig sa napakalaking building sa harap niya.

“Okay,” bulong niya sa sarili. “Kaya mo ‘to. Trabaho lang.”

Pero hindi convincing.

Pagkapasok pa lang niya sa lobby, agad siyang sinalubong ni Shiela na parang nanalo sa lotto.

“LEILA!”

Halos mapaigtad siya.

“Girl!” excited na excited na sabi ni Shiela habang hawak ang dalawang kape. “Confirmed na! Ikaw talaga ang napili as executive secretary!”

Napakurap si Leila.

“Huh?”

“Ano huh?!” Tinapik siya nito sa braso. “Deserve mo ‘yan no! Top of the class ka kaya noon tapos cum laude pa! ”

Napatawa siya nang mahina.

“ Do you think I deserve the position?”

“Yes! Ikaw yung mukhang mabait pero kayang mang-correct ng grammar habang umiiyak ka.”

“Grabe ka.”

“Totoo naman!”

Napailing na lang si Leila habang tinanggap ang kape.

Pero kahit pilit siyang dinidistract ni Shiela, hindi mawala-wala yung kaba sa dibdib niya.

Executive secretary.

Meaning…

Mas malapit kay Dylan.

Mas madalas niya itong makakasama.

Mas malaking posibilidad na mabuking siya.

“Oy.” Sumingkit ang mata ni Shiela. “Ba’t parang hindi ka masaya?”

“H-ha? Masaya ah.”

“Talaga? Mukha kang pupunta sa hearing.”

Kung alam mo lang.

Biglang tumunog ang elevator.

At parang automatic, sabay napalingon ang lahat.

Lumabas si Dylan.

Naka-gray suit ito, seryoso ang mukha habang may kausap sa phone. Typical Dylan.

Kalmado.

Malamig.

At gwapo pa rin. Nakakainis.

“Good morning, sir,” bati ng mga empleyado.

Tumango lang ito bago tuluyang mapatingin sa direksyon nila.

At eksaktong nagtagpo ang mga mata nila ni Leila.

Pakiramdam niya, biglang bumagal ang paligid.

“Good morning,” sabi ni Dylan habang nakatitig sa kanya.

“G-good morning po,” sagot niya agad, halos mabulol.

Tahimik lang itong tumingin sa kanya nang ilang segundo bago nagsalita.

“You’re the new executive secretary?”

Tumango siya.

“Yes po.”

Biglang natahimik si Dylan na parang may iniisip.

Tapos—

“Have we met before?”

Muntik nang mabilaukan si Leila sa sariling laway.

“HA?”

Napalingon si Shiela.

Napakunot-noo si Dylan. “I mean… you look familiar.”

Hindi agad nakasagot si Leila.

Sa sobrang kaba niya, mali pa yata ang nalunok niya.

“Tubig.” Inabot agad ni Shiela ang kape. “Ay—maling liquid.”

“Helpful ka talaga,” bulong ni Leila.

“Trying my best.”

Napabuntong-hininga si Dylan saka bahagyang ngumiti.

At doon lalong nagulo si Leila.

Kasi first time niyang makitang ngumiti ulit ito nang ganoon.

“Relax,” sabi ni Dylan. “Hindi naman ako nangangain ng empleyado.”

Muntik nang masamid ulit si Leila.

Kung alam mo lang dati.

“Sir,” singit ni Shiela habang nakangiti. “Baka kinakabahan lang po si Leila kasi first day niya.”

Tumango si Dylan.

“That’s normal.”

Tapos muli itong tumingin kay Leila.

“But seriously… parang kilala na talaga kita.”

Pakiramdam ni Leila, gusto na niyang mag-teleport palabas ng building.

Nag-iinit ang tenga niya habang pilit ngumingiti.

“Baka po may kamukha lang ako.”

“Maybe.”

Pero hindi pa rin inaalis ni Dylan ang tingin nito sa kanya.

Parang may pilit itong inaalala.

At iyon ang mas lalong nagpapakaba kay Leila.

“Anyway,” sabi ni Dylan matapos ang ilang segundo. “Come with me. We have a lot to discuss.”

Tumango siya agad.

Habang naglalakad sila papunta sa elevator, palihim siyang napabuga ng hangin.

This was bad.

Very bad.

Dahil pakiramdam niya…

Konti na lang, may maaamoy nang sikreto si Dylan.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • The Ex I Could Never Forget   Chapter 82

    Matapos ang masayang tanghalian, nagsimula nang ligpitin ni Leila ang mga pinagkainan.“Ako na rito,” sabi nito habang kinukuha ang mga plato.Ngunit mabilis na tumayo si Dylan.“Hindi puwede.”Napalingon si Leila.“Bakit?”“Ikaw na ang nagluto. Ikaw pa ang magliligpit?”Napangiti ito.“Ayos lang.”“Hindi.”Mahinahon ngunit matigas na sagot ni Dylan.“Ako naman.”Napatawa si Leila.“Sir, kakagaling mo lang sa ospital.”“Hindi naman ako baldado.”“Pero pinapahinga ka.”“Simpleng paghuhugas lang.”Bago pa makapagsalita si Leila ay biglang sumingit si Oliver.“Ako rin!”Napatingin ang dalawa sa bata.“Tutulong din ako.”Napangiti si Dylan.“Sige.”“Ikaw ang assistant chef.”Lalong lumiwanag ang mukha ni Oliver.“Yey!”Tumakbo ito papunta sa kusina na parang nanalo sa isang paligsahan.Napailing na lamang si Leila.“Dalawa na kayo.”⸻Matapos mahugasan ang mga plato ay nagpunas ng kamay si Dylan.Pagkatapos ay humarap kina Leila at Oliver.“May request ako.”“Ano iyon?”Tanong ni Leila.“

  • The Ex I Could Never Forget   Chapter 81

    Hindi natuloy ang plano ni Dylan na bumalik agad sa opisina.Bagama’t maayos na ang resulta ng mga pagsusuri, mariing pinayuhan siya ng doktor na magpahinga pa nang hindi bababa sa isang linggo.“Nababawasan na ang pananakit ng ulo mo,” paliwanag ng doktor habang binabasa ang kanyang chart. “Pero hindi pa tuluyang nakakabawi ang katawan mo. Mas lalo na ang isip mo. Hindi ka muna puwedeng sumabak sa mahabang oras ng trabaho at stress.”Napabuntong-hininga si Dylan.“Dok, marami na akong naiwang trabaho.”Ngumiti ang doktor.“At hindi matatapos ang kumpanya kapag nagpahinga ka nang ilang araw.”Napailing na lamang si Dylan.Wala siyang nagawa kundi sundin ang payo.⸻Pagdating sa kanyang condominium ay agad niyang naramdaman ang pananahimik ng buong lugar.Ilang araw lamang siyang nawala, ngunit parang buwan na ang lumipas.Tahimik.Malinis.Maayos.Ngunit napakalamig.Ibinaba niya ang maliit na bag na dala at naupo sa sofa.Noon lamang niya napagtantong sanay na pala siyang may kasama.

  • The Ex I Could Never Forget   Chapter 80

    Kinabukasan ay maagang nagising si Dylan.Mas magaan na ang pakiramdam niya kumpara sa mga nakaraang araw. Ayon sa doktor, kung wala nang magiging problema sa huling obserbasyon, maaari na siyang makalabas ng ospital kinabukasan.Habang nakatanaw siya sa bintana ng silid, napangiti siya.Hindi niya akalaing may mga taong magpapagaan ng loob niya sa panahong ito.Nariyan si Marco na halos araw-araw siyang dinadalaw upang kumustahin at kulitin.At higit sa lahat…Si Leila.Hindi man ito magdamag na nagbabantay ngayon, sinisiguro nitong may pagkain siya, naiinom ang gamot, at hindi nagpapakapagod.Napabuntong-hininga siya.“Mas lalo tuloy kitang nami-miss kapag wala ka rito,” mahina niyang bulong sa sarili.Maya-maya ay bumukas ang pinto.Inaasahan niyang si Leila ang papasok.Ngunit isang maliit na ulo ang unang sumilip.“Sir Dylan!”Napangiti agad si Dylan.“Oliver!”Tuluyang bumukas ang pinto.Masiglang tumakbo papasok ang bata habang may bitbit na maliit na eco bag.Kasunod nito si L

  • The Ex I Could Never Forget   Chapter 79

    Lumipas ang dalawa pang araw.Mas mabilis na ang paggaling ni Dylan.Ayon sa doktor, maaari na siyang ma-discharge sa loob ng isa o dalawang araw kung mananatiling maayos ang resulta ng mga pagsusuri.Magaan ang pakiramdam niya nang umagang iyon.Hindi na gaanong sumasakit ang kanyang ulo.Bagama’t paminsan-minsan ay may mga pira-pirasong alaalang sumusulpot sa kanyang isip, hindi na iyon kasing tindi ng mga unang araw.Nakaupo siya sa kama habang binabasa ang isang magazine na iniwan ng nurse.Ngunit wala naman talagang pumapasok sa isip niya.Paminsan-minsan ay napapatingin siya sa pinto ng silid.Parang may hinihintay.Ilang sandali pa’y bumukas iyon.Lumabas ang isang pamilyar na mukha.“Good morning, sir.”Napangiti si Dylan.“Akala ko hindi ka na darating.”Napataas ang kilay ni Leila.“May dinaanan lang ako sa cafeteria. Bumili ako ng almusal.”Inilapag nito ang paper bag sa mesa.“Pero bago ka kumain, gamot muna.”Napabuntong-hininga si Dylan.“Akala ko makakalusot na ako.”“H

  • The Ex I Could Never Forget   Chapter 78

    Namasa ang mga mata ni Leila. Ngunit ngumiti rin ito. Hindi dahil masaya siya sa sinabi ni Dylan. Kundi dahil alam niyang iyon ang tamang gawin. Sa totoo lang, kung puso lamang niya ang masusunod, matagal na sana niyang tinanggap ang damdamin nito. Matagal na sana niyang sinabi na hindi lamang pagkakaibigan ang nararamdaman niya. Matagal na sana niyang inamin na sa bawat araw na magkasama sila, mas lalo rin siyang nahuhulog. Ngunit hindi puwedeng puso lamang ang pairalin. May mga bagay na kailangan munang maunawaan. May mga sugat na kailangan munang gumaling. At may mga tanong na kailangan munang masagot. "Kaya mo ba talagang gawin iyon?" Mahina niyang tanong. Napatingin si Dylan sa kanya. "Ang alin?" "Ang hanapin ang lahat." Napabuntong-hininga ito. "Tatakot ako kung sasabihin kong hindi." Napangiti si Leila. At sa unang pagkakataon ay nakita niya ang bahagyang pagod sa mga mata nito. Hindi lamang pala siya ang nahihirapan. Hindi lamang siya ang natatakot. Si Dy

  • The Ex I Could Never Forget   Chapter 77

    Nagising si Leila nang marinig ang mahinang paggalaw mula sa kama.Kanina pa siya nakaupo sa tabi ni Dylan.Hindi niya namalayang nakatulog na rin pala siya habang nakasandal sa upuan.Mabilis siyang napamulat.At agad na bumaling ang tingin sa pasyente.“Sir!”Mabilis siyang tumayo.Agad namang napangiti si Dylan kahit halatang pagod pa rin.“Good morning.”Napasinghap si Leila.Para bang ngayon lamang siya nakahinga nang maayos.Hindi niya namalayang buong magdamag pala siyang kinakabahan.“Alam mo bang pinag-alala mo kami?”Napakamot si Dylan sa batok.“Sorry.”“Sorry lang?”Napataas ang kilay ni Leila.“Tatlong beses kang sinuri ng doktor kagabi.”Napatawa si Dylan.“Parang galit ka.”“Galit ako.”Agad niyang sagot.Ngunit kahit anong pilit niya, hindi niya maitago ang ginhawang nararamdaman.Mabuti na lamang at gising na ito.Mabuti na lamang at mukhang maayos na ang lagay nito.Napailing si Dylan.At sa sandaling iyon ay hindi niya maiwasang pagmasdan si Leila.Mukhang hindi ito

  • The Ex I Could Never Forget   Chapter 37

    Bandang alas-singko pa lamang ng hapon ay gusto nang umuwi ng katawang lupa ni Leila.Hindi niya alam kung gaano kalaki ang naitulong ng gamot at lugaw na misteryosong lumitaw sa mesa niya, pero kahit paano ay nabawasan ang sakit ng ulo niya.Hindi nga lang tuluyang nawala.At ngayong patapos na an

  • The Ex I Could Never Forget   Chapter 36

    Matigas nga ang ulo ni Leila. Iyon ang paulit-ulit na sinasabi ng ina niya habang naghahanda siya para pumasok. At sa pagkakataong iyon, wala siyang maipagtatanggol sa sarili. Dahil totoo naman. Kahit mabigat ang katawan niya. Kahit makirot ang ulo niya. Kahit pakiramdam niya ay kaya ni

  • The Ex I Could Never Forget   Chapter 35

    Hindi pa man tuluyang natatapos ang araw sa opisina, alam na ni Leila na may mali.Hindi niya lang alam kung ano.Hanggang sa tumunog ang cellphone niya.“Mama”Sandali siyang natigilan bago sinagot ang tawag.“Ma?”Sa kabilang linya, may katahimikan muna.Yung klase ng katahimikan na hindi komport

  • The Ex I Could Never Forget   Chapter 34

    Katatapos lamang ng conference meeting nang isa-isang magsitayuan ang mga tao sa loob ng silid.May mga abalang nag-uusap pa tungkol sa mga napagkasunduan.May mga nagmamadaling bumalik sa kani-kanilang departamento.At mayroon ding mga tulad ni Leila na gusto na lamang makabalik sa mesa at magkunw

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status