Share

Chapter 5

Author: Olivia Thrive
last update publish date: 2026-05-25 15:10:54

Kinagabihan, hindi sinasadyang ikwento ni Dylan si Leila.

Nasa isang bar siya kasama si Marco, kaibigan niyang sanay nang makinig sa mga random biglang iniisip ni Dylan na biglang nagiging interesting.

“May bago na naman ba tayong i-ooverthink ngayon?” agad na bungad ni Marco habang umiinom.

Hindi sumagot si Dylan agad. Pinapaikot niya lang yung baso sa mesa.

“Tingnan mo ‘to,” sabi niya sa wakas. “The new executive assistant."

“Okay…”

“Binasa ko file niya.”

Napangisi si Marco. “Wow. Progress. Hindi ka lang pala boss, stalker ka na rin sa papel.”

“That's not the point,” sabay tawa nang mahina ni Dylan, pero halatang hindi niya totally tinatanggihan.

“Then?”

“Wala naman dapat weird,” sabi niya. “Normal profile. Clean. Single.”

Doon siya natigil ulit.

Parang may sariling pause button yung utak niya tuwing naririnig niya yung salita na iyon.

Single.

“Single,” ulit ni Marco, tinatantya siya.

“Hindi ko alam bakit ako… na-relieve,” deretsong sabi ni Dylan bago pa niya mapigilan.

At doon na talaga nagsimulang ngumisi si Marco na parang nanalo sa pustahan.

“Ah.”

“Ah ano?” depensa agad ni Dylan.

“Wala,” sabay taas ng kamay ni Marco. “Pero sir… hindi ka na natuto magsinungaling sa akin.”

“Hindi ako nagsisinungaling.”

“Hindi mo lang inaamin.”

Napahilot si Dylan sa sentido niya. “Hindi ito ganun.”

“Eh ano?”

Hindi siya agad nakasagot.

Kasi kahit siya, hindi niya alam ang sagot.

Hanggang sa maisip niya ang mukha ni Leila.

Hindi yung glamorous na tipo.

Hindi rin yung sobrang attention-grabbing.

Pero yung klase ng mukha na kapag nakita mo nang isang beses, hindi mo na maaalala kung kailan mo huling tiningnan ang oras.

May simpleng ganda—yung hindi sinasadya. Parang walang effort pero hindi rin basta mawawala sa isip mo.

At yung mata nito…

Parang laging may iniintindi.

Parang laging kalahati lang ng kwento ang sinasabi.

“Sir,” sabi ni Marco, pinutol ang katahimikan, “kilala kita. Hindi ka ganyan mag-react sa employee file.”

“Hindi ko siya iniisip,” mabilis na sagot ni Dylan.

“Pero nandito ka, iniisip mo siya habang kausap mo ako.”

Doon siya natigilan.

At doon niya narealize—oo nga.

Nasa bar siya. Kasama si Marco. Pero yung isip niya, nasa opisina pa rin.

Sa isang simpleng folder.

Sa isang simpleng pangalan.

Leila.

Umiling siya, parang sinusubukang alisin iyon.

Pero imbis na mawala, lalo lang lumalim.

“Siguro…” sabi ni Dylan sa wakas, mababa ang boses, “curiosity lang.”

Tumawa si Marco. “Oo, curiosity.”

“Anong problema doon?”

“Wala,” sagot nito agad. “Pero alam mo ba kung saan nagsisimula ang gulo?”

Hindi sumagot si Dylan.

“Sa mga bagay na ‘curiosity lang’ sa simula.”

Napatahimik si Dylan.

At sa unang pagkakataon, hindi niya tinutulan si Marco.

Kasi kahit ayaw niyang aminin, may parte sa kanya na gustong malaman pa.

Hindi dahil sa trabaho.

Kundi dahil sa isang simpleng detalye na hindi dapat ganoon kalakas ang epekto:

Single.

At sa kung anong dahilan, parang doon nagsisimula ang lahat ng tanong na hindi pa niya handang sagutin.

Madaling-araw nang tuluyang makatulog si Dylan, pero kahit pagod ang katawan niya, parang ayaw pa ring tumigil ng isip niya.

Leila.

Buong araw na niyang pilit inaalis sa sistema ang pangalan nito pero lalong bumabalik.

Yung tahimik nitong aura.

Yung mukha nitong hindi naman sobrang seductive o attention-seeker, pero may kung anong humihila sa tingin niya pabalik.

At higit sa lahat… yung kakaibang pakiramdam na parang may naaalala siya kapag nakikita niya ito.

Hindi niya maintindihan.

Kaya nang tuluyan siyang lamunin ng antok, saka nagsimula ang panaginip.

Mahina ang ulan sa labas.

Naririnig niya ang patak nito sa bintana habang unti-unti siyang namulat sa isang kwartong hindi naman pamilyar… pero pakiramdam niya, matagal na niyang tahanan.

Warm ang ilaw.

May amoy ng bagong lutong pagkain sa hangin.

Tahimik.

Payapa.

At sa sofa, may babaeng nakaupo habang nakabalot sa oversized sweater.

Nakangiti ito habang may hawak na mug ng kape.

Leila.

Hindi blurred.

Hindi malabo.

Siya mismo.

Humigpit agad ang dibdib ni Dylan sa hindi maipaliwanag na emosyon.

Hindi gulat.

Hindi curiosity.

Kundi pananabik.

Yung klase ng pananabik na parang matagal niyang na-miss ang babaeng nasa harapan niya.

“Bakit ganyan ka makatingin?” natatawang tanong ni Leila.

Ang lambing ng boses nito.

Parang matagal na niyang naririnig iyon.

At doon niya napansin—

sa panaginip, hindi niya iniisip kung sino si Leila.

Hindi siya confused.

Parang normal na normal na bahagi ito ng buhay niya.

Parang… mahal niya ito.

Automatic siyang lumapit.

Walang pag-aalinlangan.

Paglapit niya, agad siyang hinawakan ni Leila sa kamay bago ito bahagyang sumandal sa kanya na parang nakasanayan na nito.

At doon tuluyang nagulo si Dylan.

Kasi sobrang natural ng lahat.

Parang hindi panaginip.

Parang memorya.

Marahan niyang hinaplos ang buhok ni Leila habang nakatingin dito.

God.

Sobrang pamilyar ng pakiramdam.

Yung tipong alam ng katawan mo kung paano yakapin ang isang tao kahit hindi mo maalala kung bakit.

“Miss mo ko?” nakangiting tanong ni Leila.

Napangiti rin siya nang hindi niya namamalayan.

“Always.”

Pagkasabi niya noon, siya mismo ang natigilan.

Pero sa panaginip, parang walang mali.

Parang matagal na niyang sinasabi iyon dito.

Lumapit pa si Leila hanggang halos magkadikit na sila.

At walang kahit anong alinlangan, hinila niya ito paupo sa kandungan niya.

Napatawa si Leila habang nakayakap sa leeg niya.

Yung tawang mahina.

Malambing.

Punong-puno ng comfort.

Parang bahay.

Napapikit si Dylan habang mas hinihigpitan ang yakap dito.

At doon niya naramdaman yung kakaibang sakit sa dibdib.

Kasi sa panaginip na iyon… ramdam na ramdam niyang mahal na mahal niya ang babaeng ito.

Hindi simpleng attraction.

Hindi infatuation.

Kundi yung klase ng pagmamahal na dumaan na sa panahon.

Yung may history.

Yung may lalim.

Marahang umangat ang tingin ni Leila sa kanya.

Their faces inches apart.

At walang sabi-sabi, hinawakan niya ang pisngi nito bago siya yumuko para halikan ito.

Mabagal.

Masuyo.

Parang matagal na niyang gustong gawin ulit.

Parang ilang beses na nila itong nagawa noon.

Humigpit ang hawak ni Leila sa polo niya habang gumanti ito ng halik.

Mabilis na napabangon si Dylan mula sa kama.

Mabigat ang paghinga niya habang nakatitig sa madilim na kisame ng kwarto.

Pakiramdam niya, may kulang.

Parang may nawala sa kanya pagkagising.

Napahawak siya sa dibdib niya habang pilit kinakalmante ang sarili.

Bakit sobrang totoo ng panaginip?

Bakit parang hindi lang imagination?

At bakit sa lahat ng taong puwedeng mapanaginipan…

si Leila?

Napahawak siya sa buhok niya saka napatawa nang bahagya sa sarili.

Pero halatang disturbed siya.

“That’s an odd dream,” bulong niya habang nakatitig sa kawalan.

“I kept thinking of that Leila…”

Napailing siya nang mabagal.

“What’s wrong with me?”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Ex I Could Never Forget   Chapter 83

    Lumalim na ang gabi.Tahimik na ang buong condominium.Katatapos lamang nilang maglinis ng kusina matapos ang magulong paghahanda ng meryenda. Nakahiga na rin si Oliver sa sala matapos mapagod sa kakakulitan at ngayon ay mahimbing nang natutulog sa sofa, yakap ang isang throw pillow na ibinigay ni Dylan.Napangiti si Leila habang marahang kinukumutan ang anak.“Talagang napagod ka,” bulong niya.Paglingon niya ay nadatnan niyang nakatayo si Dylan sa may balcony.Tahimik itong nakatanaw sa ilaw ng lungsod.Hindi tulad kanina na panay ang biro at tawa nito.Ngayon ay tila mabigat ang iniisip.Lumapit siya.“Hindi ka pa ba pagod?”Hindi agad sumagot si Dylan.Nanatili lamang itong nakatanaw sa malayo.Pagkaraan ng ilang segundo ay saka ito nagsalita.“Leila…”Napansin agad niya ang kakaibang tono ng boses nito.Mas mababa.Mas seryoso.Parang may matagal nang gustong ilabas.“Hmm?”“Pwede ba kitang makausap?”Tumango siya.“Siyempre.”Huminga nang malalim si Dylan.“May matagal na akong

  • The Ex I Could Never Forget   Chapter 82

    Matapos ang masayang tanghalian, nagsimula nang ligpitin ni Leila ang mga pinagkainan.“Ako na rito,” sabi nito habang kinukuha ang mga plato.Ngunit mabilis na tumayo si Dylan.“Hindi puwede.”Napalingon si Leila.“Bakit?”“Ikaw na ang nagluto. Ikaw pa ang magliligpit?”Napangiti ito.“Ayos lang.”“Hindi.”Mahinahon ngunit matigas na sagot ni Dylan.“Ako naman.”Napatawa si Leila.“Sir, kakagaling mo lang sa ospital.”“Hindi naman ako baldado.”“Pero pinapahinga ka.”“Simpleng paghuhugas lang.”Bago pa makapagsalita si Leila ay biglang sumingit si Oliver.“Ako rin!”Napatingin ang dalawa sa bata.“Tutulong din ako.”Napangiti si Dylan.“Sige.”“Ikaw ang assistant chef.”Lalong lumiwanag ang mukha ni Oliver.“Yey!”Tumakbo ito papunta sa kusina na parang nanalo sa isang paligsahan.Napailing na lamang si Leila.“Dalawa na kayo.”⸻Matapos mahugasan ang mga plato ay nagpunas ng kamay si Dylan.Pagkatapos ay humarap kina Leila at Oliver.“May request ako.”“Ano iyon?”Tanong ni Leila.“

  • The Ex I Could Never Forget   Chapter 81

    Hindi natuloy ang plano ni Dylan na bumalik agad sa opisina.Bagama’t maayos na ang resulta ng mga pagsusuri, mariing pinayuhan siya ng doktor na magpahinga pa nang hindi bababa sa isang linggo.“Nababawasan na ang pananakit ng ulo mo,” paliwanag ng doktor habang binabasa ang kanyang chart. “Pero hindi pa tuluyang nakakabawi ang katawan mo. Mas lalo na ang isip mo. Hindi ka muna puwedeng sumabak sa mahabang oras ng trabaho at stress.”Napabuntong-hininga si Dylan.“Dok, marami na akong naiwang trabaho.”Ngumiti ang doktor.“At hindi matatapos ang kumpanya kapag nagpahinga ka nang ilang araw.”Napailing na lamang si Dylan.Wala siyang nagawa kundi sundin ang payo.⸻Pagdating sa kanyang condominium ay agad niyang naramdaman ang pananahimik ng buong lugar.Ilang araw lamang siyang nawala, ngunit parang buwan na ang lumipas.Tahimik.Malinis.Maayos.Ngunit napakalamig.Ibinaba niya ang maliit na bag na dala at naupo sa sofa.Noon lamang niya napagtantong sanay na pala siyang may kasama.

  • The Ex I Could Never Forget   Chapter 80

    Kinabukasan ay maagang nagising si Dylan.Mas magaan na ang pakiramdam niya kumpara sa mga nakaraang araw. Ayon sa doktor, kung wala nang magiging problema sa huling obserbasyon, maaari na siyang makalabas ng ospital kinabukasan.Habang nakatanaw siya sa bintana ng silid, napangiti siya.Hindi niya akalaing may mga taong magpapagaan ng loob niya sa panahong ito.Nariyan si Marco na halos araw-araw siyang dinadalaw upang kumustahin at kulitin.At higit sa lahat…Si Leila.Hindi man ito magdamag na nagbabantay ngayon, sinisiguro nitong may pagkain siya, naiinom ang gamot, at hindi nagpapakapagod.Napabuntong-hininga siya.“Mas lalo tuloy kitang nami-miss kapag wala ka rito,” mahina niyang bulong sa sarili.Maya-maya ay bumukas ang pinto.Inaasahan niyang si Leila ang papasok.Ngunit isang maliit na ulo ang unang sumilip.“Sir Dylan!”Napangiti agad si Dylan.“Oliver!”Tuluyang bumukas ang pinto.Masiglang tumakbo papasok ang bata habang may bitbit na maliit na eco bag.Kasunod nito si L

  • The Ex I Could Never Forget   Chapter 79

    Lumipas ang dalawa pang araw.Mas mabilis na ang paggaling ni Dylan.Ayon sa doktor, maaari na siyang ma-discharge sa loob ng isa o dalawang araw kung mananatiling maayos ang resulta ng mga pagsusuri.Magaan ang pakiramdam niya nang umagang iyon.Hindi na gaanong sumasakit ang kanyang ulo.Bagama’t paminsan-minsan ay may mga pira-pirasong alaalang sumusulpot sa kanyang isip, hindi na iyon kasing tindi ng mga unang araw.Nakaupo siya sa kama habang binabasa ang isang magazine na iniwan ng nurse.Ngunit wala naman talagang pumapasok sa isip niya.Paminsan-minsan ay napapatingin siya sa pinto ng silid.Parang may hinihintay.Ilang sandali pa’y bumukas iyon.Lumabas ang isang pamilyar na mukha.“Good morning, sir.”Napangiti si Dylan.“Akala ko hindi ka na darating.”Napataas ang kilay ni Leila.“May dinaanan lang ako sa cafeteria. Bumili ako ng almusal.”Inilapag nito ang paper bag sa mesa.“Pero bago ka kumain, gamot muna.”Napabuntong-hininga si Dylan.“Akala ko makakalusot na ako.”“H

  • The Ex I Could Never Forget   Chapter 78

    Namasa ang mga mata ni Leila. Ngunit ngumiti rin ito. Hindi dahil masaya siya sa sinabi ni Dylan. Kundi dahil alam niyang iyon ang tamang gawin. Sa totoo lang, kung puso lamang niya ang masusunod, matagal na sana niyang tinanggap ang damdamin nito. Matagal na sana niyang sinabi na hindi lamang pagkakaibigan ang nararamdaman niya. Matagal na sana niyang inamin na sa bawat araw na magkasama sila, mas lalo rin siyang nahuhulog. Ngunit hindi puwedeng puso lamang ang pairalin. May mga bagay na kailangan munang maunawaan. May mga sugat na kailangan munang gumaling. At may mga tanong na kailangan munang masagot. "Kaya mo ba talagang gawin iyon?" Mahina niyang tanong. Napatingin si Dylan sa kanya. "Ang alin?" "Ang hanapin ang lahat." Napabuntong-hininga ito. "Tatakot ako kung sasabihin kong hindi." Napangiti si Leila. At sa unang pagkakataon ay nakita niya ang bahagyang pagod sa mga mata nito. Hindi lamang pala siya ang nahihirapan. Hindi lamang siya ang natatakot. Si Dy

  • The Ex I Could Never Forget   Chapter 4

    Kinabukasan, nakatayo si Leila sa gilid ng kama habang pinagmamasdan ang mahimbing na tulog ng anak. Bahagyang nakaawang ang maliit nitong labi habang yakap ang paborito nitong maliit na unan. At gaya ng dati… hindi niya maiwasang mapatitig. “Hay naku…” mahina niyang bulong habang nakapamewang. “

  • The Ex I Could Never Forget   Chapter 3

    Nanatiling nakahawak si Dylan sa sentido habang pilit inaayos ang mabigat na pakiramdam sa ulo niya.Isang babae.Mainit na yakap.Masayang tawa.At isang pakiramdam na tila matagal na niyang hinahanap.Mariin siyang napapikit.What the hell was that?Dahan-dahan niyang ibinaba ang kamay habang pil

  • The Ex I Could Never Forget   Chapter 2

    Fine,” bulong niya sa sarili habang pilit pinipigilan ang sakit sa dibdib. “If that’s how you want to play it…” Tahimik na nagsara ang pinto ng opisina sa likod niya. Ngunit pagkalabas na pagkalabas ni Leila sa executive floor, saka niya lang tuluyang nailabas ang mabigat na hininga na kanina pa

  • The Ex I Could Never Forget   Chapter 1

    Leila! Leila! Sumagot ka na!”Halos mabitawan ni Leila ang cellphone nang biglang sunod-sunod ang tawag ni Sheila sa kanya. Nagmamadali niyang sinagot iyon habang nakasandal sa maliit na kitchen counter ng apartment nila.“Ano ba? Ang aga-aga—”“PASOK TAYO!”Napakurap siya. “Ha?”Napatalon si Sheil

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status