Share

The Ex I Could Never Forget
The Ex I Could Never Forget
Author: Olivia Thrive

Chapter 1

Author: Olivia Thrive
last update publish date: 2026-05-23 19:57:22

Leila! Leila! Sumagot ka na!”

Halos mabitawan ni Leila ang cellphone nang biglang sunod-sunod ang tawag ni Sheila sa kanya. Nagmamadali niyang sinagot iyon habang nakasandal sa maliit na kitchen counter ng apartment nila.

“Ano ba? Ang aga-aga—”

“PASOK TAYO!”

Napakurap siya. “Ha?”

Napatalon si Sheila sa kabilang linya.

“Natanggap tayo sa Villareal Holdings bilang interns!”

Nanlaki ang mata ni Leila.

“Wait… seryoso?!”

“Yes! Kakareceive ko lang ng email! Tingnan mo phone mo!”

Mabilis niyang binuksan ang inbox niya gamit ang nanginginig na kamay. Ilang segundo lang at bumungad agad ang subject na dahilan ng malakas na pagtibok ng puso niya.

APPLICATION STATUS — ACCEPTED

Parang natigil ang mundo niya.

Natanggap siya.

“Leila? Buhay ka pa ba?” natatawang tanong ni Sheila.

Hindi agad nakasagot si Leila. Unti-unting namuo ang luha sa gilid ng mata niya habang nakatitig sa screen.

Sa wakas.

May maayos na trabaho na siyang mahahawakan.

May pag-asa na silang makaahon.

Napalingon siya sa maliit na sala kung saan masayang naglalaro ang tatlong taong gulang niyang anak na si Oliver gamit ang luma nitong toy blocks.

“Mommy look!” masayang sigaw nito habang ipinapakita ang tabinging tower na ginawa.

Agad lumambot ang puso ni Leila.

Lahat ng pagod niya… sulit.

“Natanggap tayo,” bulong niya na tila hindi pa rin makapaniwala.

“Ano ka ba, malamang! Sabi ko naman sa’yo magaling ka!” excited na sagot ni Sheila. “Hoy, malaking company ‘yon! Villareal Holdings! Baka makahanap na rin tayo ng poging executive doon.”

Napatawa si Leila kahit bahagya.

“Ikaw lang naghahanap ng jowa.”

“Eh ikaw? Hanggang kailan ka magiging single?”

Bahagyang natigilan si Leila.

Single.

Tatlong taon na rin mula nang tuluyang mawala sa buhay niya si Dylan.

Tatlong taon na rin niyang bitbit mag-isa ang sakit ng pagkawala nito.

Hanggang ngayon, hindi niya pa rin maintindihan kung bakit bigla na lang itong nawala noon. Isang araw, okay sila. Kinabukasan… parang bula itong naglaho.

Walang tawag.

Walang paliwanag.

At hindi nito nalaman na buntis siya.

Hindi na rin niya sinubukang hanapin pa ito matapos ang ilang buwang paghihintay. Dahil habang tumatagal, mas malinaw niyang naiintindihan ang katotohanan—

Iniwan siya.

“Hoy, buhay ka pa?” putol ni Sheila sa pag-iisip niya.

Napabuntong-hininga si Leila bago pinilit ngumiti.

“Busy ako kay Oliver. Wala akong time sa boyfriend.”

“Ay wow, defensive.”

Napailing siya habang natatawa.

Pagkababa ng tawag, marahan siyang lumapit kay Oliver at niyakap ito mula sa likod.

“Baby…” mahina niyang tawag.

Lumingon agad ang bata at ngumiti.

“Happy si Mommy?”

Napangiti siya kahit namumuo ang emosyon sa dibdib niya.

“Yes. Happy si Mommy.”

Dahil sa wakas, may chance na siyang mabigyan ng magandang buhay ang anak niya.

Makalipas ang ilang araw, dumating ang first day nila sa Villareal Holdings.

Halos hindi mapakali si Sheila habang magkasabay silang naglalakad papasok ng napakalaking building.

“Grabe…” bulong nito. “Parang hindi tayo bagay rito.”

Napatingin si Leila sa matayog na gusali.

Villareal Holdings.

Napaka-imposible talagang maabot ng lugar na ito noon para sa katulad niya.

Pero nandito na siya ngayon.

Para kay Oliver.

Pagdating nila sa orientation room, nagsimula agad ang ingay ng mga bagong interns.

“Leila, ikaw lang ata dito walang boyfriend,” biro ng isa nilang kasabay.

“Oo nga. Ang ganda mo pa naman.”

Napailing si Leila habang natatawa nang pilit.

Kung alam lang nila.

Maya-maya pa, bumukas ang conference room.

Biglang tumahimik ang lahat.

Sunod-sunod na pumasok ang executives… hanggang sa huling pumasok ang isang lalaking agad nagpahinto sa tibok ng puso ni Leila.

Nanlamig ang buo niyang katawan.

Hindi maaari.

Hindi…

Unti-unting nag-angat ng tingin ang lalaki.

Sharp jaw.

Cold eyes.

Nakakatulig na presensya.

At sa isang iglap, parang bumalik lahat ng sakit na pilit niyang kinalimutan.

Dylan Villareal.

Parang nawalan ng hangin si Leila.

Habang siya’y halos hindi makahinga sa pagkabigla, si Dylan naman ay diretsong tumingin sa kanya…

Na parang isa lamang siyang estranghero.

“Good morning,” malamig nitong bati. “I’m Dylan Villareal, CEO of Villareal Holdings.”

CEO.

Hindi niya alam kung matatawa ba siya o masasaktan.

Habang siya, tatlong taon na sugatan…

Ito naman ay tila walang bakas ng nakaraan nila.

At doon unang naramdaman ni Leila ang matinding pagkirot ng kanyang pride.

Dahil mukhang ang lalaking unang dumurog sa puso niya…

Ay tila hindi man lang siya naaalala.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (2)
goodnovel comment avatar
ANN LEE PEN
naksss Ganda
goodnovel comment avatar
SKYGOODNOVEL
love it....
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Ex I Could Never Forget   Chapter 80

    Kinabukasan ay maagang nagising si Dylan.Mas magaan na ang pakiramdam niya kumpara sa mga nakaraang araw. Ayon sa doktor, kung wala nang magiging problema sa huling obserbasyon, maaari na siyang makalabas ng ospital kinabukasan.Habang nakatanaw siya sa bintana ng silid, napangiti siya.Hindi niya akalaing may mga taong magpapagaan ng loob niya sa panahong ito.Nariyan si Marco na halos araw-araw siyang dinadalaw upang kumustahin at kulitin.At higit sa lahat…Si Leila.Hindi man ito magdamag na nagbabantay ngayon, sinisiguro nitong may pagkain siya, naiinom ang gamot, at hindi nagpapakapagod.Napabuntong-hininga siya.“Mas lalo tuloy kitang nami-miss kapag wala ka rito,” mahina niyang bulong sa sarili.Maya-maya ay bumukas ang pinto.Inaasahan niyang si Leila ang papasok.Ngunit isang maliit na ulo ang unang sumilip.“Sir Dylan!”Napangiti agad si Dylan.“Oliver!”Tuluyang bumukas ang pinto.Masiglang tumakbo papasok ang bata habang may bitbit na maliit na eco bag.Kasunod nito si L

  • The Ex I Could Never Forget   Chapter 79

    Lumipas ang dalawa pang araw.Mas mabilis na ang paggaling ni Dylan.Ayon sa doktor, maaari na siyang ma-discharge sa loob ng isa o dalawang araw kung mananatiling maayos ang resulta ng mga pagsusuri.Magaan ang pakiramdam niya nang umagang iyon.Hindi na gaanong sumasakit ang kanyang ulo.Bagama’t paminsan-minsan ay may mga pira-pirasong alaalang sumusulpot sa kanyang isip, hindi na iyon kasing tindi ng mga unang araw.Nakaupo siya sa kama habang binabasa ang isang magazine na iniwan ng nurse.Ngunit wala naman talagang pumapasok sa isip niya.Paminsan-minsan ay napapatingin siya sa pinto ng silid.Parang may hinihintay.Ilang sandali pa’y bumukas iyon.Lumabas ang isang pamilyar na mukha.“Good morning, sir.”Napangiti si Dylan.“Akala ko hindi ka na darating.”Napataas ang kilay ni Leila.“May dinaanan lang ako sa cafeteria. Bumili ako ng almusal.”Inilapag nito ang paper bag sa mesa.“Pero bago ka kumain, gamot muna.”Napabuntong-hininga si Dylan.“Akala ko makakalusot na ako.”“H

  • The Ex I Could Never Forget   Chapter 78

    Namasa ang mga mata ni Leila. Ngunit ngumiti rin ito. Hindi dahil masaya siya sa sinabi ni Dylan. Kundi dahil alam niyang iyon ang tamang gawin. Sa totoo lang, kung puso lamang niya ang masusunod, matagal na sana niyang tinanggap ang damdamin nito. Matagal na sana niyang sinabi na hindi lamang pagkakaibigan ang nararamdaman niya. Matagal na sana niyang inamin na sa bawat araw na magkasama sila, mas lalo rin siyang nahuhulog. Ngunit hindi puwedeng puso lamang ang pairalin. May mga bagay na kailangan munang maunawaan. May mga sugat na kailangan munang gumaling. At may mga tanong na kailangan munang masagot. "Kaya mo ba talagang gawin iyon?" Mahina niyang tanong. Napatingin si Dylan sa kanya. "Ang alin?" "Ang hanapin ang lahat." Napabuntong-hininga ito. "Tatakot ako kung sasabihin kong hindi." Napangiti si Leila. At sa unang pagkakataon ay nakita niya ang bahagyang pagod sa mga mata nito. Hindi lamang pala siya ang nahihirapan. Hindi lamang siya ang natatakot. Si Dy

  • The Ex I Could Never Forget   Chapter 77

    Nagising si Leila nang marinig ang mahinang paggalaw mula sa kama.Kanina pa siya nakaupo sa tabi ni Dylan.Hindi niya namalayang nakatulog na rin pala siya habang nakasandal sa upuan.Mabilis siyang napamulat.At agad na bumaling ang tingin sa pasyente.“Sir!”Mabilis siyang tumayo.Agad namang napangiti si Dylan kahit halatang pagod pa rin.“Good morning.”Napasinghap si Leila.Para bang ngayon lamang siya nakahinga nang maayos.Hindi niya namalayang buong magdamag pala siyang kinakabahan.“Alam mo bang pinag-alala mo kami?”Napakamot si Dylan sa batok.“Sorry.”“Sorry lang?”Napataas ang kilay ni Leila.“Tatlong beses kang sinuri ng doktor kagabi.”Napatawa si Dylan.“Parang galit ka.”“Galit ako.”Agad niyang sagot.Ngunit kahit anong pilit niya, hindi niya maitago ang ginhawang nararamdaman.Mabuti na lamang at gising na ito.Mabuti na lamang at mukhang maayos na ang lagay nito.Napailing si Dylan.At sa sandaling iyon ay hindi niya maiwasang pagmasdan si Leila.Mukhang hindi ito

  • The Ex I Could Never Forget   Chapter 76

    Madilim.Iyon ang unang bagay na naramdaman ni Dylan.Wala siyang makita.Wala siyang marinig.Parang lumulutang siya sa isang lugar na walang simula at walang wakas.Unti-unting lumitaw ang paligid.Malamlam.Malabo.Parang isang lumang pelikulang pilit binubuo ng kanyang isip.At pagkatapos ay bumuhos ang ulan.Malakas.Malamig.Walang tigil.Napakurap siya.Nasa gitna siya ng isang makitid na kalsada.Hindi niya alam kung nasaan siya.Hindi niya alam kung paano siya nakarating doon.Ngunit may isang bagay siyang sigurado.May hinahanap siya.May taong kailangan niyang mahanap.May taong mahalaga.Napahawak siya sa kanyang dibdib.Masikip.Parang may kung anong kumakabog doon na hindi niya maintindihan.“Dylan.”Napalingon siya.Kasabay noon ay bumilis ang tibok ng kanyang puso.May babaeng nakatayo sa kabilang dulo ng kalsada.Nababalot ito ng ulan.Nakatitig sa kanya.At nakangiti.Hindi iyon masayang ngiti.Hindi rin malungkot.Parang isang ngiting puno ng pang-unawa.Parang isan

  • The Ex I Could Never Forget   Chapter 75

    Natapos ang company celebration na puno ng tawanan, kantahan, at masasayang alaala.Isa-isang nagsimula nang mag-empake ang mga empleyado para sa kanilang pag-uwi kinabukasan.Ang iba ay excited nang makabalik sa kani-kanilang pamilya.Ang iba nama’y nagkukuwentuhan pa tungkol sa mga nangyari sa outreach program at team-building activities.Sa gitna ng lahat ng iyon, tila magaan ang pakiramdam ni Dylan.Sa unang pagkakataon matapos ang mahabang panahon, hindi niya gaanong inisip ang mga pira-pirasong alaalang patuloy na gumugulo sa kanyang isip.Marahil ay dahil sa pag-uusap nila ni Leila noong nakaraang gabi.Marahil ay dahil alam niyang may taong handang umunawa sa kanya.Ngunit habang papalapit ang oras ng pag-alis, unti-unti niyang naramdaman ang pamilyar na kirot sa kanyang sentido.Noong una ay binale-wala niya iyon.Pagod lamang siguro.Masyado silang naging abala sa nakaraang mga araw.Kaya ipinagpatuloy niya ang pakikipag-usap sa mga kasamahan.Ngunit habang tumatagal, lalong

  • The Ex I Could Never Forget   Chapter 36

    Matigas nga ang ulo ni Leila. Iyon ang paulit-ulit na sinasabi ng ina niya habang naghahanda siya para pumasok. At sa pagkakataong iyon, wala siyang maipagtatanggol sa sarili. Dahil totoo naman. Kahit mabigat ang katawan niya. Kahit makirot ang ulo niya. Kahit pakiramdam niya ay kaya ni

  • The Ex I Could Never Forget   Chapter 35

    Hindi pa man tuluyang natatapos ang araw sa opisina, alam na ni Leila na may mali.Hindi niya lang alam kung ano.Hanggang sa tumunog ang cellphone niya.“Mama”Sandali siyang natigilan bago sinagot ang tawag.“Ma?”Sa kabilang linya, may katahimikan muna.Yung klase ng katahimikan na hindi komport

  • The Ex I Could Never Forget   Chapter 34

    Katatapos lamang ng conference meeting nang isa-isang magsitayuan ang mga tao sa loob ng silid.May mga abalang nag-uusap pa tungkol sa mga napagkasunduan.May mga nagmamadaling bumalik sa kani-kanilang departamento.At mayroon ding mga tulad ni Leila na gusto na lamang makabalik sa mesa at magkunw

  • The Ex I Could Never Forget   Chapter 33

    Kung may isang taong mahilig gumawa ng problema kahit wala namang problema, iyon ay si Marco. At iyon ang eksaktong nasa isip ni Leila habang nakaupo sila sa conference room para sa lingguhang management meeting. Nasa unahan si Dylan. Katulad ng dati. Kalma. Propesyonal. At seryosong nak

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status