INICIAR SESIÓNHindi umalis si Sophia matapos marinig ang mga salitang iyon. Hindi siya sumigaw. Hindi siya nagtapon ng gamit. Hindi siya nanampal at hindi siya gumawa ng eksenang madalas niyang nakikita sa mga pelikula.
Sa halip, tahimik lamang siyang nakatayo habang unti-unting nilalamon ng katotohanan ang natitira niyang pag-asa.
"I don't know if I love you anymore."
Paulit-ulit iyong umaalingawngaw sa isip niya na parang sirang plaka. Parang sumpang ayaw siyang pakawalan.
Nakatitig siya kay Adrian. Sa lalaking minsang nangakong mamahalin siya habambuhay. Sa lalaking minsang nagsabing hinding-hindi siya sasaktan. Sa lalaking minsang itinuring siyang buong mundo nito.
Nakakatawa.
Dahil ngayon, para na lamang siyang estranghera sa mga mata nito.
Napatawa siya nang mahina at napaismid siya. At doon bahagyang kumunot ang noo ni Adrian.
"Sophia—"
"Don't."
Agad siyang natahimik.
Unang beses yata sa buong buhay nilang mag-asawa na pinigilan niya itong magsalita. At marahil, hindi rin nito iyon inaasahan.
Napahawak siya sa gilid ng mesa. Hindi dahil mahina siya kundi dahil pakiramdam niya ay bibigay ang mga tuhod niya anumang sandali. Para siyang nawalan ng lakas. Ang sakit-sakit ng dibdib niya at naninikip pa. Parang ilang segundo na lang ay matutumba na siya.
"How long have you been trying to leave me?" Direkta niyang tanong dito at parang hindi pa nito inaasahan iyon.
Nanigas ang mukha ni Adrian at hindi ito agad nakasagot. At sapat na iyon para maintindihan niya. Dahil alam na niya na parang matagal na.
Matagal na nitong gustong kumawala sa kasal nila. Matagal na nitong gustong makawala sa kanya. Siya lang ang kumakapit. Siya lang ang lumalaban. Siya lang ang nagmamahal. Habang si Adrian ay matagal nang sumuko.
Napabuntong-hininga siya at pagkatapos ay tumango nang ilang beses. Parang may bagay siyang tuluyang tinatanggap. Napakagat na lang siya ng labi niya.
"Okay."
Nanlaki nang bahagya ang mga mata ni Adrian.
"Okay?" ulit nito.
Tumango siya. Wala naman siyang magagawa diba?
"Okay."
At sa unang pagkakataon matapos ang mahabang panahon ay may kakaibang katahimikan siyang naramdaman.
Sobrang sakit pero at least alam na niyang totoo ang lahat. Parang matagal na siyang nalulunod at ngayon lang siya nakalanghap ng hangin.
"Dati kasi," mahinang sabi niya, "akala ko may problema sa akin."
Tahimik si Adrian habang nakatingin lang sa kaniya. Wala itong sinabi o kahit emosyon lang na ipakita sa kaniya. Blangko lang ito. Ni awa ay hindi niya nakikita dito.
"Akalain mo iyon." Napangiti siya pero puno ng lungkot. "Akala ko hindi na ako maganda. Akala ko hindi na ako sapat. Akala ko may kulang sa akin." Patuloy sa pagtulo ang mga luha niya. At habang sinasabi niya iyon ay parang may kung anong nakadagan sa dibdib niya.
Unti-unting bumaba ang tingin ni Adrian at hindi ito makatingin sa kanya ng diretso. Pero wala na siyang pakialam. Hindi na siya magkakaroon pa ng pakialam dito. Hindi iyon madali para sa kaniya dahil mahal niya ito. Pero kung yong pagmamahal na iyon ay hindi na sapat, wala na siyang magagawa pa.
"Kaya pala lagi akong umiiyak. Kaya pala lagi kong sinisisi ang sarili ko. Kaya pala kahit anong gawin ko, parang hindi ka na bumabalik." Napahugot siya ng malalim na hininga. "Because the problem was never me."
Muli na namang bumalot ang katahimikan. At sa unang pagkakataon mula ng malaman niyang parang may iba na ay naramdaman niyang may bahagi ng sarili niyang bumabalik.
Ang bahagi ng Sophia na matagal niyang nawala habang pilit niyang inililigtas ang isang relasyon na matagal nang patay.
"You're right."
Napatingin si Adrian sa kanya. Bahagyang kumunot ang noo nito.
"About what?"
Tinitigan niya ito nang diretso at ilang minuto rin niya itong tiningnan at pagkatapos ay ngumiti siya. At iyon marahil ang pinakamalungkot na ngiti na nakita ni Adrian mula sa kanya.
"Maybe you really don't love me anymore."
Parang may gustong sabihin ang lalaki. Ngunit hindi na niya ito hinayaang magsalita.
"Wag kang mag-alala." Mahina ang boses niya pero pinipilit niyang pasiglahin ang boses niya."Hindi na rin kita pipilitin."
At sa wakas ay nasabi rin niya.
—-
Nang gabing iyon, unang beses na natulog si Sophia nang walang luha. Hindi dahil masaya siya at hindi dahil okay siya kundi dahil pagod na pagod na siyang umiyak.
Nakaupo siya sa gilid ng kama habang nakatitig sa litrato nilang mag-asawa. Wedding photo nila iyon. Pitong taon na ang nakalipas.
Nakangiti sila sa picture na yon, at makikita mo talagang masaya silang pareho. Punong-puno ng pangarap.
Napahawak siya sa frame nang dahan-dahan. Parang natatakot siyang masira ito. Katulad ng pagsira ni Adrian sa kanila. Tumulo ang isang luha sa pisngi niya. At iyon na marahil ang huling luhang ilalaan niya para sa lalaking iyon.
"Goodbye." Mahina at halos pabulong niyang paalam ngunit sapat para marinig ng sarili niya.
Pagkatapos ay ibinalik niya ang litrato sa drawer at isinara iyon. Parang pagsasara ng isang kabanata ng buhay niya.
—
Kinabukasan, nagising si Sophia na may desisyon. Hindi na siya magmamakaawa. Hindi na siya hahabol. Hindi na siya magtatanong kung bakit. Hindi na siya magmamakaawang mahalin muli.
Tapos na ang lahat ng palugit niya kay Adrian.
Pagkatapos maligo at magbihis, kinuha niya ang cellphone niya. May isang numero siyang matagal nang iniingatan.
Isang numerong umaasa siyang hindi niya kailanman kakailanganin. Ngunit dumating na ang araw.
Pinindot niya iyon.
Ilang ring lang ang lumipas bago may sumagot.
"Hello?"
Huminga siya nang malalim.
Ito na marahil ang oras na hinihintay niya para piliin naman niya ang sarili niya. Hindi naman siguro masamang maging selfish diba?
"Attorney Reyes?"
"Yes?"
Napapikit siya. Alam niyang mahirap gawin ang pinaplano niya ngayon pero alam niyang kailangan niyang gawin ito.
"I'd like to start divorce proceedings."
Nagkaroon ng maikling katahimikan. Pagkatapos ay narinig niya ang propesyonal na boses ng abogado.
"Of course, Mrs. Gonzaga. We can schedule a meeting today."
Tumango siya kahit hindi naman ito nakikita.
"Thank you."
Pagkababa ng tawag, nanatili siyang nakatingin sa bintana. Hindi siya umiyak. Hindi siya nanginig at hindi siya umatras.
Isa lang ang masasabi niya ngayon at proud na proud siya don. May ginagawa siya para sa sarili niya. At kahit masakit ay may kakaibang pakiramdam ng kalayaan.
—
Sa kabilang bahagi ng siyudad, walang kamalay-malay si Adrian na kagagaling lang ng asawa niya sa abogado. Wala itong ideya na sinisimulan na ni Sophia ang proseso ng pagtatapos ng kanilang kasal.
Wala itong alam na hindi na siya ang pinipili ni Sophia. Dahil sa wakas, natutunan na nitong piliin ang sarili. At iyon ang bagay na maaaring huli nang mapansin ni Adrian.
Kung may magsasabi kay Sophia noon na darating ang araw na si Adrian ang halos himatayin sa delivery room habang siya ang manganganak, hindi siya maniniwala.Pero heto sila ngayon at mukhang iyon mismo ang nangyayari. Parang mas stress pa ito sa kaniya."A-Adrian..."Napahawak si Sophia sa tiyan niya kasabay noon ay ang panibagong contraction. Napapikit siya sa sakit at napakapit sa countertop ng kusina at pilit na huminga.Nagawa na niyang magbilang ng hanggang sampu pero hindi talaga nababawasan ang sakit na nararamdaman niya. Mas lalo pa ngang naging masakit. Dios ko po, mahabagin! Sobrang sakit talaga at para na siyang hihimatayin.Mabilis siyang napamulat nang marinig ang kalabog. Paglingon niya ay nakita niyang nahulog ang hawak na baso ni Adrian sa sahig. Nabasag iyon. At ang asawa niya?Mukhang mas maputla pa sa multo. Kahit sobrang sakit ng tiyan niya ay nagawa pa niyang sapuhin ang kaniyang noo. Nagawa pa talaga nitong mambasag ng baso. Lagot talaga sa kaniya ang lalaking yo
Minsan talaga...Dumadating ang kaligayahan sa oras na hindi mo na ito hinahabol. Dumarating ang kaligayahan sa mga oras na hindi mo iniisip at dumarating sa mga oras na hindi mo inaasahan. At aminin man niya o sa hindi, gusto niyang kutusan ang sarili dahil hindi iyon agad naintindihan ni Sophia noon.Sa loob ng maraming taon ay pakiramdam niya ay palagi siyang may ipinaglalaban. Pinaglalabas niya palagi ang pagmamahal, pagtitiwala, ang kasal nila, ang pamilya niya at higit sa lahat, si Adrian. Ilang beses niyang pinaglaban yon, hindi na nga niya mabilang kung ilang beses na eh. Naka unli subscription yata ang asawa niya at hindi niya mapigilan na ipaglaban ito palagi.May mga panahong akala niya ay wala nang magandang mangyayari pagkatapos ng lahat ng sakit na pinagdaanam May mga gabing umiiyak siya habang iniisip kung magiging sapat ba siya. Kung darating ba ang araw na magiging masaya silang dalawa. Kung magkakaroon pa ba sila ng pagkakataong mabuo muli.Ngunit heto siya ngayon, t
Hindi alam ni Sophia kung gaano siya katagal na nakatayo roon at nakatingin kay Adrian. Nakatingin silang pareho sa divorce papers. Nakikinig sa mabilis na tibok ng sarili niyang puso. At kapag dumadapo ang paningin niya sa divorce paper ay umiinit ang ulo niya. Parang gusto na lang niyang sunugin iyon.Tuwing naiisip niya na Isang pirma na lang ay tuluyan nang magbabago ang lahat. Hindi niya kakayanin. Parang mababaliw siya kakaisip.Tahimik pa ring nakatayo si Adrian sa harapan niya at hindi ito nagsasalita. Dahan-dahan siyang napangiti.Hindi niya hahayaan na masira ang kasal nila dahil lang sa papel na yan.Dahan-dahan niyang kinuha ang papel at napapailing siya."Sophia..."Ngunit hindi na niya ito pinatapos. Nanginginig ang mga kamay niyang hinawakan ang unang pahina. Pagkatapos second page at ang last page non. At bago pa man maintindihan ni Adrian ang ginagawa niya ay pinunit niya ang papel.Nanlaki ang mga mata ni Adrian nang hindi siya tumigil. Hanggang sa tuluyan niyang ma
Hindi agad nakasagot si Sophia. Nanatili lamang siyang nakatayo sa gitna ng sala. Nakahawak pa rin siya sa divorce papers na hindi niya alam kung dapat ba niyang punitin o hindi.Habang si Adrian ay nakatayo ilang hakbang ang layo mula sa kaniya at hindi rin ito nagsasalita pagkatapos nitong sabihin ang lahat ng hinanakit nito.Pareho silang tahimik ngunit ang katahimikan na iyon ay mas maingay pa sa anumang sigawan. Ito yong katahimikan na aayawan mong maranasan.Ang daming tumatakbo sa isipan niya. Gusto niyang magmakaawa dito, gusto niyang sabihin na ipaglaban naman nila ang relasyon nila. Gusto niyang sabihin na ayaw niyang pakawalan siya nito. Gusto niyang hawakan siya nito at hindi sagot ang divorce sa mga problema nila.Oo, nasaktan din siya noon at mali na hindi niya ito pinaglaban. Mali na kailangan pang may mangyari para mabalik ang pagmamahalan nila. Siguro ganon lang ang tadhana makipaglaro diba? Na hindi naman kailangan sa isang relasyon puro masaya lang. Ganon naman sigu
Hindi agad nagsalita si Adrian. Nanatili lamang itong nakatayo malapit sa pintuan at ang tahimik pa rin nito. Parang takot na takot na baka isang maling salita lang ang sabihin nito ay tuluyan nang mabasag ang kung anumang natitira sa pagitan nilang dalawa.Samantalang si Sophia ay nanatiling nakaupo sa sofa. Ang divorce papers ay nakalatag pa rin sa kandungan niya. Nanginginig pa rin ang mga kamay niya. At kahit anong pilit niyang pakalmahin ang sarili ay hindi niya magawa. Dahil pakiramdam niya ay unti-unting dumudulas sa mga daliri niya ang buhay na nakasanayan niya.Sa wakas ay huminga nang malalim si Adrian at pagkatapos ay bahagyang tumango. Parang may pinipilit tanggapin at parang may pinipilit lunukin."Napirmahan mo na ba?" Walang buhay ang boses nitong tanong sa kaniya na hindi niya sinagot.Tiningnan niya lang ito at ni isang ngiti ay wala siyang nakita. Walang sigla ang mga mata nito ni walang emosyon. Pero iyon ang mas nakasakit dahil kilala niya si Adrian. At alam niyang
Tanghali na nang araw na iyon at sobrang tahimik ang buong bahay. Nasa sala si Sophia at may hawak na pocketbook. Nakabukas ang pocketbook niya pero halos sampung minuto nang hindi siya nakakalipat ng pahina. Paulit-ulit lang siyang nakatitig sa parehong line ng pocketbook niya at hindi siya makapag-concentrate. Hindi mapakali ang buong utak niya dahil ang daming tumatakbo non at hindi na niya maintindihan!Maya-maya ay tumunog ang cellphone niya at napatingin siya rito. Hindi niya alam kung bakit siya biglang kinabahan sa tunog na yon. Kinuha niya ang cellphone niya at nakita na message iyon galing sa secretary ni Adrian."Good afternoon, Ma'am Sophia. Sir Adrian asked me to personally deliver something to you."Kumunot ang noo niya. May ipapadala? Bakit hindi na lang ibinigay ni Adrian mismo?Bago pa siya makapag-reply ay tumunog ang doorbell. Bahagyang lumakas ang tibok ng puso niya. Hindi niya alam kung bakit pero biglang may kung anong malamig na gumapang sa kaniyang batok.Unti
For several moments after Ava walked away, Adrian remained exactly where he was. Standing in the middle of the sidewalk. Holding a bouquet of flowers in one hand. Watching her disappear into the crowd.People continued walking around him and cars passed by. The city moved on as if nothing significa
The moment he heard her name… Pakiramdam ni Adrian ay parang tumigil lahat. Kung kanina ay masaya pa siyang nagtapon ng basura pero ngayon nakakuyom na ang kamao niya. Nanginginig siya na ewan, na hindi niya lubos maintindihan.Para siyang nakakahon at hindi siya makahinga."Ava."The word hung in
Mariing sumara ang pinto nang napakalakas. Napakalakas na umalingawngaw ang tunog nito sa buong bahay. Ngunit hindi iyon sapat upang patahimikin ang ingay sa loob ng kanyang isip.Nanatiling nakahawak si Sophia sa doorknob nang mahigpit. Halos mamuti ang kanyang mga kuko sa sobrang diin ng pagkakah
Parang may kung anong sumabog sa loob ng dibdib ni Sophia. Naninikip ang dibdib niya habang nakatitig siya kay Ava. Tanggap naman na niya na mas maganda ito sa kaniya pero bakit ngayong kaharap na niya ito ay nasasaktan pa rin siya? Ang dami niyang gustong gawin sa babaeng to! Gusto niyang sampalin







