Home / Romance / The Husband Who Wakes Up Loving Me / Chapter 5: The Goodbye Letter

Share

Chapter 5: The Goodbye Letter

Author: Senyorita
last update publish date: 2026-06-08 22:57:49

Tatlong araw na ang lumipas mula nang magdesisyon si Sophia na wakasan ang kanyang kasal. At sa loob ng tatlong araw na iyon ay wala siyang naramdamang ginhawa. Akala niya kapag nakapagdesisyon na siya, magiging madali na ang lahat. Akala niya kapag tinanggap na niyang tapos na sila, mababawasan ang sakit.

Pero hindi pala ganoon. Dahil kahit gaano kasakit ang katotohanan ay mahal pa rin niya si Adrian. At iyon ang pinakamalaking problema. Hindi niya kailangang matutunang kalimutan ang asawa niya. Kailangan niyang matutunang bitawan ito habang mahal pa niya.

Nakaupo siya ngayon sa kanyang maliit na library sa ikalawang palapag ng bahay. Tahimik ang paligid at naririnig lang niya ang mahinang tunog ng hangin mula sa labas. Mas okay na nga rin yon para payapa ang utak niya.

Sa harapan niya ay isang puting papel. At isang mamahaling fountain pen na minsang regalo sa kanya ni Adrian noong second anniversary nila.

Napangiti siya nang mapait, hindi pa rin talaga siya makapaniwala na nagawa yon ng asawa niya. Noon, kabisado pa ni Adrian ang lahat tungkol sa kanya. As in lahat, mapakulay man yan, pati nga favorite niyang libro ay alam nito. At pati kape na gustong-gusto niya ay alam nito. Pero ngayon?

Hindi na siguro nito alam kung ano ang paborito niyang pagkain. Minsan nakakapanghinayang. Pero ano pa bang dapat niyang gawin? Minsan kasi hindi lang sapat ang pagmamahal para ipagpatuloy ang isang relasyon.

Marahan siyang huminga. Pagkatapos ay sinimulan niyang magsulat.

Adrian,

Hindi ko alam kung paano sisimulan ito. Siguro dahil hindi ko rin inakalang darating tayo sa puntong kailangan kitang sulatan para magpaalam.

Noong pinakasalan kita, naniwala akong ikaw na ang makakasama ko habambuhay. Naniwala akong kahit gaano kahirap ang buhay, kakayanin natin basta magkasama tayo.

Mali pala ako. Hindi dahil hindi kita minahal. Kundi dahil ako lang pala ang patuloy na lumalaban.

Huminto si Sophia sa pagsusulat dahil unti-unting lumabo ang kanyang paningin. Hindi dahil hindi niya alam ang susunod na isusulat kundi dahil bawat salitang inilalagay niya sa papel ay parang kutsilyong dahan-dahang tumatama sa kanyang dibdib.

Ngunit ipinagpatuloy pa rin niya.

Hindi ko alam kung kailan mo ako tinigilang mahalin. Hindi ko alam kung kailan ako naging kulang para sa'yo. Alam mo, matagal kong sinisisi ang sarili ko.

Inisip kong baka kung naging mas maganda ako, mas mabait, at mas understanding sayo. O baka mas perpektong asawa, baka ako pa rin yong piliin mo.

Pero ngayon, naiintindihan ko na. Alam kong hindi ko kayang i-control ang mga desisyon mo. Hindi ko kasalanan na pinili mong sirain ang mga pangakong ginawa natin.

Tumulo ang isang luha niya sa papel at mabilis niya iyong pinunasan. Ayaw niyang mabura ang mga salita sa utak niya at ayaw niyang may maiwang hindi nasabi. Dahil ito na marahil ang huling pagkakataon na ilalabas niya ang lahat ng nararamdaman niya.

Pagod na ako, Adrian. Pagod na akong maghintay. Pagod na akong umasa. Pagod na akong mahalin ang isang taong matagal nang hindi ako pinipili.

At sa wakas, natutunan ko nang piliin ang sarili ko. Hindi dahil tumigil akong mahalin ka. Kundi dahil kung patuloy kitang mamahalin sa ganitong paraan, tuluyan ko nang mawawala ang sarili ko.

Sana maging masaya ka. Sana matagpuan mo ang hinahanap mo.

At sana balang araw, maintindihan mo kung gaano kita kamahal.

Paalam.

— Sophia

Matagal siyang nakatitig sa sulat niya. Tahimik lang niyang tinitingnan iyon at halos di siya gumagalaw. Pakiramdam niya parang may bahagi ng sarili niyang namatay habang sinusulat iyon.

Dahan-dahan niyang itinupi ang papel at inilagay sa puting sobre. Pagkatapos ay isinulat ang pangalan ng asawa niya sa harapan.

Adrian Gonzaga.

Nang gabing yon, mag-isa na naman siyang naghahapunan. Hindi pa rin nakauwi si Adrian, syempre hindi na siya nagtaka. Hindi na rin siya nasaktan. O marahil, sinasanay na lang niya ang sarili.

Makalipas ang ilang minuto ay tumunog ang cellphone niya.

Chat galing kay Mia. Panigurado man nag-aalala ito sa kaniya ngayon. Mula nang tumawag ito ay hindi na niya ito na-replyan pa.

Mia: How are you?

Napangiti siya nang bahagya. Buti pa tong kaibigan niya, concern na concern sa kaniya.

Sophia: Still breathing.

Ilang segundo lamang ay nag-reply agad ang kaibigan.

Mia: And Adrian?

Matagal siyang nakatitig sa mensahe. Pagkatapos ay dahan-dahan siyang nag-type.

Sophia: I'm letting him go.

Hindi na siya nagdagdag pa. Hindi na kailangan.

Alam ni Mia ang ibig sabihin noon.

Bandang alas-onse ng gabi nang marinig niya ang pagdating ni Adrian. Narinig niya ang pagbukas ng pinto. Hanggang sa makapasok si Adrian sa bahay nila ay dinig na dinig niya ang bawat yabag nito. Nakakasakit mang aminin pero kilalang-kilala niya pati ang paglalakad nito. Ang tanong na lang talaga ay kung paano niya makakalimutan ang lahat kung pati paglalakad ng asawa niya ay alam na alam niya.

Narinig niyang nilapag na ni Adrian ang susi nito sa mesa. Alam mo yong pati pag-uwi nito sa bahay nila ay parang walang nagbago. Kung paano ito umuwi dati nong hindi pa niya ito nahuhuli, ay ganon na gnaon pa rin. Hindi niya alam kung dapat ba siyang matuwa kasi baka sign ito na magiging maayos pa ang lahat. Pero ayaw na niya.

Ayaw na niya talaga. Handa na siya eh. Handa na niyang kalimutan lahat.

Dahil may nakahanda nang sobre sa loob ng kanyang drawer. At sa loob ng sobreng iyon ay ang opisyal na pagtatapos ng lahat. Nasa ilalim din nito ang mga divorce papers na ipinadala ng abogado. Kulang na lang ang pirma ni Adrian.

Isang signature na lang at tuluyan nang matatapos ang pitong taon nilang pagsasama.

Total ganon na rin naman eh. Mas pinili nitong sayangin ang pitong taon. Parang wala lang dito ang taon ng pagsasama nila. Eh kung ganon lang din naman, bakit pa siya kakapit? For what? Para mas diinan pa nito ang sakit?

Napapikit na lang siya at nagdasal. Humihingi siya ng lakas sa panginoon na sana kayanin niya. Dahil alam niyang sobrang lapit na niya para makalaya.

Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon ni Adrian. Hindi niya alam kung magagalit ito o kung matatawa. O kung wala talaga itong mararamdaman.

Ngunit isang bagay ang sigurado. Sa loob ng susunod na mga araw, ibibigay niya rito ang liham. Kasama ang divorce papers.

At pagkatapos non ay wala ng balikan. Wala ng second chance. Tatapusin na niya ang lahat.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Husband Who Wakes Up Loving Me   Special Chapter: Daddy Needs Help Too

    Kung may magsasabi kay Sophia noon na darating ang araw na si Adrian ang halos himatayin sa delivery room habang siya ang manganganak, hindi siya maniniwala.Pero heto sila ngayon at mukhang iyon mismo ang nangyayari. Parang mas stress pa ito sa kaniya."A-Adrian..."Napahawak si Sophia sa tiyan niya kasabay noon ay ang panibagong contraction. Napapikit siya sa sakit at napakapit sa countertop ng kusina at pilit na huminga.Nagawa na niyang magbilang ng hanggang sampu pero hindi talaga nababawasan ang sakit na nararamdaman niya. Mas lalo pa ngang naging masakit. Dios ko po, mahabagin! Sobrang sakit talaga at para na siyang hihimatayin.Mabilis siyang napamulat nang marinig ang kalabog. Paglingon niya ay nakita niyang nahulog ang hawak na baso ni Adrian sa sahig. Nabasag iyon. At ang asawa niya?Mukhang mas maputla pa sa multo. Kahit sobrang sakit ng tiyan niya ay nagawa pa niyang sapuhin ang kaniyang noo. Nagawa pa talaga nitong mambasag ng baso. Lagot talaga sa kaniya ang lalaking yo

  • The Husband Who Wakes Up Loving Me   Special Chapter: Our Little Miracle

    Minsan talaga...Dumadating ang kaligayahan sa oras na hindi mo na ito hinahabol. Dumarating ang kaligayahan sa mga oras na hindi mo iniisip at dumarating sa mga oras na hindi mo inaasahan. At aminin man niya o sa hindi, gusto niyang kutusan ang sarili dahil hindi iyon agad naintindihan ni Sophia noon.Sa loob ng maraming taon ay pakiramdam niya ay palagi siyang may ipinaglalaban. Pinaglalabas niya palagi ang pagmamahal, pagtitiwala, ang kasal nila, ang pamilya niya at higit sa lahat, si Adrian. Ilang beses niyang pinaglaban yon, hindi na nga niya mabilang kung ilang beses na eh. Naka unli subscription yata ang asawa niya at hindi niya mapigilan na ipaglaban ito palagi.May mga panahong akala niya ay wala nang magandang mangyayari pagkatapos ng lahat ng sakit na pinagdaanam May mga gabing umiiyak siya habang iniisip kung magiging sapat ba siya. Kung darating ba ang araw na magiging masaya silang dalawa. Kung magkakaroon pa ba sila ng pagkakataong mabuo muli.Ngunit heto siya ngayon, t

  • The Husband Who Wakes Up Loving Me   Chapter 44: Wedding

    Hindi alam ni Sophia kung gaano siya katagal na nakatayo roon at nakatingin kay Adrian. Nakatingin silang pareho sa divorce papers. Nakikinig sa mabilis na tibok ng sarili niyang puso. At kapag dumadapo ang paningin niya sa divorce paper ay umiinit ang ulo niya. Parang gusto na lang niyang sunugin iyon.Tuwing naiisip niya na Isang pirma na lang ay tuluyan nang magbabago ang lahat. Hindi niya kakayanin. Parang mababaliw siya kakaisip.Tahimik pa ring nakatayo si Adrian sa harapan niya at hindi ito nagsasalita. Dahan-dahan siyang napangiti.Hindi niya hahayaan na masira ang kasal nila dahil lang sa papel na yan.Dahan-dahan niyang kinuha ang papel at napapailing siya."Sophia..."Ngunit hindi na niya ito pinatapos. Nanginginig ang mga kamay niyang hinawakan ang unang pahina. Pagkatapos second page at ang last page non. At bago pa man maintindihan ni Adrian ang ginagawa niya ay pinunit niya ang papel.Nanlaki ang mga mata ni Adrian nang hindi siya tumigil. Hanggang sa tuluyan niyang ma

  • The Husband Who Wakes Up Loving Me   Chapter 43: One Last Promise

    Hindi agad nakasagot si Sophia. Nanatili lamang siyang nakatayo sa gitna ng sala. Nakahawak pa rin siya sa divorce papers na hindi niya alam kung dapat ba niyang punitin o hindi.Habang si Adrian ay nakatayo ilang hakbang ang layo mula sa kaniya at hindi rin ito nagsasalita pagkatapos nitong sabihin ang lahat ng hinanakit nito.Pareho silang tahimik ngunit ang katahimikan na iyon ay mas maingay pa sa anumang sigawan. Ito yong katahimikan na aayawan mong maranasan.Ang daming tumatakbo sa isipan niya. Gusto niyang magmakaawa dito, gusto niyang sabihin na ipaglaban naman nila ang relasyon nila. Gusto niyang sabihin na ayaw niyang pakawalan siya nito. Gusto niyang hawakan siya nito at hindi sagot ang divorce sa mga problema nila.Oo, nasaktan din siya noon at mali na hindi niya ito pinaglaban. Mali na kailangan pang may mangyari para mabalik ang pagmamahalan nila. Siguro ganon lang ang tadhana makipaglaro diba? Na hindi naman kailangan sa isang relasyon puro masaya lang. Ganon naman sigu

  • The Husband Who Wakes Up Loving Me   Chapter 42: "...then sign them."

    Hindi agad nagsalita si Adrian. Nanatili lamang itong nakatayo malapit sa pintuan at ang tahimik pa rin nito. Parang takot na takot na baka isang maling salita lang ang sabihin nito ay tuluyan nang mabasag ang kung anumang natitira sa pagitan nilang dalawa.Samantalang si Sophia ay nanatiling nakaupo sa sofa. Ang divorce papers ay nakalatag pa rin sa kandungan niya. Nanginginig pa rin ang mga kamay niya. At kahit anong pilit niyang pakalmahin ang sarili ay hindi niya magawa. Dahil pakiramdam niya ay unti-unting dumudulas sa mga daliri niya ang buhay na nakasanayan niya.Sa wakas ay huminga nang malalim si Adrian at pagkatapos ay bahagyang tumango. Parang may pinipilit tanggapin at parang may pinipilit lunukin."Napirmahan mo na ba?" Walang buhay ang boses nitong tanong sa kaniya na hindi niya sinagot.Tiningnan niya lang ito at ni isang ngiti ay wala siyang nakita. Walang sigla ang mga mata nito ni walang emosyon. Pero iyon ang mas nakasakit dahil kilala niya si Adrian. At alam niyang

  • The Husband Who Wakes Up Loving Me   Chapter 41: Petition

    Tanghali na nang araw na iyon at sobrang tahimik ang buong bahay. Nasa sala si Sophia at may hawak na pocketbook. Nakabukas ang pocketbook niya pero halos sampung minuto nang hindi siya nakakalipat ng pahina. Paulit-ulit lang siyang nakatitig sa parehong line ng pocketbook niya at hindi siya makapag-concentrate. Hindi mapakali ang buong utak niya dahil ang daming tumatakbo non at hindi na niya maintindihan!Maya-maya ay tumunog ang cellphone niya at napatingin siya rito. Hindi niya alam kung bakit siya biglang kinabahan sa tunog na yon. Kinuha niya ang cellphone niya at nakita na message iyon galing sa secretary ni Adrian."Good afternoon, Ma'am Sophia. Sir Adrian asked me to personally deliver something to you."Kumunot ang noo niya. May ipapadala? Bakit hindi na lang ibinigay ni Adrian mismo?Bago pa siya makapag-reply ay tumunog ang doorbell. Bahagyang lumakas ang tibok ng puso niya. Hindi niya alam kung bakit pero biglang may kung anong malamig na gumapang sa kaniyang batok.Unti

  • The Husband Who Wakes Up Loving Me   Chapter 4: Choosing Herself

    Hindi umalis si Sophia matapos marinig ang mga salitang iyon. Hindi siya sumigaw. Hindi siya nagtapon ng gamit. Hindi siya nanampal at hindi siya gumawa ng eksenang madalas niyang nakikita sa mga pelikula.Sa halip, tahimik lamang siyang nakatayo habang unti-unting nilalamon ng katotohanan ang nati

  • The Husband Who Wakes Up Loving Me   Chapter 3: Broken Promises

    Masakit pala talaga kapag ang kinatatakutan mo sa loob ng mahabang panahon ay tuluyan nang naging katotohanan.Iyon ang natutunan ni Sophia habang nakaupo sa sahig ng home office ni Adrian. Hindi na niya alam kung gaano katagal siyang umiiyak. Siguro ilang minuto o siguro isang oras. O baka higit p

  • The Husband Who Wakes Up Loving Me   Chapter 2: The Other Woman

    Kinabukasan, mas maaga kaysa karaniwan ang paggising ni Sophia Gonzaga. Ngunit hindi dahil mahimbing ang tulog niya. Kabaligtaran mismo ang nararamdaman niya kasi halos hindi siya nakatulog buong gabi.Paulit-ulit na tumatakbo sa isip niya ang mga salitang binitawan niya kay Adrian."Nakakapagod ka

  • The Husband Who Wakes Up Loving Me   Chapter 1: The Last Straw

    Tahimik ang buong bahay. Masyadong tahimik para sa isang tahanang minsang napuno ng tawanan, lambingan, at mga pangarap.Nakaupo si Sophia Gonzaga sa mahabang dining table, nakatitig sa malamig nang pagkain sa harapan niya. Alas-diyes na ng gabi. Dalawang oras na ang nakalipas mula nang dapat ay sa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status