Mag-log inHindi na muling nagsalita si Nathaniel pagkatapos noon. Nanatili itong nakapokus sa pagmamaneho, habang tahimik na umaandar ang sasakyan sa gitna ng mabigat na trapiko sa lungsod.
Sa loob ng kotse, tanging mahinang ugong lamang ng aircon at tunog ng mga sasakyan sa labas ang maririnig.Tahimik na pinaglalaruan ni Arabella ang kanyang mga daliri habang nakatingin sa labas ng bintana. Dumadaan ang mga ilaw sa labas, ngunit tila wala siyang nakikita dito, dahil masyadong magulo ang isip niya.
Paulit-ulit pa ring bumabalik sa kanya ang sinabi ni Nathaniel.
Marahan siyang huminga nang malalim bago tuluyang nagsalita.
“Monday na bukas,” mahina niyang sabi habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa bintana. “May oras ka ba sa hapon?”
Bahagyang gumalaw ang mga mata ni Nathaniel ngunit hindi ito nagsalita.
“Pwede na siguro tayong pumunta sa korte para simulan ang proseso ng annulment,” dugtong niya. “Kahit tatlong buwan pa bago ako manganak, mas mabuting maasikaso na natin nang maaga.”
Hindi naman siya nagmamadali. Ngunit alam niyang hindi ganoon kabilis ang proseso ng annulment. Maaaring umabot pa iyon ng ilang taon.
Pero gusto na niyang ihanda ang sarili, dahil ayaw na niyang manatiling nakakapit sa isang bagay na malinaw namang matatapos din.
Saktong huminto ang sasakyan dahil sa isang pulang traffic light. At doon lamang siya nilingon ni Nathaniel. Malamig pa rin ang ekspresyon nito. Parang may kung anong hindi nito nagustuhan sa sinabi niya.
“Kung kailan ko gusto, iyon ang masusunod,” mariin nitong sabi.
Mababa lang ang boses nito, ngunit sapat upang maramdaman ni Arabella ang bigat ng bawat salita.
Hindi na siya sumagot. Wala rin naman siyang gustong ipaglaban pa.
Tahimik niyang ibinaba ang kanyang paningin habang pilit na nilulunok ang bigat sa kanyang dibdib.
Minsan naiisip niya kung bakit kahit sa paghihiwalay nila, kailangan si Nathaniel pa rin ang masunod. Parang hanggang dulo, wala pa rin siyang karapatang mamili para sa sarili niya.
Muling umandar ang sasakyan nang mag-green ang traffic light.
At tulad ng dati, bumalik na naman ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa.
Tahimik lang silang bumiyahe hanggang sa tuluyang makarating sa lumang mansyon ng pamilya Monteverde.
Mula sa labas pa lamang ay kita na ang laki at karangyaan nito. Maliwanag ang buong bakuran, at maayos na nakahilera ang mga mamahaling sasakyan sa driveway.Dati, tuwing pumupunta siya roon, hindi niya maiwasang kabahan.
Pakiramdam niya noon ay isa siyang ordinaryong taong aksidenteng napunta sa mundong hindi naman talaga para sa kanya.
Pero ngayon, wala na siyang maramdaman kundi pagod.
Huminto ang sasakyan sa harap ng engrandeng entrada ng mansyon. Tahimik na tinanggal ni Arabella ang kanyang seatbelt.
Pagkababa nila sa sasakyan, agad na naunawaan ni Arabella kung bakit siya ipinatawag. Dahil sa batang dinadala niya.
Sa pamilya Monteverde, halos puro lalaki ang mga tagapagmana.
Dalawa ang anak ni Maricel Monteverde—sina Zack at Randie.
Si Zack ay may dalawang anak na lalaki. Ang panganay na si Paolo ay may kambal na limang taong gulang, habang ang bunso na si Joshua ay dalawampu’t apat na taong gulang at wala pang asawa.
Si Randie naman ay may iisang anak lamang, iyon ay si Nathaniel.
Kaya nang malaman ng pamilya na babae ang dinadala ni Arabella, hindi maitago nina Maricel at Richard Monteverde ang kanilang tuwa.
“Talagang magandang balita ito,” masayang sabi ni Richard. “Simula nang dumating ang batang iyan, lalo pang gumanda ang kalagayan ko.”
Dahil mahalaga ang batang nasa kanyang sinapupunan, napilitan ding magpakita ng kabaitan si Stephanie—ang ina ni Nathaniel.
Tahimik lamang na nakaupo si Arabella, mahinahon at magalang sa bawat sagot niya.
Ngunit habang pinagmamasdan siya ni Stephanie na lumapad na ang katawan ni Arabella dahil sa pagbubuntis, maputla ang mukha, at laging nakayuko lalo lamang itong nainis. Pinipigilan lamang nito ang sarili dahil naroon si Maricel.
Dahil maganda ang mood ng matriarch, inabot ni Maricel kay Arabella ang isang mamahaling gold bracelet.
Nagulat siya at agad na tumanggi.
Ngunit marahang sabi ni Stephanie, “Kung bigay ni Mama, tanggapin mo.”
Sa isip nito, isa pa rin siyang simpleng babaeng hindi bagay sa kanilang marangyang pamilya.
Wala nagawa si Arabella kundi tanggapin ang bracelet.
“Salamat po, Lola.”
“Alagaan mong mabuti ang sarili mo para maipanganak mo nang malusog na bata.”
Ngumiti si Arabella at tumango.
Ngunit alam niyang hindi siya minamahal ng pamilyang ito dahil sa kung sino siya. Kundi dahil lamang sa batang dinadala niya.
Ang balak sana nilang maghapunan sa mansyon. Ngunit biglang tumunog ang cellphone ni Nathanie.
Sa isang iglap, lumambot ang malamig nitong mukha. Napalitan ng lambing ang mga mata nito. Nagpunta siya sa balkonahe para sagutin ang tawag.
“Yes, babe?” mahina nitong sabi.
Tahimik na pinanood iyon ni Arabella. Napaisip siya bigla. Kung siguro ay naikasal si Nathaniel sa babaeng gusto nito, marahil ay magiging napakabuting asawa at ama nito.
“Oo, pupunta ako agad.”
Pagkababa ng tawag, lumabas si Nathaniel sa balkonahe at nakita si Arabella roon.
Nagtagpo ang kanilang mga mata, pagkatapos ay biglang sumikip ang dibdib ni Arabella.
“P-Pinapatawag ka ni Lola sa study,” mahinang sabi niya.Tumango lamang ang lalaki at umalis nang walang anumang salita.
Sa study room, naroon sina Maricel at Richard.
“Nathaniel,” mahinahong sabi ni Maricel, “alam naming hindi mo gusto si Arabella. Pero malapit na siyang manganak. Mahinahon siya, matatag, at edukado naman siya. Siya ang klase ng babaeng kayang alagaan ang pamilya at ang iyong anak.”
Tahimik lang si Nathaniel.
Ngunit ang bahagyang pagkakunot ng noo nito ay sapat na upang ipakita ang kanyang pagkainis sa sinabi nito.
Nagpatuloy si Richard.
“Sa ngayon, hindi dapat magbago ang iyong marital status. Kung ayaw mo talaga sa kanya, manatili muna kayo nang isa o hanggang dalawang taon.”
Dagdag pa ni Maricel, “Hintayin ninyong lumaki nang kaunti ang bata bago kayo maghiwalay. Alam mo namang maraming nagmamasid sa pamilya natin.”
Makalipas ang ilang sandali, malamig na sumagot si Nathaniel.
“Naiintindihan ko.”
Nang bumalik si Arabella sa sala, sinabi ni Maricel: “May biglaang trabaho si Nathaniel kaya umalis na siya. Ipapahatid na lang kita sa driver.”
“Sige po,” tugon ni Arabella.
Bago siya umalis, nagbilin pa si Maricel.
“Kahit buntis ka, hindi ibig sabihin pababayaan mo na sarili mo. Hindi sapat na mahal mo ang asawa mo. Kailangan marunong ka ring panatilihin ang halaga mo sa pamilyang ito.”
Walang naisagot si Arabella.
Ngunit malinaw sa kanya ang ibig sabihin ng mga salitang iyon.
Kung gusto niyang manatili sa pamilyang Monteverde, kailangan niyang magbago, dahil hindi pa siya sapat para dito.
Pagsapit ng gabi, ikinagulat niya nang umuwi si Nathaniel. Ang lalaking kaninang umaga ay humiling ng annulment.
“Magluto ka ng sopas at dalhin mo sa study room ko.”
Pagkasabi niyon, umakyat na ito.
Tahimik na nagtungo si Arabella sa kusina at naghanda ng mainit na sabaw.Pagpasok niya sa study, nakita niya si Nathaniel na abala sa pagbabasa ng mga dokumento.
Tahimik niyang inilapag ang sopas at agad ding lumabas.
Kahit mag-asawa sila, hindi sila nagsasama sa iisang silid.
Si Nathaniel ay natutulog sa master bedroom sa second floor. Si Arabella naman ay sa guest room ng first floor.
Kinabukasan, maagang naghanda ng masaganang almusal ang mga kasambahay.
Ngunit napansin ni Nathaniel na wala si Arabella.
“Nasaan siya?” malamig nitong tanong.
“Kanina pa po namin tinatawag, pero ayaw bumangon,” sagot ng isang kasambahay. “Parang reyna kung umasta. Buntis lang naman.”
Bahagyang kumunot ang noo ni Nathaniel.
“Puntahan ninyo. Gisingin niyo siya.”
Sa totoo lang, matagal nang gising si Arabella. Hinihintay lamang niyang makaalis ang kanyang asawa. Ngunit biglang pumasok ang kasambahay sa kanyang silid.
“Feeling amo ka pa talaga—”
“Kung hindi ako ang amo, ikaw ba?” malamig niyang putol.
Natigilan ang babae, dahil sa unang pagkakataon, lumalaban na si Arabella.
“Kapag inulit ninyo pa ang pagtrato ninyo sa akin, sasabihin ko kay Madam ang lahat tungkol sa inyo,” pagbabanta niya.
Walang naisagot ang kasambahay at tahimik na lumabas.
Pagdating ni Arabella sa dining room, nakita niyang nakaupo na si Nathaniel. Tinitigan siya nito.
Halatang mabigat ang kanyang katawan at hirap siyang maglakad dahil sa pagbubuntis.
“Hindi mo dapat asahan na sila ang laging mag-aadjust sa iyo,” malamig na sabi ni Nathaniel. “Buntis ka lang, hindi ka baldado.”
Parang tumigil ang mundo ni Arabella dahil napakapait ng mga salitang iyon.
Ngunit mahinahon lang siyang sumagot.
“Kung nahihirapan silang alagaan ako, pauwiin mo na lang sila. Kaya ko namang alagaan ang sarili ko,” tugon ni Arabella.
Lalong lumamig ang mukha ni Nathaniel. “Hindi ko hinihingi ang opinyon mo.”Tahimik na yumuko si Arabella.
Pagkatapos ay inutusan ni Nathaniel ang mga kasambahay.“Mula ngayon, hayaan ninyo siyang gumawa ng sarili niyang mga gawain,” sabi niya kay Arabella.
Pagkatapos ng almusal ay umalis na si Nathaniel para magtrabaho.
Ilang sandali lamang ang lumipas, umalis din si Arabella at nagtungo sa University of Santo Tomas.
Sa loob ng opisina, tahimik na naghihintay si Professor Lhanze. Maayos ang suot nitong suit, may suot na rimless glasses, at taglay ang malamig ngunit propesyonal na aura.
Dahan-dahang kumatok si Arabella sa pinto.
Agad na napalingon ang babae sa pintuan, tiningnan niya ang lalaki ngunit hindi man lang siya nito tiningnan pabalik. Mabilis na lumapit si Raiza, inabot ang pambahay na tsinelas nito at kinuha ang itim na coat na suot niya.Sakto naman na lumabas ng kwarto si Catherine. Nang makita si Nathaniel na kakauwi lang, nagtanong siya agad.“Kumain ka na ba?”Tumango lang ang lalaki bilang tugon bago tahimik na umakyat sa second floor ng bahay.Dahan-dahang binawi ni Arabella ang kanyang tingin.Kinabukasan tinawagan ni Catherine si Lorenzo, sinabi nito na nais munang muling suriin ng kabilang panig bago magdesisyon kung itutuloy pa ba nila ang pagpirma ng kontrata.Nang marinig iyon ni Arabella, hindi niya maiwasang magduda.Sa mundo ng negosyo, kapag malapit nang mapirmahan ang isang kasunduan at biglang may ganitong dahilan, kadalasan ay palusot lamang iyon. Ninety percent ng mga ganitong kaso ay nauuwi sa pagkansela ng kontrata.Malinaw na may nangyaring problema sa pinakahuling parte ng
Nagsimula ng kumanta ang TheJuans, lalo ng natuwa ang mga tao na nanunuod. Tuluyan ng naging masaya ang buong concert hall. Tuluyan nang nawalan ng gana si Chriztle dahil sa mga taong nakita niya kanina.Sa kabutihang-palad, unang nag perform ang isa sa mga paborito niyang banda. Talagang maganda ang concert ngayon kumpara noong nakaraang taon.Habang nakikinig sa musika, unti-unting nailalayo ni Arabella ang isip niya kay Nathaniel.Sa totoo lang, hindi naman talaga siya ganoon kadaling naka-move on gaya ng ipinapakita niya.Ngunit nang makita niya ang susunod na aakyat sa entablado, bahagyang nanigas siya.Nakasuot si Valentina ng isang kulay-lilang strapless gown na puno ng kumikislap na mga dyamante. Nakaayos pataas ang mahaba nitong buhok at lalong namumukod-tangi ang maganda nitong mukha. Para itong nagniningning sa ilalim ng mga ilaw.Mula sa kinauupuan ni Arabella, kitang-kita niya ang tagiliran ng mukha ni Nathaniel.Nakatitig ito sa dalaga sa entablado nang may buong atensyon.
Pagkatapos ng tanghalian, alam ni Lhanze na may gustong pag-usapan sina Nathaniel at Sir Jim, kaya nagpaalam siya at umalis kasama ang iba pang guro ng paaralan.Habang naglalakad ang dalawa, biglang nagtanong ang matanda.“Napag-isipan mo na ba kung ano ang ipapangalan mo sa anak mo?”Mabilis na sumagot ang lalaki,“Hihintayin po muna namin na ipanganak ang bata bago po kami mag desisyon.”Tumango ang matanda, pero ramdam pa rin ng lalaki ang mabigat na aura nito.“Kahit ano pa ang ginagawa mo ngayon, walang kasalanan ang bata. Isa ka nang taong may responsibilidad sa lipunan. Sana ay panindigan mo rin ang responsibilidad mo sa pamilya.”Sa kaibuturan ng kanyang puso, umaasa pa rin siyang mare-realize ng lalaki ang pagkakamali nito at magbabago.“Kapag hindi maayos ang paghawak sa pag-aasawa at relasyon, habang-buhay mong dadalhin ang epekto nito. Alam kong bata ka pa, matagumpay ang career, at kasama mo ang babaeng mahal mo. Sa edad mo, malamang iniisip mong kaya mong solusyonan ang
Binawi ni Valentina ang tingin niya at sumunod kay Andrei papasok ng restaurant.May nakatakda silang meeting sa isang nakatatanda kaya dumiretso sila sa isang pribadong silid.Pagkatapos mag hapunan nina Arabella, nabanggit na pala ni Dominic sa manager ng restaurant ang tungkol sa kanila kaya hindi na sila pinagbayad.Paglabas nila ng restaurant, nagsimula nang bumagsak ang ulan.“Hindi ko alam na maaga pala ang tag-ulan ngayon,” sabi ng Professor.Iniunat ng babae ang kamay niya upang saluhin ang patak ng ulan. Pagdampi nito sa kanyang palad ay agad siyang natuwa.“Oo nga. Mukhang mas lalamig din ang taon na ito,” sagot niya.Inalalayan siya ni Catherine pababa ng hagdan habang sabay silang naglakad papunta sa parking area ng restaurant.Bago sumakay si Arabella sa kotse, nagpaalam siya kay Professor Lhanze.Habang papunta naman si Lhanze sa sarili niyang sasakyan, napansin niya si Valentina na nakatayo hindi kalayuan.Suot nito ang kulay rosas na fur coat, nakalugay ang mahabang b
“Lolo!”Biglang may narinig na matamis at malambing na boses.Si Khloe ay nakasuot ng kulay rosas na jacket. Ang kanyang sumbrerong may tainga ng kuneho ay pataas-baba sa bawat galaw niya. Sa sobrang cute at lambing niya, para talaga siyang isang munting mabalahibong kuneho habang mabilis na tumatakbo papunta sa hardin. Maingat naman siyang sinusundan ng kanyang yaya.“Miss, dahan-dahan po,” nag-aalalang sabi ng yaya.Agad na lumapit si Angie sa kanyang apo at binuhat ito.“Naku, ang apo kong si Khloe! Mag-ingat ka, paano kung madapa ka?”Yumakap ang bata sa leeg ng kanyang lola at hinalikan ito sa pisngi.Napangiti agad ang matanda hanggang sa lumalim ang mga kulubot sa gilid ng kanyang mga mata. Hindi niya napigilang haplusin ang malambot na buhok ng bata.“Batiin mo si Uncle Nathaniel.”Tumingin si Khloe sa lalaki at malambing na ngumiti.“Hello Uncle Nath.”Lumambot ang tingin ng lalaki. Iniabot niya ang kanyang mga kamay.“Gusto mo bang magpabuhat kay Uncle?”Masunuring iniabot n
Napatingin si Lola Maricel sa kanilang dalawa at nagtanong, “Natapos na ba?”“Opo, natapos na po. Malaking tulong talaga si Pinsan. Kailangan ko siyang ilibre ng maayos na pagkain sa susunod.”“Dapat lang na ilibre mo siya, lagi ka nang humihingi sa kanya ng pabor.” sagot ng matanda.Matapos magpaalam sa mga nakatatanda, nagsuot na ang babae ng jacket at sumunod kay Nathaniel palabas.Naiparada na ng driver ni Nathaniel ang kotse sa tapat ng pinto. Dire-diretso itong nag lakad ito habang nakapamulsa at agad na sumakay ng kotse.Halos kakatila lang ng ulan kaya naman medyo madulas ang kalsada ngayon. Maingat na inalalayan si Arabella ng isang kasambahay mula sa pagbaba ng hagdan hanggang sa maihatid siya sa harap ng kotse.Sa loob ng sasakyan, ang lalaki ay nakatingin sa cellphone, mukhang may kausap o may mine-message. Hindi niya man lang tiningnan ang babae.Pagkasakay niya, agad isinara ng driver ang pinto at nag maneho palabas ng mansyon. Tahimik ang loob ng kotse, nag aalinlangan
Matagal bago natauhan si Arabella matapos ibaba ang cellphone. Hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig. “Uuwi ka?” tanong ng kanyang . Narinig din nito ang sinabi ni Nathaniel sa tawag.Sandaling natahimik ang babae bago sumagot.“Uuwi na po muna ako. Tingnan ko kung ano ang gusto niyang pag-usa
Agad na napatingin si Chriztle sa malaking tiyan ni Araella at mas lalong naging mapanukso ang ngiti niya. Inubos muna niya ang laman ng baso niya at malakas itong ibinaba sa mesa."Talaga palang mahilig mang-agaw ng lalaki si Valentina. Siguro walang may gusto sa kanya noong nakaraan niyang buhay
Nang makabali siya sa kanyang lamesa ay agad niyang minessage si Professor Lhanze. Gusto niya kumpirmahin ang narinig niya kanina sa mga empleyado tungkol sa project na nawala sa kumpanya nila.Arabella: Professor, nakuha ba ninyo ang project ng Mondragon Shipping Investment?Habang hinihintay niya
Hindi nag tagal ay huminto na ang sasakyan sa tabi ng istasyon.Dahan-dahang bumaba si Arabella hindi man lang siya pinagbuksan ng pinto ng asawa niya. Pagsara ng pinto, agad siyang sinalubong ng malamig na hangin ng gabi. Agad na namula ang kanyang mga mata. Naglakad na siya patungo sa istasyon. H







