Share

Chapter 3

Author: Sienna Fox
last update Petsa ng paglalathala: 2026-05-20 14:36:55

Nanatiling nakaupo lang si Arabella sa kama habang hawak ang tiyan. Sa labas ng bintana, unti-unti nang lumulubog ang araw. 

Ilang sandali pa ay biglang tumunog ang kanyang cellphone.

Saglit siyang natigilan bago ito dahan-dahang dinampot mula sa kama. Nang makita niya ang pangalan sa screen, bahagyang gumalaw ang kanyang ekspresyon. 

Nang makita kung sino ang tumatawag, agad niya itong sinagot.

“Professor Lhanze napatawag po kayo?”

Sa kabilang linya, diretso ang boses nito.

“May bakanteng slot para sa doctoral studies sa UST,” diretso nitong sabi. “Gusto mo bang ituloy?” 

Napahinto si Arabella, at natahimik siya. Ngunit sa loob niya, parang may kung anong matagal nang natutulog ang biglang nagising.

Parang may humintong tibok sa loob ng dibdib ni Arabella.

Doctoral studies. Pangarap niya iyon noon bago siya naging asawa ni Nathaniel. 

“Kung hindi ka pa handa, pwede naman—”

“Pupunta po ako,” mabilis ang sagot niya. Halos hindi niya pinag-isipan. 

Sa kabilang linya, bahagyang natahimik ang propesor. Marahil ay nagulat ito.

Dahil alam ni Professor Lhanze kung gaano kamahal ni Arabella si Nathaniel. Kung paanong halos lahat ng desisyon niya sa buhay ay unti-unting umikot dito. Kung paano nito unti-unting isinuko ang mga plano at pangarap para manatili sa tabi ng lalaking hindi naman siya mahal nito.

“Kailan po?” mahina tanong Arabella.

“Bukas, alas-diyes. Pumunta ka sa opisina ko,” sabi nito kalaunan.

“Sige po.”

Pagkababa ng tawag, napabuntong-hininga si Arabella bago marahang sumandal sa headboard ng kama. Hindi niya maipaliwanag ang biglang gaan sa dibdib niya. Hindi pa iyon saya, pero sa unang pagkakataon, parang may bahagi sa kanyang gustong mabuhay muli. 

Dahan-dahan niyang tinanggap ang isang katotohanang pilit niyang iniiwasan. Na kailanman ay hindi siya mamahalin ni Nathaniel. Hindi magbabago ito kahit pa dinadala niya ang anak nito sa sinapupunan.

Makalipas ang ilang minuto, muling tumunog ang cellphone niya. Tumawag si Maricel Monteverde, at pinapabalik siya sa lumang mansyon.

Siguro dahil nalaman na nito ang resulta ng check-up at ang kasarian ng batang dinadala niya. 

Tahimik siyang tumayo at nagtungo sa banyo upang maligo.

Pagharap niya sa salamin matapos magbihis, saglit siyang natigilan.

Halatang pagod ang mukha niya. Namamaga ang kanyang mga mata dahil ilang araw na siyang walang maayos na tulog.

Hindi niya maalala kung kailan siya huling tumingin sa sarili nang hindi nakakaramdam ng lungkot. 

Tahimik siyang naglagay ng kaunting makeup para maitago ito. Nagsuot siya ng pink na jacket at puting sumbrero bago dahan-dahang lumabas ng silid.

Ngunit bago pa siya tuluyang makalabas ng bahay, tumunog muli ang kanyang cellphone.

Natigilan siya nang makita niya ang pangalan ni Nathaniel. Sinagot niya ang tawag.

“Lumabas ka,”  Malamig at walang emosyon ang boses nito.

“Sige.”

Paglabas niya ng villa, agad niyang nakita ang nakaparadang Lexus sa harap ng bahay. Hindi niya napigilang mapatitig doon nang ilang segundo, dahil dalawang oras pa lamang ang nakalipas mula nang makita niyang sakay roon ang ibang babae.

Huminga siya nang malalim bago tuluyang sumakay.

Pagkapasok niya, agad sumalubong sa kanya ang matamis na pabango ng babae.

Napatingin si Arabella sa pink na teddy bear na naiwan sa upuan. Pagkatapos ay sa hair tie na suot ni Nathaniel sa pulso nito. Simpleng bagay lang iyon, pero parang masyadong personal para hindi niya maintindihan ang ibig sabihin. 

Tahimik siyang umupo at diretsong tumingin sa labas ng bintana habang umaandar ang sasakyan.

Noon, pilit pa siyang naghahanap ng paraan upang kausapin si Nathaniel. Ngayon, pakiramdam niya ay ubos na ubos na siya.

“Ano raw gender ng bata?” malamig na tanong ni Nathaniel pagkaraan ng ilang minutong katahimikan.

“Babae,” mahina niyang sagot.

Walang emosyong tumango lang si Nathaniel habang nakapukos lang sa pagmamaneho.

Ngunit ilang segundo ang lumipas bago muli itong nagsalita.

“Pagkapanganak mo, magpa-annul na tayo.”

Mahigpit na napahawak si Arabella sa laylayan ng kanyang damit. Alam niyang darating ang araw na makikipaghiwalay sa kanya ito.

Pero iba pa rin pala kapag narinig mo mismo mula sa taong matagal mong minahal.

“Sige.”

Isang salita lamang iyon.

Ngunit sa likod ng simpleng sagot na iyon, unti-unti ring tinatanggap ni Arabella na maghihiwalay din sila ni Nathaniel.  

Darating din pala talaga ang araw na mawawala si Nathaniel sa buhay niya.

Tahimik siyang napatingin sa labas ng bintana habang marahang pinaglalaruan ang kanyang mga kuko. Huminga siya nang malalim, pilit pinapakalma ang sarili kahit mabigat ang dibdib niya.

Kailangan niyang maging matatag para sa anak niya. Kailangan niyang maisilang nang ligtas ang batang dinadala niya. 

At pagkatapos noon… aalis na siya.

Hindi niya alam kung gaano kasakit ang tuluyang bitawan ang lalaking minahal niya sa loob ng maraming taon.

Pero siguro, nakakapagod din palang umasa nang paulit-ulit hanggang sa isang araw, kusa ka na lang mapagod. 

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • The Wife's Crushing Strike: You Rejected Me First, Remember?   Chapter 41

    Agad na napalingon ang babae sa pintuan, tiningnan niya ang lalaki ngunit hindi man lang siya nito tiningnan pabalik. Mabilis na lumapit si Raiza, inabot ang pambahay na tsinelas nito at kinuha ang itim na coat na suot niya.Sakto naman na lumabas ng kwarto si Catherine. Nang makita si Nathaniel na kakauwi lang, nagtanong siya agad.“Kumain ka na ba?”Tumango lang ang lalaki bilang tugon bago tahimik na umakyat sa second floor ng bahay.Dahan-dahang binawi ni Arabella ang kanyang tingin.Kinabukasan tinawagan ni Catherine si Lorenzo, sinabi nito na nais munang muling suriin ng kabilang panig bago magdesisyon kung itutuloy pa ba nila ang pagpirma ng kontrata.Nang marinig iyon ni Arabella, hindi niya maiwasang magduda.Sa mundo ng negosyo, kapag malapit nang mapirmahan ang isang kasunduan at biglang may ganitong dahilan, kadalasan ay palusot lamang iyon. Ninety percent ng mga ganitong kaso ay nauuwi sa pagkansela ng kontrata.Malinaw na may nangyaring problema sa pinakahuling parte ng

  • The Wife's Crushing Strike: You Rejected Me First, Remember?   Chapter 40

    Nagsimula ng kumanta ang TheJuans, lalo ng natuwa ang mga tao na nanunuod. Tuluyan ng naging masaya ang buong concert hall. Tuluyan nang nawalan ng gana si Chriztle dahil sa mga taong nakita niya kanina.Sa kabutihang-palad, unang nag perform ang isa sa mga paborito niyang banda. Talagang maganda ang concert ngayon kumpara noong nakaraang taon.Habang nakikinig sa musika, unti-unting nailalayo ni Arabella ang isip niya kay Nathaniel.Sa totoo lang, hindi naman talaga siya ganoon kadaling naka-move on gaya ng ipinapakita niya.Ngunit nang makita niya ang susunod na aakyat sa entablado, bahagyang nanigas siya.Nakasuot si Valentina ng isang kulay-lilang strapless gown na puno ng kumikislap na mga dyamante. Nakaayos pataas ang mahaba nitong buhok at lalong namumukod-tangi ang maganda nitong mukha. Para itong nagniningning sa ilalim ng mga ilaw.Mula sa kinauupuan ni Arabella, kitang-kita niya ang tagiliran ng mukha ni Nathaniel.Nakatitig ito sa dalaga sa entablado nang may buong atensyon.

  • The Wife's Crushing Strike: You Rejected Me First, Remember?   Chapter 39

    Pagkatapos ng tanghalian, alam ni Lhanze na may gustong pag-usapan sina Nathaniel at Sir Jim, kaya nagpaalam siya at umalis kasama ang iba pang guro ng paaralan.Habang naglalakad ang dalawa, biglang nagtanong ang matanda.“Napag-isipan mo na ba kung ano ang ipapangalan mo sa anak mo?”Mabilis na sumagot ang lalaki,“Hihintayin po muna namin na ipanganak ang bata bago po kami mag desisyon.”Tumango ang matanda, pero ramdam pa rin ng lalaki ang mabigat na aura nito.“Kahit ano pa ang ginagawa mo ngayon, walang kasalanan ang bata. Isa ka nang taong may responsibilidad sa lipunan. Sana ay panindigan mo rin ang responsibilidad mo sa pamilya.”Sa kaibuturan ng kanyang puso, umaasa pa rin siyang mare-realize ng lalaki ang pagkakamali nito at magbabago.“Kapag hindi maayos ang paghawak sa pag-aasawa at relasyon, habang-buhay mong dadalhin ang epekto nito. Alam kong bata ka pa, matagumpay ang career, at kasama mo ang babaeng mahal mo. Sa edad mo, malamang iniisip mong kaya mong solusyonan ang

  • The Wife's Crushing Strike: You Rejected Me First, Remember?   Chapter 38

    Binawi ni Valentina ang tingin niya at sumunod kay Andrei papasok ng restaurant.May nakatakda silang meeting sa isang nakatatanda kaya dumiretso sila sa isang pribadong silid.Pagkatapos mag hapunan nina Arabella, nabanggit na pala ni Dominic sa manager ng restaurant ang tungkol sa kanila kaya hindi na sila pinagbayad.Paglabas nila ng restaurant, nagsimula nang bumagsak ang ulan.“Hindi ko alam na maaga pala ang tag-ulan ngayon,” sabi ng Professor.Iniunat ng babae ang kamay niya upang saluhin ang patak ng ulan. Pagdampi nito sa kanyang palad ay agad siyang natuwa.“Oo nga. Mukhang mas lalamig din ang taon na ito,” sagot niya.Inalalayan siya ni Catherine pababa ng hagdan habang sabay silang naglakad papunta sa parking area ng restaurant.Bago sumakay si Arabella sa kotse, nagpaalam siya kay Professor Lhanze.Habang papunta naman si Lhanze sa sarili niyang sasakyan, napansin niya si Valentina na nakatayo hindi kalayuan.Suot nito ang kulay rosas na fur coat, nakalugay ang mahabang b

  • The Wife's Crushing Strike: You Rejected Me First, Remember?   Chapter 37

    “Lolo!”Biglang may narinig na matamis at malambing na boses.Si Khloe ay nakasuot ng kulay rosas na jacket. Ang kanyang sumbrerong may tainga ng kuneho ay pataas-baba sa bawat galaw niya. Sa sobrang cute at lambing niya, para talaga siyang isang munting mabalahibong kuneho habang mabilis na tumatakbo papunta sa hardin. Maingat naman siyang sinusundan ng kanyang yaya.“Miss, dahan-dahan po,” nag-aalalang sabi ng yaya.Agad na lumapit si Angie sa kanyang apo at binuhat ito.“Naku, ang apo kong si Khloe! Mag-ingat ka, paano kung madapa ka?”Yumakap ang bata sa leeg ng kanyang lola at hinalikan ito sa pisngi.Napangiti agad ang matanda hanggang sa lumalim ang mga kulubot sa gilid ng kanyang mga mata. Hindi niya napigilang haplusin ang malambot na buhok ng bata.“Batiin mo si Uncle Nathaniel.”Tumingin si Khloe sa lalaki at malambing na ngumiti.“Hello Uncle Nath.”Lumambot ang tingin ng lalaki. Iniabot niya ang kanyang mga kamay.“Gusto mo bang magpabuhat kay Uncle?”Masunuring iniabot n

  • The Wife's Crushing Strike: You Rejected Me First, Remember?   Chapter 36

    Napatingin si Lola Maricel sa kanilang dalawa at nagtanong, “Natapos na ba?”“Opo, natapos na po. Malaking tulong talaga si Pinsan. Kailangan ko siyang ilibre ng maayos na pagkain sa susunod.”“Dapat lang na ilibre mo siya, lagi ka nang humihingi sa kanya ng pabor.” sagot ng matanda.Matapos magpaalam sa mga nakatatanda, nagsuot na ang babae ng jacket at sumunod kay Nathaniel palabas.Naiparada na ng driver ni Nathaniel ang kotse sa tapat ng pinto. Dire-diretso itong nag lakad ito habang nakapamulsa at agad na sumakay ng kotse.Halos kakatila lang ng ulan kaya naman medyo madulas ang kalsada ngayon. Maingat na inalalayan si Arabella ng isang kasambahay mula sa pagbaba ng hagdan hanggang sa maihatid siya sa harap ng kotse.Sa loob ng sasakyan, ang lalaki ay nakatingin sa cellphone, mukhang may kausap o may mine-message. Hindi niya man lang tiningnan ang babae.Pagkasakay niya, agad isinara ng driver ang pinto at nag maneho palabas ng mansyon. Tahimik ang loob ng kotse, nag aalinlangan

  • The Wife's Crushing Strike: You Rejected Me First, Remember?   Chapter 26

    Matagal bago natauhan si Arabella matapos ibaba ang cellphone. Hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig. “Uuwi ka?” tanong ng kanyang . Narinig din nito ang sinabi ni Nathaniel sa tawag.Sandaling natahimik ang babae bago sumagot.“Uuwi na po muna ako. Tingnan ko kung ano ang gusto niyang pag-usa

  • The Wife's Crushing Strike: You Rejected Me First, Remember?   Chapter 25

    Agad na napatingin si Chriztle sa malaking tiyan ni Araella at mas lalong naging mapanukso ang ngiti niya. Inubos muna niya ang laman ng baso niya at malakas itong ibinaba sa mesa."Talaga palang mahilig mang-agaw ng lalaki si Valentina. Siguro walang may gusto sa kanya noong nakaraan niyang buhay

  • The Wife's Crushing Strike: You Rejected Me First, Remember?   Chapter 23

    Nang makabali siya sa kanyang lamesa ay agad niyang minessage si Professor Lhanze. Gusto niya kumpirmahin ang narinig niya kanina sa mga empleyado tungkol sa project na nawala sa kumpanya nila.Arabella: Professor, nakuha ba ninyo ang project ng Mondragon Shipping Investment?Habang hinihintay niya

  • The Wife's Crushing Strike: You Rejected Me First, Remember?   Chapter 22

    Hindi nag tagal ay huminto na ang sasakyan sa tabi ng istasyon.Dahan-dahang bumaba si Arabella hindi man lang siya pinagbuksan ng pinto ng asawa niya. Pagsara ng pinto, agad siyang sinalubong ng malamig na hangin ng gabi. Agad na namula ang kanyang mga mata. Naglakad na siya patungo sa istasyon. H

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status