Share

Chapter 2

Author: Sienna Fox
last update Petsa ng paglalathala: 2026-05-20 14:36:34

Mabuti na lamang at napansin siya ng isang nurse, na agad siyang inalalayan pabalik sa loob ng ospital.

Ayon sa doktor, naapektuhan lamang ang sanggol dahil sa labis na stress at emosyon.

Matapos humupa ang pananakit ng kanyang tiyan, pinayagan siyang makauwi.

Mag-isa siyang nagmaneho pabalik sa kanilang tahanan sa Bel-Air—ang bahay na tinitirhan nilang mag-asawa mula nang sila ay ikasal.

Binigyan sila ng lola ni Nathaniel ng dalawang kasambahay para mag asikaso sa kanila at maalagaan ang pag bubuntis niya.

Ngunit pagdating niya sa bahay, isang pamilyar na eksena na naman ang bumungad kay Arabella. Hindi pa man siya tuluyang nakakapasok ay rinig na niya ang masayang tawanan mula sa sala.

Komportableng nakaupo roon ang dalawang kasambahay habang masayang kumakain ng mga pagkaing nakahain sa mesa. Nakabukas pa ang telebisyon at tila wala silang anumang inaalalang gawain sa bahay. Na para bang sila ang tunay na may-ari ng mansyon. 

Samantalang siya, ang legal na asawa ni Nathaniel Monteverde, ay pakiramdam niyang isa lamang siyang bisita at hindi kailanman naging bahagi sa bahay na iyon. 

Pagkakita kay Arabella, agad na tumayo ang isa sa mga kasambahay at dahan-dahang lumapit sa kanya.

“Kumusta ang resulta ng check-up mo?”

May ngiti naman ito sa labi, ngunit hindi nakaligtas kay Arabella ang kakaibang tono ng boses nito—iyong tipong parang hindi ito tunay na nag-aalala kundi naghihintay lamang ng kung anong mapag-uusapan ng kasama niya.

Tahimik lamang tumingin si Arabella dito bago marahang umiwas at nagtungo sa hagdan, dahil wala na siyang lakas para makipagtalo. 

Buong araw nang mabigat ang dibdib niya, at pakiramdam niya ay sapat na ang lahat ng narinig at nakita niya para ubusin ang natitira niyang lakas.

Ngunit bago pa man siya tuluyang makalayo, muli niyang narinig ang boses ng katulong.

“Kinakausap kita ah. Matuto ka namang sumagot.”

Bahagyang humigpit ang hawak ni Arabella sa railing ng hagdan, pero hindi siya lumingon. Dahil sanay nang marinig ang malamig na tono ng mga taong nakapaligid sa kanya sa bahay na iyon.

“Akala yata porke buntis, importante na siya,” dagdag pa ng babae, bago ito marahang natawa kasama ang isa pang kasambahay.

“Para namang baboy kung maglakad. Akala mo naman kung sino kung umasta. Nakikitira lang naman dito,” pang-iinsultong dagdag pa nito.

Napapikit si Arabella.

Saglit siyang napahinto sa pag-akyat, ngunit agad din niyang pinilit na kumilos muli.

Hindi na iyon bago sa pandinig niya.

Sa loob ng ilang buwang pananatili niya sa bahay na iyon, paulit-ulit na niyang narinig ang iba’t ibang bersyon ng parehong pang-iinsulto.

Wala raw siyang dating para maging asawa ng isang Monteverde. 

Kahit anong ayos daw niya, hindi pa rin nawawala ang pagiging ordinaryo niya. 

At higit sa lahat, isa lamang daw siyang babaeng kumapit sa pagbubuntis para maikasal sa lalaking hindi naman siya mahal.

Pagkapasok sa silid, marahang isinara ni Arabella ang pinto bago sandaling sumandal dito. Nakahinga siya nang maluwag dahil sa wakas, nakalayo rin siya sa mga matang mapanghusga at mga bulong na matagal na niyang pilit binabalewala.

Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa kama at maingat na umupo sa gilid nito. Ngunit sa sandaling wala nang ibang taong nakatingin sa kanya, tila doon din tuluyang bumigay ang natitira niyang lakas. .

Napayuko siya at marahang ipinikit ang mga mata. Pakiramdam niya ay wala nga siyang halaga.

Pagod na pagod na si Arabella. Minsan naiisip niya kung paano nauwi sa ganoon ang buhay niya. 

Hindi naman niya kailanman pinangarap na mapasok sa marangyang mundo ng mga Monteverde. Ngunit dahil sa batang dinadala niya, napilitan silang magpakasal ni Nathaniel.

Ang totoo, si Maricel Monteverde—ang lola ni Nathaniel—ang mismong nagpilit sa kasal nila.

Noong mga panahong iyon, kritikal ang kondisyon ng asawa nitong si Richard Monteverde. Halos mawalan na ng pag-asa ang buong pamilya habang nakahiga sa ospital ang matandang lalaki.

At kasabay noon, nalaman nilang buntis si Arabella.

Dahil sa isang matandang pamahiin, naniwala si Maricel na magdadala ng swerte sa pamilya ang pagpapakasal ng kanyang apo sa isang babaeng nagdadalang-tao.

At tila naniwala lalo ang lahat nang unti-unting bumuti ang kondisyon ni Richard matapos ang kasal nila.

Mula noon, bahagyang naging maayos ang pakikitungo ni Maricel sa kanya.

Ngunit hanggang doon lang iyon.

Kailanman ay hindi siya tunay na tinanggap ng pamilya Monteverde.

Sa mga mata ng mga ito, isa lamang siyang ordinaryong babaeng sinuwerte dahil nabuntis.

Isang babaeng pilit sumisingit sa mundong hindi naman talaga para sa kanya.

Napabuntong-hininga si Arabella bago dahan-dahang ipinatong ang kanyang palad sa nakaumbok niyang tiyan.

Bahagyang gumalaw ang sanggol sa loob nito.

Pagkatapos ang nangyari sa kanya maghapon, saka lamang bahagyang lumambot ang kanyang ekspresyon. Dahil nalaman niyang babae ang kanyang dinadala. Isang maliit na prinsesa.

Hindi niya namalayang bahagyang napangiti ang kanyang mga labi.

Sa gitna ng malamig at mapanghusgang mundong ito, mayroon siyang isang taong magiging kanya.

Isang nilalang na mamahalin siya nang buong puso, at magiging dahilan upang patuloy siyang lumaban.

Marahan niyang hinaplos ang kanyang tiyan habang unti-unting namumuo ang luha sa kanyang mga mata.

“Anak…” mahina niyang bulong.

Saglit siyang natigilan, tila pinipigilan ang bigat sa kanyang dibdib.

“Ikaw na lang ang meron si Mama.”

Habang marahan niyang hinahaplos ang sariling tiyan, tahimik siyang nangako sa sarili.

Anuman ang mangyari, hindi niya hahayaang maramdaman ng anak niya ang lungkot na matagal na niyang kinikimkim.

Kahit wala siyang kakampi. At kahit mapagod siya, poprotektahan niya ang batang ito. At mamahalin nang higit pa sa paraan ng pagmamahal na kailanman ay hindi niya natanggap.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • The Wife's Crushing Strike: You Rejected Me First, Remember?   Chapter 41

    Agad na napalingon ang babae sa pintuan, tiningnan niya ang lalaki ngunit hindi man lang siya nito tiningnan pabalik. Mabilis na lumapit si Raiza, inabot ang pambahay na tsinelas nito at kinuha ang itim na coat na suot niya.Sakto naman na lumabas ng kwarto si Catherine. Nang makita si Nathaniel na kakauwi lang, nagtanong siya agad.“Kumain ka na ba?”Tumango lang ang lalaki bilang tugon bago tahimik na umakyat sa second floor ng bahay.Dahan-dahang binawi ni Arabella ang kanyang tingin.Kinabukasan tinawagan ni Catherine si Lorenzo, sinabi nito na nais munang muling suriin ng kabilang panig bago magdesisyon kung itutuloy pa ba nila ang pagpirma ng kontrata.Nang marinig iyon ni Arabella, hindi niya maiwasang magduda.Sa mundo ng negosyo, kapag malapit nang mapirmahan ang isang kasunduan at biglang may ganitong dahilan, kadalasan ay palusot lamang iyon. Ninety percent ng mga ganitong kaso ay nauuwi sa pagkansela ng kontrata.Malinaw na may nangyaring problema sa pinakahuling parte ng

  • The Wife's Crushing Strike: You Rejected Me First, Remember?   Chapter 40

    Nagsimula ng kumanta ang TheJuans, lalo ng natuwa ang mga tao na nanunuod. Tuluyan ng naging masaya ang buong concert hall. Tuluyan nang nawalan ng gana si Chriztle dahil sa mga taong nakita niya kanina.Sa kabutihang-palad, unang nag perform ang isa sa mga paborito niyang banda. Talagang maganda ang concert ngayon kumpara noong nakaraang taon.Habang nakikinig sa musika, unti-unting nailalayo ni Arabella ang isip niya kay Nathaniel.Sa totoo lang, hindi naman talaga siya ganoon kadaling naka-move on gaya ng ipinapakita niya.Ngunit nang makita niya ang susunod na aakyat sa entablado, bahagyang nanigas siya.Nakasuot si Valentina ng isang kulay-lilang strapless gown na puno ng kumikislap na mga dyamante. Nakaayos pataas ang mahaba nitong buhok at lalong namumukod-tangi ang maganda nitong mukha. Para itong nagniningning sa ilalim ng mga ilaw.Mula sa kinauupuan ni Arabella, kitang-kita niya ang tagiliran ng mukha ni Nathaniel.Nakatitig ito sa dalaga sa entablado nang may buong atensyon.

  • The Wife's Crushing Strike: You Rejected Me First, Remember?   Chapter 39

    Pagkatapos ng tanghalian, alam ni Lhanze na may gustong pag-usapan sina Nathaniel at Sir Jim, kaya nagpaalam siya at umalis kasama ang iba pang guro ng paaralan.Habang naglalakad ang dalawa, biglang nagtanong ang matanda.“Napag-isipan mo na ba kung ano ang ipapangalan mo sa anak mo?”Mabilis na sumagot ang lalaki,“Hihintayin po muna namin na ipanganak ang bata bago po kami mag desisyon.”Tumango ang matanda, pero ramdam pa rin ng lalaki ang mabigat na aura nito.“Kahit ano pa ang ginagawa mo ngayon, walang kasalanan ang bata. Isa ka nang taong may responsibilidad sa lipunan. Sana ay panindigan mo rin ang responsibilidad mo sa pamilya.”Sa kaibuturan ng kanyang puso, umaasa pa rin siyang mare-realize ng lalaki ang pagkakamali nito at magbabago.“Kapag hindi maayos ang paghawak sa pag-aasawa at relasyon, habang-buhay mong dadalhin ang epekto nito. Alam kong bata ka pa, matagumpay ang career, at kasama mo ang babaeng mahal mo. Sa edad mo, malamang iniisip mong kaya mong solusyonan ang

  • The Wife's Crushing Strike: You Rejected Me First, Remember?   Chapter 38

    Binawi ni Valentina ang tingin niya at sumunod kay Andrei papasok ng restaurant.May nakatakda silang meeting sa isang nakatatanda kaya dumiretso sila sa isang pribadong silid.Pagkatapos mag hapunan nina Arabella, nabanggit na pala ni Dominic sa manager ng restaurant ang tungkol sa kanila kaya hindi na sila pinagbayad.Paglabas nila ng restaurant, nagsimula nang bumagsak ang ulan.“Hindi ko alam na maaga pala ang tag-ulan ngayon,” sabi ng Professor.Iniunat ng babae ang kamay niya upang saluhin ang patak ng ulan. Pagdampi nito sa kanyang palad ay agad siyang natuwa.“Oo nga. Mukhang mas lalamig din ang taon na ito,” sagot niya.Inalalayan siya ni Catherine pababa ng hagdan habang sabay silang naglakad papunta sa parking area ng restaurant.Bago sumakay si Arabella sa kotse, nagpaalam siya kay Professor Lhanze.Habang papunta naman si Lhanze sa sarili niyang sasakyan, napansin niya si Valentina na nakatayo hindi kalayuan.Suot nito ang kulay rosas na fur coat, nakalugay ang mahabang b

  • The Wife's Crushing Strike: You Rejected Me First, Remember?   Chapter 37

    “Lolo!”Biglang may narinig na matamis at malambing na boses.Si Khloe ay nakasuot ng kulay rosas na jacket. Ang kanyang sumbrerong may tainga ng kuneho ay pataas-baba sa bawat galaw niya. Sa sobrang cute at lambing niya, para talaga siyang isang munting mabalahibong kuneho habang mabilis na tumatakbo papunta sa hardin. Maingat naman siyang sinusundan ng kanyang yaya.“Miss, dahan-dahan po,” nag-aalalang sabi ng yaya.Agad na lumapit si Angie sa kanyang apo at binuhat ito.“Naku, ang apo kong si Khloe! Mag-ingat ka, paano kung madapa ka?”Yumakap ang bata sa leeg ng kanyang lola at hinalikan ito sa pisngi.Napangiti agad ang matanda hanggang sa lumalim ang mga kulubot sa gilid ng kanyang mga mata. Hindi niya napigilang haplusin ang malambot na buhok ng bata.“Batiin mo si Uncle Nathaniel.”Tumingin si Khloe sa lalaki at malambing na ngumiti.“Hello Uncle Nath.”Lumambot ang tingin ng lalaki. Iniabot niya ang kanyang mga kamay.“Gusto mo bang magpabuhat kay Uncle?”Masunuring iniabot n

  • The Wife's Crushing Strike: You Rejected Me First, Remember?   Chapter 36

    Napatingin si Lola Maricel sa kanilang dalawa at nagtanong, “Natapos na ba?”“Opo, natapos na po. Malaking tulong talaga si Pinsan. Kailangan ko siyang ilibre ng maayos na pagkain sa susunod.”“Dapat lang na ilibre mo siya, lagi ka nang humihingi sa kanya ng pabor.” sagot ng matanda.Matapos magpaalam sa mga nakatatanda, nagsuot na ang babae ng jacket at sumunod kay Nathaniel palabas.Naiparada na ng driver ni Nathaniel ang kotse sa tapat ng pinto. Dire-diretso itong nag lakad ito habang nakapamulsa at agad na sumakay ng kotse.Halos kakatila lang ng ulan kaya naman medyo madulas ang kalsada ngayon. Maingat na inalalayan si Arabella ng isang kasambahay mula sa pagbaba ng hagdan hanggang sa maihatid siya sa harap ng kotse.Sa loob ng sasakyan, ang lalaki ay nakatingin sa cellphone, mukhang may kausap o may mine-message. Hindi niya man lang tiningnan ang babae.Pagkasakay niya, agad isinara ng driver ang pinto at nag maneho palabas ng mansyon. Tahimik ang loob ng kotse, nag aalinlangan

  • The Wife's Crushing Strike: You Rejected Me First, Remember?   Chapter 17

    Nang makauwi na sila Arabella at Catherine sa bahay, agad na nagpalit ng damit si Arabella at naglagay ng kaunting make-up para naman maging presentable siyang haharap sa kasama ng kanyang Prof. Nang tingnan niya ang sarili niya sa salamin medyo napang hinaan pa siya ng loob. Dahil para sa kanya k

  • The Wife's Crushing Strike: You Rejected Me First, Remember?   Chapter 9

    Kasabay nito sa Forbes Park sa bandang makati. Isa itong exclusive village ng mga mayayaman na matagal nang nakatayo. Bagama’t medyo luma na ito, nananatili pa rin ang karangyaan nito.Dahan-dahang huminto ang isang Bentley sa harap ng isang malaking bahay.Ito mismo ang dating mansyon ng pamilya Ro

  • The Wife's Crushing Strike: You Rejected Me First, Remember?   Chapter 7

    Nang marinig ni Joyce ang mga sinabi ni Arabella ay bigla siyang tumayo at mariin na hinampas ang lamesa.“Arabella!” Ngunit wala nang pakialam ang babae rito, tuluyan na siyang tumalikod at umalis. Pag balik niya sa kanyang lamesa, inilabas niya ang kanyang pocket mirror at tiningnan ang maliit n

  • The Wife's Crushing Strike: You Rejected Me First, Remember?   Chapter 6

    “Tapusin mo ang financial analysis ng bagong project bago mag tanghalian.”Bumalik si Arabella sa kanyang mesa.Kahit inilipat siya sa sekretarya bilang isang ordinaryong empleyado, marami pa ring trabahong hindi naman sakop ng posisyon niya ang pinapagawa sa kanya ni Joyce. Wala naman siyang magaw

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status