Mag-log inMalamig ang simoy ng hangin, pero hindi nito kayang palamigin ang apoy ng sakit na naglalagablab sa dibdib ko. Narito ako ngayon, nakatayo sa gitna ng siksikan at maingay na terminal ng bus. Ang amoy ng krudo, usok, at pawis ng mga taong nagmamadali ay tila sumasakal sa akin. Hawak ko nang mahigpit ang hawakan ng aking luma at kupas na maleta—ang tanging bagay na nag-uugnay sa akin sa buhay na pilit kong tinatakasan.
Lumingon ako sa huling pagkakataon sa kalsadang tinahak ko patungo rito. Wala akong nararamdamang pagsisisi, tanging isang malalim at mahapding sugat na alam kong hindi basta-basta maghihilom. Ang lahat ng alaala ng lugar na ito—ang mga tawa na naging hikbi, ang mga pangakong naging kasinungalingan—ay itatambak ko na sa limot. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Ang tanging malinaw sa akin ay kailangan kong mawala. Kailangan kong lumayo sa mga taong tumingin sa akin nang may panghuhusga, sa mga taong nagparamdam sa akin na wala akong halaga. “Miss, sasakay ka ba o tatayo ka lang diyan? Nakaharang ka sa daan,” reklamo ng isang lalakeng may pasan na sako. Mabilis akong humingi ng paumanhin at umatras sa gilid. Sa gitna ng kaguluhan ng terminal, pakiramdam ko ay isa akong ligaw na kaluluwa. Wala akong kamag-anak sa Maynila. Wala akong matutuluyan. Ang tanging baon ko ay ang kaunting perang pinag-ipunan ko nang palihim at ang matinding hangarin na hindi na muling magpapakita sa mga taong bumasag sa akin. Umupo ako sa isang bakanteng semento sa sulok. Doon ko naramdaman ang matinding panghihina. Hindi lang dahil sa pagod ng katawan, kundi dahil sa bigat ng mga katanungang hindi ko masagot. Paano ako mabubuhay sa lungsod? Ano ang gagawin ko sa gitna ng mundong hindi ko kabisado? Tinitigan ko ang aking mga palad. Malinis at malambot—isang patunay na hindi pa ako kailanman sumabak sa tunay na gyera ng buhay. Pero ngayong gabi, kailangan kong matutong lumaban. “Mukhang malalim ang iniisip natin, ah?” Napatingin ako sa aking tabi. Isang babaeng nasa kanyang late 40s ang nakaupo roon. May katabaan siya, nakasuot ng simpleng duster, at may bitbit na malaking bayong na punong-puno ng kung ano-ano. Bagaman pagod ang kanyang mukha, may kabutihan sa kanyang mga mata na tila ba nagbibigay ng kaunting liwanag sa madilim kong paligid. “Ah, opo. Medyo lang po,” tipid na sagot ko sabay iwas ng tingin. Mahigpit kong niyakap ang aking bag. Sa kalagayan ko ngayon, mahirap magtiwala. “Luluwas ka rin ba ng Maynila? Unang beses mo?” tanong uli ng babae. Hindi siya natitinag sa pagiging matipid ko sa salita. “Opo. Maghahanap po ng trabaho,” mahinang sagot ko. Tumawa siya nang mahina, isang tunog na tila nagbigay ng kaunting init sa aking nanlalamig na pakiramdam. “Ako si Juliet. Juliet Santos. Labing-limang taon na akong labas-masok sa Maynila. Doon ako nagtatrabaho bilang mayordoma sa isang malaking mansyon sa Makati. Katatapos lang ng bakasyon ko rito sa probinsya kaya heto, balik-kayod na naman.” Tumingin ako sa kanya. Mayordoma. Ibig sabihin, alam niya kung paano mabuhay sa lungsod. Sa mga sandaling ito, tila siya ang hulog ng langit na kailangan ko. “Nicole po,” pakilala ko sa sarili. “Mahirap po ba... mahirap po ba ang buhay doon?” Bumuntong-hininga si Aling Juliet habang inaayos ang kanyang bayong. “Mahirap kung wala kang tiyaga, neng. Pero kung may pangarap ka at wala kang inuurungang trabaho, kakayanin. Bakit, maganda ka namang bata, parang hindi ka sanay sa mabibigat na gawain. Mukha kang... anak-mayaman na naligaw lang dito.” Mapait akong napangiti sa loob ko. Anak-mayaman? Marahil noon. Pero ang babaeng nasa harap niya ngayon ay isang taong wala nang pagkakakilanlan, wala nang tahanan, at wala nang balikan. “Kailangan ko pong magtrabaho, Aling Juliet. Kahit ano po. Kahit tagalinis, tagapunas ng sahig... kahit ano, basta may matuluyan ako at makalayo sa lugar na ito.” Ramdam ko ang panginginig ng boses ko. Ang desperasyon ay tila isang malapot na likidong bumabara sa lalamunan ko. Natahimik si Aling Juliet. Tinitigan niya ako nang matagal, tila ba sinusuri kung totoo ba ang nakikita niya sa aking mga mata. Sa gitna ng ingay ng mga bus na bumubusina at sigawan ng mga dispatcher, ang katahimikan sa pagitan naming dalawa ay tila isang mabigat na pagsusulit. “Nagkataon naman, Nicole. Ang mansyong pinagtatrabahuhan ko... naghahanap sila ng dagdag na makakatulong sa gawaing bahay. Malaki ang mansyon, at ang pamilyang naninirahan doon ay isa sa pinakamayaman sa bansa. Pero babalaan kita, hindi madaling maging katulong doon. Lalo na ang batang amo... medyo masungit at mahirap intindihin.” Pagkadinig ko sa salitang "katulong," tila may kung anong kumurot sa dibdib ko. Mula sa pagiging prinsesa sa isang tahanang akala ko ay akin, ngayon ay papasok ako sa isang buhay na pagsisilbihan ang ibang tao. Pero wala akong pakialam. Mas gusto ko pang maging alila ng iba kaysa manatili sa ilalim ng mga aninong sumira sa akin dito sa probinsya. “Gagawin ko po ang lahat, Aling Juliet. Turuan niyo lang po ako. Hindi po ako takot sa hirap,” pagsusumamo ko. Hinawakan ko ang kamay niya, tila ito na ang huling pagkakataon ko para mabuhay. “Seryoso ka ba talaga, Nicole? Sa ganda mong iyan, baka kung ano lang ang mangyari sa iyo sa Maynila. Sigurado ka bang ito ang gusto mong tahakin?” “Sigurado na po ako, Aling Juliet. Wala na akong babalikan dito. Mas mapapahamak po ako kung mananatili ako sa lugar na ito na walang ginawa kundi saktan at balewalain ako,” sagot ko nang may determinasyon. Tumango siya, bakas ang paghanga at awa sa kanyang mukha. “Sige. Isasama kita. Pero huwag mong kakalimutan ang babala ko, Nicole. Ang mansyon ng mga Salazar ay puno ng karangyaan, pero may dala rin itong lungkot na hindi kayang bayaran ng kahit anong salapi.” Salazar. Ang pangalang iyon ay tila isang malakas na hudyat sa aking pandinig. Hindi ko alam kung bakit, pero naramdaman ko ang kakaibang kaba. Sumakay kami sa bus na patungong Maynila. Habang umaandar ang sasakyan at unti-unting naglalaho ang mga pamilyar na puno at kabukiran ng aking kinalakihan, naramdaman ko ang pagpatak ng isang butil ng luha. Pinahid ko agad iyon. Tapos na ang panahon ng pag-iyak. Habang nakasandal ang ulo ko sa bintana, pinanood ko ang unti-unting pagpalit ng dilim sa liwanag ng bukang-liwayway. Sa bawat kilometrong nilalakbay ng bus, tila mas lalong lumalayo ang Nicole na dating mahina at madaling saktan. Sino ang mga Salazar? At sino ang lalaking sinasabi ni Aling Juliet na mahirap pasiyahin? Hindi ko pa alam ang kasagutan, pero isa lang ang sigurado ko: sa pagpasok ko sa mansyong iyon, handa akong ibaba ang aking sarili. Handa akong maging anino. Handa akong maging katulong. Dahil sa dulo ng lahat ng pait na iniwan ko rito sa probinsya, naniniwala akong may naghihintay na bagong simula sa akin sa Maynila. Pagbaba namin sa Cubao, ang ingay at gulo ng lungsod ay agad na sumalubong sa amin. Ang init ay nakakasulasok, at ang dami ng tao ay nakakahilo. Pero habang naglalakad ako sa likod ni Aling Juliet, alam kong wala nang balikan. “Handa ka na ba, Nicole?” tanong niya bago kami pumara ng taxi patungong Makati. Huminga ako nang malalim, pilit na pinatatag ang aking kalooban. “Handa na po, Aling Juliet.” Handa na akong harapin ang bagong buhay na naghihintay sa akin. Kahit anong hirap, kahit anong pagsubok, kakayanin ko. Dahil wala na akong ibang matatakbuhan kundi ang hinaharap.Ang boses ni Gale ay yumanig sa buong sulok ng kusina, tila isang kulog na nagdala ng matinding bagyo. Halos mapatalon ako sa takot at awtomatikong nabitiwan ko ang basong hawak ko. Lumikha iyon ng matalim na tunog nang mabasag sa sahig, kasabay ng pagsabog ng tubig sa paligid ng aming mga paa.Mabilis na bumaba ang mga kamay ni Mike mula sa aking balikat. Hinarap niya si Gale na ngayon ay mabibigat ang hakbang na lumalapit sa amin. Nanlilisik ang mga mata ng aking asawa, umigting ang panga, at ang kaniyang mga kamao ay nakakuyom nang mahigpit na tila ba handang pumatay anumang oras."G-Gale..." kinakabahang untag ko nang tuluyan siyang makalapit sa amin. Halos magbuhol ang aking dila sa tindi ng kaba habang nakatitig sa nagbabago niyang anyo.Sininghap ko ang natitirang hangin sa aking baga nang bigla niyang ipulupot ang kaniyang bisig sa aking baywang—isang marahas at biglang pagkabig na walang kahit anong bahid ng lambing. Pagmamay-ari. Iyon ang isinisigaw ng kaniyang hawak. Halos
Halos hindi ako makahinga. Ang bawat salitang binitawan ni Gale ay parang patalim na isa-isang tumutusok sa aking puso—bawat talas ay may hatid na mas malalim at mas gumigiit na sakit. Wala na talagang lugar o hangganan ang pamamahiya niya sa akin; handa niya akong tapakan kahit sa harap ng ibang tao.Napasulyap ako kay Mike. Hindi na ngayon maipinta ang kaniyang mukha dahil sa narinig mula sa kaniyang pinsan. Tumingin siya sa akin nang diretso, tila may inaasahan siyang reaksyon o depensa mula sa aking mga labi, ngunit nanatiling tikom ang bibig ko. Ni hindi ko magawang itaas ang aking ulo, tila ba isang pusang takot na takot sa kaniyang amo.Dahil doon, malinaw kong nakita ang panandaliang pagkadismaya na dumaan sa mga mata ni Mike. Umigting ang kaniyang panga sa matinding pagtitimpi. Ngunit bago pa muling bumuka ang kaniyang bibig upang magsalita, mabilis nang sumabat si Rayjee na kanina pa tahimik na nagmamasid."Magsiupo na kayo. It's time to eat," pinal at maawtoridad na utos ni
Nanginginig ang mga daliri ko habang hawak ang maliit na brush ng aking blush-on. Paulit-ulit akong humihinga nang malalim sa harap ng salamin, pilit na pinatatahimik ang nagwawalang kaba sa aking dibdib. Sa pamamagitan ng makapal na makeup, sinubukan kong itago ang labis na pamumutla ng aking mukha at ang pamamaga ng aking mga mata mula sa walang humpay na pag-iyak ko kagabi.Nang ibaba ko nang bahagya ang kwelyo ng aking damit upang suriin ang sarili, awtomatikong napapikit ako sa pait. Ang mga marka na iniwan ng marahas at mapusok na pag-angkin ni Gale kagabi ay naroon pa rin sa aking balat—matingkad at tila nanunumbat. Mabilis kong kinuha ang concealer at mariin iyong idiniin sa aking leeg, sinisiguradong natatakpan ang bawat bakas bago ko tuluyang isinuot ang isang high-neck dress.Ang kabang nararamdaman ko ay mas nadadagdagan tuwing pumapatak ang bawat segundo. Pakiramdam ko, unti-unti akong kinakain ng takot. Natatakot ako sa maaaring gawin ni Mike. Natatakot ako na siya ang m
Matagal akong nakatitig sa cellphone na dumaadusdos sa kutson. Parang nawalan ng lakas ang mga bisig ko, habang ang kaniyang baritonong boses ay patuloy na umaatungal sa aking pandinig.𝐶𝑎𝑙𝑙𝑖𝑦𝑎ℎ...Buong buhay ko sa Maynila, itinago ko ang pangalang iyon. Ibinaon ko sa limot ang nakaraang nagdulot sa akin ng matinding sugat, ngunit sa isang iglap, nahanap ako ng multo ng kahapon. Paano niya nakuha ang numero ko? Gulong-gulo ang isip ko at unti-unting gumapang ang matinding paranoia sa bawat ugat ko.May posibilidad ba na alam na niya kung nasaan ako?Napahawak ako sa aking tiyan habang nanginginig, ramdam ang mabilis na tibok ng aking puso. "Hindi... hindi niya pwedeng malaman. Hindi niya pwedeng sirain ang buhay ko ngayon..." mahinang bulong ko sa sarili.Nanatili ako sa loob ng kwarto. Never na akong lumabas kahit na naramdaman ko na ang matinding uhaw; tiniis ko, huwag ko lang ulit makita ang mga Salazar.Nakahiga ako sa kama at hindi napapansin na bigla na lang sumisikip an
Nang imulat ko ang aking mga mata, sumalubong sa akin ang hindi pamilyar na kisame ng marangyang kwarto. Kasabay niyon ang marahas na pagbaliktad ng aking sikmura.I felt heavy, emotionally and physically drained.Kaya mabilis akong bumangon at napatakbo sa banyo para ilabas ang walang laman kong tiyan. My morning sickness was getting worse, isang malupit na paalala ng buhay na nagpabago sa tadhana ko at ng hawlang kapapasok ko pa lang.Napamumog ako bago napaangat ang ulo ko sa salamin. Mugto ang mga mata, walang kabuhay-buhay ang itsura ko. Tunay ngang nawala na ang dating Nicole. Hindi ko na halos makilala ang babaeng tinitingnan ko sa salamin.𝐴𝑚 𝐼 𝑟𝑒𝑎𝑙𝑙𝑦 𝑎 𝑆𝑎𝑙𝑎𝑧𝑎𝑟 𝑛𝑜𝑤? 𝐼𝑡𝑜 𝑏𝑎 𝑎𝑛𝑔 𝑔𝑎𝑛𝑡𝑖𝑚𝑝𝑎𝑙𝑎 𝑛𝑎 ℎ𝑖𝑛𝑎ℎ𝑎𝑛𝑔𝑎𝑑 𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑟𝑎𝑚𝑖ℎ𝑎𝑛? 𝐴𝑦𝑎𝑤 𝑘𝑜 𝑖𝑡𝑜. 𝑃𝑎𝑡𝑖 𝑛𝑎 𝑟𝑖𝑛 𝑎𝑛𝑔 𝑠𝑖𝑛𝑔𝑠𝑖𝑛𝑔 𝑠𝑎 𝑑𝑎𝑙𝑖𝑟𝑖 𝑘𝑜.Mariin kong naikuyom ang kamao ko.Kahit mabigat ang dibdib, pinilit kong inayos ang sarili ko, nagbabakasakali na bu
Madaling-araw pa lang ay gising na ako. Sa totoo lang, hindi naman talaga ako dinalaw ng antok. Nakatitig lang ako sa kawalan habang unti-unting pinalis ng liwanag ng bukang-liwayway ang kadiliman sa labas ng bintana. Ito na ang araw na babago sa takbo ng buhay ko—ang araw ng aking kasal.Gusto kong tumakas, magtago sa mga Salazar at ipalaglag na lang ang bata. Ngunit kung gagawin ko iyon, kakayanin kaya ng konsensya ko? Ang pumatay ng sarili kong dugo dahil lang sa takot ko sa hinaharap?"Hija, dahan-dahan lang sa paghinga," marahang bulong sa akin ni Aling Juliet habang maingat niyang inaayos ang likod ng aking pangkasal na bistida.Humarap ako sa malaking salamin. Ang repleksyong nakikita ko ay isang babaeng nakasuot ng napakagandang trahe de boda, ngunit ang kaniyang mga mata ay walang kabuhay-buhay. Walang bakas ng saya, walang pangarap. Tila ba hindi ako inayusan para sa isang kasal, kundi inihahanda para ihandog sa altar ng sakripisyo."Aling Juliet... natatakot po ako," pabulo
Binaba ako ni Mike sa harap ng bahay."Dito ka nakatira?"Napasulyap ako sa kanya. Hindi napansin na bumaba rin pala siya ngayon."Alam mo, Mike," mahinang sabi ko. Binalik ang tingin sa malaking bahay sa harap. "Kahit ilang taon na ako dito, namamangha pa rin ako sa talas ng mga linya nito. Tingna
Mabilis kong inayos ang sarili. Mabuti na lang dahil nagawa akong agawin ni Mikey sa pagkakasabunot niya."Aba, Nicole! Pagkatapos mong suntokin ang anak ko, narito ka nakikipag-lampungan sa iba." Madilim ang mukha niya at namumula sa galit para sa akin.Napatigil ang mundo ko. Ang boses niya—matal
"Mama, gising!"Naalimpungatan ako ng marinig ang boses ni Niko. Naramdaman ko ang pagdagan niya sa akin."Wake up mama." Parang isang musika ang boses ng anak ko na nagpagising sa akin.Napangiti ako ng maramdaman ang pag ulan niya ng halik sa buong mukha ko.Nagmulat ako ng mata. Umupo ako habang
"Talaga yatang wala nang pag-asa."My heart hurt evermore when I started singing."Upang ako'y iyong piliin pa."I know he never chose me. Wala ako sa choices, kahit sa option pa iyan hindi ako kasali."Pa'no mangyayari gayong ako'y 'di mo pansin? Pa'no mo malalaman sa 'yo'y may pagtingin?"Paano n







