Sabi nila, ang pag-ibig ay parang sugal. Itataya mo ang lahat—ang oras mo, ang pangarap mo, at maging ang buong pagkatao mo sa pag-asang sa huli, ikaw ang mananalo. Pero sa loob ng limang taon, isa lang ang natutunan ko: sa larong ito ng pag-ibig, hindi sapat ang taya. Dahil kahit ibigay mo na ang lahat, kung hindi ikaw ang pinipiling panalunin, mananatili kang talunan. Hindi ko kailanman inasahan na darating ang araw at mapapagod din ako sa kanya. Na ang pusong dati ay tila hindi nauubusan ng pasensya ay bigla na lang titigil at sasabihing, 𝑇𝑎𝑚𝑎 𝑛𝑎. Na sa huli, ang babaeng nangakong hinding-hindi siya iiwan ay ang siya ring babaeng maglalakad palayo para iligtas ang sarili. “Salamat, Mike,” mahinang saad ko habang inaabot ang brown envelope. Ang sarili kong boses ay halos hindi ko na makilala sa lamig nito. “Sigurado ka na ba talaga rito, Nicole?” May bahid ng pag-aalinlangan at lungkot ang mga mata ni Mike. Kilala niya ako. Alam niya kung gaano ko ipinaglaban ang relasyong
Leer más