Mag-log inAng boses ni Gale ay yumanig sa buong sulok ng kusina, tila isang kulog na nagdala ng matinding bagyo. Halos mapatalon ako sa takot at awtomatikong nabitiwan ko ang basong hawak ko. Lumikha iyon ng matalim na tunog nang mabasag sa sahig, kasabay ng pagsabog ng tubig sa paligid ng aming mga paa.Mabilis na bumaba ang mga kamay ni Mike mula sa aking balikat. Hinarap niya si Gale na ngayon ay mabibigat ang hakbang na lumalapit sa amin. Nanlilisik ang mga mata ng aking asawa, umigting ang panga, at ang kaniyang mga kamao ay nakakuyom nang mahigpit na tila ba handang pumatay anumang oras."G-Gale..." kinakabahang untag ko nang tuluyan siyang makalapit sa amin. Halos magbuhol ang aking dila sa tindi ng kaba habang nakatitig sa nagbabago niyang anyo.Sininghap ko ang natitirang hangin sa aking baga nang bigla niyang ipulupot ang kaniyang bisig sa aking baywang—isang marahas at biglang pagkabig na walang kahit anong bahid ng lambing. Pagmamay-ari. Iyon ang isinisigaw ng kaniyang hawak. Halos
Halos hindi ako makahinga. Ang bawat salitang binitawan ni Gale ay parang patalim na isa-isang tumutusok sa aking puso—bawat talas ay may hatid na mas malalim at mas gumigiit na sakit. Wala na talagang lugar o hangganan ang pamamahiya niya sa akin; handa niya akong tapakan kahit sa harap ng ibang tao.Napasulyap ako kay Mike. Hindi na ngayon maipinta ang kaniyang mukha dahil sa narinig mula sa kaniyang pinsan. Tumingin siya sa akin nang diretso, tila may inaasahan siyang reaksyon o depensa mula sa aking mga labi, ngunit nanatiling tikom ang bibig ko. Ni hindi ko magawang itaas ang aking ulo, tila ba isang pusang takot na takot sa kaniyang amo.Dahil doon, malinaw kong nakita ang panandaliang pagkadismaya na dumaan sa mga mata ni Mike. Umigting ang kaniyang panga sa matinding pagtitimpi. Ngunit bago pa muling bumuka ang kaniyang bibig upang magsalita, mabilis nang sumabat si Rayjee na kanina pa tahimik na nagmamasid."Magsiupo na kayo. It's time to eat," pinal at maawtoridad na utos ni
Nanginginig ang mga daliri ko habang hawak ang maliit na brush ng aking blush-on. Paulit-ulit akong humihinga nang malalim sa harap ng salamin, pilit na pinatatahimik ang nagwawalang kaba sa aking dibdib. Sa pamamagitan ng makapal na makeup, sinubukan kong itago ang labis na pamumutla ng aking mukha at ang pamamaga ng aking mga mata mula sa walang humpay na pag-iyak ko kagabi.Nang ibaba ko nang bahagya ang kwelyo ng aking damit upang suriin ang sarili, awtomatikong napapikit ako sa pait. Ang mga marka na iniwan ng marahas at mapusok na pag-angkin ni Gale kagabi ay naroon pa rin sa aking balat—matingkad at tila nanunumbat. Mabilis kong kinuha ang concealer at mariin iyong idiniin sa aking leeg, sinisiguradong natatakpan ang bawat bakas bago ko tuluyang isinuot ang isang high-neck dress.Ang kabang nararamdaman ko ay mas nadadagdagan tuwing pumapatak ang bawat segundo. Pakiramdam ko, unti-unti akong kinakain ng takot. Natatakot ako sa maaaring gawin ni Mike. Natatakot ako na siya ang m
Matagal akong nakatitig sa cellphone na dumaadusdos sa kutson. Parang nawalan ng lakas ang mga bisig ko, habang ang kaniyang baritonong boses ay patuloy na umaatungal sa aking pandinig.𝐶𝑎𝑙𝑙𝑖𝑦𝑎ℎ...Buong buhay ko sa Maynila, itinago ko ang pangalang iyon. Ibinaon ko sa limot ang nakaraang nagdulot sa akin ng matinding sugat, ngunit sa isang iglap, nahanap ako ng multo ng kahapon. Paano niya nakuha ang numero ko? Gulong-gulo ang isip ko at unti-unting gumapang ang matinding paranoia sa bawat ugat ko.May posibilidad ba na alam na niya kung nasaan ako?Napahawak ako sa aking tiyan habang nanginginig, ramdam ang mabilis na tibok ng aking puso. "Hindi... hindi niya pwedeng malaman. Hindi niya pwedeng sirain ang buhay ko ngayon..." mahinang bulong ko sa sarili.Nanatili ako sa loob ng kwarto. Never na akong lumabas kahit na naramdaman ko na ang matinding uhaw; tiniis ko, huwag ko lang ulit makita ang mga Salazar.Nakahiga ako sa kama at hindi napapansin na bigla na lang sumisikip an
Nang imulat ko ang aking mga mata, sumalubong sa akin ang hindi pamilyar na kisame ng marangyang kwarto. Kasabay niyon ang marahas na pagbaliktad ng aking sikmura.I felt heavy, emotionally and physically drained.Kaya mabilis akong bumangon at napatakbo sa banyo para ilabas ang walang laman kong tiyan. My morning sickness was getting worse, isang malupit na paalala ng buhay na nagpabago sa tadhana ko at ng hawlang kapapasok ko pa lang.Napamumog ako bago napaangat ang ulo ko sa salamin. Mugto ang mga mata, walang kabuhay-buhay ang itsura ko. Tunay ngang nawala na ang dating Nicole. Hindi ko na halos makilala ang babaeng tinitingnan ko sa salamin.𝐴𝑚 𝐼 𝑟𝑒𝑎𝑙𝑙𝑦 𝑎 𝑆𝑎𝑙𝑎𝑧𝑎𝑟 𝑛𝑜𝑤? 𝐼𝑡𝑜 𝑏𝑎 𝑎𝑛𝑔 𝑔𝑎𝑛𝑡𝑖𝑚𝑝𝑎𝑙𝑎 𝑛𝑎 ℎ𝑖𝑛𝑎ℎ𝑎𝑛𝑔𝑎𝑑 𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑟𝑎𝑚𝑖ℎ𝑎𝑛? 𝐴𝑦𝑎𝑤 𝑘𝑜 𝑖𝑡𝑜. 𝑃𝑎𝑡𝑖 𝑛𝑎 𝑟𝑖𝑛 𝑎𝑛𝑔 𝑠𝑖𝑛𝑔𝑠𝑖𝑛𝑔 𝑠𝑎 𝑑𝑎𝑙𝑖𝑟𝑖 𝑘𝑜.Mariin kong naikuyom ang kamao ko.Kahit mabigat ang dibdib, pinilit kong inayos ang sarili ko, nagbabakasakali na bu
Madaling-araw pa lang ay gising na ako. Sa totoo lang, hindi naman talaga ako dinalaw ng antok. Nakatitig lang ako sa kawalan habang unti-unting pinalis ng liwanag ng bukang-liwayway ang kadiliman sa labas ng bintana. Ito na ang araw na babago sa takbo ng buhay ko—ang araw ng aking kasal.Gusto kong tumakas, magtago sa mga Salazar at ipalaglag na lang ang bata. Ngunit kung gagawin ko iyon, kakayanin kaya ng konsensya ko? Ang pumatay ng sarili kong dugo dahil lang sa takot ko sa hinaharap?"Hija, dahan-dahan lang sa paghinga," marahang bulong sa akin ni Aling Juliet habang maingat niyang inaayos ang likod ng aking pangkasal na bistida.Humarap ako sa malaking salamin. Ang repleksyong nakikita ko ay isang babaeng nakasuot ng napakagandang trahe de boda, ngunit ang kaniyang mga mata ay walang kabuhay-buhay. Walang bakas ng saya, walang pangarap. Tila ba hindi ako inayusan para sa isang kasal, kundi inihahanda para ihandog sa altar ng sakripisyo."Aling Juliet... natatakot po ako," pabulo
I hate red dresses. That’s why I never wear all the dresses Glenda Salazar brought me. Suot ang puting bestida na abot sa ibabaw ng talampakan, umikot ako sa harap ng salamin, tube ito. Tenernohan ko ito ng white flat sandal. Hindi rin ako nagsusuot ng jewelries, tanging ang wedding ring lang ang m
“I don’t want a toy anymore.” Sigaw ng bata. Gamit ang maliit na kamao ay pinagsusuntok niya ang ama sa mukha. Sinangga naman ni Gale ang suntok ng anak. “Stop it kiddo.” Malumanay na utos niya sa anak. Never niyang sinigawan o pinagalitan ang bata. Kaya lumaki itong walang kinakatakutan kung hin
Naiintindihan ko na si mama, para manatiling buo ang pamilya kailangan mong magtiis at magpakatanga sa kagagohang ginagawa ng asawa mong hindi iniisip ang kapakanan ng inyong anak. Samantha Bernardo is my insecurities. Dahil sa kanya, ang dami kong nakitang mali sa akin. Akala ko nga perpekto na ak
Hindi ako mahuhulog sa kanya, iyon ang akala ko. He’s cold, distant, and arrogant towards me. I will never fall for a man like him. But I was wrong. Minahal ko pa rin siya. “Bakit ngayon ka lang?” Alas dos na ng umaga at kakauwi lang ng magaling kong asawa. Paakyat na siya ng hagdan ng magsalit







