Share

Chapter 004

Author: LostInWell
last update Petsa ng paglalathala: 2026-04-08 17:21:10

Bagong araw na naman, at ibig sabihin nito, bagong pakikipagsabak sa nakakaingis na ugali ni Sir Gale. Kailangan ko na namang magtiis. Simula pa lang ng umaga, iniisip ko na kung ano na namang plano niya para pahirapan ako ngayong araw.

Kahit masakit ang buong katawan ko, pinilit kong bumangon para gawin ang mga gawaing iniwan sa akin ni Aling Juliet. Habang naglalakad ako sa pasilyo papunta sa kusina, ramdam ko ang sobrang katahimikan ng bahay—isang katahimikan na unti-unti ko nang nakasanayan. Pagpasok ko sa dining area, nakita ko si Gale na nakaupo sa dulo ng mahabang mesa. Nakasuot na siya ng business suit, mukhang handa na para sa trabaho, pero ang aura niya ay kasing-dilim pa rin ng gabi.

Napansin ko ang pasimpleng paglingon niya sa akin nang makapasok ako sa kusina.

"Nicole," tawag niya. Ang boses niya ay parang bakal na kinaladkad sa semento—mabigat at nakaka-tense.

"Po, Sir?" lumapit ako nang maingat, sinisiguraduhin na may sapat na layo ako sa kanya.

"I don't like the way you look today. Ang mga katulong sa bahay na ito ay hindi pinapayagang magmukhang lantang gulay sa harap ko," sabi niya bago uminom ng kape.

Napalunok ako at pasimpleng inayos ang suot kong uniform. Lantang gulay. Kung alam lang niya kung gaano kapagod ang katawan ko dahil sa kanya.

Ibinagsak niya ang tasa sa platito na lumikha ng matalim na tunog bago ako tuluyang tinitigan. "Linisin mo ang buong garden pagkatapos mong mag-almusal. Lahat ng tuyong dahon, lahat ng kalat, gusto kong maayos bago mag-tanghalian."

"Pero Sir, sabi po ni Aling Juliet kailangan ko pong tumulong sa paglilinis ng mga guest rooms—"

Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang bigla siyang tumayo. Sa isang iglap, nasa harap ko na siya. Nararamdaman ko ang init ng katawan niya dahil sa sobrang lapit niya sa akin. "Did I ask for your opinion? Sinabi ko bang magpaliwanag ka? You follow my orders, and my orders only. Maliwanag?" may panggigigil na sabi niya.

"M-Maliwanag po, Sir," pabulong kong sagot. Napayuko na lang ako dahil sa sobrang kabang nararamdaman ko.

"Good. Now get out of my sight. Your face is ruining my appetite," huling hirit niya bago bumalik sa pagkakaupo.

Dali-dali akong pumunta sa garden. Hindi na ako nag-abalang mag-almusal dahil nawalan na rin ako ng gana. Ang init ng araw ay nagsisimula nang tumirik, at ang lawak ng garden ng mga Salazar ay parang walang katapusan.

Ang bigat sa dibdib. Napabuntong-hininga ako; kasabay ng pagsisising unti-unting nararamdaman ko. Tama ba na namasukan ako rito?

Kinuha ko ang walis at sako at nagsimulang magtrabaho. Sa bawat pagyuko ko para pulutin ang mga tuyong dahon, nararamdaman ko ang hapdi sa likod ko. Pero mas masakit pa rin 'yung bawat salitang binitawan ni Gale kanina.

Bakit ba ang tindi ng galit niya sa akin? Hindi ko naman siya kilala, at lalong wala akong ginawa para pahirapan niya ako ng ganito.

Habang abala ako sa paglilinis, nakita ko si Gale sa malayo. Nakatayo siya sa balcony niya habang may hawak na baso. Nakatingin siya sa akin. Hindi ko mabasa ang ekspresyon niya, pero alam kong binabantayan niya ang bawat kilos ko, tila naghihintay na magkamali ako para may dahilan siyang muling sumigaw.

Hindi ko maiwasang mapairap nang masiguro kong hindi na siya nakatingin sa akin.

Lumipas ang mga oras. Ang uniporme ko ay basang-basa na ng pawis at ang mga kamay ko ay nagsisimula nang magkaroon ng paltos dahil sa paghawak ng walis. Nang sumapit ang alas-dose, halos hindi ko na maigalaw ang mga daliri ko. Pero bago ko pa man matapos ang huling bahagi ng garden, biglang bumuhos ang malakas na ulan.

Sa halip na pumasok, nanatili ako roon. Alam ko na kapag hindi ko ito natapos, mas malalang parusa ang matatanggap ko. Sa gitna ng ulan, nagpatuloy ako sa paghakot ng mga kalat. Ang putik ay kumakapit na sa mga binti ko, at ang lamig ng tubig ay unti-unting pumapasok sa mga buto ko.

"Nicole! Pumasok ka na rito!" sigaw ni Aling Juliet mula sa pinto ng kusina.

"Sandali lang po, Aling Juliet! Malapit na po ito!" sagot ko habang pilit na binubuhat ang huling sako ng mga dahon.

Sa wakas, natapos din.

Nanginginig na ako sa ginaw at basang-basa na ang buong katawan ko. Pagpasok sa loob, sinalubong ako ng madilim na mukha ni Gale sa hallway. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa—ang marumi kong uniporme, ang magulo kong buhok, at ang nanginginig kong katawan.

"You look like a drowned rat," pagkutya niya. "Did you think I would feel sorry for you dahil nagpaulan ka? That was your choice. Incompetence has its price, and that is your health."

Kumuyom ang kamao ko, pero nanatili akong mapagkumbaba. Ayokong gumawa ng gulo.

"Ginawa ko lang po ang utos niyo, Sir," matapang kong sabi kahit nanginginig ang boses ko.

Ngumisi lang siya. "Good. At least you know your place. Ngayon, magpalit ka na at maglinis sa library. Ayokong makakita ng kahit isang bakas ng putik sa sahig."

Umakyat ako sa silid ko nang may mabigat na hakbang. Sa loob ng banyo, habang hinuhugasan ko ang putik sa katawan ko, hindi ko na napigilan ang pag-iyak. Kasabay ng bawat patak ng tubig ang mga hikbi ko. Bakit ba kailangang maging ganito kahirap?

Matapos magpalit, dumeretso agad ako sa library. Ito ang paboritong lugar ni Gale, at dito rin matatagpuan ang malaking portrait ni Samantha. Habang nagpupunas ako ng mga shelf, hindi ko maiwasang mapatingin sa mukha ng babae sa painting. Ang ngiti niya ay tila nanunukso sa akin.

Siya ang dahilan kung bakit ako nagdurusa rito.

Habang malalim ang iniisip ko, hindi ko napansin ang pagpasok ni Gale. Bigla niyang hinablot ang braso ko, dahilan para mabitawan ko ang basahang hawak ko.

"I told you not to look at her!" sigaw niya. Nanlilisik ang mga mata niya sa galit. "You are not worthy to even gaze at her image! You are just a replacement, a tool! Do you understand?!"

"Nasasaktan po ako, Sir..." pakiusap ko habang pilit na kumakawala sa mahigpit na hawak niya.

"Saktan? You don't know the meaning of pain yet, Nicole," bulong niya sa tainga ko, at bakas sa boses niya ang panganib. "I will make sure you feel every bit of the agony I felt. I will break you until there's nothing left of the woman you think you are."

Binitawan niya ako nang marahas kaya napasandal ako sa mga istante ng libro. Maraming libro ang nahulog sa sahig, pero hindi man lang niya iyon pinansin. Tinalikuran niya ako at lumabas ng library, iniwan akong muling mag-isa sa dilim.

Habang pinupulot ko ang mga nahulog na libro, hindi ko na napigilan ang pagpatak ng luha ko. Sa bawat aklat na mahawakan ko, nararamdaman ko ang bigat ng kapalaran ko. Ang gabing ito ay tila mas lalong humaba, at ang bawat segundong lumilipas ay paalala na ang impiyernong ito ay simula pa lamang.

Hindi ko alam kung hanggang kailan ko kayang tiisin ang ganitong pagtrato. Pero sa gitna ng lahat ng ito, may isang bagay na unti-unting nabubuo sa loob ko—ang determinasyon na hindi magpatalo. Kung gusto niya akong sirain, kailangang magpakatatag ako. Dahil sa dulo ng lahat ng ito, sisiguraduhin kong hindi ako ang unang babagsak.

Natapos ang trabaho ko sa library nang maghahating-gabi na. Habang naglalakad ako pabalik sa kwarto, nadaanan ko ang silid ni Gale. Bahagyang nakabukas ang pinto at nakita ko siyang nakaupo sa dilim, may hawak na baso ng alak at nakatingin sa kawalan. Mukha siyang malungkot, mukhang talo. Pero sa halip na maawa, nakaramdam ako ng takot. Dahil alam ko, ang isang lalaking may sugat sa puso ay ang pinakamapanganib na kalaban.

Pagkahiga ko sa maliit kong kama, naramdaman ko ang lamig ng hangin mula sa bintana. Ang ulan sa labas ay hindi pa rin tumitigil. Bukas, panibagong araw na naman ng paghihirap. Panibagong araw ng pakikipaglaban sa galit ni Gale. Pero sa ngayon, hahayaan ko munang makatulog, umaasang kahit sa panaginip man lang ay makahanap ako ng kapayapaan na wala sa reyalidad na ito.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • The wife he never loved   Chapter 028

    Ang boses ni Gale ay yumanig sa buong sulok ng kusina, tila isang kulog na nagdala ng matinding bagyo. Halos mapatalon ako sa takot at awtomatikong nabitiwan ko ang basong hawak ko. Lumikha iyon ng matalim na tunog nang mabasag sa sahig, kasabay ng pagsabog ng tubig sa paligid ng aming mga paa.Mabilis na bumaba ang mga kamay ni Mike mula sa aking balikat. Hinarap niya si Gale na ngayon ay mabibigat ang hakbang na lumalapit sa amin. Nanlilisik ang mga mata ng aking asawa, umigting ang panga, at ang kaniyang mga kamao ay nakakuyom nang mahigpit na tila ba handang pumatay anumang oras."G-Gale..." kinakabahang untag ko nang tuluyan siyang makalapit sa amin. Halos magbuhol ang aking dila sa tindi ng kaba habang nakatitig sa nagbabago niyang anyo.Sininghap ko ang natitirang hangin sa aking baga nang bigla niyang ipulupot ang kaniyang bisig sa aking baywang—isang marahas at biglang pagkabig na walang kahit anong bahid ng lambing. Pagmamay-ari. Iyon ang isinisigaw ng kaniyang hawak. Halos

  • The wife he never loved   Chapter 027

    Halos hindi ako makahinga. Ang bawat salitang binitawan ni Gale ay parang patalim na isa-isang tumutusok sa aking puso—bawat talas ay may hatid na mas malalim at mas gumigiit na sakit. Wala na talagang lugar o hangganan ang pamamahiya niya sa akin; handa niya akong tapakan kahit sa harap ng ibang tao.Napasulyap ako kay Mike. Hindi na ngayon maipinta ang kaniyang mukha dahil sa narinig mula sa kaniyang pinsan. Tumingin siya sa akin nang diretso, tila may inaasahan siyang reaksyon o depensa mula sa aking mga labi, ngunit nanatiling tikom ang bibig ko. Ni hindi ko magawang itaas ang aking ulo, tila ba isang pusang takot na takot sa kaniyang amo.Dahil doon, malinaw kong nakita ang panandaliang pagkadismaya na dumaan sa mga mata ni Mike. Umigting ang kaniyang panga sa matinding pagtitimpi. Ngunit bago pa muling bumuka ang kaniyang bibig upang magsalita, mabilis nang sumabat si Rayjee na kanina pa tahimik na nagmamasid."Magsiupo na kayo. It's time to eat," pinal at maawtoridad na utos ni

  • The wife he never loved   Chapter 026

    Nanginginig ang mga daliri ko habang hawak ang maliit na brush ng aking blush-on. Paulit-ulit akong humihinga nang malalim sa harap ng salamin, pilit na pinatatahimik ang nagwawalang kaba sa aking dibdib. Sa pamamagitan ng makapal na makeup, sinubukan kong itago ang labis na pamumutla ng aking mukha at ang pamamaga ng aking mga mata mula sa walang humpay na pag-iyak ko kagabi.Nang ibaba ko nang bahagya ang kwelyo ng aking damit upang suriin ang sarili, awtomatikong napapikit ako sa pait. Ang mga marka na iniwan ng marahas at mapusok na pag-angkin ni Gale kagabi ay naroon pa rin sa aking balat—matingkad at tila nanunumbat. Mabilis kong kinuha ang concealer at mariin iyong idiniin sa aking leeg, sinisiguradong natatakpan ang bawat bakas bago ko tuluyang isinuot ang isang high-neck dress.Ang kabang nararamdaman ko ay mas nadadagdagan tuwing pumapatak ang bawat segundo. Pakiramdam ko, unti-unti akong kinakain ng takot. Natatakot ako sa maaaring gawin ni Mike. Natatakot ako na siya ang m

  • The wife he never loved   Chapter 025

    Matagal akong nakatitig sa cellphone na dumaadusdos sa kutson. Parang nawalan ng lakas ang mga bisig ko, habang ang kaniyang baritonong boses ay patuloy na umaatungal sa aking pandinig.𝐶𝑎𝑙𝑙𝑖𝑦𝑎ℎ...Buong buhay ko sa Maynila, itinago ko ang pangalang iyon. Ibinaon ko sa limot ang nakaraang nagdulot sa akin ng matinding sugat, ngunit sa isang iglap, nahanap ako ng multo ng kahapon. Paano niya nakuha ang numero ko? Gulong-gulo ang isip ko at unti-unting gumapang ang matinding paranoia sa bawat ugat ko.May posibilidad ba na alam na niya kung nasaan ako?Napahawak ako sa aking tiyan habang nanginginig, ramdam ang mabilis na tibok ng aking puso. "Hindi... hindi niya pwedeng malaman. Hindi niya pwedeng sirain ang buhay ko ngayon..." mahinang bulong ko sa sarili.Nanatili ako sa loob ng kwarto. Never na akong lumabas kahit na naramdaman ko na ang matinding uhaw; tiniis ko, huwag ko lang ulit makita ang mga Salazar.Nakahiga ako sa kama at hindi napapansin na bigla na lang sumisikip an

  • The wife he never loved   Chapter 024

    Nang imulat ko ang aking mga mata, sumalubong sa akin ang hindi pamilyar na kisame ng marangyang kwarto. Kasabay niyon ang marahas na pagbaliktad ng aking sikmura.I felt heavy, emotionally and physically drained.Kaya mabilis akong bumangon at napatakbo sa banyo para ilabas ang walang laman kong tiyan. My morning sickness was getting worse, isang malupit na paalala ng buhay na nagpabago sa tadhana ko at ng hawlang kapapasok ko pa lang.Napamumog ako bago napaangat ang ulo ko sa salamin. Mugto ang mga mata, walang kabuhay-buhay ang itsura ko. Tunay ngang nawala na ang dating Nicole. Hindi ko na halos makilala ang babaeng tinitingnan ko sa salamin.𝐴𝑚 𝐼 𝑟𝑒𝑎𝑙𝑙𝑦 𝑎 𝑆𝑎𝑙𝑎𝑧𝑎𝑟 𝑛𝑜𝑤? 𝐼𝑡𝑜 𝑏𝑎 𝑎𝑛𝑔 𝑔𝑎𝑛𝑡𝑖𝑚𝑝𝑎𝑙𝑎 𝑛𝑎 ℎ𝑖𝑛𝑎ℎ𝑎𝑛𝑔𝑎𝑑 𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑟𝑎𝑚𝑖ℎ𝑎𝑛? 𝐴𝑦𝑎𝑤 𝑘𝑜 𝑖𝑡𝑜. 𝑃𝑎𝑡𝑖 𝑛𝑎 𝑟𝑖𝑛 𝑎𝑛𝑔 𝑠𝑖𝑛𝑔𝑠𝑖𝑛𝑔 𝑠𝑎 𝑑𝑎𝑙𝑖𝑟𝑖 𝑘𝑜.Mariin kong naikuyom ang kamao ko.Kahit mabigat ang dibdib, pinilit kong inayos ang sarili ko, nagbabakasakali na bu

  • The wife he never loved   Chapter 023

    Madaling-araw pa lang ay gising na ako. Sa totoo lang, hindi naman talaga ako dinalaw ng antok. Nakatitig lang ako sa kawalan habang unti-unting pinalis ng liwanag ng bukang-liwayway ang kadiliman sa labas ng bintana. Ito na ang araw na babago sa takbo ng buhay ko—ang araw ng aking kasal.Gusto kong tumakas, magtago sa mga Salazar at ipalaglag na lang ang bata. Ngunit kung gagawin ko iyon, kakayanin kaya ng konsensya ko? Ang pumatay ng sarili kong dugo dahil lang sa takot ko sa hinaharap?"Hija, dahan-dahan lang sa paghinga," marahang bulong sa akin ni Aling Juliet habang maingat niyang inaayos ang likod ng aking pangkasal na bistida.Humarap ako sa malaking salamin. Ang repleksyong nakikita ko ay isang babaeng nakasuot ng napakagandang trahe de boda, ngunit ang kaniyang mga mata ay walang kabuhay-buhay. Walang bakas ng saya, walang pangarap. Tila ba hindi ako inayusan para sa isang kasal, kundi inihahanda para ihandog sa altar ng sakripisyo."Aling Juliet... natatakot po ako," pabulo

  • The wife he never loved   Chapter 010

    Dala ang lunchbox na pinahanda ni Rage Salazar para sa kanyang apo ay pumunta na ako sa resort na pagmamay-ari nila."Salazar Hideway." Pagbasa ko sa signage na nakasulat sa entrance gate.Isang pribado ang resort na ito. Talagang ginawa para sa mga taong mayayaman na ayaw magpa istorbo. Karamihan

  • The wife he never loved   Chapter 007

    “Ano na ang plano mo apo?” Makahulugan tanong ng matanda sa kanyang apo.Lahat kami ay napatingin sa kanya. Nasa hapagkainan kami ngayon.“Lumalaki na si Gael at hanggang ngayon ay palamunin ka pa rin. Kailan mo balak magtrabaho sa kumpanya para may pakinabang ka naman sa pamilyang ito?” Dagdag pa

  • The wife he never loved   Chapter 006

    Nakasandal ito sa pader habang naka cross ang mga hita, parang may hinihintay ito. Nang makita ako ay umayos siya ng pagkakatayo.Naglakad ako palapit sa kanya. “What are you doing here?” Seryosong tanong ko sa kanya.Hinawakan niya ang palapulsohan ko at dinala sa swimming pool area. Inis kong bin

  • The wife he never loved   Chapter 005

    Hindi natuloy ang paglabas namin dahil sa aksidenteng nangyari.Nakita ni Crystal Salazar ang nangyari, asawa siya ni Rage na unang Salazar ng bahay. May nag-iisa silang anak, si Rayjee Salazar, asawa naman ni Glenda Salazar. Mga magulang ni Gale Rey Salazar, na nag-iisang tagapagmana ng ari-arian

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status