LOGIN“Nicole, gising na. Alas-singko pa lang dapat nasa baba na tayo.”
Nagising ako sa mahinang yugyog ni Aling Juliet. Masakit ang buong katawan ko; ang bawat kalamnan ko ay tila nagrereklamo mula sa paglalakbay kahapon at sa biglaang pagsabak sa mabibigat na gawaing bahay. Pero sa kabila ng hapdi, mabilis akong bumangon. Sa bahay na ito, ang bawat segundo ay mahalaga, lalo na’t alam kong bawat kilos ko ay tila sinusuri ng isang pares ng mga mata na puno ng poot at pagkamuhi. Mabilis akong nag-ayos. Tumingin ako sa maliit na salamin sa loob ng kwarto ng mga katulong. Kagaya kahapon, kinuha ko ang isang itim na panali at hinila ang aking buhok paitaas. Itinali ko ito nang mahigpit—isang pusod na walang kahit isang hiblang nakawala. Ayaw ko nang maglugay. Napalitan na rin ang uniporme ko. Ang suot ko ngayon ay asul na asul, bago at mas sakto sa aking katawan, hindi tulad ng kahapon na pinaglumaan at maluwag na duster ni Aling Juliet. Ngunit kahit bago ang suot ko, pakiramdam ko ay isa itong balat-kayo. Isang unipormeng nagmamarka sa aking bagong katayuan: isang alila sa ilalim ng bubong ng mga Salazar. “Heto ang listahan ng gagawin mo ngayong araw,” seryosong wika ni Aling Juliet sabay abot ng isang pirasong papel. “Si Sir Gale mismo ang nagbilin nito bago siya pumasok sa kaniyang study room kanina.” Kinuha ko ang papel. Sa unang sulyap pa lang, parang gusto ko nang bumalik sa pagkakahilata. Ang listahan ay tila walang katapusan. Linisin ang buong library (vacuum at pagpupunas ng bawat libro). Linisin ang pool area (alisin ang mga tuyong dahon). Pakintabin ang lahat ng silverwares. BAWAL GUMAMIT NG KAHIT ANONG KURYENTE SA PAGLILINIS NG LIBRARY. Napakunot ang noo ko sa huling nabasa. “Bawal ang vacuum, Aling Juliet? Bakit po? Napakalaki ng silid na iyon, aabutin ako ng maghapon kung basahan lang ang gagamitin ko.” Bumuntong-hininga ang matanda, ang kanyang mga mata ay bakas ang awa. “Sabi ko sa'yo, Nicole, mahirap siyang pasayahin. Gusto niyang gawin mo iyan gamit ang kamay at basahan lang. Sa tingin ko... sinusubukan niya ang hangganan ng pasensya mo.” Naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Hindi ito dahil sa takot, kundi dahil sa matinding galit na nagsisimulang mag-alab sa dibdib ko. Naiintindihan ko na. Hindi ito simpleng trabaho; ito ay isang pagpapahirap. Isang parusa para sa isang kasalanang hindi ko naman ginawa. Kumuyom ang mga kamao ko sa sobrang panggigigil. Pumasok ako sa library nang may mabigat na hakbang. Ang silid ay napakataas, ang mga istante ay abot hanggang kisame at punong-puno ng libu-libong libro na amoy luma at karangyaan. Kinuha ko ang isang hagdan at nagsimulang magpunas. Isa-isa. Dahan-dahan. Bawat libro na hinahawakan ko ay tila isang saksi sa aking paghihirap. Habang nasa pinakataas na bahagi ako ng hagdan, pilit kong inaabot ang isang encyclopedia sa pinakasulok. Sa hindi inaasahang pagkakataon, isang maliit na kwaderno ang sumabit sa siko ko. Nalaglag ito. Ang ingay nito ay umalingawngaw sa buong silid, bumasag sa katahimikan. Mula sa loob ng kwaderno, may isang pirasong papel ang humiwalay at dahan-dahang lumipad pababa, tila isang dahon sa taglagas. Bumaba ako sa hagdan, hingal at pawisan. Pinulot ko ang papel. Ngunit nang makita ko ang imaheng naroon, tila tumigil ang ikot ng mundo ko. Isang babae ang nasa litrato. Nakasuot siya ng isang mamahaling puting lace dress. Nakalugay ang mahaba at makintab niyang buhok na tila hinahaplos ng hangin. Tumatawa siya nang napakatamis sa harap ng camera, ang kanyang mga mata ay nagniningning sa ligaya. Kung hindi ko alam na wala akong ganoong klaseng damit, aakalain kong ako ang nasa litrato. Samantha. Ang pagkakahawig namin ay nakakapangilabot—isang sumpa ng kalikasan. Mula sa hugis ng aming mga mata hanggang sa kurba ng aming mga labi, parang pinagbiyak na bunga. Ngunit habang tinititigan ko ang kanyang mga mata, nakita ko ang malaking pagkakaiba. Ang kanyang mga mata ay puno ng wagas na kaligayahan at pag-asa; ang mga mata ko ay puno ng pait, pagod, at sugat ng nakaraan. Siya ay minahal; ako ay kinamumuhian. “Sino ang nagsabi sayong makialam ka?” Mabilis akong napaharap sa gulat. Halos malaglag ang litrato mula sa nanginginig kong kamay. Nakatayo sa pintuan si Gale Salazar. Hindi na siya naka-suit; nakasuot na lang siya ng puting polo shirt na bahagyang nakabukas ang unang dalawang butones, na nagpapakita ng kaniyang matikas na dibdib. Pero ang kanyang aura ay mas nakakatakot kaysa kahapon. Ang kanyang mga mata ay tila nagbabagang bakal na nakatitig sa akin. “P-Pasensya na po, Sir. Nalaglag po kasi mula sa istante, kaya pinulot ko—” Sa isang mabilis na hakbang—isang iglap lang—ay nasa harap ko na siya. Ang amoy ng kanyang mamahaling pabango na may halong amoy ng galit ay bumalot sa akin. Hinablot niya ang litrato mula sa aking kamay nang may pwersa. Naramdaman ko ang panandaliang kuryente nang magtama ang aming balat, pero mabilis itong nalunod sa bigat ng kanyang galit. “I told you, don’t touch my things!” sigaw niya. Ang boses niya ay yumanig sa mga istante ng libro. Hinawakan niya ang braso ko nang napakahigpit. Napangiwi ako sa sakit; naramdaman ko ang paglubog ng kanyang mga daliri sa aking balat. Tinitigan niya ako nang diretso sa mata. Sa pagkakataong ito, wala na ang gulat na nakita ko kahapon. Ang tanging naroon ay isang malalim na balon ng galit. “Ang lakas ng loob mong titigan ang mukhang iyan!” asik niya, ang kanyang mukha ay ilang pulgada na lang ang layo sa akin. “Akala mo ba dahil magkamukha kayo ay makukuha mo rin ang atensyong nakuha niya? Akala mo ba mapapaikot mo ako sa mga titig na iyan?” Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Parang may isang bahagi ng puso ko ang muling nawasak. Ang bawat salita niya ay parang latigo na humahagupit sa aking pagkatao. “Hindi po sa ganoon, Sir Gale... napulot ko lang po, wala akong intensyong—” Sinubukan kong magpaliwanag, pero mabilis niyang pinutol ang aking sasabihin. “Shut up!” lalo niyang hinigpitan ang hawak sa braso ko, halos marinig ko na ang pagreklamo ng aking buto. “Ganyan din siya. Magaling magdahilan. Magaling magkunwari. Magaling magpaamo ng mukha para makuha ang gusto niya. But look at you... you’re just a cheap replacement. Isang basurang katulong na ang tanging silbi ay linisin ang mga kalat ko. You are nothing compared to her, and yet you dare to wear her face!” Itinulak niya ako nang bahagya. Dahil sa panghihina at gulat, nawalan ako ng balanse at napaupo sa matigas na sahig. Ibinulsa niya ang litrato at tinitigan ako mula ulo hanggang paa—isang tingin na puno ng pandidiri. “Dahil mahilig kang humawak ng hindi sa iyo, dagdagan ko ang trabaho mo. Pagkatapos mo rito sa library, linisin mo ang garden nang mag-isa. Bawat damo, bawat tuyong dahon, kailangang mawala. At huwag kang kakain o iinom hangga’t hindi tapos ang lahat. Do you understand?” Nararamdaman ko ang pag-init ng aking mga mata. Isang butil ng luha ang kumawala, pero bago pa man ito makababa sa aking pisngi, mabilis ko itong pinahid gamit ang likod ng aking kamay. Hindi ako magpapakita ng kahinaan sa harap niya. “O-Opo, Sir,” sagot ko sa kanya, ang boses ko ay nanginginig pero may bakas ng tigas. “Good. At Nicole?” Huminto siya sa pintuan nang hindi lumilingon sa akin. “Huwag kang magkakamaling umiyak sa harap ko. Ang mga luha mo ay walang halaga. Hindi gumagana sa akin ang drama ng mga babaeng katulad mo. Your face may be the same, but you will never be her.” Nang tuluyan nang mawala ang kanyang anino at narinig ko ang pagbagsak ng pinto, doon na bumuhos ang iyak ko na kanina ko pa pilit na ibinabaon sa aking lalamunan. Napahagulgol ako sa gitna ng malawak na library. Hindi lang dahil sa pagod, hindi dahil sa sakit ng braso ko, kundi dahil sa hapdi ng katotohanang ituring kang basura at kriminal dahil lang sa pagkakamali ng ibang tao. Itinuring niya akong replika. Isang murang kopya ng kanyang nakaraan. Tumingin ako sa aking mga palad. Namumula at bakat ang kanyang mga daliri sa aking braso. Hinaplos ko iyon, ang hapdi ay tila pumasok hanggang sa aking kaluluwa. Sige, Gale Salazar, bulong ko sa hangin habang pinapahid ang huling bakas ng luha sa aking mga mata. Saktan mo ako. Pahirapan mo ako. Gawin mo akong alipin ng galit mo. Pero hinding-hindi ko ibibigay sa iyo ang kasiyahang makitang sumusuko ako. Dahil ang Nicole na iniwan ang kanyang nakaraan ay wala nang balikan. Ang Nicole na nandito ngayon ay gagawin ang lahat para mabuhay at tumayo sa sariling mga paa—kahit kailangan ko pang maging anino sa dilim ng babaeng kinamumuhian mo. Sa araw na ito, tinanggap ko ang hamon. Hindi lang ako isang katulong. Ako ay isang babaeng may laban. At balang araw, sisiguraduhin kong hindi na Samantha ang makikita niya sa mukhang ito.Hindi ako makagalaw nang hawakan ko ang malapot at mainit na dugong umagos sa pagitan ng aking mga hita.Napahikbi ako sa matinding takot.𝐻𝑖𝑛𝑑𝑖 𝑚𝑎𝑎𝑎𝑟𝑖... 𝑎𝑛𝑔 𝑎𝑛𝑎𝑘 𝑘𝑜!𝐺𝑎𝑙𝑒, 𝑖𝑡𝑜 𝑏𝑎 𝑡𝑎𝑙𝑎𝑔𝑎 𝑎𝑛𝑔 𝑛𝑎𝑖𝑠 𝑚𝑜? 𝑊𝑎𝑙𝑎 𝑘𝑎 𝑛𝑔𝑎 𝑏𝑎 𝑡𝑎𝑙𝑎𝑔𝑎𝑛𝑔 ℎ𝑖𝑛𝑑𝑖 𝑠𝑎 𝑎𝑘𝑖𝑛? 𝐾𝑎ℎ𝑖𝑡 𝑠𝑎 𝑎𝑛𝑎𝑘 𝑛𝑎 𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑠𝑎𝑛𝑎 𝑛𝑎𝑡𝑖𝑛..."Nicole!"Napaangat ako ng tingin nang marinig ang boses ni Aling Juliet na mabilis na dinaluhong ang kinaroroonan ko. Nanginginig ang aking mga kamay, pilit na pinatitigil ang walang humpay na pag-agos ng dugo na tila ba doon din nauubos ang huling lakas ko."Aling Juliet... ang anak ko," nahihirapang wika ko, halos maghabol ng hininga.Muli akong napahikbi nang lumuhod siya sa tapat ko at yakapin ako nang mahigpit. Bakas ang purong pag-aalala sa kaniyang mga mata."Tulong... Tulungan niyo kami..."Unti-unti nang nanlabo ang aking paningin habang ang ingay sa paligid ay unti-unti ring nagiging malabo sa aking pandini
Ang boses ni Gale ay yumanig sa buong sulok ng kusina, tila isang kulog na nagdala ng matinding bagyo. Halos mapatalon ako sa takot at awtomatikong nabitiwan ko ang basong hawak ko. Lumikha iyon ng matalim na tunog nang mabasag sa sahig, kasabay ng pagsabog ng tubig sa paligid ng aming mga paa.Mabilis na bumaba ang mga kamay ni Mike mula sa aking balikat. Hinarap niya si Gale na ngayon ay mabibigat ang hakbang na lumalapit sa amin. Nanlilisik ang mga mata ng aking asawa, umigting ang panga, at ang kaniyang mga kamao ay nakakuyom nang mahigpit na tila ba handang pumatay anumang oras."G-Gale..." kinakabahang untag ko nang tuluyan siyang makalapit sa amin. Halos magbuhol ang aking dila sa tindi ng kaba habang nakatitig sa nagbabago niyang anyo.Sininghap ko ang natitirang hangin sa aking baga nang bigla niyang ipulupot ang kaniyang bisig sa aking baywang—isang marahas at biglang pagkabig na walang kahit anong bahid ng lambing. Pagmamay-ari. Iyon ang isinisigaw ng kaniyang hawak. Halos
Halos hindi ako makahinga. Ang bawat salitang binitawan ni Gale ay parang patalim na isa-isang tumutusok sa aking puso—bawat talas ay may hatid na mas malalim at mas gumigiit na sakit. Wala na talagang lugar o hangganan ang pamamahiya niya sa akin; handa niya akong tapakan kahit sa harap ng ibang tao.Napasulyap ako kay Mike. Hindi na ngayon maipinta ang kaniyang mukha dahil sa narinig mula sa kaniyang pinsan. Tumingin siya sa akin nang diretso, tila may inaasahan siyang reaksyon o depensa mula sa aking mga labi, ngunit nanatiling tikom ang bibig ko. Ni hindi ko magawang itaas ang aking ulo, tila ba isang pusang takot na takot sa kaniyang amo.Dahil doon, malinaw kong nakita ang panandaliang pagkadismaya na dumaan sa mga mata ni Mike. Umigting ang kaniyang panga sa matinding pagtitimpi. Ngunit bago pa muling bumuka ang kaniyang bibig upang magsalita, mabilis nang sumabat si Rayjee na kanina pa tahimik na nagmamasid."Magsiupo na kayo. It's time to eat," pinal at maawtoridad na utos ni
Nanginginig ang mga daliri ko habang hawak ang maliit na brush ng aking blush-on. Paulit-ulit akong humihinga nang malalim sa harap ng salamin, pilit na pinatatahimik ang nagwawalang kaba sa aking dibdib. Sa pamamagitan ng makapal na makeup, sinubukan kong itago ang labis na pamumutla ng aking mukha at ang pamamaga ng aking mga mata mula sa walang humpay na pag-iyak ko kagabi.Nang ibaba ko nang bahagya ang kwelyo ng aking damit upang suriin ang sarili, awtomatikong napapikit ako sa pait. Ang mga marka na iniwan ng marahas at mapusok na pag-angkin ni Gale kagabi ay naroon pa rin sa aking balat—matingkad at tila nanunumbat. Mabilis kong kinuha ang concealer at mariin iyong idiniin sa aking leeg, sinisiguradong natatakpan ang bawat bakas bago ko tuluyang isinuot ang isang high-neck dress.Ang kabang nararamdaman ko ay mas nadadagdagan tuwing pumapatak ang bawat segundo. Pakiramdam ko, unti-unti akong kinakain ng takot. Natatakot ako sa maaaring gawin ni Mike. Natatakot ako na siya ang m
Matagal akong nakatitig sa cellphone na dumaadusdos sa kutson. Parang nawalan ng lakas ang mga bisig ko, habang ang kaniyang baritonong boses ay patuloy na umaatungal sa aking pandinig.𝐶𝑎𝑙𝑙𝑖𝑦𝑎ℎ...Buong buhay ko sa Maynila, itinago ko ang pangalang iyon. Ibinaon ko sa limot ang nakaraang nagdulot sa akin ng matinding sugat, ngunit sa isang iglap, nahanap ako ng multo ng kahapon. Paano niya nakuha ang numero ko? Gulong-gulo ang isip ko at unti-unting gumapang ang matinding paranoia sa bawat ugat ko.May posibilidad ba na alam na niya kung nasaan ako?Napahawak ako sa aking tiyan habang nanginginig, ramdam ang mabilis na tibok ng aking puso. "Hindi... hindi niya pwedeng malaman. Hindi niya pwedeng sirain ang buhay ko ngayon..." mahinang bulong ko sa sarili.Nanatili ako sa loob ng kwarto. Never na akong lumabas kahit na naramdaman ko na ang matinding uhaw; tiniis ko, huwag ko lang ulit makita ang mga Salazar.Nakahiga ako sa kama at hindi napapansin na bigla na lang sumisikip an
Nang imulat ko ang aking mga mata, sumalubong sa akin ang hindi pamilyar na kisame ng marangyang kwarto. Kasabay niyon ang marahas na pagbaliktad ng aking sikmura.I felt heavy, emotionally and physically drained.Kaya mabilis akong bumangon at napatakbo sa banyo para ilabas ang walang laman kong tiyan. My morning sickness was getting worse, isang malupit na paalala ng buhay na nagpabago sa tadhana ko at ng hawlang kapapasok ko pa lang.Napamumog ako bago napaangat ang ulo ko sa salamin. Mugto ang mga mata, walang kabuhay-buhay ang itsura ko. Tunay ngang nawala na ang dating Nicole. Hindi ko na halos makilala ang babaeng tinitingnan ko sa salamin.𝐴𝑚 𝐼 𝑟𝑒𝑎𝑙𝑙𝑦 𝑎 𝑆𝑎𝑙𝑎𝑧𝑎𝑟 𝑛𝑜𝑤? 𝐼𝑡𝑜 𝑏𝑎 𝑎𝑛𝑔 𝑔𝑎𝑛𝑡𝑖𝑚𝑝𝑎𝑙𝑎 𝑛𝑎 ℎ𝑖𝑛𝑎ℎ𝑎𝑛𝑔𝑎𝑑 𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑟𝑎𝑚𝑖ℎ𝑎𝑛? 𝐴𝑦𝑎𝑤 𝑘𝑜 𝑖𝑡𝑜. 𝑃𝑎𝑡𝑖 𝑛𝑎 𝑟𝑖𝑛 𝑎𝑛𝑔 𝑠𝑖𝑛𝑔𝑠𝑖𝑛𝑔 𝑠𝑎 𝑑𝑎𝑙𝑖𝑟𝑖 𝑘𝑜.Mariin kong naikuyom ang kamao ko.Kahit mabigat ang dibdib, pinilit kong inayos ang sarili ko, nagbabakasakali na bu
Dala ang lunchbox na pinahanda ni Rage Salazar para sa kanyang apo ay pumunta na ako sa resort na pagmamay-ari nila."Salazar Hideway." Pagbasa ko sa signage na nakasulat sa entrance gate.Isang pribado ang resort na ito. Talagang ginawa para sa mga taong mayayaman na ayaw magpa istorbo. Karamihan
“Ano na ang plano mo apo?” Makahulugan tanong ng matanda sa kanyang apo.Lahat kami ay napatingin sa kanya. Nasa hapagkainan kami ngayon.“Lumalaki na si Gael at hanggang ngayon ay palamunin ka pa rin. Kailan mo balak magtrabaho sa kumpanya para may pakinabang ka naman sa pamilyang ito?” Dagdag pa
Hindi natuloy ang paglabas namin dahil sa aksidenteng nangyari.Nakita ni Crystal Salazar ang nangyari, asawa siya ni Rage na unang Salazar ng bahay. May nag-iisa silang anak, si Rayjee Salazar, asawa naman ni Glenda Salazar. Mga magulang ni Gale Rey Salazar, na nag-iisang tagapagmana ng ari-arian
I hate red dresses. That’s why I never wear all the dresses Glenda Salazar brought me. Suot ang puting bestida na abot sa ibabaw ng talampakan, umikot ako sa harap ng salamin, tube ito. Tenernohan ko ito ng white flat sandal. Hindi rin ako nagsusuot ng jewelries, tanging ang wedding ring lang ang m





![SOLD and OWNED by the BILLIONAIRE [R18]](https://yfbwww.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)

