"Masaya ka ba sa sinabi ng Lolo ko, Nicole?"Ang boses niya ay mababa, malamig, at puno ng pait. Napaatras ako nang isang hakbang nang maramdaman kong gumalaw siya papalapit. Mas lalo kong iniyuko ang aking ulo, hindi alam kung paano sasagutin ang kanyang tanong."H-Hindi ko po ginusto ito, Sir Gale..." pautal-utal at halos pabulong kong sagot, nag-uumpisa nang mangilid ang aking mga luha. "Ang gusto ko lang naman ay ang kalayaan ko... ang makaalis na rito sa mansyon ninyo, i-iyon naman talaga ang plano ko." Napalunok ako, unt-unti ko nang nararamdaman ang pamamasa ng aking palad dahil sa sobrang kabang nararamdaman."Makaalis?" Isang mapait na tawa ang pinakawalan niya bago tuluyang binuwag ang natitirang distansya sa aming dalawa. "Pagkatapos ng nangyari sa atin kagabi, sa tingin mo ba hahayaan ka lang ni Lolo na lumabas ng gate na iyon?" galit na tanong niya. "At anong sabi mo, balak mo talagang umalis? Pagkatapos mong bumukaka sa akin kagabi, Nicole... Balak mo lang pala akong lay
อ่านเพิ่มเติม