تسجيل الدخولHindi ako makagalaw nang hawakan ko ang malapot at mainit na dugong umagos sa pagitan ng aking mga hita.Napahikbi ako sa matinding takot.𝐻𝑖𝑛𝑑𝑖 𝑚𝑎𝑎𝑎𝑟𝑖... 𝑎𝑛𝑔 𝑎𝑛𝑎𝑘 𝑘𝑜!𝐺𝑎𝑙𝑒, 𝑖𝑡𝑜 𝑏𝑎 𝑡𝑎𝑙𝑎𝑔𝑎 𝑎𝑛𝑔 𝑛𝑎𝑖𝑠 𝑚𝑜? 𝑊𝑎𝑙𝑎 𝑘𝑎 𝑛𝑔𝑎 𝑏𝑎 𝑡𝑎𝑙𝑎𝑔𝑎𝑛𝑔 ℎ𝑖𝑛𝑑𝑖 𝑠𝑎 𝑎𝑘𝑖𝑛? 𝐾𝑎ℎ𝑖𝑡 𝑠𝑎 𝑎𝑛𝑎𝑘 𝑛𝑎 𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑠𝑎𝑛𝑎 𝑛𝑎𝑡𝑖𝑛..."Nicole!"Napaangat ako ng tingin nang marinig ang boses ni Aling Juliet na mabilis na dinaluhong ang kinaroroonan ko. Nanginginig ang aking mga kamay, pilit na pinatitigil ang walang humpay na pag-agos ng dugo na tila ba doon din nauubos ang huling lakas ko."Aling Juliet... ang anak ko," nahihirapang wika ko, halos maghabol ng hininga.Muli akong napahikbi nang lumuhod siya sa tapat ko at yakapin ako nang mahigpit. Bakas ang purong pag-aalala sa kaniyang mga mata."Tulong... Tulungan niyo kami..."Unti-unti nang nanlabo ang aking paningin habang ang ingay sa paligid ay unti-unti ring nagiging malabo sa aking pandini
Ang boses ni Gale ay yumanig sa buong sulok ng kusina, tila isang kulog na nagdala ng matinding bagyo. Halos mapatalon ako sa takot at awtomatikong nabitiwan ko ang basong hawak ko. Lumikha iyon ng matalim na tunog nang mabasag sa sahig, kasabay ng pagsabog ng tubig sa paligid ng aming mga paa.Mabilis na bumaba ang mga kamay ni Mike mula sa aking balikat. Hinarap niya si Gale na ngayon ay mabibigat ang hakbang na lumalapit sa amin. Nanlilisik ang mga mata ng aking asawa, umigting ang panga, at ang kaniyang mga kamao ay nakakuyom nang mahigpit na tila ba handang pumatay anumang oras."G-Gale..." kinakabahang untag ko nang tuluyan siyang makalapit sa amin. Halos magbuhol ang aking dila sa tindi ng kaba habang nakatitig sa nagbabago niyang anyo.Sininghap ko ang natitirang hangin sa aking baga nang bigla niyang ipulupot ang kaniyang bisig sa aking baywang—isang marahas at biglang pagkabig na walang kahit anong bahid ng lambing. Pagmamay-ari. Iyon ang isinisigaw ng kaniyang hawak. Halos
Halos hindi ako makahinga. Ang bawat salitang binitawan ni Gale ay parang patalim na isa-isang tumutusok sa aking puso—bawat talas ay may hatid na mas malalim at mas gumigiit na sakit. Wala na talagang lugar o hangganan ang pamamahiya niya sa akin; handa niya akong tapakan kahit sa harap ng ibang tao.Napasulyap ako kay Mike. Hindi na ngayon maipinta ang kaniyang mukha dahil sa narinig mula sa kaniyang pinsan. Tumingin siya sa akin nang diretso, tila may inaasahan siyang reaksyon o depensa mula sa aking mga labi, ngunit nanatiling tikom ang bibig ko. Ni hindi ko magawang itaas ang aking ulo, tila ba isang pusang takot na takot sa kaniyang amo.Dahil doon, malinaw kong nakita ang panandaliang pagkadismaya na dumaan sa mga mata ni Mike. Umigting ang kaniyang panga sa matinding pagtitimpi. Ngunit bago pa muling bumuka ang kaniyang bibig upang magsalita, mabilis nang sumabat si Rayjee na kanina pa tahimik na nagmamasid."Magsiupo na kayo. It's time to eat," pinal at maawtoridad na utos ni
Nanginginig ang mga daliri ko habang hawak ang maliit na brush ng aking blush-on. Paulit-ulit akong humihinga nang malalim sa harap ng salamin, pilit na pinatatahimik ang nagwawalang kaba sa aking dibdib. Sa pamamagitan ng makapal na makeup, sinubukan kong itago ang labis na pamumutla ng aking mukha at ang pamamaga ng aking mga mata mula sa walang humpay na pag-iyak ko kagabi.Nang ibaba ko nang bahagya ang kwelyo ng aking damit upang suriin ang sarili, awtomatikong napapikit ako sa pait. Ang mga marka na iniwan ng marahas at mapusok na pag-angkin ni Gale kagabi ay naroon pa rin sa aking balat—matingkad at tila nanunumbat. Mabilis kong kinuha ang concealer at mariin iyong idiniin sa aking leeg, sinisiguradong natatakpan ang bawat bakas bago ko tuluyang isinuot ang isang high-neck dress.Ang kabang nararamdaman ko ay mas nadadagdagan tuwing pumapatak ang bawat segundo. Pakiramdam ko, unti-unti akong kinakain ng takot. Natatakot ako sa maaaring gawin ni Mike. Natatakot ako na siya ang m
Matagal akong nakatitig sa cellphone na dumaadusdos sa kutson. Parang nawalan ng lakas ang mga bisig ko, habang ang kaniyang baritonong boses ay patuloy na umaatungal sa aking pandinig.𝐶𝑎𝑙𝑙𝑖𝑦𝑎ℎ...Buong buhay ko sa Maynila, itinago ko ang pangalang iyon. Ibinaon ko sa limot ang nakaraang nagdulot sa akin ng matinding sugat, ngunit sa isang iglap, nahanap ako ng multo ng kahapon. Paano niya nakuha ang numero ko? Gulong-gulo ang isip ko at unti-unting gumapang ang matinding paranoia sa bawat ugat ko.May posibilidad ba na alam na niya kung nasaan ako?Napahawak ako sa aking tiyan habang nanginginig, ramdam ang mabilis na tibok ng aking puso. "Hindi... hindi niya pwedeng malaman. Hindi niya pwedeng sirain ang buhay ko ngayon..." mahinang bulong ko sa sarili.Nanatili ako sa loob ng kwarto. Never na akong lumabas kahit na naramdaman ko na ang matinding uhaw; tiniis ko, huwag ko lang ulit makita ang mga Salazar.Nakahiga ako sa kama at hindi napapansin na bigla na lang sumisikip an
Nang imulat ko ang aking mga mata, sumalubong sa akin ang hindi pamilyar na kisame ng marangyang kwarto. Kasabay niyon ang marahas na pagbaliktad ng aking sikmura.I felt heavy, emotionally and physically drained.Kaya mabilis akong bumangon at napatakbo sa banyo para ilabas ang walang laman kong tiyan. My morning sickness was getting worse, isang malupit na paalala ng buhay na nagpabago sa tadhana ko at ng hawlang kapapasok ko pa lang.Napamumog ako bago napaangat ang ulo ko sa salamin. Mugto ang mga mata, walang kabuhay-buhay ang itsura ko. Tunay ngang nawala na ang dating Nicole. Hindi ko na halos makilala ang babaeng tinitingnan ko sa salamin.𝐴𝑚 𝐼 𝑟𝑒𝑎𝑙𝑙𝑦 𝑎 𝑆𝑎𝑙𝑎𝑧𝑎𝑟 𝑛𝑜𝑤? 𝐼𝑡𝑜 𝑏𝑎 𝑎𝑛𝑔 𝑔𝑎𝑛𝑡𝑖𝑚𝑝𝑎𝑙𝑎 𝑛𝑎 ℎ𝑖𝑛𝑎ℎ𝑎𝑛𝑔𝑎𝑑 𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑟𝑎𝑚𝑖ℎ𝑎𝑛? 𝐴𝑦𝑎𝑤 𝑘𝑜 𝑖𝑡𝑜. 𝑃𝑎𝑡𝑖 𝑛𝑎 𝑟𝑖𝑛 𝑎𝑛𝑔 𝑠𝑖𝑛𝑔𝑠𝑖𝑛𝑔 𝑠𝑎 𝑑𝑎𝑙𝑖𝑟𝑖 𝑘𝑜.Mariin kong naikuyom ang kamao ko.Kahit mabigat ang dibdib, pinilit kong inayos ang sarili ko, nagbabakasakali na bu
Dala ang lunchbox na pinahanda ni Rage Salazar para sa kanyang apo ay pumunta na ako sa resort na pagmamay-ari nila."Salazar Hideway." Pagbasa ko sa signage na nakasulat sa entrance gate.Isang pribado ang resort na ito. Talagang ginawa para sa mga taong mayayaman na ayaw magpa istorbo. Karamihan
“Ano na ang plano mo apo?” Makahulugan tanong ng matanda sa kanyang apo.Lahat kami ay napatingin sa kanya. Nasa hapagkainan kami ngayon.“Lumalaki na si Gael at hanggang ngayon ay palamunin ka pa rin. Kailan mo balak magtrabaho sa kumpanya para may pakinabang ka naman sa pamilyang ito?” Dagdag pa
Hindi ako mahuhulog sa kanya, iyon ang akala ko. He’s cold, distant, and arrogant towards me. I will never fall for a man like him. But I was wrong. Minahal ko pa rin siya. “Bakit ngayon ka lang?” Alas dos na ng umaga at kakauwi lang ng magaling kong asawa. Paakyat na siya ng hagdan ng magsalit
I never expect na mapapagod din pala ako sa kanya, na susukuan ko rin pala siya sa huli. “Thank you Mike.” Saad ko sa kaibigan. “Are you really sure about this?” May lungkot sa mga mata niya. “Yes, sure na ako!” Nakangiting sagot ko. Tumango siya. Pagkatapos niyang iabot sa akin ang sadya ko ay







