Mag-log in
Sabi nila, ang pag-ibig ay parang sugal. Itataya mo ang lahat—ang oras mo, ang pangarap mo, at maging ang buong pagkatao mo sa pag-asang sa huli, ikaw ang mananalo.
Pero sa loob ng limang taon, isa lang ang natutunan ko: sa larong ito ng pag-ibig, hindi sapat ang taya. Dahil kahit ibigay mo na ang lahat, kung hindi ikaw ang pinipiling panalunin, mananatili kang talunan. Hindi ko kailanman inasahan na darating ang araw at mapapagod din ako sa kanya. Na ang pusong dati ay tila hindi nauubusan ng pasensya ay bigla na lang titigil at sasabihing, 𝑇𝑎𝑚𝑎 𝑛𝑎. Na sa huli, ang babaeng nangakong hinding-hindi siya iiwan ay ang siya ring babaeng maglalakad palayo para iligtas ang sarili. “Salamat, Mike,” mahinang saad ko habang inaabot ang brown envelope. Ang sarili kong boses ay halos hindi ko na makilala sa lamig nito. “Sigurado ka na ba talaga rito, Nicole?” May bahid ng pag-aalinlangan at lungkot ang mga mata ni Mike. Kilala niya ako. Alam niya kung gaano ko ipinaglaban ang relasyong matagal nang ako lang ang nagdadala. “Oo, Mike. Pagod na ako. Sobrang pagod na,” sagot ko nang may tipid na ngiti na hindi man lang umabot sa aking mga mata. “Minsan pala, kailangan mo munang tuluyang mabasag bago mo maintindihang hindi na kayang buuin ng mga piraso mo ang sarili mo.” Tumango siya, bagaman bakas ang pag-aalala. Saksi si Mike sa bawat hagulgol ko sa madaling-araw kapag hindi umuuwi si Gale. Alam niya kung paano ako magpaka-martir, kung paano ko tiniis ang bawat balewalang tingin at bawat masakit na salita mula sa asawa ko at sa pamilya niya. At ngayon, hawak ko na ang papel na tuluyang nagpapatunay na wala talagang natira para sa akin. Umalis ako sa pinag-usapan naming iyon. Ang sikat ng araw ay masakit sa balat, pero mas masakit ang katotohanang pasan-pasan ko. Bago ko puntahan ang huling destinasyon ko ngayong araw, kinuha ko muna ang pinakamahalagang bagay sa buhay ko—ang tanging rason kung bakit nanatili akong humihinga sa impyernong ako mismo ang nagpilit pasukin. “Heto na po siya, Misis Salazar,” bungad ng nurse pagkarating ko sa nursery unit. Dahan-dahan kong kinuha ang anak ko sa aking bisig. Mahigpit ko siyang niyakap, na tila iyon na lang ang natitirang bagay na nagpapakalma sa akin. “It’s Miss Asuncion now,” pagtatama ko sa nurse. Hindi na ako ang babaeng Salazar na handang mawala ang sarili para sa pangalan ng asawa. Ako na uli si Calliyah Nicole Asuncion—hindi na ang babaeng nabubuhay lang sa pagmamahal ni Gale. 𝑈𝑚𝑎𝑙𝑖𝑠 𝑛𝑎 𝑡𝑎𝑦𝑜 𝑠𝑎 𝑙𝑢𝑔𝑎𝑟 𝑛𝑎 𝑖𝑡𝑜, 𝑎𝑛𝑎𝑘. 𝑀𝑎𝑙𝑎𝑦𝑜 𝑠𝑎 𝑠𝑎𝑘𝑖𝑡. 𝑀𝑎𝑙𝑎𝑦𝑜 𝑠𝑎 𝑘𝑎𝑛𝑖𝑙𝑎. Maingat ko siyang inilagay sa likurang upuan ng aking sasakyan. Bawat kilos ko ay tila mabigat. Inayos ko siya nang maingat bago ako umikot at sumakay sa driver’s seat. Hinawakan ko nang mahigpit ang manibela. Ang aking mga kamay ay nanginginig, hindi dahil sa takot, kundi dahil sa emosyong matagal ko nang kinikimkim. “Bago tayo tuluyang lumayo, dadaan muna tayo sa Papa mo, magpapaalam lang tayo,” mahinang bulong ko. Ang biyahe patungo sa ospital ay tila pinakamahabang biyahe ng buhay ko. Bawat kanto, bawat traffic light, binibigyan ako ng pagkakataong magbago ng isip. Pero selyado na ang desisyon ko. Pagkarating sa gusali, ang amoy ng disinfectant at gamot ay agad na sumalubong sa akin—malamig at walang buhay ang paligid. Muntik ko nang makalimutan ang brown envelope sa backseat. Mabuti na lang at may kung anong nagtulak sa akin na lumingon uli sa aking anak bago ako tuluyang bumaba. Binalikan ko ito at pumasok sa loob. Alam ko ang daan patungo sa kwartong iyon. Hindi dahil madalas akong narito. At lalong hindi dahil siya ang pasyente. Nandito siya dahil binabantayan niya ang kanyang mundo. At kailanman, hindi ako naging bahagi noon. Doctor ba ang asawa ko? Hindi. Isang CEO ang asawa ko. Isang bilyonaryong negosyante na hinahangaan ng marami. Pero para sa akin, isa lang siyang lalaking unti-unting dumurog sa akin. Pagdating sa tapat ng private room, hindi na ako nag-abalang kumatok. Wala na akong pakialam sa respeto o etiketa. Ang dangal ko ay matagal na nilang kinuha, kaya bakit ko pa sila bibigyan? Pagbukas ng pinto, nanlamig akong natigilan. “Nicole!” gulat na sigaw ni Gale. Naka-awang ang aking labi pero walang tunog na lumabas. Nakikita ko sila. Si Samantha—ang babaeng unang minahal ni Gale, ang babaeng dahilan kung bakit kahit kailan ay hindi ako naging sapat. Nakaupo si Samantha sa hospital bed, habang si Gale ay nakaluhod sa harap niya. Ang mga braso ni Samantha ay nakapulupot sa leeg ni Gale habang magkadikit ang kanilang mga labi, na tila ba ako lang ang sobrang kalabisan sa kwartong iyon. Halos nakabukas na ang polo ng asawa ko, na para bang wala silang ibang iniisip kundi ang isa't isa. “N-Nicole...” nauutal na tawag ni Samantha, mabilis na tinutulak si Gale palayo. Pinilit kong tumawa, pero ang lumabas ay isang mapait na tunog na halos hindi ko makilala. Tinitigan ko si Samantha. Maganda pa rin siya, kahit nakasuot ng hospital gown. Ang lambing ng boses niya ay nandoon pa rin—iyong tinig na naging sandigan ni Gale sa loob ng limang taon naming pagkakasama, habang ako ay nananatiling babaeng nasa tabi lang niya. “Samantha,” tawag ko sa kanya habang naglalakad palapit. “Huwag kang mag-alala. Hindi ako pumunta rito para gumawa ng eksena." "Pagod na akong lumaban para sa relasyong hindi naman naging akin.” Binalingan ko si Gale. Ang asawa ko. Ang lalaking minsan kong inakalang makakasamabko habang-buhay. Inabot ko sa kanya ang brown envelope. “Ano ito?” kunot-noong tanong niya habang inaayos ang kanyang polo. Wala man lang bakas ng pagsisisi sa kanyang mga mata, kundi pagkainis dahil naistorbo ko sila. “Pirmahan mo, Gale. Kapag ginawa mo ‘yan, hindi mo na ako makikita kailanman." "Ibibigay ko na sa inyo ang buhay na matagal nang gusto.” “Nicole, ‘wag ka sanang magagalit kay Gale,” biglang singit ni Samantha, mahina niyang sabi. “Nandito lang siya dahil... wala akong ibang matakbuhan." "Ayokong masira ang pamilya niyo dahil sa akin.” Tumaas ang kilay ko. Ang galing niyang maglaro. “Wala ka bang sariling pamilya, Sam? O baka sadyang asawa ko lang ang hilig mong takbuhan?" "Pero huwag kang mag-alala. Sa'yo na siya. Tutal, ikaw naman talaga ang gusto niya. Ang kailangan ko lang ay ang pirma niya.” “Nicole! Tama na!” suway sa akin ni Gale. Ang boses niya ay halatang galit. “Hindi ka marunong makipag-usap nang maayos? Ikaw na naman ang gumagawa ng gulo. Pinasasama mo lang ang loob ni Samantha!” Napatitig ako kay Gale. Gusto kong itanong kung naririnig ba niya ang sarili niya. Pero ano pang silbi? Sa paningin niya, ako ang laging mali at masama. “Maniwala ka, Gale Rey... mas masakit ang ginawa mo kaysa sa kahit anong masasabi ko,” mariing sabi ko. “Iyan lang ang kailangan ko. Pirmahan mo na para matapos na ang lahat.” Nakita ko ang bahagyang pag-aalala sa kanyang mga mata nang tawagin ko siya sa buong pangalan niya. Pero mabilis din iyong nawala nang humawak si Samantha sa ulo nito, na tila biglang nanghina. “G-Gale, kailangan ko nang magpahinga... pirmahan mo na ‘yan para makaalis na siya,” bulong ni Samantha. “Sige,” mabilis na sagot ni Gale. Hindi niya binasa ang dokumento. Hindi niya tinignan ang bawat pahina. Basta na lang siyang kumuha ng ballpen at mabilis na nilagdaan ang papel na para bang ordinaryong papel lang. Ganoon lang kabilis. Napakadali para sa kanya na burahin ang limang taon naming pagsasama. “Kunin mo na ito at ‘wag na ‘wag ka nang babalik sa ospital na ito. Huwag mo nang guguluhin si Samantha,” sabi niya habang ibinibigay sa akin ang envelope. Kinuha ko iyon. Parang may tuluyang namatay sa loob ko. Wala na talaga. Tapos na. “Huwag kang mag-alala, Gale. Hinding-hindi na ako babalik. Hindi na ako magmamakaawa sa ‘yo na mahalin mo ako o kahit pansinin man lang." Sa araw na ito, tuluyan na kitang bibitawan.” Tumalikod ako at hindi na lumingon pa. Habang naglalakad ako sa hallway ng ospital, bawat hakbang ko ay parang unti-unti akong lumalayo sa dating ako— sa babaeng handang gawin ang lahat para mahalin. 𝑃𝑎𝑎𝑙𝑎𝑚, 𝐺𝑎𝑙𝑒. Sa kabilang buhay na lang tayo muling magkita. Pero sa mundong ito, ako na mismo ang magwawakas sa atin.Ang boses ni Gale ay yumanig sa buong sulok ng kusina, tila isang kulog na nagdala ng matinding bagyo. Halos mapatalon ako sa takot at awtomatikong nabitiwan ko ang basong hawak ko. Lumikha iyon ng matalim na tunog nang mabasag sa sahig, kasabay ng pagsabog ng tubig sa paligid ng aming mga paa.Mabilis na bumaba ang mga kamay ni Mike mula sa aking balikat. Hinarap niya si Gale na ngayon ay mabibigat ang hakbang na lumalapit sa amin. Nanlilisik ang mga mata ng aking asawa, umigting ang panga, at ang kaniyang mga kamao ay nakakuyom nang mahigpit na tila ba handang pumatay anumang oras."G-Gale..." kinakabahang untag ko nang tuluyan siyang makalapit sa amin. Halos magbuhol ang aking dila sa tindi ng kaba habang nakatitig sa nagbabago niyang anyo.Sininghap ko ang natitirang hangin sa aking baga nang bigla niyang ipulupot ang kaniyang bisig sa aking baywang—isang marahas at biglang pagkabig na walang kahit anong bahid ng lambing. Pagmamay-ari. Iyon ang isinisigaw ng kaniyang hawak. Halos
Halos hindi ako makahinga. Ang bawat salitang binitawan ni Gale ay parang patalim na isa-isang tumutusok sa aking puso—bawat talas ay may hatid na mas malalim at mas gumigiit na sakit. Wala na talagang lugar o hangganan ang pamamahiya niya sa akin; handa niya akong tapakan kahit sa harap ng ibang tao.Napasulyap ako kay Mike. Hindi na ngayon maipinta ang kaniyang mukha dahil sa narinig mula sa kaniyang pinsan. Tumingin siya sa akin nang diretso, tila may inaasahan siyang reaksyon o depensa mula sa aking mga labi, ngunit nanatiling tikom ang bibig ko. Ni hindi ko magawang itaas ang aking ulo, tila ba isang pusang takot na takot sa kaniyang amo.Dahil doon, malinaw kong nakita ang panandaliang pagkadismaya na dumaan sa mga mata ni Mike. Umigting ang kaniyang panga sa matinding pagtitimpi. Ngunit bago pa muling bumuka ang kaniyang bibig upang magsalita, mabilis nang sumabat si Rayjee na kanina pa tahimik na nagmamasid."Magsiupo na kayo. It's time to eat," pinal at maawtoridad na utos ni
Nanginginig ang mga daliri ko habang hawak ang maliit na brush ng aking blush-on. Paulit-ulit akong humihinga nang malalim sa harap ng salamin, pilit na pinatatahimik ang nagwawalang kaba sa aking dibdib. Sa pamamagitan ng makapal na makeup, sinubukan kong itago ang labis na pamumutla ng aking mukha at ang pamamaga ng aking mga mata mula sa walang humpay na pag-iyak ko kagabi.Nang ibaba ko nang bahagya ang kwelyo ng aking damit upang suriin ang sarili, awtomatikong napapikit ako sa pait. Ang mga marka na iniwan ng marahas at mapusok na pag-angkin ni Gale kagabi ay naroon pa rin sa aking balat—matingkad at tila nanunumbat. Mabilis kong kinuha ang concealer at mariin iyong idiniin sa aking leeg, sinisiguradong natatakpan ang bawat bakas bago ko tuluyang isinuot ang isang high-neck dress.Ang kabang nararamdaman ko ay mas nadadagdagan tuwing pumapatak ang bawat segundo. Pakiramdam ko, unti-unti akong kinakain ng takot. Natatakot ako sa maaaring gawin ni Mike. Natatakot ako na siya ang m
Matagal akong nakatitig sa cellphone na dumaadusdos sa kutson. Parang nawalan ng lakas ang mga bisig ko, habang ang kaniyang baritonong boses ay patuloy na umaatungal sa aking pandinig.𝐶𝑎𝑙𝑙𝑖𝑦𝑎ℎ...Buong buhay ko sa Maynila, itinago ko ang pangalang iyon. Ibinaon ko sa limot ang nakaraang nagdulot sa akin ng matinding sugat, ngunit sa isang iglap, nahanap ako ng multo ng kahapon. Paano niya nakuha ang numero ko? Gulong-gulo ang isip ko at unti-unting gumapang ang matinding paranoia sa bawat ugat ko.May posibilidad ba na alam na niya kung nasaan ako?Napahawak ako sa aking tiyan habang nanginginig, ramdam ang mabilis na tibok ng aking puso. "Hindi... hindi niya pwedeng malaman. Hindi niya pwedeng sirain ang buhay ko ngayon..." mahinang bulong ko sa sarili.Nanatili ako sa loob ng kwarto. Never na akong lumabas kahit na naramdaman ko na ang matinding uhaw; tiniis ko, huwag ko lang ulit makita ang mga Salazar.Nakahiga ako sa kama at hindi napapansin na bigla na lang sumisikip an
Nang imulat ko ang aking mga mata, sumalubong sa akin ang hindi pamilyar na kisame ng marangyang kwarto. Kasabay niyon ang marahas na pagbaliktad ng aking sikmura.I felt heavy, emotionally and physically drained.Kaya mabilis akong bumangon at napatakbo sa banyo para ilabas ang walang laman kong tiyan. My morning sickness was getting worse, isang malupit na paalala ng buhay na nagpabago sa tadhana ko at ng hawlang kapapasok ko pa lang.Napamumog ako bago napaangat ang ulo ko sa salamin. Mugto ang mga mata, walang kabuhay-buhay ang itsura ko. Tunay ngang nawala na ang dating Nicole. Hindi ko na halos makilala ang babaeng tinitingnan ko sa salamin.𝐴𝑚 𝐼 𝑟𝑒𝑎𝑙𝑙𝑦 𝑎 𝑆𝑎𝑙𝑎𝑧𝑎𝑟 𝑛𝑜𝑤? 𝐼𝑡𝑜 𝑏𝑎 𝑎𝑛𝑔 𝑔𝑎𝑛𝑡𝑖𝑚𝑝𝑎𝑙𝑎 𝑛𝑎 ℎ𝑖𝑛𝑎ℎ𝑎𝑛𝑔𝑎𝑑 𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑟𝑎𝑚𝑖ℎ𝑎𝑛? 𝐴𝑦𝑎𝑤 𝑘𝑜 𝑖𝑡𝑜. 𝑃𝑎𝑡𝑖 𝑛𝑎 𝑟𝑖𝑛 𝑎𝑛𝑔 𝑠𝑖𝑛𝑔𝑠𝑖𝑛𝑔 𝑠𝑎 𝑑𝑎𝑙𝑖𝑟𝑖 𝑘𝑜.Mariin kong naikuyom ang kamao ko.Kahit mabigat ang dibdib, pinilit kong inayos ang sarili ko, nagbabakasakali na bu
Madaling-araw pa lang ay gising na ako. Sa totoo lang, hindi naman talaga ako dinalaw ng antok. Nakatitig lang ako sa kawalan habang unti-unting pinalis ng liwanag ng bukang-liwayway ang kadiliman sa labas ng bintana. Ito na ang araw na babago sa takbo ng buhay ko—ang araw ng aking kasal.Gusto kong tumakas, magtago sa mga Salazar at ipalaglag na lang ang bata. Ngunit kung gagawin ko iyon, kakayanin kaya ng konsensya ko? Ang pumatay ng sarili kong dugo dahil lang sa takot ko sa hinaharap?"Hija, dahan-dahan lang sa paghinga," marahang bulong sa akin ni Aling Juliet habang maingat niyang inaayos ang likod ng aking pangkasal na bistida.Humarap ako sa malaking salamin. Ang repleksyong nakikita ko ay isang babaeng nakasuot ng napakagandang trahe de boda, ngunit ang kaniyang mga mata ay walang kabuhay-buhay. Walang bakas ng saya, walang pangarap. Tila ba hindi ako inayusan para sa isang kasal, kundi inihahanda para ihandog sa altar ng sakripisyo."Aling Juliet... natatakot po ako," pabulo
“I don’t want a toy anymore.” Sigaw ng bata. Gamit ang maliit na kamao ay pinagsusuntok niya ang ama sa mukha. Sinangga naman ni Gale ang suntok ng anak. “Stop it kiddo.” Malumanay na utos niya sa anak. Never niyang sinigawan o pinagalitan ang bata. Kaya lumaki itong walang kinakatakutan kung hin
Naiintindihan ko na si mama, para manatiling buo ang pamilya kailangan mong magtiis at magpakatanga sa kagagohang ginagawa ng asawa mong hindi iniisip ang kapakanan ng inyong anak. Samantha Bernardo is my insecurities. Dahil sa kanya, ang dami kong nakitang mali sa akin. Akala ko nga perpekto na ak
Hindi ako mahuhulog sa kanya, iyon ang akala ko. He’s cold, distant, and arrogant towards me. I will never fall for a man like him. But I was wrong. Minahal ko pa rin siya. “Bakit ngayon ka lang?” Alas dos na ng umaga at kakauwi lang ng magaling kong asawa. Paakyat na siya ng hagdan ng magsalit
I hate red dresses. That’s why I never wear all the dresses Glenda Salazar brought me. Suot ang puting bestida na abot sa ibabaw ng talampakan, umikot ako sa harap ng salamin, tube ito. Tenernohan ko ito ng white flat sandal. Hindi rin ako nagsusuot ng jewelries, tanging ang wedding ring lang ang m







