Ang halik na iyon ay hindi lang basta paglapat ng mga labi—ito ay pagsabog ng lahat ng galit, selos, at matagal nang itinagong pagnanasa na dinala ni Gale mula sa ibaba. Marahas, malalim, at lasang alak. Ramdam ko ang bigat ng kanyang katawan na tila gustong ibaon ang buong pagkatao ko sa gilid ng bar counter. Sinubukan kong huminga, ngunit bawat pagbuka ng bibig ko ay sinasalo ng mapusok niyang paggagalugad. Unti-unti, ang naninigas kong mga kamay ay nakahanap ng sariling lakas; dahan-dahan kong itinaas ang aking mga braso para kumapit sa kanyang leeg, pikit-matang sumasabay sa bagsik ng kanyang mga labi habang unt-unting nawawala ang aking katinuan. "Nicole..." usal niya sa pagitan ng aming paghalik, ang mainit at mabigat niyang hininga ay dumampi sa aking pisngi pababa sa aking leeg. Humiwalay nang kaunti ang kanyang bibig, ngunit hindi para tumigil. Naramdaman ko ang marahan ngunit madiin niyang paghalik sa aking panga, pababa sa aking leeg. Napaarko ang aking likod nang s******n
Baca selengkapnya