Share

Kabanata 59

Penulis: Docky
last update Tanggal publikasi: 2026-07-23 19:39:18

Raven’s POV

“Sir Raven!” Nagmamadaling pumasok si Hans sa loob ng office ko. Namumutla ang mukha niya.“May n-natanggap akong report. Ang sasakyan nila Miss Myla… sangkot sa malaking aksidente…”

Ang hawak kong fountain pen ay lumikha ng malakas na tunog nang mabitawan ko 'yon at mahulog sa sahig. Pati ang dokumentong pinipirmahan ko ay nadungisan na dahil sa pagkabigla ko.

“Nasaan sila?” tanong ko habang isa-isa ko nang dinadampot ang gamit ko.

“Ang sabi sa report ay nasa hospital na sila. Hindi
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Tiny Cupid: Helping Daddy Catch Mommy   Kabanata 63

    Myla’s POVWala akong ibang ginawa kundi ang sundan ang bawat galaw ni Aleron. Takbo rito, takbo roon ang ginawa niya sa bawat kakaibang isdang makikita niya sa aquarium. Medyo nararamdaman ko na rin ang pananakit ng mga binti ko, samantalang si Raven ay tahimik lang na nakasunod sa amin at wala ring anumang reklamo.“Aleron, hindi ka ba nagugutom?” tanong ko nang sa wakas ay tumigil na siya. Nakaupo na kami ngayon sa isang bench habang hinihintay ang pagsisimula ng main event.“Here.”Hindi pa man nakakasagot si Aleron ay iniabot na ni Raven ang isang plastic bag na may lamang choco milk drink, fries, at Chickenjoy.“I knew you wanted to try that one, right?” malambing pa nitong dagdag.Napatingin ako sa ekspresyon ni Aleron. Mukha siyang nagulat sa ibinigay ng daddy niya. Marahil ay hindi rin niya inaasahang ang daddy niya mismo ang magbibigay noon sa kaniya.“H-Hmm... t-thank you, Daddy,” mahina niyang bulong bago tuluyang tinanggap ang plastic bag. Excited niyang tinikman ang frie

  • Tiny Cupid: Helping Daddy Catch Mommy   Kabanata 62

    Myla's POVNakaupo na ako sa waiting area. Ilang minuto na lang at labasan na nila Aleron, pero hanggang ngayon wala pa rin si Raven. Ang usapan namin, agahan niya para sabay kaming manundo. Pero ito, wala pa siya.Napalingon ako sa guard na minsan ko nang nakausap noong unang punta ko rito. Ngumiti lang siya. Sunod naman akong lumingon sa mga nanay na nasa kabilang gilid. Isa roon si Ms. Sanchez na agad na napaiwas ng tingin nang magtama ang mga mata namin. May binulong pa siya sa katabi niya na agad akong nilingon, pero umiwas din ng tingin. Mukhang nagkakalat pa rin ng maling impormasyon.Napailing na lang ako at inilabas ang cellphone ko sa bulsa. Agad akong nagtipa ng mensahe para kay Raven.  Typing… [Nandito na ako sa waiting area ng school ni Aleron. Nasaan ka na? Wala akong mga bodyguard na kasama ngayon para maging normal na bonding lang ang mangyayari sa ating tatlo. Bilisan mo

  • Tiny Cupid: Helping Daddy Catch Mommy   Kabanata 61

    Myla's POVPinagsiklop ko ang dalawa kong kamay habang nakaupo sa sofa sa sala. Anong oras na pero hindi pa rin bumabalik si Raven. Paano kung sa kaniya naman may nangyaring masama?Napapikit ako nang mariin. Kailangan kong pakalmahin ang sarili ko. Masyado na yata akong maraming pinagdaanan simula nang makilala ko sila kaya ganito na lang ako kabahan. Pero sino nga naman kasi ang hindi kakabahan kung katulad ni Rachel ang kalaban? Kahit si Aleron na bata, hindi niya pinalagpas. Sinong matinong tao ang handang gawin ang mga pinaggagawa niya?Mabilis akong napabalikwas ng tayo sa sofa nang marinig ko ang pagbukas ng pinto. Agad na nagsalubong ang tingin namin ni Raven. Pagod ang mukha niya at maging ang mga mata niya ay halo-halong emosyon ang nakikita ko. Ngunit mas nananaig doon ang lungkot. Kahit naman sino siguro ang nasa kalagayan niya, makakaramdam din ng lungkot. Wala akong kapatid pero minsan na rin akong nasaktan ng mga naging kaibigan ko. Paano pa kaya siya na mismong kap

  • Tiny Cupid: Helping Daddy Catch Mommy   Kabanata 60

    Raven's POV“A-Anong sinasabi mo, Raven… hindi kita maintindihan. Mukha ba akong nag-aakto?” Umiling-iling siya at muling humawak sa akin. “Bakit ka ba nagkakaganyan? Hindi ito ang oras para magalit ka sa akin. Kapatid mo ako at ako ang magiging karamay mo sa mga ganitong sitwasyon.”Seryoso ko siyang tinitigan. Kung hindi ko lang alam ang totoo, baka napaniwala niya ako sa pag-arte niya. Hindi na ako nagtaka kung bakit ngayon ko lang nalaman na isa sa mga kaaway ko ay nasa tabi ko lang. Dahil kahit sino, hindi aakalaing siya ‘yon.“At anong sitwasyon ang sinasabi mo, Rachel?” muli kong tanong. Unti-unting kumakalat ang pait sa loob ng bibig ko. Hindi ko matanggap na siya mismo, ang kapatid ko, ay kakalabanin ako para lang sa pera at puwesto sa kumpanya.“I-Ito,” turo niya sa operating room kung saan nakasulat ang ON-GOING. “Nasa operasyon ang anak mo at nasa bingit ng kamatayan ang buhay niya. Sa tingin mo ba hahayaan kitang mag-isa rito na nakatayo lang at naghihintay ng balita?”

  • Tiny Cupid: Helping Daddy Catch Mommy   Kabanata 59

    Raven’s POV“Sir Raven!” Nagmamadaling pumasok si Hans sa loob ng office ko. Namumutla ang mukha niya.“May n-natanggap akong report. Ang sasakyan nila Miss Myla… sangkot sa malaking aksidente…”Ang hawak kong fountain pen ay lumikha ng malakas na tunog nang mabitawan ko 'yon at mahulog sa sahig. Pati ang dokumentong pinipirmahan ko ay nadungisan na dahil sa pagkabigla ko.“Nasaan sila?” tanong ko habang isa-isa ko nang dinadampot ang gamit ko.“Ang sabi sa report ay nasa hospital na sila. Hindi ko pa alam kung ano ang lagay nila,” sagot niya habang nakasunod sa akin na nagmamadaling lumabas ng office.Mabigat ang mga paa ko sa bawat hakbang. Gusto ko nang takbuhin ang hallway para lang makalabas agad sa building at mapuntahan ang hospital kung nasaan sila Myla at Aleron.“Bilisan natin. Kailangan ko silang makita agad. Kailangan kong malaman kung ano ang lagay nilang dalawa,” utos ko kay Hans nang makapasok kaming pareho sa kotse.Hindi na ako mapakali sa kinauupuan ko. Kung pwede lan

  • Tiny Cupid: Helping Daddy Catch Mommy   Kabanata 58

    Myla’s POVNagmamadali akong lumakad palayo kay Raven. Hindi ko mapigilan ang inis ko sa kanya. Bakit ba hindi niya maintindihan na hindi lang pera at materyal na bagay ang kailangan ni Aleron mula sa kanya? Kailangan din ni Aleron ng kalinga ng isang magulang. Bilang isang batang lumaki nang walang mommy, mas kailangan niya ang atensyon ng daddy niya. Pero hindi 'yon maintindihan ni Raven.Napahinto ako sa paglalakad nang matanaw ko si Aleron mula sa kinatatayuan ko. Kailangan ko munang ikalma ang sarili ko bago ko siya harapin. Kung ipapakita kong ganito ang lagay ko, mahahalata niyang hindi naging maganda ang usapan namin ng daddy niya. Baka lalo lang siyang magtampo kay Raven, at 'yon ang ayaw na ayaw kong mangyari.Paulit-ulit akong huminga nang malalim, saka ko pinilit ngumiti bago ko siya masiglang tinawag.“Aleron, umuwi na tayo,” sambit ko nang makalapit ako sa kanila ni Kier. Nakaupo sila sa lobby at naghihintay sa akin.“ Mommy Myla,” mabilis siyang napatayo mula sa so

  • Tiny Cupid: Helping Daddy Catch Mommy   Kabanata 2 The Target

    Myla’s POV “Keep your head high, don’t look down!” Rinig ko ang maliit na boses ni Aleron mula sa earpieace na suot ko. Nakatayo ako ngayon sa entrance ng isang engrandeng open party sa isang malawak na resort. Puno ng mga tao ang paligid at halos lahat ng mga naroon ay may suot na magagandang da

  • Tiny Cupid: Helping Daddy Catch Mommy   Kabanata 1 Kidnapping His Ideal Mommy

    Myla’s POVMahigpit kong hinawakan ang sling ng bag ko habang ang hakbang ko ay unti-unti na ring bumibilis. Kahit anong gusto kong lumingon sa aking likuran ay pinilit kong panatilihin ang paningin ko sa aking harapan. Hindi naman na ‘to ang unang beses na may sumusunod sa akin. Ilang araw ko nang

  • Tiny Cupid: Helping Daddy Catch Mommy   Kabanata 5 Failed Plan

    Zarina’s POVHindi ko maiwasang mapangisi habang pinapanood ko si Raven na sumimsim sa kopitang hawak niya. Ayos lang kung magalit siya sa akin o mapahiya ako ng kaunti. Ang akin lang, sa huli ay nasa akin pa rin ang huling halakhak.Kapag gumana na ang plano ko, tiyak na magiging akin na ng tuluya

  • Tiny Cupid: Helping Daddy Catch Mommy   Kabanata 4 Her First Dance

    Myla’s POVKabado man ay dahan-dahan kong inangat ang palad ko para tanggapin ang alok ni Raven. Unang lapat pa lang ng balat ko sa kaniya ay pakiramdam ko’y makukuryente ako. Hindi ko rin maintindihan kung bakit ganito na lang ang epekto niya sa akin. Parang…parang hindi ito ang unang beses na na

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status