Share

Trapped with Mr. Billionaire
Trapped with Mr. Billionaire
Author: Senyorita

Chapter 1: The Storm

Author: Senyorita
last update publish date: 2026-05-29 18:09:19

Malalakas na patak ng ulan ang halos bumubulag kay Lorraine habang naglalakad siya sa gilid ng madilim na kalsada. Sinamahan pa ng malamig na hangin kaya wala siyang nagawa kundi yakapin na lang ang sarili at pasimpleng nagsisisi kung bakit pa niya tinuloy ngayon ang plano niya.

Mahigpit niyang hawak ang payong ngunit halos mawalan na iyon ng silbi dahil sa napakalakas na hangin. Kahit gaano pa kalakas ang kapit niya ay mas malakas pa ang bugso ng hangin. Basa na ang mahaba niyang buhok, maging ang simpleng red dress na suot niya ay dumikit na sa kaniyang balat dahil sa ulan.

Napabuntong-hininga siya habang pilit na pinoprotektahan ang folder na hawak niya.

“Grabe naman kasi ang ulan na ‘to, kahit kailan panira talaga, eh,” mahina niyang bulong sa sarili. “Sana pala hindi ko na lang tinuloy ngayon. Pwede naman kasing ipagpabukas na lang.”

Pero kanina rin naman kasi no’ng lumabas siya ng boarding house niya ay hindi pa ganito kalakas ang ulan. Sayang trip lang siguro siya ng ulan. Sinusubok talaga ang pagiging ulirang guro niya.

Ilang araw nang absent ang isa sa kaniyang estudyante. Hindi sumasagot sa tawag at hindi rin nagre-reply sa messages niya. At bilang adviser ay hindi siya mapakali. Kilala niya ang mga estudyante niya at ramdam niyang may problema ang bata.

Kaya heto siya ngayon, tinutupad ang saying na “My Teacher, My Hero”. Kahit sinusubok ng panahon ay pinilit pa rin niyang puntahan ang address na nasa student records.

Napatingin siya sa maliit na papel na halos mabasa na sa ulan. Sinisigurado niya lang na nasa tamang landas pa siya.

“Zaragoza Subdivision,” mahina niyang basa.

Hindi niya alam kung ilang minuto na siyang naglalakad dahil wala nang masakyan sa lugar na iyon. Wala ring dumadaang sasakyan dahil sa malakas na ulan. Tanging malalakas na kulog at hampas ng hangin lamang ang kasama niya.

Ang ganda talaga ng timing! Kasing ganda ko, bulong niya sa sarili.

Maya-maya pa ay napahinto siya.

Unti-unting nanlaki ang mga mata niya habang nakatingin sa napakalaking gate sa harapan niya. Isang napakataas na itim na gate ang bumungad sa kaniya, napapalibutan ng matatayog na pader at mamahaling ilaw na bahagyang natatakpan ng ulan. Muli niyang binasa ang papel, tama naman ang address na pinuntahan niya.

“Ang yaman pala ng batang ‘yon,” aniya sa sarili habang nakatayo sa harap ng malaking bahay. “Eh, bakit nasa public school siya nag-aaral?” Pailing-iling pa siya habang hawak-hawak pa rin ang payong niya. “Hindi na yata ‘to bahay eh. Mansion na ‘to.”

Parang mansion ng mga nasa pelikula. Ay, hindi, mas maganda pa ‘to eh.

Napalunok siya nang mabasa ang nakaukit na pangalan sa bakal.

ZARAGOZA MANSION.

Napakunot-noo siya. Mansion nga. Ang yaman naman pala ng estudyante niya, wala naman pala siyang dapat ipag-alala.

“Dito ba talaga siya nakatira?” hindi makapaniwalang bulong niya. “Pero hindi naman Zaragoza si Elaine, eh.”

Bago pa siya makapag-isip nang maayos ay biglang kumidlat. At sinundan pa ng malakas na kulog. Napasinghap siya sa gulat habang napaatras. Kasabay niyon ang mas malakas pang pagbuhos ng ulan.

“Jusko! ‘Wag mo naman akong pahirapan, Lord. Nagtatrabaho lang naman ako nang maayos, eh.”

Napatingin siya sa cellphone niya ngunit halos wala nang signal. Wala ring mabook na sasakyan kasi nga walang signal. Ang tanong ay paano siya uuwi nito? Maliban sa ang lakas ng ulan ay mukhang aabutan na talaga siya ng dilim. At isa lang ang ibig sabihin ng mga nangyayari sa kaniya ngayon.

Na-stranded na siya.

Kinakabahan siyang lumapit sa intercom ng gate bago marahang nagsalita.

“H-Hello po? Pasensya na po, magtatanong lang sana ako. Dito po ba nakatira si Elaine Madrigal?”

Ilang segundo ang lumipas. Pagkatapos ay unti-unting bumukas ang malaking gate. Mas lalo siyang napakurap. 

Talaga naman oh! Ang yaman nga naman, di-remote ang gate! Hindi niya mapagilang bulong sa sarili.

Mula sa loob ay may ilang lalaking naka-itim na suit na mabilis lumapit sa kaniya.

“Good evening, ma’am,” magalang ngunit seryosong sabi ng isa. “Please come inside.”

“H-Ha? Hindi po, okay lang po ako rito—”

“Sir is already waiting.”

Tuluyan siyang natigilan.

Sir?

Kahit hindi niya alam kung anong ibig sabihin ng lalaki ay pumasok na rin siya. Hindi na niya kaya ang lamig at ulan sa labas. Si Elaine lang naman ang pakay niya at baka ang Sir na tinutukoy nito ay ang Ama ni Elaine. Mas mabuti na rin iyon para makausap niya ang parents ng bata.

Sa hindi niya malamang dahilan ay lalong bumilis ang tibok ng puso niya habang naglalakad sa napakahabang driveway. Sa magkabilang gilid ay may mamahaling sasakyan, fountains, at ilaw na tila pang-luxury hotel.

Hindi niya maiwasang mailang. Pakiramdam niya ay hindi siya nababagay sa lugar na iyon. Pagkapasok niya sa loob ng mansion ay lalo siyang natulala.

Napakalawak ng sala. May malaking crystal chandelier sa gitna ng kisame habang ang marble floor ay halos kumikinang sa linis. Amoy mamahaling pabango at kahoy ang buong paligid. At sobrang tahimik ng paligid na para bang bawal gumawa ng ingay sa loob.

“Sir is upstairs,” sabi ng isa sa mga kasambahay.

“S-Sandali lang po, dito po ba nakati—”

“This way, ma’am.”

Hindi na siya nakatanggi. Baka rin naman kasi alam na talaga ng pamilya ni Elaine na parating siya. Baka tinawagan na ng school ang pamilya ng bata na parating siya, pero…

Imposibble, aniya sa sarili. Wala naman kasi siyang sinabihan na magho-home visit siya.

Kahit ang daming tanong sa utak niya ay dahan-dahan siyang umakyat sa napakalaking hagdan habang mahigpit na hawak ang strap ng bag niya. Habang papalapit siya sa second floor ay mas lalo siyang kinakabahan. Hindi niya maintindihan kung bakit.

May kakaiba sa lugar. At mas kakaiba ang pakiramdam niya.

At bago pa siya makakuha ng lakas ng loob para magtanong ay huminto ang maid sa harap ng malaking pintuan.

“Sir is waiting inside.”

Bago pa makapagsalita si Lorraine ay bumukas na agad ang pinto. At doon siya tuluyang natigilan.

Isang matangkad na lalaki ang nakatayo malapit sa malaking glass window habang hawak ang baso ng alak. Nakatagilid ito ngunit agad siyang nilingon nang maramdaman ang presensya niya.

At sa isang iglap…

Parang nawala ang lahat ng ingay sa paligid.

Napasinghap na lang si Lorraine. Napakagwapo ba naman kasi ng kaharap niya. Matangos ang ilong, makapal ang kilay, matigas ang pangal at idagdag pa ang mga matamang malamig ngunit sobrang tindi ng dating.

Nakasuot ito ng puting polo na bahagyang nakabukas sa itaas habang nakaluwag ang necktie nito. Mukhang kagagaling lang sa trabaho. Ngunit kahit halatang pagod, nananatiling napakalakas ng aura nito. Parang bawat kilos nito ay puno ng kapangyarihan.

“Finally.”

Mababa at malamig ang boses nito. Napakurap si Lorraine.

“P-Po?”

Dahan-dahang lumapit ang lalaki habang hindi inaalis ang tingin sa kaniya. Lalong bumilis ang tibok ng puso niya. Hindi niya maintindihan kung bakit bigla siyang kinakabahan nang ganoon.

“You’re late.”

Napakunot-noo siya. Anong sinasabi ng lalaking to?

“Wait lang po, baka may mali yata—”

Hindi niya natapos ang sasabihin nang bigla nitong hinawakan ang pulsuhan niya. Napasinghap siya. Mainit ang kamay nito at sobrang lakas ng dating ng simpleng hawak na iyon. Sa isang iglap ay nahila siya papasok ng silid. Tuluyan nang sumara ang pinto sa likod nila.

“Sir—”

“Tyron.”

Mababa ang boses nito habang nakatitig sa kaniya. Parang may kung anong bumara sa lalamunan ni Lorraine. Alam mo yong titig pa lang ay pwede na pang-ulam! Pero pilit niyang tinatanggal sa isip iyon. 

Tyron Zaragoza.

Ang billionaire CEO na madalas niyang makita sa business magazines at online articles. Hindi siya makapaniwalang kaharap niya ito ngayon. At mas lalong hindi niya maintindihan kung bakit parang mali ang tingin nito sa kaniya.

Teka lang naman, aniya na naman sa sarili. Hindi naman siguro ito ang Daddy ni Elaine.

“Sir, magtatanong lang naman po sana—”

Naputol ang sasabihin niya nang marahang hinaplos ni Tyron ang basa niyang buhok.

Napapikit siya saglit. Naamoy niya agad ang mamahalin nitong perfume na may halong alak pero hindi masakit sa ilong. 

“You’re freezing,” mahina nitong sabi.

Unti-unting bumaba ang tingin ni Tyron sa labi niya. At doon lalo siyang kinabahan.

“Sir Tyron…” mahina niyang tawag.

Hindi niya alam kung bakit nanghihina ang tuhod niya sa bawat titig nito. Hindi rin niya maintindihan kung bakit hindi siya makagalaw nang maayos. Parang may kung anong humihila sa kaniya palapit dito.

“Relax,” bulong nito habang marahang hinahawakan ang baba niya. “You’re safe here.”

Napasinghap si Lorraine.

Dapat magsalita siya. Dapat ipaliwanag niyang may misunderstanding. Pero habang nakatitig siya sa gwapong mukha ni Tyron…

Habang naaamoy niya ang pabango nito…

Habang nararamdaman niya ang init ng katawan nitong sobrang lapit sa kaniya…

Unti-unting gumulo ang isip niya. Sa labas ay patuloy ang malakas na ulan. Ngunit mas malakas ang gulong nararamdaman niya sa loob ng kwartong iyon.

“You’re ready? I’m fuxking horny.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Trapped with Mr. Billionaire   Chapter 82: Sunflower

    Pagkababa nila ng sasakyan ay agad na sumalubong kay Lorraine ang malamig na hanging may halong amoy ng bagong timplang kape kaya biglang kumalam ang sikmura niya. Hindi nga pala siya nakainom ng kape kanina sa sobrang excited niya. Mas excited pa nga siyang tingnan kaysa kay Tyron.Eh pakialam ko ba kay Tyron? Mas valid kaya tong nararamdaman ko. First time kong mag business trip kahit hindi naman sana ako dapat kasali, satsat ng utak niya.Sabagay, may point naman siya. Napatawa na lang siya sa naisip niya.Napahinto siya sa paglalakad at pinagmasdan muna ang view sa coffee shop. Mabuti na yong mapansin niya lahat kasi baka ito ang first and last time niya sa coffee shop na to. Baka hindi na siya isama ni Tyron ulit kaya susulitin na niya.Sa malayo ay makikita ang manipis na hamog na tila nakayakap pa sa kabundukan. Ang mga sunflower na nakatanim sa gilid ng café ay marahang sumasabay sa ihip ng hangin, habang ang mga bougainvillea namang nakasabit sa kahoy na pergola ay nagbibigay

  • Trapped with Mr. Billionaire   Chapter 81: Coffee

    Unti-unting naiwan sa likuran nila ang matataong lansangan ng siyudad.Ang matatayog na gusali ay napalitan ng malalawak na taniman, habang ang magkakadikit na establisimyento ay unti-unting napalitan ng mga punong kahoy na sumasayaw sa bawat pagdampi ng malamig na hangin.Tahimik lamang si Lorraine habang pinagmamasdan ang tanawin sa labas ng bintana. Hindi niya namalayang nakasandal na pala ang kaniyang pisngi sa salaming malamig dahil sa air conditioner ng sasakyan.Pakiramdam niya tuloy isa siya sa bida ng teleserye, feel na feel niya ang bawat andar ng sasakyan. Kulang na lang talaga ay music na lang tapos pwede na siyang gawing pang cover ng isang music video. Ganon ang atake ni Lorraine today.Sa bawat kilometro ng kanilang nilalakbay ay tila unti-unting gumagaan ang kaniyang pakiramdam. Marahil dahil matagal na rin siyang hindi nakakalabas ng lungsod.Mula nang magsimula siyang magturo, halos paaralan at bahay lamang ang naging mundo niya. Paulit-ulit na lang ang eksena at nak

  • Trapped with Mr. Billionaire   Chapter 80: Extra Hours

    Madilim pa ang kalangitan nang magising si Lorraine.Dahan-dahan siyang napakurap, tila pilit pang hinahabol ng kaniyang katawan ang antok. Sa loob ng ilang segundo ay nanatili lamang siyang nakahiga, nakatitig sa puting kisame ng kaniyang silid habang pinakikinggan ang katahimikan ng buong mansion.Hindi pa sumisikat ang araw.Tanging ang mahinang huni ng mga ibon sa labas ng bintana at ang banayad na pag-indayog ng mga dahon dahil sa malamig na hanging madaling-araw ang maririnig.Unti-unti niyang naalala ang dahilan kung bakit siya maagang nagising.“Kaloka! Ngayon na nga pala ang business trip ni Tyron!” Bulalas niya.Business trip ni Tyron na kasama siya. Alam niyang kahit hindi siya nakatingin sa salamin ay namumula na ang pisngi niya. Sino ba naman kasing hindi kikiligin? Tatlong araw yon!“Meaning, tatlong araw ko rin siyang makakasama!”Tatlong araw silang magkasama sa isang lugar na malayo sa lungsod. Hindi niya namalayang kusa na pala siyang napapangiti.Mabilis siyang buma

  • Trapped with Mr. Billionaire   Chapter 79: "...I think I am."

    Hindi agad nakasagot si Lorraine. Parang hindi agad na digest ng utak niya ang mga sinabi ni Tyron. Ang daming gumugulo sa utak niya at dumagdag pa talaga ito. Para bang may nakadagan sa dibdib niya at pakiramdam niya ay tila may humigpit sa paligid ng kaniyang dibdib."You're not wearing the dress... the dress is lucky you're the one wearing it."Paulit-ulit na umalingawngaw ang mga salitang iyon sa kaniyang isipan. Hindi niya alam kung ilang segundo ang lumipas bago siya bumalik sa huwisyo, hindi na niya talaga alam. Hindi rin niya namalayang bahagya nang nanunubig ang kaniyang mga mata.Hindi dahil gusto niyang umiyak kundi dahil wala pang lalaking tumingin sa kaniya nang ganoon. Hindi pa siya kailanman nakaranas na may tumitig sa kaniya na para bang siya ang pinakamagandang babaeng nakita nito.Ang masaklap pa, ang lalaking nasa harapan niya ay hindi pa nga niya tunay na kasintahan.Dapat ba siyang matuwa o hindi? So, ano ba tong pinaparamdam nito sa kaniya? Trial card?"Lorraine

  • Trapped with Mr. Billionaire   Chapter 78: The Dress is Lucky

    Marahan niyang isinara ang pinto ng fitting room. Pakiramdam kasi ni Lorraine ay kailangan niyang dahan-dahanin lahat at baka makasira pa siya. Hindi niya kaya yatang bayaran kung sakaling makasira man siya ng gamit.Nang tuluyan iyong magsara ay saka lamang siya napabuntong-hininga. Binalot agad siya ng katahimikan at agad siyang niyakap ng malamig na aircon. Kung malamig doon sa silid kung saan maraming mga damit ay mas malamig pa yata dito sa mismong fitting room.Ang malalambot na ilaw na nakapaligid sa malawak na salamin ay nagbibigay ng mainit at eleganteng liwanag. Sa isang sulok ay may cream-colored velvet chair, habang sa kabilang bahagi naman ay may maliit na mesa na may nakapatong na vase ng fresh white roses.Marahang ipinatong ni Lorraine ang gown sa ibabaw ng ottoman. Hindi niya agad ito hinawakan. Sa halip ay ilang sandali muna niya itong pinagmasdan. Napakaganda kasi ng dress na para bang hindi niya deserve suutin.Sa malapitan ay mas lalo niyang napansin ang bawat det

  • Trapped with Mr. Billionaire   Chapter 77: Princess' Dressing Room

    Nanatiling nakatingin si Lorraine kay Tyron. Hindi niya alam kung gaano katagal siyang natigilan. Marahil ilang segundo lang iyon ngunit para sa kaniya ay tila huminto ang buong paligid. Hindi niya kasi alam kung anong sasabihin niya, nahihiya siya na nakikilig. Basta halohalo na ang lahat ng pwede niya maramdaman.Ang mga salitang binitiwan ni Isabelle ay paulit-ulit na umuukit sa isip niya."For the past three days, he's called me six times.""She doesn't like heavy gowns.""Make sure she's comfortable.""If she says she's uncomfortable, we're changing everything."Hindi niya alam kung bakit. Pero bigla niyang naalala ang unang beses na isinama siya ni Tyron sa isang business event. Kung paano siya paulit-ulit nitong tinatanong kung komportable ba siya. Kung gusto ba niyang umuwi. Kung napapagod na ba siya.Noon ay inakala niyang bahagi lamang iyon ng pagiging gentleman nito.Pero ngayon, parang may bagong kahulugan ang lahat.Hindi pala aksidente ang mga nangyari. Pinag-iisipan pal

  • Trapped with Mr. Billionaire   Chapter 34: Burger

    Pagdating ni Lorraine sa Zaragoza Mansion ay agad niyang naramdaman ang pagod na naipon sa buong araw. Hindi naman naging mahirap ang mga klase niya. Sa katunayan, naging masaya pa nga ang araw niya, may kunting pang-iinis nga lang galing doon sa mga co-workers at ibang estudyante niya.Pero nakakap

  • Trapped with Mr. Billionaire   Chapter 32: The Revelation

    Pagkatapos ng huli niyang klase para sa umagang iyon ay saka lamang nakahinga nang maluwag si Lorraine.Marahan niyang isinara ang attendance sheet na hawak at inilapag iyon sa ibabaw ng mesa. Mabuti na lang talaga at nakaya niyang harapin ang mala Boy Abunda na tanungan sa kaniya kanina. Nabawasan

  • Trapped with Mr. Billionaire   Chapter 29: Hapdi

    Isang marahang halik sa noo ang unang gumising kay Lorraine.Napakunot siya ng noo habang unti-unting bumabalik ang kaniyang kamalayan. Pakiramdam niya ay napakasarap ng tulog niya. Para bang matagal na panahon na rin s

  • Trapped with Mr. Billionaire   Chapter 27: Toy

    Tyron remained completely still. Natatakot siyang baka isang galaw lang niya ay magising niya ang cute na babae sa tabi niya.For the first time in a long while, he found himself in a situation he couldn't control. Pero ito yong hindi niya ma-control na gustong-gusto niya. Napangiti na lanag siya p

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status