เข้าสู่ระบบTahimik na nagsara ang pinto ng café matapos umalis ni Emelyn. Naiwan si Lorraine sa kaniyang kinauupuan. Hindi pa rin niya namamalayang hindi na niya nahawakan ang tasa ng kape mula nang umalis ang babae.Unti-unti na itong lumamig.Manipis na usok na lamang ang natitira kanina, at ngayo'y tuluyan na iyong naglaho.Nakatitig lang siya rito.Sa paligid niya ay nagpapatuloy ang normal na takbo ng hapon. May marahang kalansing ng mga kubyertos. May mahinang tawanan mula sa kabilang mesa. May baristang tumatawag ng order sa counter.Lahat ay normal lang ngunit parang malayo ang lahat ng tunog. Paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang huling sinabi ni Emelyn."Take care of him."Mahina siyang napabuntong-hininga.Bakit iyon ang huli niyang sinabi?Hindi ba ito galit? Hindi ba ito nasasaktan? Hindi ba nito gustong bawiin si Tyron? Kung ganoon bakit tila wala siyang naramdamang galit mula rito?Mas lalo lamang siyang nalito. Mas madali sanang unawain ang sitwasyon kung naging masama ang ug
Huminto si Lorraine sa mismong tapat ng school gate. Ilang metro lamang ang layo niya sa babaeng naghihintay sa tabi ng mamahaling puting sasakyan. May ilang estudyanteng napapalingon habang dumaraan. May ilan ding palihim na sumusulyap sa sasakyan, marahil ay dahil sa mamahaling tatak nito o sa elegante nitong may-ari.Ngunit wala sa mga iyon ang napapansin ni Lorraine. Nakatitig lamang siya sa babaeng nasa harapan niya, si Emelyn. Hindi niya alam kung anong gagawin niya.Hindi siya agad lumapit dito pero hindi rin siya tumalikod. Nakatayo lamang siya roon, tila hinihintay ang susunod na mangyayari.Bakit siya nandito? Hinahanap ba niya si Tyron? Saglit siyang huminga. O ako? Pero natural na ako ang hinahanap niya kasi wala naman dito si Tyron.Marahang inalis ni Emelyn ang suot nitong sunglasses. Lumambot ang ekspresyon ng mukha nito nang magtagpo ang kanilang mga mata."Miss Lorraine?"Napakurap siya at bahagya siyang tumango."Ako nga po. Hi!"Ngumiti si Emelyn pero tipid lang an
Tahimik ang loob ng sasakyan habang papalayo sila sa Zaragoza Mansion. Hindi iyon ang nakakailang na katahimikan. Ngunit hindi rin iyon katulad ng mga nakasanayan nilang biyahe nitong mga nakaraang araw. Hindi siya mapakali kahit na katabi lang sana niya si Tyron. Ang utak niya kasi ay parang naiwan lang sa mansion kasama doon sa babaeng nakausap ni Tyron kanina. Pero kahit ganon ay pinipilit niyang pakalmahin ang sarili lalo na at papasok siya sa trabaho, ayaw niyang magbitbit ng kung anong problema sa skwelahan at baka madamay pa niya ang mga bata.Sa labas ng bintana, unti-unti nang nagigising ang siyudad.Hindi pa ganoon kabigat ang traffic. Iilan pa lamang ang mga sasakyang bumabaybay sa malapad na kalsada. Ang manipis na sinag ng araw ay tumatama sa windshield, dahilan upang paminsan-minsang kumislap ang liwanag sa loob ng kotse.Mahina ang tugtog mula sa radyo. Isang lumang instrumental piece ang marahang pumupuno sa katahimikan. Tahimik na nakatanaw si Lorraine sa bintana. Ng
"I hope you don't mind..." Bahagyang lumawak ang ngiti ni Emelyn. "I'd like to borrow Tyron."Hindi magawang sumagot ni Lorraine. Anong sinasabi nitong gusto nitong hiramin si Tyron? Pinipilit na lang niyang huwag maitaas ang kilay niya at baka sabihing nagmamaldita siya. Parang sa isang iglap ay huminto ang buong paligid. Wala ni isa sa kanila ni Tyron ang nagsalita. Ni hindi rin naman niya alam kung anong isasagot niya. Kaya iniwas na lang niya ang tingin niya at baka kung ano pa ang masagot niya sa babaeng to. Wala talaga siyang pakialam kahit na mas maganda pa ito sa kaniya.Maliwanag ang umaga. Banayad ang sikat ng araw na tumatama sa malalawak na damuhan ng Zaragoza Mansion. May ilang maya na dumadapo sa mga palumpong, saka muling lumilipad habang naghahabulan sa himpapawid. Mas mas gusto na lang niyang maging ibon sa mga oras na ‘to para makalipad siya papalayo sa dalawang ‘to.Sa kabilang dulo ng hardin, abala ang hardinero sa pagdidilig ng mga rosas. Marahan ang tunog ng tub
Manipis na sinag ng araw ang dahan-dahang pumasok sa malalawak na bintana ng Zaragoza Mansion, pinapahiran ng ginintuang liwanag ang mahabang dining table na yari sa makintab na kahoy.Tahimik ang buong bahay.Maririnig lamang ang mahinang ugong ng central air-conditioning at ang halos hindi mapansing kalansing ng kubyertos na inihahanda ng mga kasambahay sa kusina.Kasabay niyon ang mabangong amoy ng bagong timplang kape na unti-unting kumalat sa buong dining area.Isa na namang ordinaryong Lunes. O iyon ang akala ni Lorraine.Maaga siyang bumaba mula sa ikalawang palapag.Maayos na ang kaniyang uniporme, isang simpleng cream blouse na nakatuck-in sa navy blue skirt, pares ng mababang heels, at ang buhok niyang nakapusod nang maayos.Pagpasok niya sa dining room, agad niyang nakita si Tyron. Nasa dati nitong puwesto. Nakatiklop ang manggas ng puting long sleeves hanggang siko.Sa isang kamay ay hawak nito ang tasa ng black coffee.Sa kabilang kamay naman ay ang tablet na tila may bin
Huminto ang sasakyan sa harap ng malawak na entrada ng Zaragoza Mansion.Kabababa pa lamang nina Tyron at Lorraine nang bumukas ang pangunahing pinto ng bahay."Welcome home po, Sir... Ma'am Lorraine."Magalang na yumuko si Manang Lynn bago lumapit upang salubungin sila. Napansin agad ni Lorraine ang kakaibang ekspresyon sa mukha ng matanda. Palagi niya itong nakikitang nakangiti, magaan ang kilos, at tila walang anumang alalahanin.Ngunit ngayon ay paulit-ulit nitong pinagdidikit ang mga kamay. Minsan ay sumusulyap kay Tyron. Minsan naman ay tila nagdadalawang-isip kung magsasalita ba o hindi.Huminto si Tyron sa harap nito. "Something wrong?"Bahagyang napalunok si Manang Lynn. "Sir..." Sandali itong nag-atubili. "May dumating po rito kahapon."Bahagyang kumunot ang noo ni Tyron."Who?"Huminga nang malalim ang matanda. "Si Ma'am Emelyn po."Hindi namalayang napatingin si Lorraine kay Tyron. Hindi niya alam kung ano ang inaasahan niyang makikita.Pagkabigla at pagkairita. O kahit ka
Nagising si Lorraine dahil sa sikat ng araw na tumatama sa makapal na kurtina ng silid na parang dumadapo rin iyon diretso sa mukha niya. Ayaw pa niya sanang bumangon dahil hinihila siya ng kaniyang ulo na sobrang sakit ngayon at mabigat pa. Maliban pa don, sobrang bigat din ng katawan niya.Pero k
“You’re ready? I’m f*cking horny.”Nanlaki agad ang mga mata ni Lorraine. Na para bang sanay na sanay ang lalaking kaharap niya sa ganoong usapan. Para bang nag-aalok lang ng popcorn sa gilid. Kinagat na lang niya ang pang-ibabang labi niya, hindi niya kasi alam kung anong gagawin at isasagot sa l
Tahimik ang buong sala pagkatapos ng matigas na pagtanggi ni Lorraine. Ni sa panaginip niya ay hindi niya inaasahan na may makikipag-deal sa kaniya ng ganito. Alam naman niyang maganda talaga siya at hindi maikakaila iyon, pero ayaw naman niyang magkaroon ng first boyfriend sa ganitong paraan.Naka
Hindi maalis ni Lorraine ang panginginig ng mga kamay niya habang tahimik na nakaupo sa napakalawak na living room ng Zaragoza Mansion.Pakiramdam niya ay mali pa rin ang lahat ng nangyayari. Talaga namang mali. Walang tama sa ginawa niya mula pa kahapon.Mahigpit niyang yakap ang bag niya habang p







