Share

Chapter 20: Move In

Author: Senyorita
last update publish date: 2026-06-04 11:49:39

Habang pauwi sila ay hindi pa rin makapaniwala si Lorraine sa nangyari buong araw. Pakiramdam niya ay para siyang nakasakay sa roller coaster na pati inner child niya ay na-heal ni Tyron.

Mula sa biglaang pagdating ni Tyron sa school nila, hanggang sa masayang balita tungkol sa investment nito at hanggang sa date na hindi niya inaasahang magugustuhan niya.

At ang pinakanakakainis?

Hindi niya maikakaila sa sarili niya na nag-enjoy siya. Ayaw man niyang aminin sa sarili, nag-enjoy talaga siya. Tu
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Trapped with Mr. Billionaire   Chapter 78: The Dress is Lucky

    Marahan niyang isinara ang pinto ng fitting room. Pakiramdam kasi ni Lorraine ay kailangan niyang dahan-dahanin lahat at baka makasira pa siya. Hindi niya kaya yatang bayaran kung sakaling makasira man siya ng gamit.Nang tuluyan iyong magsara ay saka lamang siya napabuntong-hininga. Binalot agad siya ng katahimikan at agad siyang niyakap ng malamig na aircon. Kung malamig doon sa silid kung saan maraming mga damit ay mas malamig pa yata dito sa mismong fitting room.Ang malalambot na ilaw na nakapaligid sa malawak na salamin ay nagbibigay ng mainit at eleganteng liwanag. Sa isang sulok ay may cream-colored velvet chair, habang sa kabilang bahagi naman ay may maliit na mesa na may nakapatong na vase ng fresh white roses.Marahang ipinatong ni Lorraine ang gown sa ibabaw ng ottoman. Hindi niya agad ito hinawakan. Sa halip ay ilang sandali muna niya itong pinagmasdan. Napakaganda kasi ng dress na para bang hindi niya deserve suutin.Sa malapitan ay mas lalo niyang napansin ang bawat det

  • Trapped with Mr. Billionaire   Chapter 77: Princess' Dressing Room

    Nanatiling nakatingin si Lorraine kay Tyron. Hindi niya alam kung gaano katagal siyang natigilan. Marahil ilang segundo lang iyon ngunit para sa kaniya ay tila huminto ang buong paligid. Hindi niya kasi alam kung anong sasabihin niya, nahihiya siya na nakikilig. Basta halohalo na ang lahat ng pwede niya maramdaman.Ang mga salitang binitiwan ni Isabelle ay paulit-ulit na umuukit sa isip niya."For the past three days, he's called me six times.""She doesn't like heavy gowns.""Make sure she's comfortable.""If she says she's uncomfortable, we're changing everything."Hindi niya alam kung bakit. Pero bigla niyang naalala ang unang beses na isinama siya ni Tyron sa isang business event. Kung paano siya paulit-ulit nitong tinatanong kung komportable ba siya. Kung gusto ba niyang umuwi. Kung napapagod na ba siya.Noon ay inakala niyang bahagi lamang iyon ng pagiging gentleman nito.Pero ngayon, parang may bagong kahulugan ang lahat.Hindi pala aksidente ang mga nangyari. Pinag-iisipan pal

  • Trapped with Mr. Billionaire   Chapter 76: Kilig

    Marahan niyang inilapag ang kaniyang kamay sa palad ni Tyron. Agad siyang binalot ng pamilyar na init mula sa malalaki nitong kamay.Hindi iyon ang unang beses na hinawakan siya ng lalaki. Ngunit sa kung anong dahilan, pakiramdam niya ay iba na ang bawat pagdampi nito ngayon. Parang may kiliti na hindi niya rin maintindihan.Pilit niyang ibaling sa iba ang atensiyon niya pero mas malakas yata ang kilig na nararamdaman niya.Maingat siyang inalalayan nitong makababa ng sasakyan. Pagkasayad ng puting sneakers niya sa sementadong driveway ay bahagya siyang napahinto.Ang malamig na simoy ng hangin ay marahang humaplos sa kaniyang mukha, dahilan upang bahagyang gumalaw ang ilang hibla ng kaniyang buhok.Instinctively, she tucked them behind her ear.Napatingala siya. At doon lamang niya tuluyang nasilayan ang boutique na tinutukoy ni Tyron.Napatulala siya sa nakita niya at hindi niya namalayang bahagya na palang nakabuka ang bibig niya.Napakalaki ng building. Ang harapan nito ay puro sa

  • Trapped with Mr. Billionaire   Chapter 75: Lucky Enough

    Hindi na halos makapagsalita si Lorraine na para bang pati dila yata niya ay iniwan siya. Nanatili lang siyang nakatayo sa paanan ng hagdan habang pilit na pinapakalma ang sarili niyang dibdib.Hindi niya alam kung alin ang mas nakakabaliw. Ang paraan ng pagtitig ni Tyron o ang paraan ng pagsasalita nito."I think it's already too late for that."Paulit-ulit na umalingawngaw ang mga salitang iyon sa kaniyang isipan. Hindi niya alam kung biro lang ba iyon o sadyang ganoon lang talaga magsalita ang lalaki. Ngunit kung biro man iyon pakiramdam niya ay siya lang ang hindi marunong tumawa dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin bumabagal ang tibok ng puso niya.Tyron, on the other hand, looked completely composed. As though he hadn't just said something capable of making her lose her mind. He slipped both hands into the pockets of his trousers before tilting his head slightly."Ready?"Napakurap siya. "H-ha?"Ngumiti na naman ito na parang gusto nitong natutulala pa siya."Shopping."Parang

  • Trapped with Mr. Billionaire   Chapter 74: Too Late

    Hindi pa rin lubusang nawawala ang init sa kaniyang mga pisngi kahit nakabalik na siya sa sariling silid. Para bang good to be true lahat ng nangyayari sa kaniya. Daig pa niya yata si Cinderella sa love story eh. Pwede na siyang magpagawa ng story sa Disney, panigurado pa siyang paldo.Marahan niyang isinara ang pinto saka isinandal ang likod niya doon saka siya dahan-dahang napapikit at napabuntong-hininga."Ano ba naman kasi, Lorraine..." mahina niyang bulong sa sarili.Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lamang ang epekto sa kaniya ng simpleng mga salita ni Tyron. Hindi naman ito nagsabi ng "mahal kita." Hindi rin ito umamin ng kahit ano. Pero bakit ganon kasi ang nararamdaman niya?Bakit sa bawat tingin nito… Sa bawat pagngiti nito… Sa bawat simpleng pag-aalaga nito sa kaniya ay parang unti-unti nitong binubura ang linyang matagal na niyang pilit iginuguhit sa pagitan nilang dalawa.Ang linyang nagpapaalala sa kaniya na hindi sila totoong magkasintahan. Ang laki ng wall n

  • Trapped with Mr. Billionaire   Chapter 73: It's a Surprise

    Hindi pa rin maalis ang ngiti sa mga labi ni Lorraine kahit ilang minuto na ang lumipas matapos niyang tanggapin ang alok ni Tyron. Pakiramdam niya ay may mga paru-parong walang tigil na lumilipad sa loob ng kaniyang tiyan. Hindi lang yata paru-paro kundi baka dinosaur na.Isipin pa lang niya na tatlong araw sila magkakasama ay hindi na siya mapakali.Tatlong araw yon! Tatlong araw silang magkakasama. Hindi lang sa loob ng mansion at hindi rin sa isang simpleng date kundi sa isang lugar na malayo sa lungsod.Hindi niya alam kung bakit ganoon na lamang ang bilis ng tibok ng kaniyang puso sa simpleng ideyang iyon. Eh basta ang alam niya, new experience na naman yon na makakasama niya si Tyron.Marahil dahil sa unang pagkakataon, pakiramdam niya ay hindi na lamang ito dahil may agreement sila. Pakiramdam niya kasi talagang gusto siyang makasama ni Tyron.Napansin marahil ng lalaki ang pananahimik niya.A faint smile appeared on his lips."What are you thinking about?"Napakurap siya at m

  • Trapped with Mr. Billionaire   Chapter 41: Scream

    Tahimik ang buong mansion nang makarating sila.Halos alas-onse na ng gabi kaya pati ang lamig ay niyayakap na siya. Napabuntonghininga na lang siya habang hinahaplos niya ang kaniyang braso. Mabuti na lang talaga at na

  • Trapped with Mr. Billionaire   Chapter 40: I Like It

    Tahimik ang loob ng sasakyan habang tinatahak nila ang mga kalsada pauwi sa mansion.Sa labas ng tinted window ay sunod-sunod na dumaraan ang mga ilaw ng siyudad. Madilim na talaga sa labas at hindi rin alam ni Lorraine

  • Trapped with Mr. Billionaire   Chapter 59: Beautiful in anything

    Hindi alam ni Lorraine kung bakit siya natatawa habang hinihila siya ni Tyron papunta sa pinakamalapit na clothing store sa loob ng amusement park. Siguro dahil sa sobrang excited nitong bumili sila ng pantalon o siguro naman dahil sa ekspresyon nito.Para kasi itong batang nakahanap ng bagong laru

  • Trapped with Mr. Billionaire   Chapter 58: Rides

    Wala siyang idea kung saan siya dadalhin ni Tyron. Wala rin naman kasi itong binanggit na lugar na gusto nitong puntahan nila. Hindi katulad sa mga past dates nila na sinasabi nito kung saan sila pupunta. Pero ngayon ay hindi man lang siya binigyan nito ng hint.Habang tumatakbo ang sasakyan sa kah

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status