Home / Romance / Unchosen : EL, LEGAL WIFE / Chapter 3 - Candle Light

Share

Chapter 3 - Candle Light

Author: Ms_inkerbell
last update publish date: 2026-06-29 21:58:16

"Sige, magpahinga ka nang mabuti.”

"Sige, salamat."

Bagamat napakabilis na ibinaba ni Sven ang tawag ay narinig pa rin ni Elara ang boses ni Nadine. Malinaw niyang narinig mula sa bibig ang sinabi, "Candle light dinner."

Mapakla siyang napangiti. Second wedding anniversary nilang mag-asawa, ngunit ang asawa niya ay may ka-candlelight dinner na ibang babae!

Bumalik na nga talaga si Nadine.

Bagamat ayaw niyang paniwalaan, iyon ang katotohanan. At ang katotohanang ito ang agad na nag-alis sa kanyang karapatan.

Hindi lang ngayon, kun ‘di maging sa dalawang taon na ang nakararaan—kumpara kay Nadine, talagang talong-talo na siya.

Hindi na niya aasahan na siya ang pipiliin ni Sven. Paano? Dahil lang ba buntis siya?

Sa sandaling ito, nagpasalamat si Elara na hindi niya ito sinabi, dahil kung hindi, baka mas lalo lang niyang ipinahiya ang sarili. Ibinuhos na lamang ni Elara ang lahat sa pag-iyak ang kanyang sama ng loob.

Matapos nito, kumalma na rin siya. Buo na ang pasya ni Sven, kaya kailangan na lamang niyang tanggapin ang masakit na katotohanan.

Pagkatapos maligo, nahiga na siya sa kama. Matagal siyang paiba-iba ng puwesto sa kama at bago pa man siya tuluyang makatulog, bigla siyang nakatanggap ng tawag mula kay Matt, “Elara, lasing na lasing si Sven at nagwawala. Puwede bang pumunta ka rito at iuwi mo ‘tong asawa mo?”

Nagtaka siya kung bakit ito nagpakalango sa alak. ‘Di ba't kasama nito si Nadine? Bakit kasama na naman nitong umiinom si Matt?

"Ah–Matt, hindi ako puwede ngayon. Maaari bang ipahatid mo na lang siya pabalik?" dinig ni Elara ang buntong-hininga nito sa kabilang linya at bigla na lamang naputol ang tawag. Nang sinubukan niya itong tawagan, nakapatay na ang cellphone nito. Habang tinitiis ang kaniyang nararamdamang sama ng katawan, bumangon si Elara, nagpalit ng damit at nagpahatid sa kaniyang driver sa club na madalas pinupuntahan ni Sven.

Pagdating niya roon, tahimik ang paligid sa loob.

Lasing na lasing si Sven na natutulog sa sofa, naka-krus ang mahabang mga binti, maayos ang kurbata at kasing guwapo pa rin ng dati ang kaniyang hitsura. May mga tao talaga sa mundong ito na perpekto. Kahit pa lasing na lasing ay kaya pa rin nilang mapanatili ang pagiging disente, tulad na lang ni Sven.

Nang lumapit si Elara, bigla ay nakaramdam siya ng pagsusuka siyang naging alibadbad at nasuka nang masamyo ang matapang na amoy ng alak.

Nang sa wakas ay makontrol niya ito, tumingin siya kay Matt. "Bakit lasing na lasing siya nang ganyan? Di ba't kasama niya si Nadine kanina?"

"So, alam mo pala?" Tumingin sa kaniya si Matt, na hindi itinatago ang kaniyang pang-uuyam "Gusto ng asawa mong magpalipas ng gabi kasama ang ibang babae at hinayaan mo lang siya?"

Ikinuyom ni Elara ang kaniyang mga kamay, huminga nang malalim at dahan-dahan ding binitiwan ang pagkakahawak at

lalmado siyang sumagot, "Nagkasundo na kaming mag-divorce. Bukod sa katibayan ng divorce, halos malaya na siya. Wala na akong karapatang pakialaman pa siya!”

"Ha? Napatawa nang malamig si Matt habang nakatingin sa kaniya "Napakaluwag naman ng puso mo.

"Elara, may konsensya ka ba? Paano mo kinakaya ang pagtratong ito sa iyo ni Sven? Minadali kang ikasal sa kanya at ngayon na gusto niya ng divorce, hindi mo man lang siya pinigilan?" May galit sa boses ni Matt.

Nagulat si Elara habang nakatingin sa kaniya "Naaalala ko noong nagpakasal ako sa kaniya, tutol na tutol ka. Ngayong maghihiwalay na kami, hindi ba 't dapat ikaw ang pinakamasaya? Bakit parang mas galit ka pa kaysa sa akin?"

"Nagbago na ang panahon. Hindi kita gusto noon, pero dahil kasal na kayo, dapat mo itong pahalagahan, hindi 'yung tinatrato mo ang kasal na parang laro lang. Bukod pa roon…” Huminto si Matt sandali, saka makahulugang nagpatuloy, "Mas bagay ka sa kaniya kaysa kay Nadine.”

Tinawag ni Elara ang driver at magkatulong nilang inakay si Sven pasakay ng kotse.

Hindi inaasahang nakasalubong nila si Mr. Samuel pagkababa pa lang ng kotse.

"Pa, bakit po kayo nandito?"

Humarap si Mr. Samuel na may talim sa mata kay Sven "May asawa na siya, pero wala pa ring disiplina sa sarili, nagpapakalasing nang ganyan. Sobra na siya!”

Agad na ngumiti si Elara at sinabi, "Pa, hindi po kasalanan ni Sven. Ngayon po ang anibersaryo ng kasal namin. Nagkatipon-tipon ang ilang mga kaibigan at lahat sila ay nag-alok ng tagay para sa akin. Naawa po sa akin si Sven, kaya, siya na ang uminom ng para sa akin."

Nang marinig ito, lumambot nang kaunti ang ekspresyon ni Mr. Samuel. "Mabuti naman kung ganoon."

Saka nito iniabot ang regalo kay Elara "Ito ang regalo sa anibersaryo ng kasal ninyo mula sa lolo mo at sa akin. May naging aberya lang kaya nahuli kami. Sana ay magustuhan mo at nawa 'y magkaroon kayo ng mahaba at masayang pagsasama."

"Salamat po, Pa. Pakisabi rin po kay Lolo, salamat po. Nagustuhan ko po ito nang husto. At salamat din po sa pag-alaala,” Taimtim na nagpapasalamat si Elara at talagang naantig ang kaniyang puso.

"Hindi mo ba bubuksan para tingnan?" tanong ni Mr. Samuel.

"Nagugustuhan ko po ang anumang ibigay ninyo sa akin,” magalang at nakangiting sabi ni Elara.

"Napakasimple mo talagang bata, mabait at malambot ang puso kaya napakamamalin mo." Binalingan niya ng tingin si Sven. "Kung aawayin ka niya, huwag kang mag-atubiling magsumbong sa akin at sa lolo mo kahit kailan, kakampihan ka namin."

"Salamat po, Papa, tandaan ko po 'yan.”

Matapos niyang mai-akyat si Sven sa kuwarto at maihanda ang paliguan nito, lumabas siya ng banyo. Ngunit nadatnan niyang nakatulog na ito sa sahig.

Napangiti si Elara, hindi

pala palaging elegante at perpekto si Sven. May mga pagkakataon ding nawawala siya sa ayos.

Lumuhod siya at marahang tinapik ito. “Sven, bumangon ka. Maligo ka na muna." Niyugyog nito ang balikat ni Sven ngunit hindi ito magising."Bumangon ka na. Kapag hindi ka bumangon, hindi na kita aasikasuhin,”

walang sagot. Napabuntong-hininga siya.

Isa-isa niyang hinubad ang damit nito. Pagkatapos ay inalalayan niya itong maligo.

Paborito niya ang amoy ng kanilang shower gel na may matamis na amoy at pinaghalong gatas. Siya mismo ang pumili noon. Ngunit habang pinaliliguan niya si Sven, ilang beses siyang nasamid at nagsuka.

Sa wakas, matapos ang lahat, naihiga niya ito sa kama. Akala niya ay makakapagpahinga na rin siya. Ngunit biglang umikot si Sven at niyakap ang kanyang baywang.

"Don't go… Tumabi ka sa akin."

Mainit na damdamin ang bumalot sa puso ni Elara.

Mabilis na tumibok ang kanyang puso. Parang bumalik ang pakiramdam noong una niya itong nakilala. Parang may mga paru-parong lumilipad sa kanyang dibdib. Karaniwan, napakakalmado at elegante ni Sven. Hindi pa niya ito nakitang ganito kalambing. Lumambot ang kanyang puso at hindi niya nagawang itulak ito palayo.

Tutal–huling gabi na rin naman ito. Pagkatapos ng diborsyo bukas, hindi na sila muling mahihiga sa iisang kama. Hayaan na niya ito na ang magiging huling alaala.

"Sige,” mahinang tugon niya.

Humiga siya sa tabi nito at tinakpan niya ang kanilang katawan ng kumot.

Bago siya makatulog, marahan niyang hinaplos ang mukha nito.

Ang mga kilay, ilong at ang mga labi ni Sven pagkatapos ay hinawakan niya ang kamay nito.

Magkahawak ang kanilang mga daliri. Mahigpit,

mga bagay na ginagawa lamang niya kapag mahimbing itong natutulog. Kinabukasan ng umaga, nagising si Elara sa pag-vibrate ng cellphone.

Inaantok pa siya nang sagutin niya iyon. "Hello?"

May nagulat na boses mula sa kabilang linya.

"Ikaw... Si Nanxi ‘di ba?"

boses iyon ni Nadine. Biglang nagising si Elara at

mabilis siyang napaupo sa kama. Tiningnan niya ang cellphone att doon niya napagtanto na maling cellphone ang kanyang nasagot.

Cellphone ‘yon ni Sven. Agad niya itong iniabot dito. "Si Nadine, tumatawag sa 'yo.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Unchosen : EL, LEGAL WIFE   Chapter 8 - Grand child

    Napangisi ng nakakaloko si Serra nang may pangungutya. Anong pagkukunwari iyan.Sayang lang dahil sa harapan niya, isa lamang itong payaso.“Si Elara ang asawa ni Sven at miyembro ng pamilya. Ano ang karapatan mong ikumpara ang sarili mo sa kanya?” Tila sampal iyon sa mukha ni Nadine. "Natural lang na gastusin niya ang pera ni Sven. Hindi lang pera ng asawa niya, kun 'di maging ang buong yaman ng pamilya Peligrino ay maaari niyang gastusin kung gugustuhin niya." Pakiramdam ni Nadine ay sobrang liit niya. Gano'n ang ipinaparamdam sa kanya ng ina ni Sven mula noon–hanggang ngayon! "At tungkol naman sa regalo, kahit isang dahon lang ang ibigay niya kay Lolo, ituturing iyon nitong kayamanan. Pero kahit gintong dahon pa ang ibigay mo, hindi ka niya pahahalagahan. Pinapahiya mo lang ang sarili mo!" Bubuka pa lamang sana ang bibig ni Nadine nang hawakan ni Sven ang kanyang pulso at binigyan ng makahulugang tingin si Elara. Labis ang sakit na nararamdaman ni Elara sa sandaling iyon. Tila

  • Unchosen : EL, LEGAL WIFE   Chapter 7 - Worth

    Mariing pinisil ni Elara ang kanyang mga labi at nanatiling tahimik."Nadine, ikaw ang magsalita,” may diin ma sani ni Sven. Agad namang nagmukhang kawawa si Nadine, umarteng siya ang dehado. "Sven, huwag mong sisihin si Elara Sisihin mo na lang ako. Wala akong silbi. Gusto ko lang sanang tumayo, pero napagtanto kong hindi ko talaga kaya," naiiyak na sabi pa nito. “Talaga ba?” Tumingin si Sven kay Elara na nanatili pa ring tahimik. Pagkatapos ay bumaling si Sven kay Nadine..“Hindi pa magaling ang mga binti mo. Maayos kang nakaupo kanina, bakit bigla mong gustong tumayo?”Kaagad na nagpanggap na naiiyak si Fang Qinglian.“Pasensya ka na, Sven. Dahil kasi… Dahil sobrang sa emosyonal ko. Sinabi kasi ni Elara na hindi niya babanggitin kay Lolo ang tungkol sa diborsyo. Mas gugustuhin pa raw niyang mamatay kaysa hiwalayan ka.”“Huwag mo akong siraan! Kailan ko sinabi iyon?” galit na tutol agad ni Elara na bakas ang galit sa kanyang mga mata. Ngayon lang naging ganoon katapang at direkt

  • Unchosen : EL, LEGAL WIFE   Chapter 6 - Lies

    “Ano' ng sinabi mo?” Hindi makapaniwala si Elara. Nanginig ang buong katawan niya nang hindi mapigilan at bigla siyang nilamig.Parang may malamig na hangin na gumapang mula sa kanyang gulugod papunta sa bawat bahagi ng kanyang katawan, dahilan upang manginig siya nang tuluyan.Maraming taon na ang nakalipas, tinanong siya ng kanyang lolo.“Apo, kung gusto ni Sven na makasama ka at pakasalan ka, papayag ka ba?” tanong ng abuelo habang nag-uusap silang dalawa noon. “Lolo, kusa ba niyang gagawin iyon?” tanong ni Elara. Noon pa man ay alam na niyang mahal ni Sven si Nadine, kaya iyon ang una niyang itinanong.Sinabi niya sa sarili na kung pinipilit lamang ito ng kanyang lolo, hinding-hindi siya papayag. Ayaw niyang itali si Sven sa isang kasal na hindi nito gusto.Ayaw niyang makuha ang lalaki sa ganoong paraan.“Baliw na bata. Napakatigas ng ulo ni Sven. Kung ayaw niya, sa tingin mo ba mapipilit ko siya?” ani pa ng abuelo niya.Dahil sa hindi na mapigilan ni Elara ang dila at kating

  • Unchosen : EL, LEGAL WIFE   Chapter 5 - Protect by him

    “Elara–”Hindi pa natatapos si Sven sa pagsasalita nang biglang magpreno ang driver at sa sandaling iyon ay tumilapon si Elara diretso sa mga bisig ni Sven at panandaliang lumabo ang kanyang paningin.Buti na lamang at agad siya nitong sinalo at pinrotektahan ang kanyang ulo gamit ang kamay. Kung hindi, malamang na nabagok siya nang malakas.“Pasensya na po, Sir” paulit-ulit na paghingi ng tawad ng driver.“Mag-ingat ka sa pagmamaneho,” malamig na sabi ni Sven bago muling bumaling kay Elara.“Sino ang nagsabing gamitin mo ang tonong iyan?”“Asawa, ikaw naman ang nagsabing magmakaawa ako sa ’yo,” matamis at malambing na sagot ni Elara. Sa dami ng taon nilang magkasama, halos ngayon lang siya nagpakita ng pagiging malambing kay Sven.Noon, lagi siyang nag-aalala na baka hindi nito magustuhan, o isipin nitong maarte siya, kaya lagi niyang pinipigilan ang sarili.Ngunit ngayon, dahil alam niyang magdidiborsyo na rin sila, naging mas matapang siya.Tutal, kahit hindi nito magustuhan, huli

  • Unchosen : EL, LEGAL WIFE   Chapter 4 - Tone

    Kinuha ni Sven ang telepono, itinapon ang kumot sa tabi at agad na nagtungo sa bintana.Ilang minuto silang nag-usap. Hindi marinig ni Elara ang sinasabi niya ngunit napansin niyang salit-salitang kumukunot at lumuluwag ang kanyang noo.Pagkababa ng tawag, lumapit si Sven.May paghingi ng paumanhin sa mga mata ni Elara habang tumitingin sa kanya."Nasagot ko ang maling tawag. Hindi kaya nagkamali ng akala si Nadine?""Naipaliwanag ko na."Huminto siya sandali bago tumingin kay Elara. “Mag-asawa tayo. Normal lang na matulog tayo sa iisang kama at magising sa iisang kama.""Hmm." Tumango si Elara.Nang tatayo na sana siya, biglang lumapit si Sven at sinuri ang kanyang mukha."Anong nangyari sa mukha mo?"Agad na tumakbo si Elara sa salamin. Tulad nga ng inaasahan niya, puno ng mapupulang pantal ang kanyang mukha, binti, braso, at halos buong katawan. Alam niyang sanhi iyon ng allergy mula sa mga itlog na kinain niya kahapon."Allergic reaction lang. Nakainom na ako ng gamot, mawawala ri

  • Unchosen : EL, LEGAL WIFE   Chapter 3 - Candle Light

    "Sige, magpahinga ka nang mabuti.”"Sige, salamat."Bagamat napakabilis na ibinaba ni Sven ang tawag ay narinig pa rin ni Elara ang boses ni Nadine. Malinaw niyang narinig mula sa bibig ang sinabi, "Candle light dinner."Mapakla siyang napangiti. Second wedding anniversary nilang mag-asawa, ngunit ang asawa niya ay may ka-candlelight dinner na ibang babae! Bumalik na nga talaga si Nadine. Bagamat ayaw niyang paniwalaan, iyon ang katotohanan. At ang katotohanang ito ang agad na nag-alis sa kanyang karapatan. Hindi lang ngayon, kun ‘di maging sa dalawang taon na ang nakararaan—kumpara kay Nadine, talagang talong-talo na siya.Hindi na niya aasahan na siya ang pipiliin ni Sven. Paano? Dahil lang ba buntis siya?Sa sandaling ito, nagpasalamat si Elara na hindi niya ito sinabi, dahil kung hindi, baka mas lalo lang niyang ipinahiya ang sarili. Ibinuhos na lamang ni Elara ang lahat sa pag-iyak ang kanyang sama ng loob.Matapos nito, kumalma na rin siya. Buo na ang pasya ni Sven, kaya ka

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status