Share

Kabanata 8

Author: Shinzanzou
last update publish date: 2026-06-26 22:04:47

Halos lahat ng staff ko noon at mga kaibigan ko ay alam na hindi ako plastik na tao. Kapag ayaw ko sa tao, hindi talaga ako makikipagplastikan. Kung may karapatan lang ako tulad noon ay kanina pa akong nag walk out sigurado. Pero wala akong karapatan. Wala akong choice. So I had to stay at humarap sa dalawang ito na parang sila ang ikakasal.

And oh! If you think na nagseselos ako, no! Hindi ako nagseselos. I was just humiliated, naapakan 'yong ego ko. And that was all.

"Hatid ka na namin," suhestiyon ni Spike pagkatapos naming mapag usapan ang lahat ng pwedeng pag usapan tungkol sa kasal.

"You sure? Mapapalayo lang kayo, e."

"It's okay, Ril."

"Ayos lang ba talaga? Pasensya na, nasa trabaho pa kasi si Zac kaya hindi niya ako masusundo. Ayos lang ba sa 'yo, Serra?" sabay lingon niya sa akin na ikinagulat ko pa. Akala ko kasi hindi na kailangan ng permiso ko.

And she's married... Forbidden romance ba ang meron sila?

"It's okay, Merila," pilit akong ngumiti.

"Ayon! Thank you!" she giggled.

"Let's go," ani Spike at nauna nang lumabas.

"BABY, TAMARAAAAA!"

Nagsisisigaw si Merila habang tumatakbo palapit sa sports car ni Spike. Nagawa niya pa itong yakapin na parang may buhay. Akala ko ba ayaw ni Spike sa maingay? Pero bakit may bestfriend siyang mas maingay pa sa akin?

"Na-miss kitaaaa!" ani Merila at nauna pang sumakay dito.

Humalakhak si Spike na tila ba aliw na aliw sa kaibigan niya. Napanganga ako at mangha siyang tiningnan. Pansin kong panay ang tawa at halakhak niya this time. Hindi tulad no'ng ako lang ang kasama niya. So ito pala ang nagagawa ng isang Merila kay Spike Guillermo.

Sinundan ko ng tingin si Spike nang sumakay din siya sa driver's seat. Nanatili ako sa kinatatayuan ko. So paano ako sasakay? E sports car nga itong dala niya. I mean, saan ako sasakay if that Tamara has two seats only?

Napangiti ako.

"Oh my gosh! Sorry, Serra. Hindi ko alam na si Tamara 'yong dala nitong si Spike," sabay baba ni Merila mula sa sasakyan.

Agad ko siyang pinigilan. "Oh no, no, no, no, no! It's okay, Merila. I can wait for Spike here," sabay ngiti ko pa para isipin niyang ayos lang talaga.

And it's true. Ayos lang talagang ihatid siya ni Spike. Dahil sa likod ng pagpayag ko ay ang planong pagtakas. Kahit na parang delikado at wala akong sapat na plano. Pero hayaan na.

"Are you sure?" tanong ni Merila habang sumasakay pabalik ng sasakyan.

Malawak ang ngiti sa labi akong tumango. Sinilip ko si Spike sa loob at nakitang titig na titig siya sa akin. Walang ekspresyon ang kanyang mukha kaya hindi ko mabasa kung anong iniisip niya. Sinikap kong ngitian siya upang ibigay ang assurance ko na ayos lang ako dito. And that I can wait for him to come back.

As-if!

Pero hindi ko yata siya nabigyan ng tamang assurance dahil bumaba siya ng sasakyan at umikot upang makalapit sa akin.

Hinawakan niya ako sa braso. Bahagya akong napaatras nang ilapit niya ang mukha niya sa akin. Akala ko ay hahalikan niya ako, goodbye kiss kumbaga pero may ibubulong pala.

"Anong plano mo?"

"Ha? A-anong plano? H-hihintayin kita dito na makabalik."

He clenched his jaw. Ilang sandali niya akong tinitigan bago siya huminga ng malalim. "I can't be rude to Merila. Kailangan ko siyang ihatid and make sure she's safe. Hintayin mo ako dito, babalikan kita."

Tumango ako. Nagtagal ng ilang minuto ang naninimbang niyang mga mata sa akin bago siya tuluyang sumakay sa sasakyan. Merila bid her goodbyes to me. Hinatid ko sila ng tingin hanggang sa lumiko sila at mawala sila ng tuluyan sa paningin ko.

Isang mahabang buntonghininga ang pinakawalan ko. Hindi ko alam pero ang bigat ng pakiramdam ko. Maybe because, hindi ako sanay na pinipili akong iwan? Sa Las Vegas kasi, nag aagawan ang mga lalaki ko sa paghatid sa akin. Hindi lang siguro ako makapaniwala na dito sa Pilipinas, magiging ganito ang trato sa akin.

"Huwag kang mag self pity, Serra! Hindi na kailangan dahil makakabalik ka na ng Las Vegas," pagkausap ko sa sarili ko.

Iginala ko ang paningin ko, naghahanap ng pwedeng masakyan pauwi ng mansion namin. I need to get my phone or my laptop. Nandoon 'yong contacts ko sa mga kaibigan ko sa Las Vegas. I can also call Miller for help. Sigurado akong tutulungan niya ako.

Marami ang dumadaang taxi kaya naisipan kong sumakay. Kaya lang ay wala akong pamasahe. Hindi rin ako sigurado kung sino ang naroroon sa mansion na pwede kong pagkunan ng pera para sa pamasahe ko.

Sigurado akong nandoon ang cards ko, pero hindi ako sigurado kung may laman pa. Napapikit ako't napatingala sa asul na asul na kalangitan. Para akong binagsakan ng langit at lupa. Bigla ay gusto ko na lang maiyak. Dati, hindi ko ito naiintindihan. Dati, akala ko madali lang humanap ng pera. Pero ngayong nandito ako sa ganitong sitwasyon ay napagtanto kong sobrang hirap pala. Iyong tipong walang-wala ka at nasa gitna ka ng kawalan ng mahihingan ng tulong.

May humintong itim na sasakyan sa harapan ko kaya napaatras ako. Bumaba ang bintana at sinilip ako ng driver mula sa loob. Nagtaas ako ng isang kilay nang nakitang mukhang mas matanda lang ng ilang taon sa akin at gwapo ang isang 'to. Hindi man kasinggwapo ni Spike pero papasa pa rin sa standards ko.

Oh no! Bakit ko ba sila ipinagkukumpara?

"Miss Serra?"

"Kilala mo ako?"

Para akong nabuhayan ng loob. Omg! Baka isa siya sa mga tauhan ni daddy noon. Is he going to rescue me?

Ngumiti siya at bumaba ng sasakyan. Umikot siya't pinagbuksan ako ng pintuan sa backseat.

"How did you know me? Kaibigan ka ba ng daddy ko? Nagtatrabaho ka ba sa kanya noon?" Unti-unti nang sumisilay ang ngiti sa labi ko habang ipinapaulan ang mga tanong na 'yon.

Mahina siyang tumawa. "Hindi po. Sakay ka na po. Baka po matagalan pa ang pagbabalik ni Boss Spike dito kaya inutusan niya akong kunin at ihatid ka sa bahay niyo."

Bumagsak ang mga balikat ko. Ang kaninang ngiti ko ay unti-unting nawala kasabay ng pag asang unti-unting naglaho. Akala ko savior ko na, iyon pala kalaban.

Mabigat ang mga hakbang ko pasakay sa likod ng sasakyan. Akala ko kasi makakatakas na ako, iyon pala may ipapadala siyang tauhan para sunduin ako. Mautak din ang isang 'yon ah!

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Uncontrollable Desire   Kabanata 20

    Nilingon ko siya at nakita kong titig na titig siya sa katawan ko. Napangisi agad ako. Sa nakikita ko ngayong mukha niya, sigurado na ako kung sinong panalo sa larong ito."Pwede mo namang hindi ipahalata." Inirapan ko siya at tuluyan kong hinubad ang gown ko. Hindi ito iyong bridal gown ko, ito 'yong isinuot ko after ng kasal at bago kami bumaba for reception. Pumasok ako sa banyo at nagtagal ako roon. Matagal naman talaga ako sa loob ng banyo pero mas matagal lang ako ngayon. Nagbabad pa ako sa tub at naglaro pa ng bula.Iniangat ko ang kamay kong may suot na mamahaling singsing. Pinakatitigan ko 'yon. I can't believe this is happening. Totoong kasal na ako! May dalawang bagay lang naman akong hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala. First, daddy died on an accident and the second one is, I am finally married."What's taking you so long, Serra?"Napalingon ako sa labas ng pintuan ng banyo nang naring ang malambing na boses ni Spike. Umawang ang labi ko dulot ng pagkamangha.

  • Uncontrollable Desire   Kabanata 19

    Spike and I immediately excused ourselves from them. Hinawakan niya ako sa braso at hinila palabas ng hall kung saan ang reception ng kasal.Tuloy tuloy niya akong hinila papasok sa elevator. Gusto ko sanang magsalita pero hindi ko alam kung anong kataga ang una kong bibigkasin. Tahimik siya pero bakas sa kanyang mga mata ang galit sa kung anong dahilan.Pagkapasok sa hotel room naming dalawa ay agad niyang binuksan ang cellphone niya't may tinawagan."Herrex . . ." Kita ko ang pagtaas baba ng dibdib niya nang bigkasin ang pangalang 'yon. Napatitig ako sa kanya. Nakayuko siya't ang mga mata ay nakatutok sa sahig."My wife was kidnapped the other night. May kinalaman ka doon?""She told me, dude. Huwag kang gago! At anong kagaguhan ang pinagsasasabi mo kay tanda ha?!""Umayos ka, Herrex! Mind your own monkey business because the next time na may mangyari pang masama sa asawa ko at involve ka . . . I'll make your girl involved too. Saan nga siya ulit nag aaral?""Fuck you too!"Napataas

  • Uncontrollable Desire   Kabanata 18

    I never expected this. Because right from the very beginning . . . I never wanted this. Kaya hindi ko alam kung paano ang gagawin. Nangangapa ako and I don't know how to keep myself composed.We chose the church wedding. Spike was actually the one who chose it. Sa akin ay ayos naman kahit anong klaseng kasal pa because everything is fake. So it doesn't matter how it should be done.Pero . . .Habang nakatitig sa malaki at nakasaradong pintuan ng simbahan at parang pinipiga sa sakit ang dibdib ko ay na-realize kong, dapat pala pinili ko 'yong mas madali. I should've told him that I want the fastest and easiest way to get married. I shoul've chose the civil kind of wedding.Para sana hindi ganito ang nararamdaman ko. Para sana hindi ko nararamdaman kung gaano kalungkot ang buhay ko. Ipinangalandakan lang naman sa akin na mag isa na lamang ako sa mundong ito.Panay ang tulo ng aking luha at hindi ko 'yon magawa-gawang punasan. Ni hindi ko magawang igalaw ang mga paa ko upang simulan ang

  • Uncontrollable Desire   Kabanata 17

    "Tell me, Serra . . . What the fuck did they do to you?" puno ng pagtitimpi ang boses niya. Halatang gustong gusto na niyang sumabog pero pinipigilan niya.Pinagsikapan kong huminto sa pag iyak, pero mas lalo lang nanikip ang dibdib ko. Tuloy ay mas lalo pa akong napahagulgol."Dammit!" he cursed.Naging maluwag ang pagkakahawak niya sa mga balikat ko. Iginiya niya ako papalapit sa kanya at niyakap. Napahawak ako ng mahigpit sa laylayan ng itim na tshirt niyang suot.He stayed silent the whole time I was crying. Hinayaan niya akong umiyak. At hinintay na matapos. Hindi ko alam kung paanong nakatulong ang pag iyak ko sa dibdib niya. Pero talagang gumaan ang pakiramdam ko dahil doon."Sinisingil nila ako sa utang ng daddy ko sa kanila. Hindi ko alam kung anong meron sa akin at bakit lahat kayo, katawan ko ang gusto."Hindi siya nakasagot. Nag angat ako ng tingin sa kanya at sinalubong ko ang mga mata niyang wala na namang emosyon. Is he always like this? Sobrang hirap basahin."Oo at ku

  • Uncontrollable Desire   Kabanata 16

    Napatitig ako sa kanya. Hindi ko maintindihan. Naguguluhan ako. He's offering me something."I-itatakas mo ba ako?" tila wala sa sarili kong sabi."Just tell me," aniya at binuhay na ang makina.Buong byahe ay tahimik kaming pareho. Hindi ko alam kung anong naglalaro sa utak niya. Pero sa akin ay walang ibang laman kung 'di iyong tungkol sa offer niyang itakas ako mula kay Spike. Hindi niya alam kung saan ako nakatira. And I don't want to tell him Spike's address too kaya nagpababa na lang ako sa daang malapit lang din naman sa bahay ni Spike. Hindi ko rin alam kung bakit ayaw kong makita ni Spike na inihatid niya ako. Pasado alas onse na ng gabi at sigurado akong nasa bahay na siya. Ibinaba ko ang jacket na hinubad ko sa passenger seat bago ako bumaba ng sasakyan ni Welvorn.Kahit na malamig at madilim sa labas ay hindi ko iyon inalintana. Nagpatuloy ako sa paglalakad pauwi sa bahay ni Spike habang yakap-yakap ko ang sarili ko."WHERE HAVE YOU BEEN?!"Agad akong nagbaba ng tingin sa

  • Uncontrollable Desire   Kabanata 15

    Pinasadahan niya ng tingin ang buo kong katawan habang naroroon pa rin ang ngising aso sa kanyang labi. Suot ko'y manipis na puting dress na agad dumikit sa katawan ko dulot ng pagkakabasa. Iyon marahil ang dahilan kaya nauulol itong lalaking ito ngayon.Naupo siya sa aking harapan. Sinubukan ko pa ring umatras kahit pa wala na akong maaatrasan dahil sa mga trosong nasa aking likuran. Inilabas niya ang dila niya't dahan-dahang binasa ang kanyang mga labi. Naging malalim ang bawat paghinga ko dahil sa kamanyakang nakikita ko."A-anong k-kailangan niyo sa akin?""Pera . . . Sana," sabay ngisi na naman niya. "Pero kung ganito naman kaganda ang magiging katabi ko gabi-gabi, ayos lang kahit hindi mo na bayaran ang utang ng tatay mo sa akin.""Pasensya na. Hindi ako pumapatol sa asong ulol!" buong tapang kong sabi. Pilit na nagtatapang-tapangan kahit na sa loob loob ko'y labis-labis na ang takot na nararamdaman ko.Humalakhak siya na siyang agad na sinabayan ng mga kasama niya. Ngunit agad

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status