Share

Kabanata 7

Author: Shinzanzou
last update Petsa ng paglalathala: 2026-06-26 22:04:25

"No offense meant ha? Naitanong ko lang kasi, hindi ba parang mahirap 'yong maraming anak tapos hindi naman kalakihan 'yong sinasahod ng asawa mo. But— I'm sorry. Kalimutan mo na lang na naitanong ko. Pasensya na."

Yumuko siya. Makailang ulit ko pa siyang tiningnan bago ako nagpasyang umalis tumayo at magtungo sa kusina upang uminom ng tubig.

Eksakto ring natunugan namin ang pagdating ng sasakyan ni Spike.

"Are you done?"

"Yes po, Sir Spike. Nai-email ko na po sa inyo 'yong gown na napili ni Ma'am Serra. Pwede na po ba akong umalis?"

"Yes. Thank you, Rynette."

Yumuko si Rynette kay Spike, ganun din sa akin. Sinundan ko siya ng tingin habang papalabas siya ng bahay. Yakap-yakap niya ang tote bag niya, tinatakpan ang tiyan niya, pinoprotektahan ang bata sa loob. I think I offended her.

"Magbibihis lang ako," pagpapaalam ni Spike.

Tumango lang ako. Nanatili ang mga titig ko sa pintuang nilabasan ni Rynette at saka ako napabuga ng hangin.

Bakit ko ba kasi nagawang sabihin 'yon? Of course, mahal niya 'yong anak niya. Hindi niya basta-bastang ipapamigay 'yon. Naisip ko lang naman na what if mag ampon na lang kami? Para hindi na kailangang sirain ni Spike ang katawan ko bilang kabayaran sa utang namin sa kanya.

"What's your dream wedding?" tanong ni Spike sa kalagitnaan ng byahe namin papunta sa place kung saan namin ime-meet ang wedding coordinator.

"I don't have one. Niminsan hindi ko pinangarap ikasal. Ayaw kong matali sa kahit na sino. Gusto ko 'yong malaya ako sa kahit na anong gusto kong gawin."

Hindi siya sumagot. Hindi na rin ako nagsalita. Mula no'ng araw na kinuha niya ako hanggang ngayon ay paulit-ulit pa ring tumatakbo sa isipan ko kung anong pwede kong gawin para mapa-konsensya ko siya. Should I kneel and beg?

"But any wedding will do. Ang importante lang naman ay ang maikasal tayo 'di ba? Civil wedding is fine also," dagdag ko.

"Civil wedding can't be fine, Serra. My family won't let us get married in that kind of wedding."

"So you're saying na dapat grand wedding 'yong mangyayari?"

Hindi na naman siya sumagot. Feeling ko tuloy, mahal ang bawat laway niya.

"Ayos lang din naman if grand wedding. Kayo naman ang gagastos. Oo nga pala at pinirmahan ko na 'yong kontratang ibinigay mo kagabi. Pero bago ako pumirma ay may mga idinagdag ako."

Isang beses niya akong nilingon bago siya muling humarap sa kalsada. Sports car ang gamit niya ngayon dahil kaming dalawa lang naman. Sobrang yaman niya nga. Kita naman 'yon sa magagarang sasakyan na pagmamay-ari niya. Kung ako rin siguro sa posisyon niya ay talagang hahanap at hahanap din ako ng paraan para maipamana sa akin ang karangyaang ito at hindi masayang ang lahat ng pinaghirapan ko. Naiintindihan ko naman siya. Hindi ko lang talaga matanggap na ako ang gagamitin niya para makuha ang kayamanang 'yon.

"What is it."

"That if I ever get pregnant with your child. Pagkatapos na pagkatapos ko itong ipanganak ay tapos na rin ang utang ko sa 'yo. And you won't let me see the child. I don't wanna see it. I don't even want to remember it. Ayaw ko ring makilala niya ako . . . Be it its mom or your wife."

Umayos ako ng upo bago humarap sa bintana at itinuon doon ang lahat ng atensyon. Biglang bumigat ang dibdib ko. Ngayon pa lang kasi ay hindi ko na maiwasang masaktan. I know exactly how it feels. Alam na alam ko kung anong pakiramdam ng iniwan ng nanay. It's a childhood trauma. That is why dati pa lang nakatatak na sa isip ko na hinding-hindi ako mag aasawa. Hinding-hindi ako mag-aanak. Pero ngayon, hindi ko na alam kung ano pang plano ng tadhana sa akin. Lahat kasi ng plano ko, pumalpak.

Hindi nagsalita si Spike. Nanatili kaming tahimik hanggang sa makarating sa paroroonan.

"Spiiiiike!"

Pagkapasok na pagkapasok namin sa isang hall ay may agad na sumalubong sa amin at diretsong yumakap kay Spike na babae.

I stepped back. And that was my initial reaction.

"Merila!" maliliit na tawa ni Spike ang sunod kong narinig habang niyayakap niya pabalik ang babae.

Namataan ako ng babae at agad itong lumayo sa magiging asawa ko.

"Oops, sorry!"

Doon lang din ako nagawang lingunin ni Spike at tila ba sa mga oras lang din na 'yon niya ako naalala.

Wow! Just wow!

Nahuli ko pa ang ngiti ni Spike bago siya biglang sumeryoso at lumapit sa akin, iniyakap ang isang braso sa bewang ko, at iginiya ako palapit sa babaeng nagngangalang Merila.

"This is my fiance . . . Serra," pagpapakilala niya sa akin.

Malawak akong nginitian ni Merila bago siya naglahad ng kamay.

"I'm Merila, Spike's bestfriend and your wedding coordinator. Nice to finally meet you, Serra."

Tinanggap ko ang kamay niya at nginitian ko na rin pabalik. "Nice to meet you too."

Wow! So his girl bestfriend. Interesting!

"Kailan nga ulit 'yong kasal?"

Nag angat ako ng tingin kay Spike. Oo nga pala at hindi ko pa alam 'yong mga details ng kasal namin.

"By the end of this month," si Spike ang sumagot since siya naman ang nagplano nito.

Napataas ang dalawang kilay ni Merila sa naging tugon ni Spike.

"What? Bakit parang minadali? Are you pregnant?" sabay lingon nito sa akin.

Kapag ba minadali ang kasal, ibig sabihin no'n ay buntis ang babae? Hindi ba pwedeng mahal na mahal lang nila ang isa't-isa and they can't wait another year to get married kaya rush? Bakit lahat na lang sila itinatanong kung buntis ba ako?

"Yes. She is, Merila," si Spike na naman ang sumagot.

Namilog pati bibig ni Merila. The first reaction I saw in her face was dismayed. At agad niya 'yong pinalitan ng pagiging excited. Buti na lang at mabilis ang mga mata ko kaya ko nakita 'yon.

"Omg! Magiging daddy ka na! Congratulations to the both of you! Matutupad mo na 'yong pangarap mong makabuo ng isang basketball team, Spike!" sabay hagalpak niya ng tawa.

"Yeah! You should get pregnant too, so my boys can have their cheerleaders like how you used to cheered me back then," natatawa ring tugon ni Spike.

Ang kaninang pilit na ngiti sa aking labi ay unti-unti na talagang naglaho. Bakit parang may nakikita akong iba? Bakit parang may nakikita akong dalawang nagmamahalan sa aking harapan? Am I hallucinating? Or they really are in love with each other?

What the heck?! Kahit hindi ito totoong marraige, I still didn't want to be cheated on! 

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Uncontrollable Desire   Kabanata 13

    Wala akong ibang nagawa kung 'di ang galit na salubungin ang mga titig niya. I gritted my teeth. Mariing nakakuyom ang mga kamao ko. Walang pakialam kahit na bumabaon na ang mga kuko ko sa aking palad."9 months. Siyam na buwan lang naman ang titiisin mo."Siyam na buwan nga. Pero sa loob ng siyam na buwan na 'yon ay marami ang pwedeng mangyari. Hindi naman 'yon pwedeng itulog lang tapos paggising mo, siyam na buwan na.Hinawakan niya ang baba ko at itinaas ang aking mukha."Stop crying." Malumanay ang boses niya pero hindi nababakasan ng pag aalala.Nanatiling dilat ang aking mga mata nang muli niyang inangkin ang aking labi. Bagama't malumanay ang bawat galaw ng kanyang labi ay ramdam ko naman ang rahas niyon. Puno ng panggigigil ang bawat sipsip at kagat niya.Bumaba ang mahihigpit niyang mga hawak sa aking mga braso, inaangat ako kahit na sapat naman na ang pagkakayuko niya para magpang-abot ang mga labi naming dalawa. Ang isang kamay niya'y bumaba sa aking likod pababa sa aking b

  • Uncontrollable Desire   Kabanata 12

    "And this is Nikolai Delos Reyes," pagpapakilala sa akin ni Spike sa isang gwapong lalaki. My kind of guy."Hi, I'm Serra," sabay abot ko agad sa kamay ko na agad naman nitong hinawakan."My bride," singit ni Spike.Kailangan bang sabihin niya 'yon?Ngumiti lang si Nikolai sa akin. Unti-unti ring nawala ang ngiti sa labi ko nang bumitaw siya sa pagkakahawak namin ng kamay."He's your client, Serra."Agad akong napalingon kay Spike nang sabihin niya 'yon. Pinagtaasan ko siya ng kilay. At pinagtaasan niya rin ako. Hindi yata na-gets ang ibig kong sabihin. Akala yata niya nagtataray lang ako."What do you mean?" Kaya ayan! Isinaboses ko na lang."He's looking for an interior designer para sa bahay niya. He'll be your first project, Serra.""First project . . ." Nakatulala, hindi makapaniwalang anas ko.I can't believe this. Kahit si daddy hindi naniniwala sa kakayahan ko. Iyong mga gawa ko ay hindi pumapasa sa standard ni daddy. The reason why I was thrown outside the country and took a

  • Uncontrollable Desire   Kabanata 11

    "Serra, I missed you so much!"Isang mahigpit na yakap ang isinalubong sa akin ni Miles pagkapasok na pagkapasok namin ni Spike sa hotel room na paggaganapan ng farewell party ko raw.Marami ang nandito at hindi ko inaasahang pati nga mga boyfriends ko nandito. Jusko, Spike Guillermo!"Serra!" Lumapit si Miller at akma pa sanang yayakap sa akin pero nang napansin si Spike sa likuran ko ay ibinaba niya ang mga braso niya."Hi, Serra!" Lumapit din sa akin si Celestine— My favorite rival. Nakipagbeso siya sa akin na akala mo bestfriends kami.Hindi ko alam kung bakit pati itong malditang 'to ay dinala ni Spike dito."Congratulations for being engaged and on your baby," sabay tingin nito sa tiyan ko.Nahugot ko ang sarili kong hininga at naging pilit ang ngiti ko."Bakit ka nandito?" diretsahan kong tanong bago nilingon si Spike sa aking likuran. "Why did you invite her?"Pinagtaasan lamang ako ng kilay ni Spike. Parang tangang hindi alam kung anong pinupunto ko."Serra, congratulations,"

  • Uncontrollable Desire   Kabanata 10

    Kakaibang sarap ang nararamdaman ko nang ipasok niya ang kahabaan niya sa akin. Hindi pa nga ako nakaka-recover mula sa kaninang pagsabog ay pinapaligaya na naman niya ako ngayon gamit ang pagkalalaki niya. Nakatukod ang kamay ko sa malamig na tiles ng banyo habang binabayo niya ako mula sa aking likuran. "Fuck!" Mas lalo akong nag init sa ungol niyang 'yon. Lalo pa't nakayakap siya sa akin at rinig ko ang mga halinghing at bawat hininga niya sa aking tainga. "Ohhh, Spike!" "Serra . . ." "Ah! Ah! Fuck, ahh!" Halos wala ng ibang lumalabas sa aming mga bibig kung 'di ungol na lang. Pabilis nang pabilis ang bawat pagbayo niya sa akin. Padiin nang padiin na parang mabubulwak ako sa kinatatayuan. "Oh god!" aniya nang tuluyang kong naramdaman ang pagsabog niya. Ramdam ko pa ang bawat pintig ng kanyang pagkalalaki sa loob ko. Kinagat ko ang labi ko't nilingon ko siya. "Kaya mo pa ba?" may pilyong ngiti na naglalaro sa aking labi. "Yeah. There's so much energy left. I can still fuck

  • Uncontrollable Desire   Kabanata 9

    "Buntis si Rynette. What if we'll adopt her child?"Kunot noo akong nilingon ni Spike matapos kong sabihin ang suhestiyon ko. Kakakuha lang namin sa result ng test ko. And it turns out that it's negative. I am not pregnant. Kita ko ang pagkadismaya sa mukha ni Spike matapos makita ang result so I suggested it. Ngayon, galit naman sa kanyang mga mata ang nakikita ko."I want it from us. Ayaw ko ng galing sa ibang magulang. Malaking problema kapag nakita ni lola na hindi nagmana sa atin ang bata.""But we're already late, Spike. Dapat ay isang buwan na akong buntis ngayon. Hindi ba mas malaking problema kapag nalaman nilang hindi talaga ako buntis?"Hindi niya ako sinagot. Umiigting ang kanyang panga habang nakatitig sa harapan ng kanyang sasakyan."We'll keep trying."Nagtaas ako ng isang kilay. "Sex ulit?"Nilingon niya ako. "Ayaw mo? Pipilitin pa ba kita?"Of course, I like it. It's my addiction so nababalisa ako kapag walang ganun. Pero hindi ko sasabihin. Naalala ko tuloy 'yong una

  • Uncontrollable Desire   Kabanata 8

    Halos lahat ng staff ko noon at mga kaibigan ko ay alam na hindi ako plastik na tao. Kapag ayaw ko sa tao, hindi talaga ako makikipagplastikan. Kung may karapatan lang ako tulad noon ay kanina pa akong nag walk out sigurado. Pero wala akong karapatan. Wala akong choice. So I had to stay at humarap sa dalawang ito na parang sila ang ikakasal.And oh! If you think na nagseselos ako, no! Hindi ako nagseselos. I was just humiliated, naapakan 'yong ego ko. And that was all."Hatid ka na namin," suhestiyon ni Spike pagkatapos naming mapag usapan ang lahat ng pwedeng pag usapan tungkol sa kasal."You sure? Mapapalayo lang kayo, e.""It's okay, Ril.""Ayos lang ba talaga? Pasensya na, nasa trabaho pa kasi si Zac kaya hindi niya ako masusundo. Ayos lang ba sa 'yo, Serra?" sabay lingon niya sa akin na ikinagulat ko pa. Akala ko kasi hindi na kailangan ng permiso ko.And she's married... Forbidden romance ba ang meron sila?"It's okay, Merila," pilit akong ngumiti."Ayon! Thank you!" she giggled

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status